(Sera POV)
Ang napakalma kong puso sa isang iglap muling bumilis ang pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang old Master Yao sa kanyang tanong. Nakatitig ito sa akin ng husto, hangang sa ikinayuko ko. Ewan ko kung naitago ko ang aking mukhang namumula sanhi ng tanong.
Mahinahon na ngumiti ang Old Master Yao, kinuha ang kanyang tsaa, at bago nagsalita napahigop muna ito. Napatitig sa mukha ng mag-asawang Mendevil at Wilma, tila ba sila na ang nailang sa narinig nila.
“Ang mukha mo iha, alam kong hindi sapilitang nakipagtalik sayo si Nathaniel, kaya naman sa mga naririto sa silid na ito, muli ko kayong pagbabantaan. Walang may karapatang sumira sa kasal ng dalawang ito hangang humihinga pa ako sa mundong ito.”
Sa ipinahayag ng Old Master Yao ang mukha ni Ate Wilma ay kasindilim ng uling at napakalagim. Sigurado ako na naubos na ni Ate Wilma lahat ng mura na maimumura niya sa Old Master Yao.
&ldquo
(Sera POV)“Gusto ko ang katapangan mo ngayon Sera.” At biglang hinawakan ni Nathaniel ang braso ko. Mahigpit at malakas. Nasasaktan ako… Pero ang sakit na nararamdaman ko wala pa ito sa sakit na ipinaranas ni Nathaniel at Wilma sa akin.“Sa totoo lang Nathaniel, kaya kong isumpa na ikaw lamang ang naging lalaki ko sa buong buhay ko. Paano naman si Ate Wilma? Sa tingin mo ba napakalinis niya?” Oras na para labanan ko nga ang mga sinabi ni Ate Wilma sa akin na hindi tugma sa pagkatao ko. “Siyam… O baka hindi na mabilang sa daliri. Pinagbubuntis ko ang anak natin noon pero hindi mo ako pinaniwalaan, at ang isa pang katangahan na hindi ka naniwala sa akin, ay ang pinagbubuntis ni Ate Wilma na anak mo ito? Hindi mo yun anak!”Binitiwan ako bigla ni Nathaniel, at tumawa…“Alam mo Sera hangang ngayon yan parin ang sinasabi mo sa akin. Alam natin na hindi mo pinagbubunt
(Wilma POV)“Dahil ipinamukha naman ni Sera sa pamilya mo na hindi ako karapat-dapat saiyo. Na masama ako, at ang pagmamahal ko sayo Nathaniel ay naging landi na lamang sa paningin nila. Kahit ikaw nabulag na ng tuluyan ni Sera, wala na akong kalaban-laban pa. Mas mabuting mawala na lamang kami ni Seth sa mundong ito. Hadlang lamang kaming dalawa sa pagmamahalan ninyo ni Sera.”Napabuntong-hininga si Nathaniel, at napilitang maupo sa harapan ko.(Sera POV)Sa loob nga ng dalawang linggo, hinayaan lamang ako ni Nathaniel na manatili sa aking Condo Unit, matapos din ibigay ni Kuya Ruel ang pekeng resulta na depression nga ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng aksidente isang gabi. Ayoko siyang makita kung siya naman talaga ang magiging daan para maging maikli ang buhay ko.Pero hindi ko inaasahan mayroon akong natangap na documentong galing sa Y
(Sera POV) Lumabas si Nathaniel sa sasakyan nito at asar na napangiti siya sa akin. Saka ang paningin nito dumapo sa paningin ni Kuya Ruel.“Hindi sayo sasama ang asawa ko. Hindi mo na ito kailangan pa gawin Ruel. Pero maraming salamat kung patuloy kang sumusulpot sa tuwing nanganganib nga ang asawa ko. Ngunit sa ngayon, gaya ng sinabi ko, sa akin siya sasama.”Walang nagawa si Kuya Ruel kundi lumabas nga sa sasakyan para na din kausapin ng tao sa tao si Nathaniel.“Yun kung hahayaan kong may mangyari na namang hindi maganda kay Sera.” Lalong umabot ang ngiting pang-asar ni Nathaniel hangang sa tenga nito. “Sa ngayon mayabang mong sinasabi na asawa mo si Sera pero darating ang oras na matatapos na ang relasyon ninyong dalawa.” Dagdag pa ni Kuya Ruel. “Asawa mo siya ngayon, kaya sino naman ako para sunduin siya, kaya hahayaan kitang sumama si Sera saiyo.”“Natural Ruel.” Hindi pa nga nakukuha ni Nathaniel ang pagsang-ayon ko sa kanya, lumapit na ito sa akin at hinablot ang kamay ko. N
(Sera POV)Ngunit biglang tumawa si Nathaniel. Hindi ito maganda…“Alam mo Sera pinapatawa mo ako ng husto eh. Kasi minamaliit mo ako ng husto. Alam mo bang parang papatay lang ako ng langgam kapag ginusto ko siyang patayin?”Alam ko kung ano ang kayang gawin ni Nathaniel sa isang iglap. Kaya naman napayuko ako ng bahagyang at napabuntong-hininga. Pero hindi ko inaasahan na magpapakita ng katigasan si Gail sa harapan ni Nathaniel, at patuloy na nagsalita para lang ata ipaglaban ang hustisya para sa akin.“Naman talagang wala kang kwenta. Puro ka pananakot kay Sera! Sige, patayin mo ako! Tch. Ang isang Mr. Nathaniel Yao gago at walang kwentang asawa! Higit pa roon, isang kang bulag na walanghiya!”“Gail, tama na please. Shhhh. Tama na.” Na kahit nga malamig ang paligid pinagpapawisan ako para kay Gail.Nandilim ang mukha ni Nathaniel. Parang kahit anong oras tila
(Sera POV)“Nathaniel, bitawan mo ako!” Nagpupumiglas ako a kanya, pero hindi ako makawala kay Nathaniel.Hinalikan nito ang aking leeg, at bigla nitong kinagat. Napapikit ako sa sakit… At namilipit ang buo kong katawan. Lalo na ang lugar kung nasaan ang aking tumor.“Diba sinabi mo na ako lang ang mamahalin mo Sera? Ibig lang sabihin ako lang ang makakasama mo sa kama. O hindi lang ako ang pinagsabihan mo noon, kundi maraming lalaki? Ilan ba kami Sera? Alam mo nadidiri ako kapag iniisip kong totoo ang mga yun!”Over-thinking ang tamang salita para riyan Nathaniel. Hinding-hindi ko magagawa ang kalokohan na yan.“Paulit-ulit kong tinatanong ang aking sarili, bakit kita pinakasalan.” Pabulong niyang sinabi sa akin na halos lahat ng aking balahibo nagsitindigan. Hangang sa pinunit na nga niya ang natitira kong saplot.“Nathaniel…” Mangiyak-ngiyak kong
(Sera POV)Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan sa kanya? O mali lang ang naitanong ni Ate Wilma sa akin?Lumingon ako kay Nathaniel na biglang kumunot ang noo, saka napahilot ng kanyang sintido. Saka bumaling ako kay Wilma at mas lalong nilakihan ko ang ngiti sa kanya. “Bakit mo ako tinatanong ng ganyan Ate Wilma? Ano ba ang pinagsasabi mo? Bahay ko ito. Kaya natural dito ako mag-aalmusal at niyaya nga ako ng asawa ko bago pumunta sa boutique ko. Ikaw, ano ang ipinunta mo dito? Ang Lumambitin na naman sa leeg ng asawa ko. Yan naman diba ang ginagawa ng kabit diba?”“…” Nagbago ang ekpresyon ni Ate Wilma. Humigpit ang hawak niya sa kanyang pitaka at naglabasan ang mga ugat sa kanyang mga kamay. Subalit magaling parin siya sa pag-arte. Wala na atang makakatalo sa kanya.Lumapit siya kay Nathaniel na may lungkot bigla ang mukha.“Nathaniel, parang hindi dapat ako pumunta dito. Tulo
(Sera POV)“Bakit di mo sinagot?” Tanong ni Kuya Ruel na nakita ngang kaagad kong dinecline ang tawag. Bahagyang akong ngumiti sa kanya.“Scam caller nauso ngayon Kuya Ruel. Ang kulit.”Pagkatapos kong sabihin yun, lumabas na kami sa boutique ko, at sumakay sa elevator. Tahimik lang na nakasunod si Kuya Ruel sa akin. Ngunit ng bumukas ang elevator, ang sumalubong sa akin pagmumukha ni Nathaniel kasama ang kanyang mga alipores.Napangisi si Nathaniel ng makitang kasama ko nga si Kuya Ruel. Lalong lumamig ang paligid… Ang puso ko parang sumali na naman sa karera. Kahit na sabihin ko nga sa sarili ko na hindi ko na mahal ang lalaking ito, parang hindi parin ako makakatakas sa kanya.“Nathaniel.” Lumabas si Kuya Ruel sa elevator na napatapik sa aking balikat. “Andito ka rin ba para sunduin si Sera? Naunahan kita, paano yan.”“Tsk. Wag kang mayabang
(Sera POV)Mananagot ng husto si Nathaniel at Wilma kapag nalaman nga ng Old Master Yao na may mali akong kinain. Sa kalagitnaan ng katahimikan magsasalita na sana si kuya Ruel ng hinila ko ang kamay nito. Umiling ako ng lihim sa kanya. Saka ngayon lang ako magpapaka-ipokrita para kay Nathaniel at Ate Wilma. Ngumiti ako ng matamis…“Nag-iisip lang ho si Nathaniel kung nagdadalang-tao na po ba ako. Nagtatalo kami kung ano ba ang kasarian ng baby namin in case nga po na buntis ako.” Kaagad na napangiti ang Old Master Yao sa kanyang narinig.“Parang maganda nga ang ideya na yan. Kahit anong kasarian Sera welcome sa aming pamilya.” Dismayado si Kuya Ruel sa sinabi ko… Si Nathaniel naman hindi makapaniwala sa inilabas ng aking bibig. Si Ate Wilma kumunot ang noo at bahagyang tumaas ang kanyang kilay. Tila ba hindi niya gusto ang kanyang narinig. “kamusta Dr. Ruel, buntis na ba