(Sera POV)
Kahit malakas na ulan sinamahan din ako sa nararamdaman kong sakit at pait ngayon. Patuloy nga akong umiyak… Hangang sa napahikbi na lamang ako. Hindi ko nga namalayan, nakatulog na ako sa balikat ni Dra. Gail…
(Ruel POV)
Dahil kay Nathaniel… Nagkakaganito na ang buhay ni Sera. Ang kamao ko matagal ng nangangati na ipatikim kay Nathaniel ang nakuha niya sa pagpapa-iyak sa kapatid ko. Hindi ko nga kapatid si Sera, pero mas gugustuhin ko nga yun, dahil may paraan pa para maprotektahan ko siya ng husto.
“Nakatulog na ata Dr. Mendevil si Sera.” Na ikinamulat ko ng aking mga mata. Oo, kanina ko pa ngang hindi narinig ang hikbi ni Sera, pero ang paulit-ulit na bulong sa akin na kamuntikan ng may masamang mangyari sa kanya, ay parang tinutuya ako ni Satanas na manakit ngayon.
Binuhay ko ang makina ng sasakyan.
“Dra. Gail, ma
(Sera POV)Si Kuya Ruel nakasandal sa isang dingding, at napapikit lamang ito ng lumabas ako. Hinahayaan lang nila magtapatan ng kayabangan ang mga tauhan nila. Inalis ko ang pagkaka-akbay ni Nathaniel sa akin. Hinarap ko siya.“Wala akong oras upang maglinis ng unit ko, kaya kung mangugulo lang naman ang mga tauhan mo, palabasin mo sila ngayon din.” Ngumisi lamang si Nathaniel pero sumunod naman siya sa akin at senenyasan ang mga tauhan niya magsilabasan. Isang tango din ni Kuya Ruel sa kanyang tauhan, sumunod din ito.Iminulat ni Kuya Ruel ang kanyang mga mata. “Kailan mo lulubayan si Sera?”Mayroong katapangan sa tanong niya para kay Nathaniel.“Lubayan ang asawa ko para pestihin mo rin Ruel? Nah, hindi ko yan hahayaan na mangyari.”“Nathaniel, dalawa ba kaming pinapanindigan mo? Mahirap yang ginagawa mo. Kung wala kang balak makipaghiwalay sa akin,
(Wilma POV)Inakala kong mauuwi ang pinapakita kong awa sa Old Master Yao na kakampihan niya ako at tuluyan na sisipain si Sera sa pamilyang ito, ngunit nagkakamali pala ako. Ano ang nakita ng uklubin na ito kay Sera. Bakit niya sinasabi ang mga salitang ito na parang nais niya ako mapahiya. Sa totoo lang parang ilang beses akong sinampal sa sinabi nito. Si Sera ang kinikilala niyang manugang sa pamilyang ito na hindi talaga ako makakapayag!Hindi ko hahayaan na magwagi si Sera sa usapang ito. Ito na ang pagkakataon ko para sirain siya, at tangapin ng Old Master Yao na ako ang karapatdapat para kay Nathaniel.Kung makatitig sa akin ang Old Master Yao, parang ako itong makasalanang babae sa mundo na nakilala niya. Ngunit hindi ako susuko na makita niyang ako ang mas marangal, mabait, at nakakaawa sa situation na ito.Malumanay ang mukha ng Old Master Yao, at ang asal na ipinapakita niya sa amin ay marangal. Kalmado, at alam a
(Sera POV)Ang napakalma kong puso sa isang iglap muling bumilis ang pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang old Master Yao sa kanyang tanong. Nakatitig ito sa akin ng husto, hangang sa ikinayuko ko. Ewan ko kung naitago ko ang aking mukhang namumula sanhi ng tanong.Mahinahon na ngumiti ang Old Master Yao, kinuha ang kanyang tsaa, at bago nagsalita napahigop muna ito. Napatitig sa mukha ng mag-asawang Mendevil at Wilma, tila ba sila na ang nailang sa narinig nila.“Ang mukha mo iha, alam kong hindi sapilitang nakipagtalik sayo si Nathaniel, kaya naman sa mga naririto sa silid na ito, muli ko kayong pagbabantaan. Walang may karapatang sumira sa kasal ng dalawang ito hangang humihinga pa ako sa mundong ito.”Sa ipinahayag ng Old Master Yao ang mukha ni Ate Wilma ay kasindilim ng uling at napakalagim. Sigurado ako na naubos na ni Ate Wilma lahat ng mura na maimumura niya sa Old Master Yao.&ldquo
(Sera POV)“Gusto ko ang katapangan mo ngayon Sera.” At biglang hinawakan ni Nathaniel ang braso ko. Mahigpit at malakas. Nasasaktan ako… Pero ang sakit na nararamdaman ko wala pa ito sa sakit na ipinaranas ni Nathaniel at Wilma sa akin.“Sa totoo lang Nathaniel, kaya kong isumpa na ikaw lamang ang naging lalaki ko sa buong buhay ko. Paano naman si Ate Wilma? Sa tingin mo ba napakalinis niya?” Oras na para labanan ko nga ang mga sinabi ni Ate Wilma sa akin na hindi tugma sa pagkatao ko. “Siyam… O baka hindi na mabilang sa daliri. Pinagbubuntis ko ang anak natin noon pero hindi mo ako pinaniwalaan, at ang isa pang katangahan na hindi ka naniwala sa akin, ay ang pinagbubuntis ni Ate Wilma na anak mo ito? Hindi mo yun anak!”Binitiwan ako bigla ni Nathaniel, at tumawa…“Alam mo Sera hangang ngayon yan parin ang sinasabi mo sa akin. Alam natin na hindi mo pinagbubunt
(Wilma POV)“Dahil ipinamukha naman ni Sera sa pamilya mo na hindi ako karapat-dapat saiyo. Na masama ako, at ang pagmamahal ko sayo Nathaniel ay naging landi na lamang sa paningin nila. Kahit ikaw nabulag na ng tuluyan ni Sera, wala na akong kalaban-laban pa. Mas mabuting mawala na lamang kami ni Seth sa mundong ito. Hadlang lamang kaming dalawa sa pagmamahalan ninyo ni Sera.”Napabuntong-hininga si Nathaniel, at napilitang maupo sa harapan ko.(Sera POV)Sa loob nga ng dalawang linggo, hinayaan lamang ako ni Nathaniel na manatili sa aking Condo Unit, matapos din ibigay ni Kuya Ruel ang pekeng resulta na depression nga ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng aksidente isang gabi. Ayoko siyang makita kung siya naman talaga ang magiging daan para maging maikli ang buhay ko.Pero hindi ko inaasahan mayroon akong natangap na documentong galing sa Y
(Sera POV) Lumabas si Nathaniel sa sasakyan nito at asar na napangiti siya sa akin. Saka ang paningin nito dumapo sa paningin ni Kuya Ruel.“Hindi sayo sasama ang asawa ko. Hindi mo na ito kailangan pa gawin Ruel. Pero maraming salamat kung patuloy kang sumusulpot sa tuwing nanganganib nga ang asawa ko. Ngunit sa ngayon, gaya ng sinabi ko, sa akin siya sasama.”Walang nagawa si Kuya Ruel kundi lumabas nga sa sasakyan para na din kausapin ng tao sa tao si Nathaniel.“Yun kung hahayaan kong may mangyari na namang hindi maganda kay Sera.” Lalong umabot ang ngiting pang-asar ni Nathaniel hangang sa tenga nito. “Sa ngayon mayabang mong sinasabi na asawa mo si Sera pero darating ang oras na matatapos na ang relasyon ninyong dalawa.” Dagdag pa ni Kuya Ruel. “Asawa mo siya ngayon, kaya sino naman ako para sunduin siya, kaya hahayaan kitang sumama si Sera saiyo.”“Natural Ruel.” Hindi pa nga nakukuha ni Nathaniel ang pagsang-ayon ko sa kanya, lumapit na ito sa akin at hinablot ang kamay ko. N
(Sera POV)Ngunit biglang tumawa si Nathaniel. Hindi ito maganda…“Alam mo Sera pinapatawa mo ako ng husto eh. Kasi minamaliit mo ako ng husto. Alam mo bang parang papatay lang ako ng langgam kapag ginusto ko siyang patayin?”Alam ko kung ano ang kayang gawin ni Nathaniel sa isang iglap. Kaya naman napayuko ako ng bahagyang at napabuntong-hininga. Pero hindi ko inaasahan na magpapakita ng katigasan si Gail sa harapan ni Nathaniel, at patuloy na nagsalita para lang ata ipaglaban ang hustisya para sa akin.“Naman talagang wala kang kwenta. Puro ka pananakot kay Sera! Sige, patayin mo ako! Tch. Ang isang Mr. Nathaniel Yao gago at walang kwentang asawa! Higit pa roon, isang kang bulag na walanghiya!”“Gail, tama na please. Shhhh. Tama na.” Na kahit nga malamig ang paligid pinagpapawisan ako para kay Gail.Nandilim ang mukha ni Nathaniel. Parang kahit anong oras tila
(Sera POV)“Nathaniel, bitawan mo ako!” Nagpupumiglas ako a kanya, pero hindi ako makawala kay Nathaniel.Hinalikan nito ang aking leeg, at bigla nitong kinagat. Napapikit ako sa sakit… At namilipit ang buo kong katawan. Lalo na ang lugar kung nasaan ang aking tumor.“Diba sinabi mo na ako lang ang mamahalin mo Sera? Ibig lang sabihin ako lang ang makakasama mo sa kama. O hindi lang ako ang pinagsabihan mo noon, kundi maraming lalaki? Ilan ba kami Sera? Alam mo nadidiri ako kapag iniisip kong totoo ang mga yun!”Over-thinking ang tamang salita para riyan Nathaniel. Hinding-hindi ko magagawa ang kalokohan na yan.“Paulit-ulit kong tinatanong ang aking sarili, bakit kita pinakasalan.” Pabulong niyang sinabi sa akin na halos lahat ng aking balahibo nagsitindigan. Hangang sa pinunit na nga niya ang natitira kong saplot.“Nathaniel…” Mangiyak-ngiyak kong