Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2025-03-04 19:54:22

Chapter 5

BILANG nakababatang kapatid, diretsahang inilantad ni Penelope ang palusot ng kuya. 

"Anong sinabi mo, Penelope? Gusto mo na talagang makatikim ng gulo, ha?" Matalim ang tingin ni Mattheus sa kapatid niya. Habang tumatagal, nagiging mas pasaway ito. Mukhang kailangan na niya itong turuan ng leksyon.

"Ay... Lola, may kailangan pa akong gawin. Mauna na ako! Kayo na ang bahala rito. Kuya, bilisan mo na at maghanap ka na ng mapapangasawa, kung hindi, hindi na kita papapasukin sa bahay sa susunod!"

Ramdam ni Penelope ang galit ng kuya kaya agad itong tumalon mula sa sofa at dali-daling tumakbo palabas habang nagsasalita. Sa isang iglap, wala na ito sa paningin ng lahat.

"Hmph! Ang lakas ng loob mong lokohin ako, ha? Tandaan mo, kung wala kang madala sa loob ng isang buwan, isusulat kita sa isang blind date show at pipiliting sumali ka! Nasa ‘yo na ‘yon!"

Mariing sabi ni Lola Amanda. Sa lahat ng bagay, magaling ang apo nitong si Mattheus, maliban na lang pagdating sa love life. Hindi nito talaga alam kung ano pa ba ang inaatupag ni Mattheus maliban sa trabaho.

Napahawak sa sentido si Mattheus. Alam niyang hindi ito biro, kapag sinabi ni Lola Amanda na gagawin nito, siguradong gagawin talaga nito. 

Biglang may sumagi sa isip niya, ang babaeng may stubborn look at may magagandang mga mata. Pwede kaya? 

"Lola, huwag kang mag-alala. Magdadala ako ng mapapangasawa ko para sa ‘yo. Pero pwede bang i-extend ang isang buwan? Pupunta kasi ako sa London para tignan ang branch doon. Mga kalahating taon siguro bago ako makabalik."

"Ha? Kalahating taon?" Nanlaki ang mga mata nito habang nakatitig sa apo. 

"Lola, kailangan ko talagang personal na asikasuhin ang kumpanya. Pero pangako, sa loob ng kalahating taon, pagbalik ko, may ipapakilala na ako sa ‘yo." Matagal na niyang planado ang biyahe kaya hindi siya pwedeng umatras.

Alam naman ni Lola Amanda ang tungkol dito, kaya kahit labag sa loob, napabuntong-hininga na lang ito. "Sige, bibigyan kita ng kalahating taon. Pero tandaan mo, pagbalik mo, gusto ko nang makita ang magiging asawa mo. Kung hindi, kalimutan mo nang may lola ka!"

"Huwag kang mag-alala, Lola. Siguradong may iuuwi ako para sa ‘yo," sagot ni Mattheus, puno ng kumpiyansa.

---

Kinabukasan, maagang umuwi si Gianne mula sa trabaho. Clerk lang siya sa opisina, kaya hindi gaanong mabigat ang responsibilidad niya.

Matapos ang nangyari kagabi, kumalat agad ang tsismis tungkol sa kanya sa buong kumpanya, na niloko siya ng boyfriend niya at iniwan.

Pero tinawanan niya lang ito at hinayaang magsalita ang iba. Wala namang bago. Matagal na siyang minamaliit sa opisina kaya wala nang epekto sa kanya ang sinasabi ng iba.

Lahat ng ito, siyempre, ay kasalanan ng lalaking manloloko. Akala ng ex niya, babalik siya para humingi ng tulong. Pero masyadong mataas ang tingin nito sa sarili!

Paglabas niya sa gate ng kumpanya, agad niyang napansin ang isang mamahaling Bentley na nakaparada sa labas. Nakasandal sa pinto ng sasakyan ang isang matangkad at makisig na lalaki.

Kumikislap ang mga mata nitong parang mga bituin habang nakatingin sa kanya. Itinaas nito ang kamay at kumaway sa direksyon niya. "Here!"

Lumapit si Gianne at nagtanong, "Paano mo nalaman kung saan ako nagtatrabaho?" Kagabi lang sinabi nitong susunduin siya pero parang hindi naman niya nabanggit ang address ng trabaho. 

"‘Di na ‘yun mahalaga. Ang mas mahalaga ay..." Binuksan ni Mattheus ang pinto ng kotse at yumuko na parang isang gentleman. "Beautiful miss, maaari na po kayong sumakay."

"Pfft..." Napatawa si Gianne sa paandar nito. Napatingin siya sa lalaki habang nakakurba ang mga mata niya dahil sa ngiti.

Tinitigan ni Mattheus ang mga mata ni Gianne na kasing-linaw ng tubig, ngayon ay kumikinang sa tuwa. Sa isang iglap, tila may kung anong kumalabit sa puso ng lalaki. Hindi man si Gianne ang pinakamagandang babaeng nakita niya, pero sa sandaling ito, ang ngiti ng babae ang nagbigay ng hindi maipaliwanag na kilig sa puso ni Mattheus. 

Pagkapasok ni Gianne sa sasakyan, bigla niyang napansin na mas naging magaan ang pakiramdam sa pagitan nila.

"Mattheus, saan mo gustong kumain ng hapunan?" tanong niya. Siya naman ang nagyaya kaya natural lang na ang desisyon ay sa kasama niya.

Ngumiti si Mattheus nang may misteryosong ekspresyon. "Sumama ka lang sa akin, hindi naman kita ipagbibili."

Napatigil sandali si Gianne, tapos ngumiti siya. Hindi niya alam kung bakit, pero may tiwala siyang mabuting tao si Mattheus. Kaya naman walang pag-aalinlangan siyang sumakay sa sasakyan.

"Sige!" Dahil pinili niyang maniwala, lumingon si Gianne sa bintana. May bahagyang lungkot sa kanyang mga mata.

Muling sinulyapan siya ni Mattheus. Gusto nitong pagalingin ang sakit na nasa puso ni Gianne pero ang tanging magagawa lang nito ay bigyan siya ng oras.

Sana, pag nagkita ulit sila makalipas ang kalahating taon, nakalagpas na si Gianne sa pagsubok sa buhay. 

Dinala ni Mattheus si Gianne sa isang kakaibang home-style restaurant sa labas ng siyudad.

Binuksan ni Gianne ang menu at unang napansin niya ay ang presyo. Isa lang siyang simpleng empleyado at kakatanggal lang siya sa mataas na posisyon kaya mas mababa ang sahod niya ngayon.

Napansin ni Mattheus ang maliit na detalye sa kanyang mga mata. Alam nitong nag-aalala siya sa presyo kaya hindi nito gustong mailang si Gianne. 

Basta na lang si Mattheus umorder ng ilang putahe. Nakita nitong napabuntong-hininga si Gianne at naisip ni Mattheus na ang cute niyang tingnan.

May pagka-mature si Gianne sa kilos pero may halong inosenteng kasimplehan pa rin kaya naaaliw si Mattheus sa babae. 

"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Mattheus nang mapansing hindi na siya kasing relaxed tulad kanina.

"Ah... hindi, nagagandahan lang ako sa lugar." Sabi ni Gianne, tapos napatingin siya sa baso ng alak sa harapan niya. "Mattheus, salamat sa pagtulong mo sa akin ng dalawang beses. Kung hindi dahil sa’yo, baka hindi ko na nahanap ang bag ko. Kahit hindi ganoon kalaki ang halaga ng laman, napakahirap palitan ang mga documents at IDs na naroon kaya sobrang thank you talaga." Tinaas ni Gianne ang baso bilang toast. 

"Sinabi ko naman sa’yo, huwag ka nang maging pormal." Tumawa si Mattheus at tinaas din ang baso.

Nagtagpo ang tingin nila habang nagtagpo rin ang kanilang baso. Para bang may hindi na kailangang sabihin pero parehong nauunawaan.

Mabilis dumating ang pagkain at matapos kumain, inihatid na ni Mattheus si Gianne pauwi.

Pagdating sa tapat ng kanyang tirahan, tumingin si Gianne kay Mattheus. "Mattheus, papasok na ako."

"Sige, huwag mong masyadong isipin ang lahat. May kasabihan diba? There's always a rainbow after the rain. Maybe in the future you will meet a better guy than your ex," biglang sinabi ni Mattheus. 

Napatigil si Gianne, tapos ngumiti siya. Pero ang ngiting iyon ay may halong pait. "Alam ko, magiging maayos din ako."

At least, hindi siya magpapatalo sa sakit dahil lang sa isang lalaking hindi naman karapat-dapat.

Nang makita ni Mattheus ang malungkot na ekspresyon sa maliit na mukha ni Gianne, biglang nakaramdam ito ng kaunting sakit sa puso.

Naisip nito na mawawala ito nang kalahating taon at hindi nito maintindihan kung bakit parang ayaw nitong umalis ngayon.

"Medyo maaga pa naman, gusto mo bang maglakad-lakad muna tayo?" alok ni Mattheus.

"Ah..." Nagulat si Gianne at bago pa siya nakapagdesisyon, hinila na siya nito palabas ng sasakyan.

Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya na parang hindi siya papayagang tumanggi.

"Mattheus... ikaw..."

"Gianne, aalis ako papuntang ibang bansa ng kalahating taon kaya alagaan mo ang sarili mo," diretsong sabi ni Mattheus, hindi hinayaang matapos ni Gianne ang sasabihin. 

Bahagyang nalito si Gianne. Ilang beses lang silang nagkita at hindi pa sila ganap na magkaibigan, kaya bakit sinasabi nito iyon?

Pero halata naman na may mabuti itong intensyon kaya tumango siya.

"Oo, gagawin ko." Tapos, pakiramdam niya parang may kulang, kaya idinugtong niya, "Ingat ka sa biyahe. At sana alagaan mo rin ang sarili mo habang nasa ibang bansa ka."

Muling tumingin si Mattheus sa kanya at dahan-dahan itong ngumiti. Maging ang mga mata nito na parang may stars ay nakangiti rin. 

Napaisip si Gianne. Ang mga mata niya ay talagang napakaganda. Nang sandaling iyon, habang tinititigan siya ni Mattheus nang may halong lambing, bahagyang nanginig ang puso ni Gianne. 

"Gianne, kalimutan mo na ang mga problema mo. Baka mas maging maganda pa ang buhay mo," sabi ni Mattheus at tinaas ang kamay upang haplusin ang ulo niya. Napaka-natural ng kilos nito na parang nakasanayan na nito itong gawin.

Saglit na natulala si Gianne, tapos biglang lumitaw sa mukha nito ang lungkot. 

"Kahit mahirap kalimutan, gagawin ko," malalim na huminga si Gianne bago nagsalita nang kalmado. "Pwede ba kitang kwentuhan?”

"Sige, gusto kong makinig sa kwento mo."

Sa isang mahabang daanan at may kakaunting tao, may isang babaeng nagkukwento sa isang lalaki tungkol sa kanyang nakaraan. Isang alaala na nais na niyang bitawan.

Siguro, kung masasabi ni Gianne ito nang malakas, baka gumaan ang pakiramdam niya. Nauwi sila sa pag-upo sa bench habang nagkukwento si Gianne. 

Hindi namalayan ni Mattheus na bumigat bigla ang balikat niya. Nang lumingon siya, nakita niya ang maliit na mukha ni Gianne.

Habang pinagmamasdan ni Mattheus ang bahagyang nakakunot na noo ni Gianne, maingat niyang hinaplos ito, gusto niyang maibsan ang lungkot na bumabalot dito.

"Gianne, bibigyan kita ng kalahating taon lang," mahinahon pero may tonong mapagpasya ang boses ni Mattheus.

"Hmm?" mahinang sagot ni Gianne habang nakasandal sa balikat nito, bahagyang kumunot ang noo sa pagkalito.

Dalawang lalaki ang lumapit sa kanila.

"Boss, ito na po..."

"Shh!" Sumenyas si Mattheus para patahimikin sila, sabay kuha ng dalang jacket mula sa kanila. Matapos iyon, itinaboy niya ang dalawa kaya agad silang lumayo.

Malamig ang hangin sa gabi kaya maingat niyang isinuklob ang jacket sa balikat ni Gianne.

Dahil sa lapit nila sa isa’t isa, naamoy niya ang bahagyang halimuyak mula sa katawan nito, isang bango na tila nakakaakit at nakakapanabik.

Habang lumalalim ang gabi, bumuhos ang malamig na liwanag ng buwan sa bawat sulok ng paligid.

Pero sa malamig na gabing iyon, unti-unting uminit ang isang pusong matagal nang tahimik.

Dahan-dahang lumipas ang oras, ang madilim na kalangitan ay nagsimulang magliwanag. 

Sa loob ng sasakyan, pinagmamasdan ni Grey ang dalawang taong magkayakap sa bench. Sa isip nito, mukhang matutupad na ang wish ni Lola Amanda. 

Dahil dito, mabilis nitong inilabas ang cellphone at kinunan ang eksena. Siguradong matutuwa ang matanda ‘pag nakita ito.

Pagkatapos, agad nitong itinago ang cellphone at nilingon ang mga bodyguard sa paligid.

Nagkatinginan ang mga ito, sabay kamot sa ilong at kunwaring natutulog, parang walang nakita. 

NAALIMPUNGATAN si Gianne. Unang pumasok sa isip niya, masakit ang katawan niya. Ang pangalawang bagay na naisip niya ay kung ano ang nangyari kagabi.

Oh my God, natulog siya rito buong magdamag!

Pagkatapos, napansin niya ang taong nasa tabi niya. Nang lumingon siya, nagulat siya nang husto.

'Hala, andito pa rin si Mattheus! At parang natulog pa ako sa balikat niya kanina!'

Hindi niya napigilan ang pagkapula ng mukha niya. Natulog siya sa balikat ng isang halos estranghero nang buong gabi, ang kapal naman ng mukha niya para gawin iyon!

Sa isip niya, paulit-ulit niyang minumura ang sarili niya pero pilit niyang pinapanatili ang kalmado niyang itsura na parang walang nangyari.

"Pasensya na, hindi ko namalayang nakatulog ako nang ganito," sabi niya saka tumayo para makabalik na sa bahay.

Pero nang tumayo siya, nangalay ang mga paa niya at biglang bumagsak papunta kay Mattheus.

"Ahhh...!"

Agad siyang sinalo ni Mattheus, alam niyang manhid pa ang mga paa nito dahil sa matagal na pag-upo.

"Huwag kang mag-alala, Gianne..." Tinitigan niya si Gianne nang may kislap sa mata, tila may mahalagang sasabihin.

"Ah...?"

"Gianne, I'm Mattheus Alec Velasquez. Mayroon akong nakababatang kapatid, buhay pa ang mga magulang ko at may Lola rin ako. May sarili akong bahay, kotse, isang stable na trabaho, at mga hobby lang ang pinagkakaabalahan ko."

"Ha?" Tuluyang natulala si Gianne. Ano ang sinasabi nito?

Ano naman ang kinalaman nito sa kanya?

Kumurap-kurap siya habang nakatitig sa lalaki, halatang hindi maintindihan ang nangyayari.

"I want to offer you a contract relationship with the intention of getting married. Gusto akong i-blind date ng Lola ko sa ibang babae pero sa tingin ko, mas gusto kong ako ang pipili ng asawa ko. Pag-isipan mo sana ang alok ko," sabi ni Mattheus habang inaayos ang jacket sa balikat ni Gianne. 

"Mattheus, sa tingin ko..."

"I'll walk you to your house."

Hindi na alam ni Gianne kung paano siya nakarating sa bahay. Pagdating niya, tulog pa ang lahat.

Napangiti siya nang mapait. Mukhang walang nakakaalam sa bahay na hindi siya umuwi kagabi.

Pagpasok niya sa kwarto, napansin niyang suot pa rin niya ang jacket ni Mattheus.

Ano ba ang ibig sabihin ng mga sinabi nito kanina? Contract relationship? Contract marriage? Bakit siya inaalok nang ganoon? 

‘Bahala na. Hindi ko na lang iisipin. Magkaibang tao kami at may magkaibang mundo. Ang mahalaga, maisauli ko ‘tong jacket sa kanya sa susunod na pagkikita namin.’

*

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Marriage Deal with the Sexy Billionaire   Chapter 6

    Chapter 6Ang Velasquez Group ang nangungunang kumpanya sa Cerulean Province na may iba't ibang negosyo tulad ng trading, sa perfume industry, entertainment, food business, at iba pa.Ang President ng Velasquez Group ang pinaka-misteryosong tao sa Cerulean Province.Ang binatang si Mattheus Alec Velasquez na nasa tuktok ng listahan ng pinakamayayaman na batang CEO ay iilan lamang ang nakakita nang personal.Ang opisina ng President ng Velasquez ay madalas na walang tao sa loob ng buong taon. Bihira siyang pumunta sa kumpanya at kadalasan ay makikita lang tuwing may board meeting.Sinasabing mas gwapo pa siya kaysa sa mga bidang lalaki sa mga sikat na drama, perpektong perpekto at parang hindi totoo kung tutuusin. Ngayon, matapos ang kalahating taon na pagiging bakante ng kanyang opisina, sa wakas ay bumalik na ang tunay na may-ari nito.Ang President ng Velasquez Group, si Mattheus Alec Velasquez. Sa loob ng magandang opisina, makikita ang isang lalaki na nakaupo sa mamahaling upuan

    Last Updated : 2025-03-20
  • Marriage Deal with the Sexy Billionaire   Chapter 7

    Chapter 7"PARANG kailangang ayusin ang marketing plan ng department store ng grupo natin nitong mga nakaraang taon. Sige, simulan mo na iyon, Grey. Gusto ko makita ito bago matapos ang trabaho bukas. Maliwanag?" Tumayo si Mattheus matapos niyang sabihin iyon.Hinila niya nang bahagya ang manggas ng kanyang suit at nagsalita. "Uuwi na ako. Ako na ang magda-drive ngayon. Salamat sa pagod mo." Tinapik niya sa balikat si Grey bago mabilis na lumabas ng opisina.Pagkarinig ni Grey ng pagsara ng pinto, bigla siyang napaupo sa sahig.Tagaktak ang malamig na pawis sa noo niya, masyadong malakas ang presensya ng President.Nanlambot ang kanyang mga tuhod…Nang maisip ang tambak na trabahong kailangang gawin na inuutos nito, parang gusto na niyang umiyak. Imposibleng matapos ito sa loob ng isang linggo, tapos gusto ng President na matapos niya ito sa isang gabi lang?'President, ang lupit mo naman…! Lola Amanda, tulungan mo ako! Napilitan lang talaga ako… Bakit ba kasi ako naipit dito!'...Um

    Last Updated : 2025-03-21
  • Marriage Deal with the Sexy Billionaire   Chapter 8

    Chapter 8MAS lalong nakonsensya si Gino habang tinitingnan ang kanyang mabait at maunawaing anak."Yanyan, twenty six ka na. Ilang taon na lang, thirty years old ka na. Ang kabataan ng babae ay hindi panghabang-buhay. Ayos lang na naghiwalay kayo ni Calix, hindi naman talaga siya bagay sa'yo, hindi rin siya angkop para sa pamilya natin. Bilang ama mo, gusto kong makahanap ka ng taong nababagay sa'yo at mamuhay ka nang maayos."May init na humaplos sa puso ni Gianne. Matagal-tagal na rin mula nang huling beses na magsalita ang ama niya ng ganito sa kanya."Dad, naiintindihan ko. Pero 'yung lalaking ipinakilala ni Tita sa akin, hindi ko talaga kayang tanggapin. Halos kwarenta na siya...""Ano? Kwarenta? Ang anak ko ay dalaga na beinte sais pa lang! Paano ko hahayaang ipakasal ka sa isang halos kwarenta na? Hindi puwede! Kakausapin ko ang Tita mo. Hindi kita pababayaan."May bahagyang galit sa mata ni Gino, kasabay ng lungkot para sa anak niya.Sa sandaling ito lang niya ibinaba ang pag

    Last Updated : 2025-03-22
  • Marriage Deal with the Sexy Billionaire   Chapter 1

    Chapter 1MABILIS na sumakay sa isang taxi si Gianne pagkatapos ay kinuha ang compact mirror mula sa bag para tingnan kung may mali sa mukha.Ngayon ang araw ng balik ang boyfriend niya matapos ang anim na taon nito sa ibang bansa. May usapan sila na magkikita para sa dinner date kaya syempre, kailangan niyang magpaganda.Tinitigan niya ang malinis na mukha sa salamin at nginitian ang sarili. Ayan, mukha siyang maayos at kaaya-aya. Magpo-propose na kaya ng kasal si Calix sa kanya? Mas lalong lumapad ang ngiti ni Gianne. Pagdating sa mamahaling restaurant na may mellow music, lalong siyang na-excite. "Miss, welcome po. Nai-book na ni Sir Calix ang private room. Sunod na lang po kayo sa akin.""Salamat!"Dinala siya ng waiter sa paborito nilang private room na may napakagandang tanawin. Mula sa bintana, tanaw ang halos buong night view ng Makati. Siyempre, kapag kasama mo ang mahal mo sa ganitong klaseng lugar, siguradong magiging masaya ka.Pagpasok niya, napansin niyang wala pa si

    Last Updated : 2025-03-04
  • Marriage Deal with the Sexy Billionaire   Chapter 2

    Chapter 2BUMALIK si Gianne sa bahay. Ang pamilya nila ay hindi mayaman pero may kaya naman. Stepmom niya ang tumawag kanina. Pagpasok pa lang niya sa sala, nakita niyang abala si Toto, ang ten years old niyang half-brother, sa paggawa ng homework. Wala ang mga magulang nila sa paligid.Siguro lumabas na naman ang mama nito para maglaro ng tong-its at ang papa naman nila..."Toto, nasaan si Papa at si Tita? Hindi pa ba sila nakakauwi?" tanong ni Gianne.Tumingala ang bata at tinignan siya nang walang emosyon. "Si Papa nasa balkonahe, at si Mama naglalaro ng tong-its sa kabilang bahay. Ang tagal mong bumalik, hindi mo ba alam na oras na ng hapunan?" Pagkatapos ay bumulong-bulong pa ito.Hindi na ito pinansin ni Gianne dahil sanay na siya sa ganitong klaseng pamilya, sanay sa paminsan-minsang panunumbat at pangungutya ng madrasta at kapatid, pati na rin sa walang pakialam na ugali ng ama.Akala niya, makakaalis na siya at makakatakas sa bahay na ito at makakasama na ang lalaking mahal

    Last Updated : 2025-03-04
  • Marriage Deal with the Sexy Billionaire   Chapter 3

    Chapter 3TININGNAN ni Director Lopez ang kalmadong ekspresyon ni Gianne. Napabuntong hininga ito, kita ang kawalan ng magagawa. Nakita nito kung paano nagsimula si Gianne bilang isang simpleng empleyado hanggang sa maging manager sa loob ng ilang taon ng pagsisikap. Pero ngayon…Bumagsak si Gianne mula sa mataas na posisyon na ngayong ay clerk na lang. Noong una, inisip ni Director Lopez na baka hindi niya ito kayanin pero ngayong nakikita nitong kalmado ang babae, napaisip ito na baka sobra lang itong nababahala. "Ang sahod at benefits ay katulad na lang ng ordinaryong clerk, may limang insurance at isang fund, basic salary na 16,000, dalawang araw na pahinga tuwing weekend, holiday pay, at triple ang sahod kung mag-o-overtime..."Pagkarinig nito, napangisi si Gianne nang may halong panunuya sa sarili. "Naiintindihan ko. Salamat, Director Lopez."Tumayo siya at lumabas ng opisina. Nakatitig si Director Lopez sa likuran ni Gianne, tila may gusto pang sabihin pero hindi na nito itin

    Last Updated : 2025-03-04
  • Marriage Deal with the Sexy Billionaire   Chapter 4

    Chapter 4"JAIMEE, Calix, lilinawin ko lang, walla na kayong kinalaman sa buhay ko. Sana huwag niyo nang sabihin na magkakilala tayo kahit magkasalubong pa tayo sa daan. Ikaw, Jaimee, kabit ka lang sa relasyon ng iba. Ano bang pinagkaiba mo sa isang kerida?""Ikaw...!" Galit na galit si Jaimee. Sanay itong nakukuha ang gusto nito at kailanman ay hindi itonapahiya nang ganito. "Calix, tingnan mo! Binabastos niya ako!"Nakapamewang si Gianne at tiningnan si Calix nang may panunuya. "Bagay na bagay kayo. Isang babaerong lalaki at isang babaeng walang hiya. Sana magpakasal na kayo!"Halos sumabog si Calix sa hiya nang maramdaman nitong pinagtatawanan sila ng mga tao sa paligid. Pero dahil maraming nakatingin, hindi ito makapalag.Hinila na lang nito si Jaimee palayo. "Tara na, Jaimee. Baliw na ‘yang babaeng ‘yan.""Huwag mong kalimutan ‘to, Gianne! Hindi kita mapapatawad sa panlalait mo!" Pasigaw na banta ni Jaimee, ang dating magandang mukha nito ngayon ay baluktot sa galit.Napakunot-no

    Last Updated : 2025-03-04

Latest chapter

  • Marriage Deal with the Sexy Billionaire   Chapter 5

    Chapter 5BILANG nakababatang kapatid, diretsahang inilantad ni Penelope ang palusot ng kuya. "Anong sinabi mo, Penelope? Gusto mo na talagang makatikim ng gulo, ha?" Matalim ang tingin ni Mattheus sa kapatid niya. Habang tumatagal, nagiging mas pasaway ito. Mukhang kailangan na niya itong turuan ng leksyon."Ay... Lola, may kailangan pa akong gawin. Mauna na ako! Kayo na ang bahala rito. Kuya, bilisan mo na at maghanap ka na ng mapapangasawa, kung hindi, hindi na kita papapasukin sa bahay sa susunod!"Ramdam ni Penelope ang galit ng kuya kaya agad itong tumalon mula sa sofa at dali-daling tumakbo palabas habang nagsasalita. Sa isang iglap, wala na ito sa paningin ng lahat."Hmph! Ang lakas ng loob mong lokohin ako, ha? Tandaan mo, kung wala kang madala sa loob ng isang buwan, isusulat kita sa isang blind date show at pipiliting sumali ka! Nasa ‘yo na ‘yon!"Mariing sabi ni Lola Amanda. Sa lahat ng bagay, magaling ang apo nitong si Mattheus, maliban na lang pagdating sa love life. Hi

  • Marriage Deal with the Sexy Billionaire   Chapter 4

    Chapter 4"JAIMEE, Calix, lilinawin ko lang, walla na kayong kinalaman sa buhay ko. Sana huwag niyo nang sabihin na magkakilala tayo kahit magkasalubong pa tayo sa daan. Ikaw, Jaimee, kabit ka lang sa relasyon ng iba. Ano bang pinagkaiba mo sa isang kerida?""Ikaw...!" Galit na galit si Jaimee. Sanay itong nakukuha ang gusto nito at kailanman ay hindi itonapahiya nang ganito. "Calix, tingnan mo! Binabastos niya ako!"Nakapamewang si Gianne at tiningnan si Calix nang may panunuya. "Bagay na bagay kayo. Isang babaerong lalaki at isang babaeng walang hiya. Sana magpakasal na kayo!"Halos sumabog si Calix sa hiya nang maramdaman nitong pinagtatawanan sila ng mga tao sa paligid. Pero dahil maraming nakatingin, hindi ito makapalag.Hinila na lang nito si Jaimee palayo. "Tara na, Jaimee. Baliw na ‘yang babaeng ‘yan.""Huwag mong kalimutan ‘to, Gianne! Hindi kita mapapatawad sa panlalait mo!" Pasigaw na banta ni Jaimee, ang dating magandang mukha nito ngayon ay baluktot sa galit.Napakunot-no

  • Marriage Deal with the Sexy Billionaire   Chapter 3

    Chapter 3TININGNAN ni Director Lopez ang kalmadong ekspresyon ni Gianne. Napabuntong hininga ito, kita ang kawalan ng magagawa. Nakita nito kung paano nagsimula si Gianne bilang isang simpleng empleyado hanggang sa maging manager sa loob ng ilang taon ng pagsisikap. Pero ngayon…Bumagsak si Gianne mula sa mataas na posisyon na ngayong ay clerk na lang. Noong una, inisip ni Director Lopez na baka hindi niya ito kayanin pero ngayong nakikita nitong kalmado ang babae, napaisip ito na baka sobra lang itong nababahala. "Ang sahod at benefits ay katulad na lang ng ordinaryong clerk, may limang insurance at isang fund, basic salary na 16,000, dalawang araw na pahinga tuwing weekend, holiday pay, at triple ang sahod kung mag-o-overtime..."Pagkarinig nito, napangisi si Gianne nang may halong panunuya sa sarili. "Naiintindihan ko. Salamat, Director Lopez."Tumayo siya at lumabas ng opisina. Nakatitig si Director Lopez sa likuran ni Gianne, tila may gusto pang sabihin pero hindi na nito itin

  • Marriage Deal with the Sexy Billionaire   Chapter 2

    Chapter 2BUMALIK si Gianne sa bahay. Ang pamilya nila ay hindi mayaman pero may kaya naman. Stepmom niya ang tumawag kanina. Pagpasok pa lang niya sa sala, nakita niyang abala si Toto, ang ten years old niyang half-brother, sa paggawa ng homework. Wala ang mga magulang nila sa paligid.Siguro lumabas na naman ang mama nito para maglaro ng tong-its at ang papa naman nila..."Toto, nasaan si Papa at si Tita? Hindi pa ba sila nakakauwi?" tanong ni Gianne.Tumingala ang bata at tinignan siya nang walang emosyon. "Si Papa nasa balkonahe, at si Mama naglalaro ng tong-its sa kabilang bahay. Ang tagal mong bumalik, hindi mo ba alam na oras na ng hapunan?" Pagkatapos ay bumulong-bulong pa ito.Hindi na ito pinansin ni Gianne dahil sanay na siya sa ganitong klaseng pamilya, sanay sa paminsan-minsang panunumbat at pangungutya ng madrasta at kapatid, pati na rin sa walang pakialam na ugali ng ama.Akala niya, makakaalis na siya at makakatakas sa bahay na ito at makakasama na ang lalaking mahal

  • Marriage Deal with the Sexy Billionaire   Chapter 1

    Chapter 1MABILIS na sumakay sa isang taxi si Gianne pagkatapos ay kinuha ang compact mirror mula sa bag para tingnan kung may mali sa mukha.Ngayon ang araw ng balik ang boyfriend niya matapos ang anim na taon nito sa ibang bansa. May usapan sila na magkikita para sa dinner date kaya syempre, kailangan niyang magpaganda.Tinitigan niya ang malinis na mukha sa salamin at nginitian ang sarili. Ayan, mukha siyang maayos at kaaya-aya. Magpo-propose na kaya ng kasal si Calix sa kanya? Mas lalong lumapad ang ngiti ni Gianne. Pagdating sa mamahaling restaurant na may mellow music, lalong siyang na-excite. "Miss, welcome po. Nai-book na ni Sir Calix ang private room. Sunod na lang po kayo sa akin.""Salamat!"Dinala siya ng waiter sa paborito nilang private room na may napakagandang tanawin. Mula sa bintana, tanaw ang halos buong night view ng Makati. Siyempre, kapag kasama mo ang mahal mo sa ganitong klaseng lugar, siguradong magiging masaya ka.Pagpasok niya, napansin niyang wala pa si

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status