(Sera POV)
Ngunit biglang tumawa si Nathaniel. Hindi ito maganda…
“Alam mo Sera pinapatawa mo ako ng husto eh. Kasi minamaliit mo ako ng husto. Alam mo bang parang papatay lang ako ng langgam kapag ginusto ko siyang patayin?”
Alam ko kung ano ang kayang gawin ni Nathaniel sa isang iglap. Kaya naman napayuko ako ng bahagyang at napabuntong-hininga. Pero hindi ko inaasahan na magpapakita ng katigasan si Gail sa harapan ni Nathaniel, at patuloy na nagsalita para lang ata ipaglaban ang hustisya para sa akin.
“Naman talagang wala kang kwenta. Puro ka pananakot kay Sera! Sige, patayin mo ako! Tch. Ang isang Mr. Nathaniel Yao gago at walang kwentang asawa! Higit pa roon, isang kang bulag na walanghiya!”
“Gail, tama na please. Shhhh. Tama na.” Na kahit nga malamig ang paligid pinagpapawisan ako para kay Gail.
Nandilim ang mukha ni Nathaniel. Parang kahit anong oras tila
(Sera POV)“Nathaniel, bitawan mo ako!” Nagpupumiglas ako a kanya, pero hindi ako makawala kay Nathaniel.Hinalikan nito ang aking leeg, at bigla nitong kinagat. Napapikit ako sa sakit… At namilipit ang buo kong katawan. Lalo na ang lugar kung nasaan ang aking tumor.“Diba sinabi mo na ako lang ang mamahalin mo Sera? Ibig lang sabihin ako lang ang makakasama mo sa kama. O hindi lang ako ang pinagsabihan mo noon, kundi maraming lalaki? Ilan ba kami Sera? Alam mo nadidiri ako kapag iniisip kong totoo ang mga yun!”Over-thinking ang tamang salita para riyan Nathaniel. Hinding-hindi ko magagawa ang kalokohan na yan.“Paulit-ulit kong tinatanong ang aking sarili, bakit kita pinakasalan.” Pabulong niyang sinabi sa akin na halos lahat ng aking balahibo nagsitindigan. Hangang sa pinunit na nga niya ang natitira kong saplot.“Nathaniel…” Mangiyak-ngiyak kong
(Sera POV)Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan sa kanya? O mali lang ang naitanong ni Ate Wilma sa akin?Lumingon ako kay Nathaniel na biglang kumunot ang noo, saka napahilot ng kanyang sintido. Saka bumaling ako kay Wilma at mas lalong nilakihan ko ang ngiti sa kanya. “Bakit mo ako tinatanong ng ganyan Ate Wilma? Ano ba ang pinagsasabi mo? Bahay ko ito. Kaya natural dito ako mag-aalmusal at niyaya nga ako ng asawa ko bago pumunta sa boutique ko. Ikaw, ano ang ipinunta mo dito? Ang Lumambitin na naman sa leeg ng asawa ko. Yan naman diba ang ginagawa ng kabit diba?”“…” Nagbago ang ekpresyon ni Ate Wilma. Humigpit ang hawak niya sa kanyang pitaka at naglabasan ang mga ugat sa kanyang mga kamay. Subalit magaling parin siya sa pag-arte. Wala na atang makakatalo sa kanya.Lumapit siya kay Nathaniel na may lungkot bigla ang mukha.“Nathaniel, parang hindi dapat ako pumunta dito. Tulo
(Sera POV)“Bakit di mo sinagot?” Tanong ni Kuya Ruel na nakita ngang kaagad kong dinecline ang tawag. Bahagyang akong ngumiti sa kanya.“Scam caller nauso ngayon Kuya Ruel. Ang kulit.”Pagkatapos kong sabihin yun, lumabas na kami sa boutique ko, at sumakay sa elevator. Tahimik lang na nakasunod si Kuya Ruel sa akin. Ngunit ng bumukas ang elevator, ang sumalubong sa akin pagmumukha ni Nathaniel kasama ang kanyang mga alipores.Napangisi si Nathaniel ng makitang kasama ko nga si Kuya Ruel. Lalong lumamig ang paligid… Ang puso ko parang sumali na naman sa karera. Kahit na sabihin ko nga sa sarili ko na hindi ko na mahal ang lalaking ito, parang hindi parin ako makakatakas sa kanya.“Nathaniel.” Lumabas si Kuya Ruel sa elevator na napatapik sa aking balikat. “Andito ka rin ba para sunduin si Sera? Naunahan kita, paano yan.”“Tsk. Wag kang mayabang
(Sera POV)Mananagot ng husto si Nathaniel at Wilma kapag nalaman nga ng Old Master Yao na may mali akong kinain. Sa kalagitnaan ng katahimikan magsasalita na sana si kuya Ruel ng hinila ko ang kamay nito. Umiling ako ng lihim sa kanya. Saka ngayon lang ako magpapaka-ipokrita para kay Nathaniel at Ate Wilma. Ngumiti ako ng matamis…“Nag-iisip lang ho si Nathaniel kung nagdadalang-tao na po ba ako. Nagtatalo kami kung ano ba ang kasarian ng baby namin in case nga po na buntis ako.” Kaagad na napangiti ang Old Master Yao sa kanyang narinig.“Parang maganda nga ang ideya na yan. Kahit anong kasarian Sera welcome sa aming pamilya.” Dismayado si Kuya Ruel sa sinabi ko… Si Nathaniel naman hindi makapaniwala sa inilabas ng aking bibig. Si Ate Wilma kumunot ang noo at bahagyang tumaas ang kanyang kilay. Tila ba hindi niya gusto ang kanyang narinig. “kamusta Dr. Ruel, buntis na ba
(Sera POV) Walang-hiwalayan na mangyayari?“Paano si Ate Wilma?” Subok ko sa kanya.“No Sera.” Pagtangi ni Nathaniel sa pamagitan ng mapang-akit niyang boses. “Makikipaghiwalay ka dahil mayroon kang ibang lalaki. Saka hindi ba noon Sera napakadesperada mong magpakasal sa akin? Nagkunwari ka pang hindi mo ako kilala ng makilala mo ako noon? Kaya naman tutuparin natin ang pagiging desperada mo noon.”“Mali. Gustong-gusto ko na talagang hiwalayan ka. Sinisira mo na ako Mr. Nathaniel Yao. Walang ibang dahilan… Walang iba.”“Hangang panaginip mo na lang mangyayari ang kagustuhan mong yan Sera.” Na walang awa nga akong tinangihan nito. Saka hinawakan ni Nathaniel ang aking bababa… “Alalahanin mo Sera, sabi mo ipinagbubuntis mo ang anak ko nitong nakalipas na mga taon at sa huli sinisi mo ako na may kinalaman ako sa pagkamatay ng bastardo mong p
(Sera POV)“Kuya Ruel, galit ka parin ba sa akin dahil nasabuyan kita ng tsaa? Pasensya na. Si Sera kasi iniinis na naman ako sa oras na yun. Wala naman sana akong intention kaya lang—.”“Di mo ako madadala sa pinagsasabi mo Wilma. Nakita ko ang lahat. Narinig ko ang mga paratang na sinasabi mo kay Sera. Hindi ako bingi at bulag. Wag na wag mong subukan na patawanin ako. Parati mo naman talagang tinatangkang saktan si Sera, hindi ba?”Sa sinabi ni Kuya tignan na lang natin kung makakaramdam ba ng hiya ang isang katulad ni Ate Wilma. Pero nanaig parin ang mukha niyang inosente ngunit may mali sa kanyang pilit na ngiti. Alam kong tumubo na naman ang sungay niya, ngunit kailangan niya ito kontrolin sa harapan ni Nathaniel.“Kuya naman…”“Tss. Wag mo akong matawag-tawag na kuya.”Kaya naman si Wilma lumapit kay Nathaniel na tila ba hindi pinansin ang tens
(Sera POV)Ang huli kong binuksan na mensahe galing sa Secretary ng Old Master Yao. Masama daw ang pakiramdam nito, at parang nais akong makita. Tumawag naman ako pabalik, at sinabi na aasahan ng Old Master Yao ang pagbisita ko sa Yao Manor. Tiyak daw may ikakabuti ito ng ama ni Nathaniel.Siguro nakikita lang sa akin ng Old Master Yao ang yumao niyang dating asawa. Ngunit kahit ganoon dapat lang na parati kong ipakita ang pasasalamat ko sa kanya.Bago ako pumunta sa Yao Manor dumaan muna ako sa tindahan ni Uncle Alie, masaya naman ako nitong tinangap bilang customer pero hindi ko inaasahan na marinig dito…“Pumunta dito yung kabit ng asawa mo Sera. Wilma ang pangalan at dala pa niya ang pinagyayabang nitong anak. Dahil alam ko na hindi maganda ang idinudulot niya sayo hindi ko siya pina-unlakan. Mga kagaya niya ang sumisira sa magandang samahan ng mag-asawa. Sana Manindigan ka Sera.”Napan
(Nathaniel POV)“Master Nathaniel kanina pa pong tumatawag si Miss Wilma sa inyo.” Umangat ang paningin ko kay Secretary Taki, at para saan ang paulit-ulit nitong kinukuha ang attention ko para lang sa isang babaing nangugulo ng buhay namin ni Sera. Pero tinignan ko na lamang ang phone ko. May mga mensahe akong natangap tulad at medyo nabahala ako ng sinabi ni Wilma na mayroong lagnat si Seth.“Pakisabi na lang sa kanya na uuwi din ako mamaya.” Dahil wala akong gana na kumilos kaagad, kailangan ko tapusin ang mga ginagawa ko sa kompanya. Saka hindi ako ang doktor sa aming dalawa ni Wilma, ano ang ginagawa niya? Isa siyang doktora diba? At ang ganitong sitwasyon hindi niya kailangan kunin ang attention ko except wala talaga siyang magagawa sa situation ni Seth.Lumipas nga ang ilang oras at natapos ko pirmahan ang lahat ng papelis. Hangang sa pagabi na nga. Saka ko naalala ang situation ni Seth. May balak san