Mga ewan talaga 'tong mga hampaslupa!—hiyaw ng utak niya. Nagtagis ang bagang niya nang masdan ang dalawang tao sa harap; kina Venice at Benjamin aka Ben. Napakawalanghiya naman ng lalaking ito matapos nitong kuhanin ang pagkababae niya. Kahit pa isa ito sa mga nagligtas sa kanya, hindi niya makakalimutan ang ginawa nitong panloloko sa kanya. "Hindi kita niloko, Maria." Napamulagat siya dahil mukhang nabasa ng lalaki ang nilalaman ng utak niya. "Kung nakakamatay lang ang titig mo, malamang bumulagta na'ko rito sa kinauupuan ko," pasigaw nitong saad na sumabay pa sa ingay ng motorboat. "Kailangan nating mag-usap para matapos na 'to. Hindi ako masamang tao kung 'yan ang isinasaksak ng Jacob na 'yon sa utak mo." Papa'no nito nalaman kung sino si Jacob? Nahinatakutan siya dahil walang nakakaalam kung sino ang tumutulong sa kanya. "What do you mean?" mataray niyang tanong kasabay ng pag-irap. Kung pwede lang hilahin niya ang mahabang buhok ni Venice... kung pwede lang. Nangingipusp
Maria's POV "I promise you, Maria, kakalimutan ko ang lahat ng ginawa mo basta tapusin na natin 'to." Matiim na ang titig ng binata sa kanya nang gagapin nito ang kamay niya. "Ipinapangako ko, makakapag-aral ka pa rin sa school na pag-aari ko at tutulungan kita sa finances na kakailanganin mo basta 'wag ka nang pumayag sa mga plano ni Jacob." Binitawan nito ang kamay niya nang matameme siya. "There's something with that, Jacob, about why he's doing this. I'm still figuring it out, but I'm getting close to the truth." It seems too good to be true. Napakaganda ng offer nito. Hindi siya makapagsalita halos kaya mabilis na lang niyang dinampot ang tissue at pinahiran ang bibig. Paalis na sana siya nang pigilan siya ng lalaki. Hindi niya alam kung sa'n lulugar; gusto niyang makawala kay Jacob dahil minsan, nakukunsensya na siya sa kabila ng malaking galit niya kay Benjamin pero sa kabilang banda, nananaig din ang pagiging mabuting tao niya. Alam niyang may kasalanan siya kung ba't nawal
Iniyak niya na lang ang lahat ng sama ng loob matapos umalis ng grupo ni Jacob sa maliit niyang inuupahan. Ginugulo talaga nina Benjamin at Jacob ang isip niya kaya sa pag-iyak na lang niya binuhos ang lahat. Ilang oras din siyang nakasubsob sa basa nang unan hanggang tumigil siya nang makasigurong buo na ang desisyon niya. "Last na 'to dahil uuwi na'ko sa'min," nausal niya. Isang tawag. Ito lang ang hinihintay ni Jacob bukas kung ready na siyang humarap sa mga reporter. Ito na ang huli dahil makakalaya na siya sa kasunduan nila ni Jacob. Isa pang malalim na buntonghininga ang ginawa niya bago niya hinamig ang sarili. Pinakalma niya muna ang sarili bago dinampot ang cellphone. Nang mag-ring ito, may galak sa boses ng lalaki nang tanungin siya," Yes, Jacob, napaaga ang pagtawag ko. Handa na'ko bukas para sa isang interview, pababagsakin natin si Benjamin... at pagkatapos nito, malaya na'ko sa kasunduan natin, 'di ba?" Napahalakhak ang lalaki sa kabilang linya pero malungkot niya it
Maria's POV Gumaralgal ang boses niya nang magpaalam na sa lalaki, "J-Jacob... p-pasensiya ka na kung pinagdudahan k-kita." Napangiti lang si Jacob kasabay ng pag-iling nito, "Lahat tayo may mga trust issue, Maria. I trust no one, that's the reality. Goodluck sa'yo." Panghuling tulong na binigay ni Jacob sa kanya ang ihatid siya nito sa aiport at mula naman sa airport kapag nasa probinsya na siya, sasakay pa siya ng bus papunta sa bayan. Isang bangka naman ang maghahatid sa kanya papunta sa kanilang isla. Napuno ng kasiyahan ang puso niya nang tapikin siya ng lalaki kaya agad niya itong niyakap. Nang siya na lamang mag-isa, lumambong ang paningin niya habang binabagtas ang entrance area ng local aiport ng Manila. Nang lumingon siya sa likod niya, papaalis na rin ang sinasakyan ni Jacob kaya isang kaway pa ang ginawa niya bago tuluyang tumalikod. Napakapit siya nang mahigpit sa inuupuan nang pumaitaas na ang eroplano. Walang kaalam-alam ang kanyang pamilya sa biglaan niyang pag-uwi
"Nakarating lang ng Maynila, kala mo naman kung sinong magsalita," parinig ng isang babaeng may edad na. Napaismid naman ang isang kaedaran niya lang, "Ang y-yabang mo na, M-Maria, porket gumanda ka lang nang ganyan, kala mo kung sino ka na." "Naku, Maria," singit ng isa pang matanda. "Ikaw lang ang usap-usapan sa buong probinsya hanggang dito sa isla. Ni hindi ka nga pinanagutan ng lalaking nakakuha sa'yo." Kasunod nito ang pagpulasan ng mga tao nang hindi man lang siya binati sa achievements niya at mas may gana pang manlait ang mga ito sa kanya. Parang may tumarak na punyal sa kanyang dibdib nang isa-isang tumalikod ang mga ito sa kanya. Hangos namang tumakbo palapit sa kanya ang tatay niya nang makita siya. "Diyos k-ko, anak, ba't hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka pala ngayon?" Yakap na siya ng ama na sinundan nito ng paghawak ng mukha niya. "Napakaganda mo. I-ikaw lang ang nag-iisang diyosa ng tribo natin." Lalo lang siyang naiyak. Buti pa ang magulang niya, suportado s
"Nay Merla, si Moira ho?" excited niyang tanong. Sembreak ng second sem kaya siguradong nandito si Moira sa bayan. Ang babaeng iyon, bakit ni hindi man lang siya nito tine-text? Hindi rin ito matawagan."Sino ka?" Nagulat na tanong ng ina nito.Umikot siya sa harap ng babae at ubod sayang nagpa-cute pa rito. Slim na ang pangangatawan niya at maputi na rin siya. Nakalagay na sa baba ang dalawang kamay niya at panay ang pa-twinkle eyes niya rito. Naging alanganin tuloy ang ngiti nito nang taka siyang pagmasdan."Miss?" Malawak lang ang ngiti niya nang titigan ang babae, "Hmm...""Hoy, Moira! May naghahanap sa'yo. Sandali lang, ha?"Siguradong magugulat si Moira kapag nakita siya. Marami siyang ikukwento sa kaibigan at miss na niya ito. Tanging si Moira lang ang naging malapit sa kanya sa panahong minamata siya dahil sa katabaan at kapangitan niya."Those are just memories, bittersweet ones," napapangiting pagbabalik-tanaw niya. "Yes?" Lumaki ang pag-awang ng pintong kawayan nang buks
Benjamin's POV "What?" 'di makapaniwalang tiningnan niya ang papel na hawak. "Do you really think I did that to the tribe?" singhal niya sa police na kaharap. Isang complaint letter ang hawak niya mula sa isang probinsya. Isa lamang itong copy kahit pa hindi napapatunayang siya ang nasa likod nito. "I didn't do anything, officer." Muling saad niya. "You know, Maria and Jacob are evil and intend to ruin my life, which is why they are doing this to me. Can I do that if I'm so preoccupied with my business?" Ang isa pa, napanuod niya ang huling interview ng dalawa about sa kanya. Ang pag-urong ng mga ito sa kasong ihahabla sa kanya pero niruyakan naman ang reputasyon niya. Simula sa kasal nila ni Denise na hindi natuloy magpasahanggang ngayon, sentro pa rin siya ng usap-usapan sa mga tabloid at online platforms pati na sa telebisyon. Nililinis niya ang imahe pero mukhang hindi pa tapos ang Jacob na iyon sa pagpapabagsak sa kanya kaya siya itong naging prime suspect sa panununog ng kaba
Benjamin's POV It's strange, but he's relieved that Venice has finally accepted him as more than a friend. Nang hapon ding iyon, matapos itong maihatid sa tinutuluyan nito, hinintay niyang malagay ng dalaga sa maleta nito ang mga pinamili bago niya ito hinatid ng airport. "I promise we'll be together again soon; just wait for me in Mindanao." Mabilis niya itong hinalikan sa pisngi. "See you, Venice." "Sure, Ben, hihintayin kita." Lumungkot ang mukha nito nang yakapin siya kasabay ng pamamasa ng mata nito. "Anyway, magkikita rin naman tayo and we'll live happily ever after, maybe." Napangiti siya sa pagiging vocal ng babae. Hindi muna siya umalis sa kinatatayuan hangga't hindi ito nawawala sa paningin niya. Ngayong nakaalis na si Venice, kailangan niyang ayusin ang sigalot nila ni Maria at ng Jacob na iyon. Agad niyang tinawagan ang isang tao niya para i-meet ito dahil pinapabantayan niya si Jacob. May misyon din siyang gagawin sa isla ni Maria sa susunod na mga araw. Makalipas