Hindi niya mawawaan ang lahat ng napakinggan dahil kanina pa niya hinahanap si Moira pero hindi niya ito makita. Halos 30 minuto lang ang itinagal ng presscon ni Benjamin. Katabi ng asawa niya si Venice at ang mga guest, nasa loob na sila ng isang napakalaking bulwagan. Parang isang kasalan ang magaganap dahil sa design ng lugar; may mga bulaklak kada mesa at may isang stage na may kalayuan sa kanya kung nasaan ang lalaking kinamumuhian niya. Kailangang matigil na ang kataksilan nito. Kokomprontahin na niya ang asawa. "M-Moira, nasa'n ka?" anas niya nang ikutin ang paningin. May mga nagse-serve naman sa table niya pero bakit hindi niya makita ang babae? Malaking palatanungan pa kung pa'no ito nakapasok. Napatayo siya nang marinig ang masigabong palakpakan pero napatda siya—nang halikan ni Venice ang asawa sa harap ng maraming tao. Nagtayuan na ang ilan sa kanila at muling nagpalakpakan ang mga ito pero siya, nakuyom niya nang mariin ang mga kamao. Ang taksil niyang asawa, ngiting-n
Maria's POV"Sa'n ako pwedeng magtago?" Hawak na niya sa balikat si Moira na maluha-luha na. "Bilis, Moira." Napisil niya ang balikat nito at napatalon na naman ito sa sobrang pagkataranta. "M-Moira," anas niya. "Kalma lang, ok? Mabubuking tayo." Napasunod siya nang hilahin siya nito papasok sa malaking closet at bigla na lang itong sinara ng kaibigan. Pigil niya ang hininga nang tumahimik na lang bigla sa labas. "Where's Blake?" Dumagundong ang boses na iyon mula kay Benjamin nang tuluyan itong makapasok. "Ikaw, nakasalubong kita kanina, nakita mo ba kung sino ang may-ari nito and wait, bakit ka nandito?" Ipinakita nito ang sapatos kay Moira. "Kasi po, m-may inutos kanina si Sir Blake, p-paalis na n-nga rin po ako para kunin ang order niya then p-pagkatapos ko rito, i-ihahatid ko na po ang orders niyo." May nginig sa boses ni Moira nang sabihin ito. "Aalis na'ko, sir, h-ha? Hindi ko ho alam kung sino ang may-ari niyang s-sapatos." Puno ng pagtitimpi ang boses ng lalaki nang paali
Maria's POVBakit ganun?—hiyaw ng utak niya nang makita ang walang saplot na katawan ng mga ito. Magkayakap na ang dalawa habang mahimbing na natutulog at siya naman, nandito pa rin sa loob ng pinagtataguan niya. Hindi niya alam kung lalabas o hindi. Isang hingang malalim ang ginawa niya bago hinawakan ang dahon ng pinto ng cabinet pero bigla namang nag-vibrate ang cellphone niya. Mas pinili niyang basahin muna ito bago siya lumabas. Ang text ni Jacob sa kanya: Marie, tell me kung sa'n ka nagtatago ngayon. Nakapasok na ang ilang tauhan ko at inaayos nila ang problema. Papupuntahan kita sa kanila para maialis ka riyan. Mabilis niyang ni-reply ang lalaki habang nakasilip sa siwang. Tulog na tulog ang dalawa dahil mukhang napagod ang mga ito sa pinaggagawa. Buhay naman si Venice pero bakit kanina parang nalagutan na ito ng hininga? Ganun din ba ang mangyayari sa kanya kapag nagtagumpay siyang makuha ang asawa? Nakiusap siya kay Jacob na kung pwede palabasin si Venice para masolo niya
Benjamin's POV Hindi niya napigil ang sarili nang kuyumusin ng halik ang katipan. Hard drink ang nainum nila ni Venice kaya nahihilo siya at mabigat ang pakiramdam niya pero nakabigay ito ng epekto sa kanya sa muling pagdikit ng katawan nila. Sumasakit na rin ang ulo niya pero nadadala na naman siya ng kapusukan niya. "Hmp." Impit na napaungol ang babae nang maglakbay ang labi niya sa katawan nito. Bakit mukhang nanginginig ito sa pakiramdam niya? "Sweetheart, are you ok?" "Y-yes," mahinang saad nito na pumiyok pa. "Aah!" Napangiti siya sa reaction nito. Bakit mukhang nagpapa-demure si Venice nang hawakan niya ang dibdib nito? Kinapkap niya ang ilaw para makita ito. "Hold on, s-sweetheart; I'll turn on the lights. Ang hirap m-mangapa." Pero bago pa niya magawa iyon, hawak na ng katipan ang kamay niya. Bigla itong dumagan sa kanya na ikinaigik niya. Hinayaan lang niya ito nang kapain siya nito. Naramdaman niya ang paglakbay ng kamay nito, mula sa mukha niya hanggang paa niya. War
Maria's POV "This is bad, Marie." Napailing si Jacob habang nakatingin sa TV at agad itong pinatay nang muling bumaling sa kanya. "You're in the news, and they're looking for you. Cinderella?" Natawa ito nang titigan siya. Naluluha siyang napatingin sa lalaki. Katabi niya rin si Moira na kanina pa umiiyak dahil sa labis na takot nito. Una niyang napanood ang balita sa dorm nila kaya nang tawagan niya si Jacob, sumama agad ang kaibigan sa takot na pati ito'y madamay sa gulong pinasok nila. Ito ang dahilan kung ba't siya nakapasok sa kwartong iyon. Napahalakhak nang malakas si Jacob nang umupo ito sa harap niya kasunod ang pagpalakpak nito. Giliw na giliw ito sa kanya sa kabila ng labis na takot sa mukha niya, "Hindi ko lubos maisip na magagawa mo iyon kay Venice. Their wedding has already been postponed. And also you." Nakatingin na ito kay Moira, "Since natulungan ka niya, Marie, kailangan talagang isali siya rito. Don't worry, tutulungan ko ang kaibigan mo." Nakahinga siya nang m
Maria's POV Si Benjamin iyon, ang lalaking pinagtataguan niya pero sa nangyari ngayon, mukhang nag-iba ang ihip ng hangin. Ang galit niya para rito, napalitan ng paghanga. Napabuntong-hininga siya. Para siyang teenager na biglang kinilig nang maalala ang sweet moment nila kanina. Ang bango-bango nito at ang lakas pa. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" Nakangiting tanong ng clinic nurse, "Ok ka na, Miss. Normal naman ang vital signs mo. Masama pa ba ang pakiramdam mo?" Agad siyang napailing at napaupo mula sa pagkakahiga. "Ok na ok na ako." Inunat niya ang kamay at napangiti sa nurse. Mag-iisang oras na siya rito at pinagpahinga lang ng umasiste sa kanya. Bumaba na rin siya sa bed at sinuot agad ang sapatos. "Aalis na'ko, nurse. Kanina pa'ko rito, eh, tsaka gutom na'ko. Kailangan ko nang umalis. Salamat, ha? May klase pa'ko, eh, tsaka ok na ang pakiramdam ko." Hindi na niya hinintay na makasagot pa ang babae. Kumaripas agad siya ng takbo nang makalabas ng pinto. Unti-unti na namang b
Maria's POV "Are you insane?" Hindi makapaniwalang tanong muli ng lalaki sa kanya, "Papa'no ka magiging asawa ni Kuya? Oh my God, look at you." Napailing ito nang muling sipatin ang kabuuan niya. "Whether he is single or not, I really don't think he's into you. Why do you keep telling me that you are his wife when he is engaged to Venice?" Bat ganun, parang suyang-suya sa kanya si Blake nang ipagtapat niya ang katotohanan? Tumigil na rin sa pag-iyak si Moira nang muling sumigaw ang lalaki. Narinig na naman niya ang pangalan ni Venice kaya naiirita na siya sa bibig ni Blake. Pinahid niya ang luha dahil nasasaktan siya na ang lalaking ito ay kadugo ng asawa pero ramdam na ramdam niyang hindi siya tanggap nito. Pare-pareho lang ang mga ito. "Venice. Venice, Venice!" inis niyang panggagagad sa pagbanggit nito ng pangalan ng babaeng kinasusuklaman niya. "Hindi man kita maintindihan, Blake, marami ang makapagpapatunay na kinasal ako kay Benjamin. Sa isla kami kinasal kaya alam ng mga ka-
Maria's POV "What, Marie?" sigaw ni Jacob. Napabuntong-hininga siya sabay tango. Sinabi niya ang lahat kay Jacob para matulungan siya nito. Akala niya galit ito pero napahalakhak ito nang tapikin siya nang paulit-ulit sa braso. "Mukhang may tinatagong baho ang Blake na iyon. Magaling, Marie, may nakikita na'kong malaking alas para mailabas sa publiko ang baho ng pamilya niya." Hindi man niya gusto ang sinasabi nito, mas pabor siya kay Jacob. Mas ramdam niyang mas ligtas siya sa kamay nito kaysa magtiwala sa Blake na iyon. Si Jacob ang dahilan kung bakit umiiba na ang dati'y pinandidirihang mukha at pangangatawan niya. Anumang sandali, kakausapin na siya ng doctor niya. "Maria Bahaghari?" Napatigin siya sa nurse bago tumingin kay Jacob. Sasamahan siya nito sa loob para pag-usapan ang detalye ng operasyon niya. Medyo kinakabahan siya pero tiis-ganda ang gagawin niya para mas lalong mapabilis ang pagpayat niya. Inabot rin sila ng halos 40 minutes sa loob dahil sa sobrang mabusisi a
Benjamin's POV Inis niyang tiningnan ang babae. Kitang-kita na ang umbok ng tiyan nito pero nagpapakipot pa rin ito. Ano bang problema nito? "Ilang buwan na lang, manganganak ka na, Maria, pero look at you, nag-aaral ka pa rin. Hindi ba pwedeng pagkatapos mong manganak saka ka bumalik sa school?" Kahit nakakapagod ang magpabalik-balik sa probinsya every week, tiniis niya ito para lang suyuin ang babae. "Kaya ko ang sarili ko," inis nitong sagot. "Gusto kong makapagtapos kahit pa buntis ako. Hindi mo'ko mapipigilan sa pangarap ko." "Pag-aaralin kita ng bachelor's degree after mong manganak." Isang short course ang kinuha ng babae sa bayan na under ng TESDA pero hindi niya ito ikinatuwa. Mas gusto niyang mag-focus muna ito sa baby nila at sa sarili nito para masiguro ang kaligtasan ng mag-ina niya. Sa bayan ito pansamantalang nakatira dahil sa kalagayan nito kasama ang mga magulang nito. Isang malaking apartment ang nirentahan niya para sa mga ito. Mabilis niyang nilabas ang bungko
Benjamin's POV Magdadalawang buwan na ang lumipas nang makabalik siya ng Manila. Updated naman siya ng mga tao niya sa proyektong naiwan sa isla. Umangat ang mukha niya nang tingnan ang kaharap. "I'm listening, Venice." Napangiti nang kimi ang babae nang salubungin nito ang tingin niya, "Gusto ko lang mag-sorry, Ben, at magpasalamat kaya ako nandito—at magpapaalam na rin syempre." Naluluha ito nang muling magsalita. "Sorry kasi pinilit kitang balikan ako kahit na niloko kita. Salamat kasi—tinulungan mo pa rin akong makapagsimula rito sa Manila." Napatango siya. Nagpapasalamat siyang nagiging maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa. "Sigurado ka na ba?" Tumango si Venice, "Oo, sapat na siguro ang dalawang buwan para makapag-isip ako nang maayos. Haharapin ko si Saeed para magkaro'n ng katahimikan ang isip ko. Pasensiya na." Nakatayo na ang babae nang hawakan niya ang kamay nito," I wish you all the best in life, Venice." Nang tumalikod ang babae at tuluyan nang naglaho sa lo
Benjamin's POV "Wala ka bang balak umuwi?" Tanong niya nang lapitan siya ulit ng babae. "Give me some time, Venice. My priority is not our relationship right now." Hindi niya maintindihan kung bakit na lang siya biglang nanlamig dito. Inamin na kasi nito ang lahat; ang pagkakaroon nito ng relasyon kay Saeed pero balak na itong bitawan ng babae. All this time, pinaniwala siya nitong single ito pero hindi na 'yon mahalaga sa ngayon. "I made it clear, right, Venice? I just want to ensure that there is no confusion between us. Hanggang dito na lang muna tayo. We're done, iyon ang gusto ko." "Yes," napabuntong-hiningang saad nito pero nagtangka itong yakapin siya na agad niyang pinigilan. "Nagkamali ako, Ben, I'm sorry at sadyang naguguluhan lang nang una dahil nga sa issue namin ni Denise pero sigurado na'ko na ikaw ang pipiliin ko. Yong pagsampal ko sa'yo kahapon, nabigla lang talaga ako."Napatingin siya sa paligid. May ilang katutubo ang nag-uusap at ang tatay ni Maria, kanina pa
Maria's POV Ang saya niya nang matapos ang pagpapa-DNA nina Jacob at ng mama ni Ben. Resulta na lang ang hihintayin nila para malaman kung talagang mag-ina ang dalawang ito. "If you think we're done, Maria, think again," anas ni Jacob nang mapadaan ito sa gawi niya. "Tinakbuhan mo'ko. Tinraydor mo'ko nang bawiin mo ang kasong inihabla mo kay Benjamin." Kumabog ang dibdib niya sa sinabi ng lalaki at para na siyang maiiyak nang tingnan ito, "J-Jacob, ayoko na ng gulo. B-baka nga kapatid mo pa si Ben, eh." Napatiim-bagang ang kaharap nang sabihin ito, "I don't think so." Saad nito. "Not that guy, I hate him." "J-Jacob?" tawag ng mama ni Ben nang makalabas ito mula sa isang cubicle kasama naman ang tita ng lalaki. Agad itong naglakad palapit sa kanila. "The result will be delivered to us in two to three weeks." Huminto ito nang tuluyang makalapit, "I just wanted to say thank you for helping out tonight. Although I'm eager to find out, I know in my heart that I'm right." Sa isang osp
Maria's POV Hindi siya mapakali sa kinauupuan niya habang papasok na sa building ni Jacob ang sinasakyan nila. Sa tulong ng tiyahin nito, pumayag na humarap ang lalaki pero hindi pa nito alam na sila ang kakatagpuin nito. "Maria." Ginagap ng babae ang nanginginig niyang kamay nang tuluyang mag-park ang sinasakyan nila, ito ang tiyahin ni Jacob na nagpaanak sa mama ni Ben. "Relax, gusto ko nang itama ang lahat kaya nandito ako kahit pa nangako ako sa namatay kong kapatid na ibabaon ko sa hukay ang sekretong ito."Nakausap na siya ng mama ni Ben pati na ng babae ukol dito. Si Jacob ay anak ng mama ni Ben pero dahil nga sa pakikipagsabwatan ng daddy ni Jacob at ng babaeng ito, pinalabas na namatay ang bata para maitakas ang sanggol palayo sa ina nito. Dahil ang mama ni Ben ay kasal na kaya pinili nitong manatili sa asawa nang magtaksil ito. Handa namang tanggapin ng asawa nito ang anak sa labas ng babae pero iba ang plano ng kerido ng mga oras na iyon. Napuno ito ng galit dahil mas pi
Benjamin's POVParang bumabalik lang ang dating nangyari sa kanila nang nasa loob na sila ng kweba pero sa pagkakataong ito, pareho na nilang nakikita ang isa't isa sa tulong ng emergency light na nakabukas. Nakapikit siya habang hinahalikan ang babae na hindi kababakasan ng pagtutol."B-Ben," napasinghap na tawag nito.Bumaba ang halik niya sa leeg nito hanggang tinunton ng labi niya ang pinakakaasam niyang yaman nito. Doon siya nagtagal habang impit na tinatawag ng babae ang pangalan niya. Salit-salitan niyang hinahalikan ang mayamang dibdib ng babae habang nakasabunot naman ang dalawang kamay nito sa buhok niya. "N-nakikiliti ako," reklamo ng dalaga pero napaungol lang siya habang binabaybay naman ng labi niya ang tiyan nito. "D-Diyos ko, Ben." HIndi napigilang mapaigik ng dalaga nang maramdaman na nito sa singit ang paghalik niya.Nostalgia. Ito ang hinahanap ng puso't katawan niya na nangyari na noon pero muling naulit ngayon. Handang-handa na siya ngayong gabi at nakalimutan na
Benjamin's POV "What?" 'di makapaniwalang tanong ni Clyde nang sabihin niya ang napag-usapan nila ni Maria. "You're such an awful person to say that to her." Pareho lang naman sila ni Maria, nasa sitwasyon din siyang naguguluhan dahil kay Venice. Alam na rin ng mga kaibigan ang ukol dito kaya katakot-takot na advice ang binigay nila. "Stop fantasizing about Venice, hindi ka pa nadala." Walang kangiti-ngiting singit ni Clint sabay tapik sa balikat niya. "Kung type mo si Maria, do it properly at tawagan mo si Venice para makipaghiwalay na. Bro, remember, magkadugo sila ni Denise eventhough paulit-ulit mong sinasabi na iba siya, she's romantically involved with Saeed I think. Medyo natukso lang siya nang ma-meet ka ulit dahil gwapo ka. Red flag, dude." Hindi siya makapaniwala dahil kung tutuusin, mga babaero din ang mga kaibigan noon at walang pakialam ang mga ito kahit ilang babae pa ang dumaan sa kanya. For the first time, nagbigay ng advice ang mga mokong. "I'm afraid we don't ha
Benjamin's POV "Masakit lang malaman na magpapakasal siya sa'kin dahil napilitan lang," malungkot na saad ni Polding nang magkaharap na sila para pag-usapan si Maria. "Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko. Kung sa'n masaya si Maria, hahayaan ko siyang mamili." "Maria?" untag niya sa babae. "Pasensiya na, Polding," nahihiyang pag-amin ni Maria. "Totoo naman ang sinabi ni Benjamin na wala akong gusto sa'yo pero napakabuti mo kaya pumayag ako pero kanina—" Talagang hindi siya makasagot ng oo agad. "Ok lang 'yon, Maria," hinging-paumanhin nito. "Importante pa rin ang may maramdaman ka sa taong papakasalan mo. Pakisabi na lang sa magulang mo na umalis na'ko." Bilib siya sa lalaking 'to. Good sport ito matapos niyang manalo sa palaro kanina. Nakipagkamay pa ito na kanyang malugod na tinanggap. Nakaligo na rin sila at nakapagbihis pero ang amoy nila, hindi mawala-wala kaya naaasar pa rin siya sa tradisyong ito. "Thank you for understanding everything, Polding. I know you're an educate
Benjamin's POV "Kung gayon, Polding, dadaan kayo ni Ben sa kinagisnang tradisyon ng tribong ito, ang laban-bawi na palaro. Bilang isang pinuno—" Panimula ni Ka Letong na siyang tatayong watcher din ng kanilang laban. "Ganito ang patakaran sa larong ito: nilaban ni Polding ang pag-ibig niya kay Maria kaya papakasalan niya ang kahuli-hulihang babae na wala pang asawa. Siya ang tatayo sa "laban." Nakatingin na ang matanda kay Maria na walang kibo. "Pero dumating si Benjamin na pinipigilan ang kasalan kaya siya ang babawi sa dalaga. Siya ang tatayo sa "bawi." For them, that actually sounds pretty strange. He doesn't know what this tribe chief wanted them to do to put an end to this marriage. Kung tutuusin, hindi naman legal ang ginagawa ng matanda na pagkakasal kung hindi dumaan sa tamang proseso. "Dude, I think we made the right choice not to go on our mountain trek today. This sounds more fun to me." Bulong ni Clyde sa kanya na nakatayo na sa tabi niya. "Mukhang mapapalaban ka sa is