Chapter 8 (7) His Two Brides
(Sera POV)
Pumasok kami ni Nathaniel sa napakalaking silid. Napaka-elegante nito sa loob. Isang king size bed na mayroong nakasaboy na mga talulot ng pulang rosas. Kaming dalawa lang ang andito at kanina sa pintuan may sinabi ang butler sa kanya na nakahanda nga ang pampaligo namin. Kaagad na hinubad ni Nathaniel ang coat niya, saka niluwagan ang necktie nito. Napatitig sa ilang folder na nasa mesa. Saka nilingon ako…
“Tuluyan nang walang utang ang pamilya mo sa amin, lalo na sa pinag-utangan nilang iba pa.” May panunuya bigla sa labi nito. Yun naman talaga ang kahihinatnan ng kasal na ito…
“Ang bilis naman. Akala ko pagkatapos pa ng—.”
“Thanks to your Sister. Pinakilos ko na si Secretary Taki na gawin na nga, para maayos ng mamuhay kayo sa mundong ito.”
Napaupo ako sa isang stool, at hin
Chapter 9 No Turning Back (Nathaniel POV)Lumabas ako sa banyo, na dapat maibsan ang init ng ulo ko pero bakit parang lumala. Saka humihingi pa ng attention ang pagkalalaki ko. F*ck! Naisahan na naman ba ako ng matandang uklubin na yun! Argggghh! Tsk!Ngunit sa paglabas ko at nakasupot na nga ako ng bathrobe… Tumutulo pa ang buhok ko para Ipatawag ang Butler ng pamamahay na ito… Hindi ko na kailangan magpatawag at tanungin ito, dahil nasa harapan ko na sila. Hindi talaga ako nagkakamali… Bulsh*t!“Anong ginagawa niyo dito?”“Ganito pala ang ayos ng silid mo Nathaniel, matagal-tagal din na hindi ako nakapasok dito.” Palusot ng aking ama. Hinanap ng aking mga mata na parang nahihilo ang hulma ng isang babae sa paligid ngunit wala akong nakita. Talagang sinunod ako ni Sera at hindi ako nito binigo.“Lumabas na kayo, nakakah
Chapter 9 (2) No Turning Back(Sera POV)Nang lumabas ako sa silid, kung kagabi namangha na talaga ako ng nilalaman ng Manor, ngayon na umaga… lalo pa akong napanganga sa detalying nakikita ko. Ang daming mga collection ng painting sa hallway na parang yun ang mga authentic.Saka mga flower vase na meron ngang mga sariwang bulaklak. Naabutan ko yung mga naglalagay ng bulaklak, at saglit silang natigilan ng dumaan ako. Ngumiti ako sa kanila bilang tugon sa respeto na binigay nila sa akin.Nagdadalawang-isip man sila, napangiti na lang din pabalik sa akin.“Maari bang makahingi ng isang tangkay nito?” Lapit ko sa may hawak ng maraming bulaklak. Malalaki at iba’t-ibang kulay ng rosas. Masaya naman silang napatango sa akin, at kinuha ko nga yung kulay orange na rosas… Napakaganda nito, at hindi ko napigilan na amuyin yun.“Maraming salamat.&rdquo
Chapter 9 (3) No Turning Back(Sera POV)Mag-iisang linggo pa lamang kaming kasal ni Nathaniel, at nanatili kami sa Manor, na yun ang pinag-usapan ng mag-ama na pagkatapos ng kasal dito nga muna kami mananatili sa Manor. Ngunit ang hindi sinunod ni Nathaniel ang samahan nga ako sa Manor nitong mga nakalipas na araw dahil abala siya sa kanyang trabaho.Nagmamadali na ako sa aking niluluto dahil alam ko uuwi na yun si Nathaniel… Masaya naman dahil kahit paano kinakain nga nito ang niluluto ko. Natutuwa din ang Old Master Yao sa tuwing nagluluto ako para sa amin. At yung niluto ko ang palaging ubos at simot na simot.“Final touch, garnish… Ayan.” Napangiti ako. Nang mailagay ko ang ginawa kong munting rosas sa pamagitan ng balat ng kamatis.“Madam Yao, parating na ang sasakyan ni Master Nathaniel.”“Ihain niyo na itong n
Chapter 9 (4) No Turning Back (Sera POV)Tuluyan nang naka-uwi si Nathaniel sa kanyang bahay, ngunit ni minsan hindi kami nagkakasalubungan, at halos isang linggo na din siyang nakabalik dito. Tinatangka ko man na hintayin ang pag-uwi niya, nakatulog din ako kaagad dahil sa body rhythm na meron ako. Saka kapag nagigising naman ako ng maaga, natutulog pa ito, at pinagbilinan si Manang Dorothy na wag siyang gigimbalain.Hangang sa umaalis naman siyang hindi ko namamalayan. Napabuntong-hininga ako. Iniiwasan ako ni Nathaniel na parang isang napakamalubhang sakit. Ngunit hindi ko naman hahayaan na apektuhan nito ang araw ko. Kahit hindi na nito tinitikman ang inihanda ko sa kanyang pagkain. Dahil ba sa bahay namin siya kumakain… At luto ni Ate Wilma? Di naman sa nagmamayabang, eh hindi nga marunong magprito ng itlog si Ate. Pero baka tinatago lang ni Ate Wilma ang galing niya sa pagluluto.
(Nathaniel POV)“Yung asawa mo, nasaan ngayon?” Malungkot na boses ni Wilma sa kabilang linya.“Bakit?” Dahil wala akong isasagot sa tanong niya. Halos dalawang linggo na din nanatili si Sera sa bahay, at ni minsan hindi nga ito lumabas. Ngunit ano itong pinagsasabi ni Wilma na parang hindi ko nais ang hinala niya.“Andito siya sa hospital namin, ano ang ginagawa niya dito? Ahhh. Sa tingin ko pupunta siya kay Kuya Ruel.”Napabuntong-hininga ako.“Hindi naman siguro pumunta dito si Sera para nga magpa-check up in case na hindi pa siya dinaratnan. Ang sabi mo diba sa akin Nathaniel, ni minsan hindi mo ginalaw si Sera lalo na pagkatapos ng kasal niyo hindi ba?Napapikit ako…Oo, nagsinungaling na ako kay Wilma na wala nga sa amin na nangyayari ni Sera.“Maari mo bang ibigay na sa kanya ang gamot na pinabibigay ko sayo? Ayokong ma
(Wilma POV)“Malayo pa ang sasakyan, ano ba ang naamoy ko?”“Mom, tikman niyo to.” Na kakarating pa lang nga ni Mama at sumilip na sa kusina. Napangiti ako sa kanya, dahil muli nakita niya akong nagsuot ng apron. Ang sabi daw kasi nila hindi ako ipinanganak na maaring maging chef, na bata pa lang ako gustong-gusto ko ang profession na ito.“Pupunta dito si Nathaniel, at kakain. Ang balak ko mag-di-diner date kami sa may garden. Para romantic Mommy. Anong sa tingin niyo, masarap po ba?” Tanong ko kay Mommy.At ng tinikman nga ni Mommy, medyo nangasim siya, pero… “Masarap iha.”“No need ko ng tikman yan since sinabi mo na nga Mommy na masarap.”“Iha, sa tingin ko kailangan mo pa magpaluto ng iba pang putahe.”“Marami na akong ginawa Mommy. Taran…” Na pinakita ko sa kanya yung mga niluto ko. “Ilang oras d
(Wilma POV)“Ngunit sa pagbabalik na lang niya ipagdidiwang ang kanyang kaarawan. Hindi bukas…”“Parang may mali dito Mama. Kailangan ko pumunta sa bahay ni Nathaniel! Ngayon din!”“Wilma, kalma lang. Ang lalaki hindi nagugustuhan ang mga babaing di kaagad naniniwala sa sinasabi nila. Nais mo bang ayawan ka ni Nathaniel?”“Hindi Mommy, alam kong may mali. At papatunayan ko yan.”“Wilma!” Dahil nga umakyat ako sa silid at kinuha ang susi ng sasakyan ko. Hindi ko kailangan ang driver na inireto sa akin ni Nathaniel dahil baka spy lang yun niya sa akin. Wag niya akong itrato na parang si Sera. Saka, kahapon, sinabi ko na lumabas si Sera sa bahay nila, pero parang wala lang itong ginawa. Hinayaan lang niya si Sera gumala. Gumala na nakadikit pa sa p*kpok na babaing yun ang pangalan niya.Wag na wag mo akong susubukan, Nathaniel Yao.
(Wilma POV)Wala si Nathaniel. Ibig sabihin nagsasabi ito ng totoo… Ngunit ako, napahiya nga ng dis-oras dahil lang sa kagustuhan ko na maka-usap ng mag-isa si Sera. At kung hindi ko mapigilan sana ang sarili ko, ubos ang buhok ni Sera. Pero pasalamat talaga yang si Sera, at nariyan sa likuran niya ang Old Master Yao.Tss.Sinamahan naman ako ng pinag-utusan ng Old Master Yao, ngunit hindi pa nga kami nakakalayo… Inis kong tinalikuran ito at pumunta kay Mama. Si Kuya Ruel muling ngumisi ng traydor sa akin habang si Papa, walang paki-alam na nakikipagyabangan sa mga negosyanteng naroroon. Mayabang na yan si Papa dahil nga wala nang nakatali sa leeg niyang mga utang. Nakakalimutan na nito ang tungkol sa akin at kay Mama.“Anak mo Ruth.” Di ko inaasahan na may kausap si Mama.“Ahhh. Oo, panganay na anak kong babae.”“Hindi mo nga anak si Sera, pero bakit parang si Sera ang kumuha ng alindog at kagandahan mo.”Anong ibig nilang sabihin?!Tama naman! Hindi ko nga minana ang kalandian ni Ma