Maria's POV "Are you insane?" Hindi makapaniwalang tanong muli ng lalaki sa kanya, "Papa'no ka magiging asawa ni Kuya? Oh my God, look at you." Napailing ito nang muling sipatin ang kabuuan niya. "Whether he is single or not, I really don't think he's into you. Why do you keep telling me that you are his wife when he is engaged to Venice?" Bat ganun, parang suyang-suya sa kanya si Blake nang ipagtapat niya ang katotohanan? Tumigil na rin sa pag-iyak si Moira nang muling sumigaw ang lalaki. Narinig na naman niya ang pangalan ni Venice kaya naiirita na siya sa bibig ni Blake. Pinahid niya ang luha dahil nasasaktan siya na ang lalaking ito ay kadugo ng asawa pero ramdam na ramdam niyang hindi siya tanggap nito. Pare-pareho lang ang mga ito. "Venice. Venice, Venice!" inis niyang panggagagad sa pagbanggit nito ng pangalan ng babaeng kinasusuklaman niya. "Hindi man kita maintindihan, Blake, marami ang makapagpapatunay na kinasal ako kay Benjamin. Sa isla kami kinasal kaya alam ng mga ka-
Maria's POV "What, Marie?" sigaw ni Jacob. Napabuntong-hininga siya sabay tango. Sinabi niya ang lahat kay Jacob para matulungan siya nito. Akala niya galit ito pero napahalakhak ito nang tapikin siya nang paulit-ulit sa braso. "Mukhang may tinatagong baho ang Blake na iyon. Magaling, Marie, may nakikita na'kong malaking alas para mailabas sa publiko ang baho ng pamilya niya." Hindi man niya gusto ang sinasabi nito, mas pabor siya kay Jacob. Mas ramdam niyang mas ligtas siya sa kamay nito kaysa magtiwala sa Blake na iyon. Si Jacob ang dahilan kung bakit umiiba na ang dati'y pinandidirihang mukha at pangangatawan niya. Anumang sandali, kakausapin na siya ng doctor niya. "Maria Bahaghari?" Napatigin siya sa nurse bago tumingin kay Jacob. Sasamahan siya nito sa loob para pag-usapan ang detalye ng operasyon niya. Medyo kinakabahan siya pero tiis-ganda ang gagawin niya para mas lalong mapabilis ang pagpayat niya. Inabot rin sila ng halos 40 minutes sa loob dahil sa sobrang mabusisi a
Benjamin's POV Napatayo agad siya at iniwanan ang mga papeles sa harap niya nang maka-receive ng text mula kay Venice. "Record any calls from our clients or any inquiries pertaining to business, Mia; I'll be back later. Do not call me on my phone." Hindi na halos nakapagsalita ang secretary niya nang lagpasan niya ito sa sobrang pagmamadali niya. Nakapwesto ang work station nito sa labas ng private office niya kaya ito agad ang unang makikita niya. Malalaki ang hakbang niya nang taluntunin ang pasilyo papunta sa elevator para makarating sa baba. Mabuti na lang may privacy siya kapag ginagamit ang isang elevator na tanging exclusive lang sa kanilang magpamilya. He also plans to take his partner to a hair specialist to see if the damage can be repaired or minimized, as her hair is an important aspect of her identity and self-esteem. Napakamaselan ni Venice sa anyo nito at hindi ito makuntento sa anumang isusuot nito. Dapat classy ang dating nito sa lahat. He wants to ensure that jus
Maria's POV "Tabiii!" sigaw ng isang naka-itim na lalaki nang hawiin nito ang ilang estudyanteng naglalakad sa labas ng gate. "Marie!" Natigilan siya. Bigla siyang napatigil sa mabagal niyang paglalakad nang makita ang hangos na bodyguard ni Jacob. Tatlo ang nakita niyang papalapit sa kanya dahil sa itim na t-shirt ng mga ito. Bigla siyang hinawakan ng dalawa nang tuluyang makalapit ang mga ito sa kanya sabay hila nito sa kanya papunta sa parking area kung saan naghihintay ang isang sasakyan. "B-bakit?" takang tanong niya nang tuluyan nang makapasok sa loob ng sasakyan. "Urgent lang. Kailangan mo munang magtago, Marie. May lead na ang nobya ni Benjamin tungkol sa'yo, pinaghahanap ka na at pina-sketch na rin sa graphic artist ang mukha mo bago nila isapubliko ang anyo mo." Tinambol nang malakas ang dibdib niya at pinanlamigan siya ng kamay bigla. Nakaramdam siya ng takot sa sinabi nito. Kababalik lang niya ng school matapos sundin ang pinag-uutos ni Blake kahit pa labag ito sa loo
Maria's POV Bago ang lahat sa kanya lalo na ang kapaligiran. Moderno ang lahat ng nakikita niya sa bansang ito. Parang panaginip lang ang lahat pero nangyayari na ang pinakakaasam niya sa kabila ng kaba, takot lalo na ang mga alalahanin na paulit-ulit na umuukilkil sa kanyang utak. Naiwan yata ang utak niya sa pinas dahil sandamakmak ang mga bitbit niyang mga alalahanin sa sitwasyong kinasasangkutan pero sabi nga ni Jacob, ito na ang bahala sa lahat. Napapikit siya bigla nang itutok ng doctor sa kanya ang ilaw. Hawak nito ang mukha niya ngayon para muli itong tingnan. Change plan ayon kay Jacob para pansamantala silang mailayo ni Moira sa bansang minamahal nila, ang Pilipinas. Baka abutin sila ng 2 weeks dito kapag hindi pa na-solve ang kaso niya. "The surgical team will prepare you for the procedure and ensure that you are comfortable throughout." Panimulang explain ng doctor nang mahiga na siya sa bed. Nakatutok ang ilaw sa kanya kaya natakot siya. "You will be given anesthesia t
Benjamin's POV "Yes, sweetheart." Nakangiti niyang hinalikan sa noo ang katipan. "Just relax and leave everything to me. Hindi pwedeng malungkot ka dahil special day mo 'to." Napakamot siya sa ulo nang sumimangot ang babae kaya napailing na lang siya. "Why wait until next year, Venice? What made you decide to reschedule our wedding for next year? It's all set today. Jesus!" Napabuntong-hininga ang babae at wari'y natigilan ito nang tumingin sa kawalan. Tinapik niya ito at labis ang pag-aalala niya nang hawakan niya ito sa balikat at iharap ang mukha nito sa gawi niya. "V-Venice, if something is wrong, please tell me." Napalunok ang babae at biglang kumunot ang noo nito nang titigan siya sa mata. Nakita niya ang paglambong ng mata nito kaya lalong nadagdagan ang pag-aalala niya. Gumalaw ang ulo niya at pinanlakihan ng mata ang babae nang hindi ito magsalita. "What, Venice?" Lumalim din ang pagkakakunot ng noo niya nang itaas ang mga kamay para ipahiwatig ditong naghihintay siya n
Benjamin's POV "Yes I do." May ningning sa mata niya nang sabihin ito sa kanya ng babae. Napangiti siya nang malawak matapos iyong marinig sa katipan. Na kay Venice lamang napokus ang atensyon niya nang isuot na nito ang singsing sa kanya habang sinasabi nito ang vows sa loob ng simbahang ito, na naging saksi sa pag-iisang dibdib nila kasama ang pamilya at mga media para i-coverage ang buong kasal nila nang ngayon nga'y asawa na. Masigabong palakpakan ang naging kasagutan ng mga saksi sa kasalan nang tuluyan nang maisuot ni Venice ang singsing sa kanya. Tinambol nang malakas ang puso niya at sa wakas, nakahinga siya nang maluwag dahil hindi na siya mag-aalala pa. "With all my heart, I will forever love you, Venice," usal niya habang nakatitig sa namamasa nitong mata. Pareho sila ng nararamdaman ngayon dahil makikita sa reaksyon ng babae ang pagiging emosyonal nito. "Thank you for loving me." "You may now kiss your bride, Benjamin." Malakas na anunsiyo ng pari bago narinig ang hiy
Maria's POV "What!" hiyaw niya sabay waslik ng braso para bitawan siya ng mga tauhan ng asawa. "What do you mean na fake ang bitbit kong papeles, Father?" Napailing siya at pagalit na naglakad palapit sa pari kasabay ng pagsunod sa kanya ng mga tauhan ni Benjamin. "Papa'nong nangyari 'yon? Kinasal kami ng lalaking iyan sa isla namin at ang mga taong kasama ko ang makakapagpatunay na totoo ang lahat ng sinasabi ko!" "Nagpatawag na rin ako ng tao sa registry office at sila mismo ang nagsabi na ang dokumentong ito ay peke." Napatango ang pari nang ibalik iyon sa kanya, "Iha," puno ng pang-unawa ang mukha nito nang ngitian siya. "Hindi ko alam ang pinagdadaanan mo pero ang payo ko, idaan mo sa legal na proseso ang lahat ng ito kung sa tingin mo ay may nagawang kasalanan si Benjamin sa'yo pero—legal ang kasalang ito oras na mairehistro namin ang kasal nila ngayon ni Venice." Napailing siya. Hindi maaari! Pagalit niyang tinuro ang mga kababaryo na pinalipad ni Jacob sa Manila para maging
Benjamin's POV Inis niyang tiningnan ang babae. Kitang-kita na ang umbok ng tiyan nito pero nagpapakipot pa rin ito. Ano bang problema nito? "Ilang buwan na lang, manganganak ka na, Maria, pero look at you, nag-aaral ka pa rin. Hindi ba pwedeng pagkatapos mong manganak saka ka bumalik sa school?" Kahit nakakapagod ang magpabalik-balik sa probinsya every week, tiniis niya ito para lang suyuin ang babae. "Kaya ko ang sarili ko," inis nitong sagot. "Gusto kong makapagtapos kahit pa buntis ako. Hindi mo'ko mapipigilan sa pangarap ko." "Pag-aaralin kita ng bachelor's degree after mong manganak." Isang short course ang kinuha ng babae sa bayan na under ng TESDA pero hindi niya ito ikinatuwa. Mas gusto niyang mag-focus muna ito sa baby nila at sa sarili nito para masiguro ang kaligtasan ng mag-ina niya. Sa bayan ito pansamantalang nakatira dahil sa kalagayan nito kasama ang mga magulang nito. Isang malaking apartment ang nirentahan niya para sa mga ito. Mabilis niyang nilabas ang bungko
Benjamin's POV Magdadalawang buwan na ang lumipas nang makabalik siya ng Manila. Updated naman siya ng mga tao niya sa proyektong naiwan sa isla. Umangat ang mukha niya nang tingnan ang kaharap. "I'm listening, Venice." Napangiti nang kimi ang babae nang salubungin nito ang tingin niya, "Gusto ko lang mag-sorry, Ben, at magpasalamat kaya ako nandito—at magpapaalam na rin syempre." Naluluha ito nang muling magsalita. "Sorry kasi pinilit kitang balikan ako kahit na niloko kita. Salamat kasi—tinulungan mo pa rin akong makapagsimula rito sa Manila." Napatango siya. Nagpapasalamat siyang nagiging maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa. "Sigurado ka na ba?" Tumango si Venice, "Oo, sapat na siguro ang dalawang buwan para makapag-isip ako nang maayos. Haharapin ko si Saeed para magkaro'n ng katahimikan ang isip ko. Pasensiya na." Nakatayo na ang babae nang hawakan niya ang kamay nito," I wish you all the best in life, Venice." Nang tumalikod ang babae at tuluyan nang naglaho sa lo
Benjamin's POV "Wala ka bang balak umuwi?" Tanong niya nang lapitan siya ulit ng babae. "Give me some time, Venice. My priority is not our relationship right now." Hindi niya maintindihan kung bakit na lang siya biglang nanlamig dito. Inamin na kasi nito ang lahat; ang pagkakaroon nito ng relasyon kay Saeed pero balak na itong bitawan ng babae. All this time, pinaniwala siya nitong single ito pero hindi na 'yon mahalaga sa ngayon. "I made it clear, right, Venice? I just want to ensure that there is no confusion between us. Hanggang dito na lang muna tayo. We're done, iyon ang gusto ko." "Yes," napabuntong-hiningang saad nito pero nagtangka itong yakapin siya na agad niyang pinigilan. "Nagkamali ako, Ben, I'm sorry at sadyang naguguluhan lang nang una dahil nga sa issue namin ni Denise pero sigurado na'ko na ikaw ang pipiliin ko. Yong pagsampal ko sa'yo kahapon, nabigla lang talaga ako."Napatingin siya sa paligid. May ilang katutubo ang nag-uusap at ang tatay ni Maria, kanina pa
Maria's POV Ang saya niya nang matapos ang pagpapa-DNA nina Jacob at ng mama ni Ben. Resulta na lang ang hihintayin nila para malaman kung talagang mag-ina ang dalawang ito. "If you think we're done, Maria, think again," anas ni Jacob nang mapadaan ito sa gawi niya. "Tinakbuhan mo'ko. Tinraydor mo'ko nang bawiin mo ang kasong inihabla mo kay Benjamin." Kumabog ang dibdib niya sa sinabi ng lalaki at para na siyang maiiyak nang tingnan ito, "J-Jacob, ayoko na ng gulo. B-baka nga kapatid mo pa si Ben, eh." Napatiim-bagang ang kaharap nang sabihin ito, "I don't think so." Saad nito. "Not that guy, I hate him." "J-Jacob?" tawag ng mama ni Ben nang makalabas ito mula sa isang cubicle kasama naman ang tita ng lalaki. Agad itong naglakad palapit sa kanila. "The result will be delivered to us in two to three weeks." Huminto ito nang tuluyang makalapit, "I just wanted to say thank you for helping out tonight. Although I'm eager to find out, I know in my heart that I'm right." Sa isang osp
Maria's POV Hindi siya mapakali sa kinauupuan niya habang papasok na sa building ni Jacob ang sinasakyan nila. Sa tulong ng tiyahin nito, pumayag na humarap ang lalaki pero hindi pa nito alam na sila ang kakatagpuin nito. "Maria." Ginagap ng babae ang nanginginig niyang kamay nang tuluyang mag-park ang sinasakyan nila, ito ang tiyahin ni Jacob na nagpaanak sa mama ni Ben. "Relax, gusto ko nang itama ang lahat kaya nandito ako kahit pa nangako ako sa namatay kong kapatid na ibabaon ko sa hukay ang sekretong ito."Nakausap na siya ng mama ni Ben pati na ng babae ukol dito. Si Jacob ay anak ng mama ni Ben pero dahil nga sa pakikipagsabwatan ng daddy ni Jacob at ng babaeng ito, pinalabas na namatay ang bata para maitakas ang sanggol palayo sa ina nito. Dahil ang mama ni Ben ay kasal na kaya pinili nitong manatili sa asawa nang magtaksil ito. Handa namang tanggapin ng asawa nito ang anak sa labas ng babae pero iba ang plano ng kerido ng mga oras na iyon. Napuno ito ng galit dahil mas pi
Benjamin's POVParang bumabalik lang ang dating nangyari sa kanila nang nasa loob na sila ng kweba pero sa pagkakataong ito, pareho na nilang nakikita ang isa't isa sa tulong ng emergency light na nakabukas. Nakapikit siya habang hinahalikan ang babae na hindi kababakasan ng pagtutol."B-Ben," napasinghap na tawag nito.Bumaba ang halik niya sa leeg nito hanggang tinunton ng labi niya ang pinakakaasam niyang yaman nito. Doon siya nagtagal habang impit na tinatawag ng babae ang pangalan niya. Salit-salitan niyang hinahalikan ang mayamang dibdib ng babae habang nakasabunot naman ang dalawang kamay nito sa buhok niya. "N-nakikiliti ako," reklamo ng dalaga pero napaungol lang siya habang binabaybay naman ng labi niya ang tiyan nito. "D-Diyos ko, Ben." HIndi napigilang mapaigik ng dalaga nang maramdaman na nito sa singit ang paghalik niya.Nostalgia. Ito ang hinahanap ng puso't katawan niya na nangyari na noon pero muling naulit ngayon. Handang-handa na siya ngayong gabi at nakalimutan na
Benjamin's POV "What?" 'di makapaniwalang tanong ni Clyde nang sabihin niya ang napag-usapan nila ni Maria. "You're such an awful person to say that to her." Pareho lang naman sila ni Maria, nasa sitwasyon din siyang naguguluhan dahil kay Venice. Alam na rin ng mga kaibigan ang ukol dito kaya katakot-takot na advice ang binigay nila. "Stop fantasizing about Venice, hindi ka pa nadala." Walang kangiti-ngiting singit ni Clint sabay tapik sa balikat niya. "Kung type mo si Maria, do it properly at tawagan mo si Venice para makipaghiwalay na. Bro, remember, magkadugo sila ni Denise eventhough paulit-ulit mong sinasabi na iba siya, she's romantically involved with Saeed I think. Medyo natukso lang siya nang ma-meet ka ulit dahil gwapo ka. Red flag, dude." Hindi siya makapaniwala dahil kung tutuusin, mga babaero din ang mga kaibigan noon at walang pakialam ang mga ito kahit ilang babae pa ang dumaan sa kanya. For the first time, nagbigay ng advice ang mga mokong. "I'm afraid we don't ha
Benjamin's POV "Masakit lang malaman na magpapakasal siya sa'kin dahil napilitan lang," malungkot na saad ni Polding nang magkaharap na sila para pag-usapan si Maria. "Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko. Kung sa'n masaya si Maria, hahayaan ko siyang mamili." "Maria?" untag niya sa babae. "Pasensiya na, Polding," nahihiyang pag-amin ni Maria. "Totoo naman ang sinabi ni Benjamin na wala akong gusto sa'yo pero napakabuti mo kaya pumayag ako pero kanina—" Talagang hindi siya makasagot ng oo agad. "Ok lang 'yon, Maria," hinging-paumanhin nito. "Importante pa rin ang may maramdaman ka sa taong papakasalan mo. Pakisabi na lang sa magulang mo na umalis na'ko." Bilib siya sa lalaking 'to. Good sport ito matapos niyang manalo sa palaro kanina. Nakipagkamay pa ito na kanyang malugod na tinanggap. Nakaligo na rin sila at nakapagbihis pero ang amoy nila, hindi mawala-wala kaya naaasar pa rin siya sa tradisyong ito. "Thank you for understanding everything, Polding. I know you're an educate
Benjamin's POV "Kung gayon, Polding, dadaan kayo ni Ben sa kinagisnang tradisyon ng tribong ito, ang laban-bawi na palaro. Bilang isang pinuno—" Panimula ni Ka Letong na siyang tatayong watcher din ng kanilang laban. "Ganito ang patakaran sa larong ito: nilaban ni Polding ang pag-ibig niya kay Maria kaya papakasalan niya ang kahuli-hulihang babae na wala pang asawa. Siya ang tatayo sa "laban." Nakatingin na ang matanda kay Maria na walang kibo. "Pero dumating si Benjamin na pinipigilan ang kasalan kaya siya ang babawi sa dalaga. Siya ang tatayo sa "bawi." For them, that actually sounds pretty strange. He doesn't know what this tribe chief wanted them to do to put an end to this marriage. Kung tutuusin, hindi naman legal ang ginagawa ng matanda na pagkakasal kung hindi dumaan sa tamang proseso. "Dude, I think we made the right choice not to go on our mountain trek today. This sounds more fun to me." Bulong ni Clyde sa kanya na nakatayo na sa tabi niya. "Mukhang mapapalaban ka sa is