Chapter 8 (6) His Two Brides
(Sera POV)
Suot ang wedding gown ko, binitbit ko ito, at humanap ng kakilala ko na maaring hingan ko pa ng detalye tungkol sa pagkamatay ni Ate Wilma. Baka kasi inataki na naman siya ng kanyang sakit. Ngunit wala naman akong kilala sa reception na ito. May kumukuha ng attention ko ngunit pilit ko na lamang na iniiwasan. Wala si Secretary Taki na siyang kinuha kanina si Nathaniel sa tabi ko. Saan sila nag-usap.
“Excuse me, nakita niyo ba si Nathaniel.” Kaagad na humarap sa akin ang grupo ng tauhan at nagbigay ng respeto. Sinabi naman na hindi.
Wala na akong choice kundi lumapit kay Dad na mayroong mga kausap. Naroon din ang Old Maste Yao. Hindi naman siguro mali na kunin ko ang attention ng aking ama. Bago pa man ako makalapit sa kanila, kaagad napalingon yung ilang kausap, kaya lumapit na sa akin si Dad. Nakatitig lamang sa ami
Chapter 8 (7) His Two Brides(Sera POV)Pumasok kami ni Nathaniel sa napakalaking silid. Napaka-elegante nito sa loob. Isang king size bed na mayroong nakasaboy na mga talulot ng pulang rosas. Kaming dalawa lang ang andito at kanina sa pintuan may sinabi ang butler sa kanya na nakahanda nga ang pampaligo namin. Kaagad na hinubad ni Nathaniel ang coat niya, saka niluwagan ang necktie nito. Napatitig sa ilang folder na nasa mesa. Saka nilingon ako…“Tuluyan nang walang utang ang pamilya mo sa amin, lalo na sa pinag-utangan nilang iba pa.” May panunuya bigla sa labi nito. Yun naman talaga ang kahihinatnan ng kasal na ito…“Ang bilis naman. Akala ko pagkatapos pa ng—.”“Thanks to your Sister. Pinakilos ko na si Secretary Taki na gawin na nga, para maayos ng mamuhay kayo sa mundong ito.”Napaupo ako sa isang stool, at hin
Chapter 9 No Turning Back (Nathaniel POV)Lumabas ako sa banyo, na dapat maibsan ang init ng ulo ko pero bakit parang lumala. Saka humihingi pa ng attention ang pagkalalaki ko. F*ck! Naisahan na naman ba ako ng matandang uklubin na yun! Argggghh! Tsk!Ngunit sa paglabas ko at nakasupot na nga ako ng bathrobe… Tumutulo pa ang buhok ko para Ipatawag ang Butler ng pamamahay na ito… Hindi ko na kailangan magpatawag at tanungin ito, dahil nasa harapan ko na sila. Hindi talaga ako nagkakamali… Bulsh*t!“Anong ginagawa niyo dito?”“Ganito pala ang ayos ng silid mo Nathaniel, matagal-tagal din na hindi ako nakapasok dito.” Palusot ng aking ama. Hinanap ng aking mga mata na parang nahihilo ang hulma ng isang babae sa paligid ngunit wala akong nakita. Talagang sinunod ako ni Sera at hindi ako nito binigo.“Lumabas na kayo, nakakah
Chapter 9 (2) No Turning Back(Sera POV)Nang lumabas ako sa silid, kung kagabi namangha na talaga ako ng nilalaman ng Manor, ngayon na umaga… lalo pa akong napanganga sa detalying nakikita ko. Ang daming mga collection ng painting sa hallway na parang yun ang mga authentic.Saka mga flower vase na meron ngang mga sariwang bulaklak. Naabutan ko yung mga naglalagay ng bulaklak, at saglit silang natigilan ng dumaan ako. Ngumiti ako sa kanila bilang tugon sa respeto na binigay nila sa akin.Nagdadalawang-isip man sila, napangiti na lang din pabalik sa akin.“Maari bang makahingi ng isang tangkay nito?” Lapit ko sa may hawak ng maraming bulaklak. Malalaki at iba’t-ibang kulay ng rosas. Masaya naman silang napatango sa akin, at kinuha ko nga yung kulay orange na rosas… Napakaganda nito, at hindi ko napigilan na amuyin yun.“Maraming salamat.&rdquo
Chapter 9 (3) No Turning Back(Sera POV)Mag-iisang linggo pa lamang kaming kasal ni Nathaniel, at nanatili kami sa Manor, na yun ang pinag-usapan ng mag-ama na pagkatapos ng kasal dito nga muna kami mananatili sa Manor. Ngunit ang hindi sinunod ni Nathaniel ang samahan nga ako sa Manor nitong mga nakalipas na araw dahil abala siya sa kanyang trabaho.Nagmamadali na ako sa aking niluluto dahil alam ko uuwi na yun si Nathaniel… Masaya naman dahil kahit paano kinakain nga nito ang niluluto ko. Natutuwa din ang Old Master Yao sa tuwing nagluluto ako para sa amin. At yung niluto ko ang palaging ubos at simot na simot.“Final touch, garnish… Ayan.” Napangiti ako. Nang mailagay ko ang ginawa kong munting rosas sa pamagitan ng balat ng kamatis.“Madam Yao, parating na ang sasakyan ni Master Nathaniel.”“Ihain niyo na itong n
Chapter 9 (4) No Turning Back (Sera POV)Tuluyan nang naka-uwi si Nathaniel sa kanyang bahay, ngunit ni minsan hindi kami nagkakasalubungan, at halos isang linggo na din siyang nakabalik dito. Tinatangka ko man na hintayin ang pag-uwi niya, nakatulog din ako kaagad dahil sa body rhythm na meron ako. Saka kapag nagigising naman ako ng maaga, natutulog pa ito, at pinagbilinan si Manang Dorothy na wag siyang gigimbalain.Hangang sa umaalis naman siyang hindi ko namamalayan. Napabuntong-hininga ako. Iniiwasan ako ni Nathaniel na parang isang napakamalubhang sakit. Ngunit hindi ko naman hahayaan na apektuhan nito ang araw ko. Kahit hindi na nito tinitikman ang inihanda ko sa kanyang pagkain. Dahil ba sa bahay namin siya kumakain… At luto ni Ate Wilma? Di naman sa nagmamayabang, eh hindi nga marunong magprito ng itlog si Ate. Pero baka tinatago lang ni Ate Wilma ang galing niya sa pagluluto.
(Nathaniel POV)“Yung asawa mo, nasaan ngayon?” Malungkot na boses ni Wilma sa kabilang linya.“Bakit?” Dahil wala akong isasagot sa tanong niya. Halos dalawang linggo na din nanatili si Sera sa bahay, at ni minsan hindi nga ito lumabas. Ngunit ano itong pinagsasabi ni Wilma na parang hindi ko nais ang hinala niya.“Andito siya sa hospital namin, ano ang ginagawa niya dito? Ahhh. Sa tingin ko pupunta siya kay Kuya Ruel.”Napabuntong-hininga ako.“Hindi naman siguro pumunta dito si Sera para nga magpa-check up in case na hindi pa siya dinaratnan. Ang sabi mo diba sa akin Nathaniel, ni minsan hindi mo ginalaw si Sera lalo na pagkatapos ng kasal niyo hindi ba?Napapikit ako…Oo, nagsinungaling na ako kay Wilma na wala nga sa amin na nangyayari ni Sera.“Maari mo bang ibigay na sa kanya ang gamot na pinabibigay ko sayo? Ayokong ma
(Wilma POV)“Malayo pa ang sasakyan, ano ba ang naamoy ko?”“Mom, tikman niyo to.” Na kakarating pa lang nga ni Mama at sumilip na sa kusina. Napangiti ako sa kanya, dahil muli nakita niya akong nagsuot ng apron. Ang sabi daw kasi nila hindi ako ipinanganak na maaring maging chef, na bata pa lang ako gustong-gusto ko ang profession na ito.“Pupunta dito si Nathaniel, at kakain. Ang balak ko mag-di-diner date kami sa may garden. Para romantic Mommy. Anong sa tingin niyo, masarap po ba?” Tanong ko kay Mommy.At ng tinikman nga ni Mommy, medyo nangasim siya, pero… “Masarap iha.”“No need ko ng tikman yan since sinabi mo na nga Mommy na masarap.”“Iha, sa tingin ko kailangan mo pa magpaluto ng iba pang putahe.”“Marami na akong ginawa Mommy. Taran…” Na pinakita ko sa kanya yung mga niluto ko. “Ilang oras d
(Wilma POV)“Ngunit sa pagbabalik na lang niya ipagdidiwang ang kanyang kaarawan. Hindi bukas…”“Parang may mali dito Mama. Kailangan ko pumunta sa bahay ni Nathaniel! Ngayon din!”“Wilma, kalma lang. Ang lalaki hindi nagugustuhan ang mga babaing di kaagad naniniwala sa sinasabi nila. Nais mo bang ayawan ka ni Nathaniel?”“Hindi Mommy, alam kong may mali. At papatunayan ko yan.”“Wilma!” Dahil nga umakyat ako sa silid at kinuha ang susi ng sasakyan ko. Hindi ko kailangan ang driver na inireto sa akin ni Nathaniel dahil baka spy lang yun niya sa akin. Wag niya akong itrato na parang si Sera. Saka, kahapon, sinabi ko na lumabas si Sera sa bahay nila, pero parang wala lang itong ginawa. Hinayaan lang niya si Sera gumala. Gumala na nakadikit pa sa p*kpok na babaing yun ang pangalan niya.Wag na wag mo akong susubukan, Nathaniel Yao.
Sunod-sunod na kulay itim ng sasakyan ang pumarada di kalayuan sa napaka-abalang simbahan sa araw na yun.Sa unahang sasakyan. Abalang tinatawagan ng isang nakangising lalaki ang numerong alam niya na makakausap ng sasagot nito ang sasalubong na kamatayan mamaya lang.Lalo siyang natawa dahil ano man ang siyang ginawa niyang pagbabanta dito. Hindi siya sineseryoso. Napasenyas sa leader ng tauhan niya.“The hero needs a lot of villains. Di lang nagtatapos sa isang kalaban ang challenge na kailangan niyang kaharapin.” Saka mala-demonyong tumawa.Nagsilabasan ang mga lalaking may kanya-kanyang dala na mga baril. Pumwesto na di namamalayan ng mga tao.“Well, I am needing a lot of blood.”Sinundan nito ang kilos nang isang photographer na siyang puntirya nga nilang lahat.“How pity you are filthy rat.”***Napangiti ang isang photographer dahil sa nakuha niyang larawan. Di man siya kabilang sa official na kinuhang photographer, di parin ito napigilan na pumunta at kumuha ng mga larawan par
(Jing-ER POV)Di ko narinig na sumagot ang babae kundi buntong hininga lamang ni Prince Kean.Malungkot ang aura ng lugar. Dahil nga may nangyayaring tangihan.Ouch.“KC, kung yan ang desisyon mo, kapag na-engage kami sa darating na araw ng babaeng di ko naman kilala, isipin mo na lang na ginagawa ko yun para sa ating dalawa. Nirerespeto ko ang desisyon mong ito. Nirerespeto ko ang pangarap mo. Gagawin ko ito para sa future natin at mabigyan ka nga ng oras para magtagumpay sa minimithi mong pangarap.”WOW! Ang supportive naman ni Prince Kean. Sana lahat ng lalaki sa mundong to naiintindihan ang mga babae. Yung tipong lalaki ng ang may mas maraming paraan na maunawaan ang babae.Ahaha. May saltik pa naman kaming babae kung minsan, diba?Nawawala sa sarili.“Hihiwalayan ko na lang siya balang araw para sayo.”OY! UNFAIR KA NAMAN PRINCE KEAN!
(Jing-ER POV)Sino man silang may privilege dito, sila na talaga ang rich Kid.Be thankful na ipinanganak talaga kayo sa mga magulang ninyong may kakayanan na manipulahin ang pera.Huhu. Magulang ko, kaya lang mangako kung kailan babayaran ang inutang nila.Lumabas ako at baka ano pa ang magawa ko. Makabasag pa ako sa mga magaganda nilang kitchen set. Tsk. Tsk. Wag.Binuksan ko naman yung sa kanan pinto.Isang library. Tipong CEO o isang scientist ang nag-aaral dito.Gusto tahimik ang boung paligid. Ngunit malaki ito para nga sa isang tao lang.Siguro lahat ng VIP students ginagamit to.Okey.Aanihin ko naman ang mga gamit dito? Mahalaga lang sa akin lapis at paint brush. Mas gugustuhin kong nasa labas ako para kumuha ng inspiration.Saka ako lumabas ulit sa library.Wala talagang tao. At kung may tao man at mahuli ako na di ako kaagad nakapagtago, edi bah
(Jing-ER POV)Pwede po ba wag na mag-aral?Na-ju-judge lang ako ng dahil sa pag-aaral. Kapag ganito, nakakatamad na talagang pumasok ng school.Mabuti na lang bag ni Aby ang nadala ko. Pareho kami. Parehong imitation na kala mo naman branded. Sa sinuswerte ka naman, andito ang chippy niya.Thank you so much Aby. Napaka-thoughtful mo talaga sa tummy mo. Pati ako mabibigyan ng blessing. Ang galing.Kahit paano, hindi ako alone. Bleehhh.Andito lang naman ang chippy ni Sena. Kaya, sarap na sarap akong naglalakad sa hallway na thankful walang korona at sash bilang maingay na studyante ngayong araw.Sa totoo lang di ko alam kung saan pupunta sa spare time na meron ako.Pero good idea na din itong pumasok sa isipan ko. Since papalayasin na din naman ako sa school na ito, bakit di ko na libutin habang meron akong pagkakataon?Sayang naman ng tuition fee na ginugol namin dito. Kapag w
(Jing-ER POV)Lagi kaming nasa likuran ng bawat -isa.Sandalan sa tuwing napapa-disaster ang lahat.Ahahaha.Sinusuportahan at ginagabayan sa tamang landas ang friendship namin.I treasure them na parang sila ata ang pangalawa kong pamilya. Wala palang ata. Sila talaga. Mahal namin ang isat-isa. Walang iwanan sa oras ng pangangailangan.Sa kalokohan lang naman, pare-parehong magkasabwat.Pwera na lang kay Aby. Laging nasa tamang daan ang choice niya. Hehe.Di yan sumasali kapag alam niyang kalokohan ang gagawin namin. Tinatakasan kami niyan after namin magplano ng mga prank na gagawin namin. Tipong makaganti man lang sa ibang taong gumagawa ng kalokohan sa amin. Pero kapag nasa action na, wala na talaga yan si Aby.Si Even ang full support sa akin kung paghihiganti lang naman ang usapan.At si Lost pang-paguilty ang ginagawa niyan sa amin.“Seryoso kayo
(Jing-ER POV)Napaka-helpless ng school na ito. Wala dapat na special treatment!Paano na kaming mga bobo?Edi mag-aral kayo ng maayos at maigi Jing-ER. Kailangan pa talagang mag-effort? Sa kontento na ako sa mga ginagawa ko ngayon.Pagkatapos ng first subject namin, nabuhayan ako ng marinig ko ang bell.Susunod na schedule yung special subject na ikaw mismo ang pipili at kung saan naroroon ang mga kaibigan ko.Excited to!My special class is Fine Arts!Sa klaseng to lang naman ako nabubuhayan ng kaluluwa. Plus ito talaga ang hilig ko. Ayoko ng ibang subject.Pagpasok ko. Andito na yung mga friends ko.Binati kaagad ako ni Lost kahit may kasalanan ako sa kanya. Masaya ako makita ang mga kaibigan kong to. Mga praning kagaya ko na di mo maintindihan kung saang genes ba talaga kami nangaling.Si Lost, Even at ang pinaka-malditang kaibi
(Jing-ER POV)Pagdating ko sa school, syempre di ako late. Mas maaga akong dumarating, mas maagang nakakakuha ako ng bagay na ikaka-peace offering ko kay Lost.Hahaha.Di nga ako nagkamali, makakabawi na ako kay Lost ng makita ko ang hinahawakan ni Aby.Isang collection book ng mga larawan ni Zendeo.Masaya ko itong ibinigay kay Lost ngunit nakalimutan niya isa akong patay gutom na kailangan pakainin.Kaya at the end nag-agawan kaming dalawa sa collection book ni Aby. Di kasi sumang-ayon sa deal ko sa kanya.Kaya naman biglang naging maldita si Aby ng nasira namin ang Album. Puro kay Zendeo nga ang larawan.Kapag ganito si Aby, lumalabas na ang sungay, kailangan ko nang lumayas sa harapan niya. Tatakbo ako na alam kong walang oras si Aby na habulin ako.Ang nakakagawa lang kay Aby para habulin niya ito, ay si Kevin.Minsan kapag nakikita ko silang nagbabangayan, kapag n
(Jing-Er POV)Ganoon talaga ang pangalan ko may pa-dash pang nalalaman si Author.Jing-Er.Wow!Ang sarap ng umaga! Unat ko ng aking mga kamay.Oo, masarap kahit wala naman talagang lasa.Wala lang, napaka-energetic ko lang ngayon dahil nga namiss ko na naman ang mga bestie ko sa haba ng summer vacation. Kailangan pa talaga namin umuwi ng probinsya para taguan lang ng mga magulang ko yung naniningil sa kanila.Bumalik naman dito na marami ding iniwang utang sa probinsya. Ibang klase talaga ang mga magulang kong yan. Kaya naman di na ako magtataka kung magulang ko talaga sila.Lumapit ako sa bike na katabi lang din ng bike ng kapatid ko.Bago ako umalis papunta sa school, set up na muna ng prank para sa kapatid ko.Hahaha. Kala niya di ako marunong gumanti. Isumbong mo pa kasi ako kila Mama.Ayan. Bahala na kung ano man ang mabasag na paso sa m
(Aby Sena POV)Ang secondhand camera ko na pinaghirapan namin ni Dada bilhin. Sa kamay lang bumagsak ni Kevin at ganito na ang sinapit niya.Sumusobra na siya!Ano naman kung secondhand yun?! Camera ba niya para ikahiya niya at mabawasan ang pagkatao?Ano naman kung ang pangit ng mga kuha ko?Expert ba siya pagdating sa mga larawan?!Sa ginawa niya, naghahamon siya ng World War Three!“Sena, malalate ka na.”Gising niya sa akin ulit.Muli niya akong nilapitan. Hinawakan ang balikat ko na ikina-angat ko ng mukha ko sa kanya.Talagang galit ako.Galit ako…At ng makita nito ang mukha ko, na ikinangiti niya.“Sira ulo ka ba Kevin?”“I am not. Bakit anong problema ng mukhang yan?”Gusto kong tumawa na parang traydor. Yung tipong inis ka tapos tumatawa ka.Yung effect na parang