(Sera POV)Nakikipaglaro sa talukap ng aking mga mata ang liwanag na nais nga sa akin gumising. Napa-unat ako ng aking buong katawan, bago tuluyan imulat ang aking mga mata. Bumungad kaagad sa aking paningin ang mga sangay na bakal para maitayo ang tent.Tent? Napaupo bangon ako, at bago pa man mahubaran ang walang saplot na katawan ko, kaagad kong hinila pabalik ang kumot. Yung mga damit ko kagabi, nagkalat sa paligid ko. May nangyari na naman sa amin ni Nathaniel, kagabi.Napa-iling ako. Parang lasing ako kagabi… Yung tipong nag-inuman kami ni Nathaniel, at pareho nga kaming dalawa lasing.Narinig ko sa labas ng tent na parang may nag-uusap, at kilala ko ang boses nila… Si Nathaniel at ang Old Master Yao. Dali-dali kong hinagilap ang mga damit ko, at nagbihis nga ako.Paglabas ko, parang nakakita ako ng dahilan upang mamula ang pisngi ko, at sasabog na nga ang dibdib k
Chapter 13 (Wilma POV)Wala si Nathaniel. Ibig sabihin nagsasabi ito ng totoo… Ngunit ako, napahiya nga ng dis-oras dahil lang sa kagustuhan ko na maka-usap ng mag-isa si Sera. At kung hindi ko mapigilan sana ang sarili ko, ubos ang buhok ni Sera. Pero pasalamat talaga yang si Sera, at nariyan sa likuran niya ang Old Master Yao.Tss.Sinamahan naman ako ng pinag-utusan ng Old Master Yao, ngunit hindi pa nga kami nakakalayo… Inis kong tinalikuran ito at pumunta kay Mama. Si Kuya Ruel muling ngumisi ng traydor sa akin habang si Papa, walang paki-alam na nakikipagyabangan sa mga negosyanteng naroroon. Mayabang na yan si Papa dahil nga wala nang nakatali sa leeg niyang mga utang. Nakakalimutan na nito ang tungkol sa akin at kay Mama.“Anak mo Ruth.” Di ko inaasahan na may kausap si Mama.“Ahhh. Oo, panganay na anak kong babae.”
(Sera POV)Halatang hindi na maganda ang pakiramdam ni Ate Wilma kaya lumabas na nga kami sa silid. Para ma-divert ang kanyang isipan, pumasok kami sa napakalaking library mismo dito sa Manor. Walang interest si Ate Wilma kahit kanina pa ako nagsasalita, at ipinakita sa kanya ang mga medical books. Siguradong tungkol ito sa silid namin ni Nathaniel.“Uhmmm, Sera. Yung silid ni Nathaniel, alam mo ba kung nasaan?” At hindi pa nga tuluyan naalis sa isipan ni Ate Wilma ang tungkol sa silid naming dalawa.“Sa totoo niyan Ate Wilma, yung silid na para sa amin ni Nathaniel, kanyang dating silid yun.”“Ang ibig mong sabihin wala na siyang sariling silid dito sa Manor.” Napa-iling ako sa kanya. “Bakit ikaw may sarili kang silid?”“Di kasi magkakasya ang gamit naming dalawa sa silid niyang yun.” Sagot ko sa kanya na ayaw ko sanang sagutin.“Ahhh. Sabagay,
(Sera POV)“Nasa loob po ba ang Old Master Yao?” Tanong ko sa butler na nasa isang pintuan.“Nasa loob at kinakausap po ang mga magulang ninyo.” Ang pinag-uusapan ay siguradong tungkol kay Ate Wilma.“Maari ba akong pumasok?” At walang alintana na pinagbuksan ako ng pinto nito. Sa pagpasok ko agad na napalingon sa akin si Mama at Papa na medyo hindi nga maganda ang titig na binibigay nila sa akin. Ngunit…“Iha, sana naman alalahanin mo ang pinagsamahan ninyo ng ate mo Wilma. Hindi ka namin pinabayaan kahit nga hindi ka namin anak. Pinadama namin na mayroon kang pamilya. Sana naman hindi mo kami talikuran ng ganito lang…” Si Mama.“Tss. Ang anak niyo mismong si Wilma ang may kagagawan ng gulong ito. Nagkunwari pa siya, na siya ang biktima ng gulo niyang ginawa. Mas maganda siguro na wag na lamang siya mag-doktor kundi maging artista na
(Nathaniel POV)Isang Rolex watch…Tss. Nakakadismaya. Iniwan ko ito sa mesa, at wala na nga akong gana na buksan pa ang ilang regalo sa akin ng ibang taong hindi ko naman kilala. Pumunta sa banyo, at naligo. Pagkatapos magbihis, mahimbing parin nga ang tulog ni Sera.Hindi pa ako dinaratnan ng antok, kaya minabuti ko munang pag-aralan ang ilang dokumento. Hangang sa biglang nag-alarm ang phone ko… Ten minutes bago maghating gabi… Kada isang beses sa isang taon… Ang record birthday greeting ni Mama sa akin noon.I play the video record, at walang kupas parin ang ngiti ni Mama sa akin habang binabati niya ako. Ngunit hindi ko maiwasan, bakit ang nakikita ko kay Mama, si Sera? Magkamukha silang dalawa. Kaya ba nagustuhan ko si Sera dahil kamukha siya ni Mama?Teka… Sinabing ampon lang si Sera, sino ba ang mga magulang ni Sera? Hindi kaya…No. Hindi maari
(Sera POV)“Nathaniel…” At ang mga kasamahan namin, nagsilabasan na nga. “Ginagawa mo ba ito para… dahil sa pagnanasa mo lang sa akin?”“Tss. Ginagawa ko ito dahil may tungkulin tayong dalawa sa pamilyang ito Sera. Kaya wag na wag mo akong iiwasan!” Nagkatitigan kaming dalawa… At ang tugon ko umiling ako sa kanya.“Hindi ko na ito gagawin Nathaniel. Kung mahal mo si Ate Wilma, mas makakabuting iwasan na nating gawin ito. May balak ka din naman na makipaghiwalay sa akin diba? Bakit sisirain mo pa ang buhay ko?” At hindi na ako naghintay ng sagot niya, tuluyan na akong tumalikod at bubuksan ko na sana ang pinto ng pinigilan ng basang kamay ang kamay ko.“Ni minsan wag na wag kang magtatangka na tangihan ako.” Bulong niya sa akin na nagsitindigan ang mga balahibo ko. Lalo pa ng… Naramdaman ko ang labi niya sa aking leeg, at muling idiniin ni
(Sera POV)Gusto ko man matulog, pero hindi ako dinalaw ng puyat. At ang katabi ko, nakatulog na. Bakit kasi ang killjoy ng lalaking ito. Maari naman siyang matulog mag-isa diba? Bakit gusto niyang sumiksik dito sa kwarto ko.Bumangon ako para nga kumuha ng maiinom. At pumunta ng banyo para ng umihi… Pagkatapos ko, babalik na sana ako sa higaan ng makita ko ngang… Wala si Nathaniel. Huh? Pero napangiti ako. Eh gusto ko nga mawala siya sa higaan ko eh!At bumulusok nga ako sa higaan. Thank you naman at natauhan ang umag na yun. Ngunit…“Inumin mo ito Sera.” Na ikinamulat ko ng aking mga mata na para bang nakakita ako ng isang multo. “Para saan ang titig na yan.”“Akala ko… tulog ka na… At bumangon ka kanina para matulog sa sarili mong silid?”“Tss. Inumin mo ito. Makakatulong ito para makatulog ka ng maayos.”
(Wilma POV)“Mommy!” Sigaw ko kaagad pababa ng hagdan, ng magising ako dahil sa maagang pagtawag ni Secretary Taki sa akin.“Iha, dahan-dahan lang sa pagbaba ng hagdan.” Si Dad na kakalabas pa lamang nito sa silid nila. Sumunod naman si Mommy.“Yung secretarya ni Nathaniel, maaga akong tinawagan. Medyo nabwisit nga ako ng kunti kasi nagising ako. Pero maganda naman ang sinabi niya sa akin.”Ngumiti si Mama. “Ano yang magandang sinabi? Hihiwalayan na ba ni Nathaniel si Sera?”“Nope. Pero baka mamaya sabihin niya yan ng personal. Nangyaya si Nathaniel na makipag-lunch sa kanya. Pakiramdam ko Mommy, parang mag-po-propose siya sa akin. Sa isang mamahaling restaurant niya tayo tatagpuin!”Sobra akong nanabik, at parang maiihi nga ako sa pananabik.“Wala na. Talo na si Sera.” Saka ako tumawa.“So, kailangan na i-cancel ulit an