(Nathaniel POV)
“Yung asawa mo, nasaan ngayon?” Malungkot na boses ni Wilma sa kabilang linya.
“Bakit?” Dahil wala akong isasagot sa tanong niya. Halos dalawang linggo na din nanatili si Sera sa bahay, at ni minsan hindi nga ito lumabas. Ngunit ano itong pinagsasabi ni Wilma na parang hindi ko nais ang hinala niya.
“Andito siya sa hospital namin, ano ang ginagawa niya dito? Ahhh. Sa tingin ko pupunta siya kay Kuya Ruel.”
Napabuntong-hininga ako.
“Hindi naman siguro pumunta dito si Sera para nga magpa-check up in case na hindi pa siya dinaratnan. Ang sabi mo diba sa akin Nathaniel, ni minsan hindi mo ginalaw si Sera lalo na pagkatapos ng kasal niyo hindi ba?
Napapikit ako…
Oo, nagsinungaling na ako kay Wilma na wala nga sa amin na nangyayari ni Sera.
“Maari mo bang ibigay na sa kanya ang gamot na pinabibigay ko sayo? Ayokong ma
(Wilma POV)“Malayo pa ang sasakyan, ano ba ang naamoy ko?”“Mom, tikman niyo to.” Na kakarating pa lang nga ni Mama at sumilip na sa kusina. Napangiti ako sa kanya, dahil muli nakita niya akong nagsuot ng apron. Ang sabi daw kasi nila hindi ako ipinanganak na maaring maging chef, na bata pa lang ako gustong-gusto ko ang profession na ito.“Pupunta dito si Nathaniel, at kakain. Ang balak ko mag-di-diner date kami sa may garden. Para romantic Mommy. Anong sa tingin niyo, masarap po ba?” Tanong ko kay Mommy.At ng tinikman nga ni Mommy, medyo nangasim siya, pero… “Masarap iha.”“No need ko ng tikman yan since sinabi mo na nga Mommy na masarap.”“Iha, sa tingin ko kailangan mo pa magpaluto ng iba pang putahe.”“Marami na akong ginawa Mommy. Taran…” Na pinakita ko sa kanya yung mga niluto ko. “Ilang oras d
(Wilma POV)“Ngunit sa pagbabalik na lang niya ipagdidiwang ang kanyang kaarawan. Hindi bukas…”“Parang may mali dito Mama. Kailangan ko pumunta sa bahay ni Nathaniel! Ngayon din!”“Wilma, kalma lang. Ang lalaki hindi nagugustuhan ang mga babaing di kaagad naniniwala sa sinasabi nila. Nais mo bang ayawan ka ni Nathaniel?”“Hindi Mommy, alam kong may mali. At papatunayan ko yan.”“Wilma!” Dahil nga umakyat ako sa silid at kinuha ang susi ng sasakyan ko. Hindi ko kailangan ang driver na inireto sa akin ni Nathaniel dahil baka spy lang yun niya sa akin. Wag niya akong itrato na parang si Sera. Saka, kahapon, sinabi ko na lumabas si Sera sa bahay nila, pero parang wala lang itong ginawa. Hinayaan lang niya si Sera gumala. Gumala na nakadikit pa sa p*kpok na babaing yun ang pangalan niya.Wag na wag mo akong susubukan, Nathaniel Yao.
(Wilma POV)Wala si Nathaniel. Ibig sabihin nagsasabi ito ng totoo… Ngunit ako, napahiya nga ng dis-oras dahil lang sa kagustuhan ko na maka-usap ng mag-isa si Sera. At kung hindi ko mapigilan sana ang sarili ko, ubos ang buhok ni Sera. Pero pasalamat talaga yang si Sera, at nariyan sa likuran niya ang Old Master Yao.Tss.Sinamahan naman ako ng pinag-utusan ng Old Master Yao, ngunit hindi pa nga kami nakakalayo… Inis kong tinalikuran ito at pumunta kay Mama. Si Kuya Ruel muling ngumisi ng traydor sa akin habang si Papa, walang paki-alam na nakikipagyabangan sa mga negosyanteng naroroon. Mayabang na yan si Papa dahil nga wala nang nakatali sa leeg niyang mga utang. Nakakalimutan na nito ang tungkol sa akin at kay Mama.“Anak mo Ruth.” Di ko inaasahan na may kausap si Mama.“Ahhh. Oo, panganay na anak kong babae.”“Hindi mo nga anak si Sera, pero bakit parang si Sera ang kumuha ng alindog at kagandahan mo.”Anong ibig nilang sabihin?!Tama naman! Hindi ko nga minana ang kalandian ni Ma
(Sera POV)Nakikipaglaro sa talukap ng aking mga mata ang liwanag na nais nga sa akin gumising. Napa-unat ako ng aking buong katawan, bago tuluyan imulat ang aking mga mata. Bumungad kaagad sa aking paningin ang mga sangay na bakal para maitayo ang tent.Tent? Napaupo bangon ako, at bago pa man mahubaran ang walang saplot na katawan ko, kaagad kong hinila pabalik ang kumot. Yung mga damit ko kagabi, nagkalat sa paligid ko. May nangyari na naman sa amin ni Nathaniel, kagabi.Napa-iling ako. Parang lasing ako kagabi… Yung tipong nag-inuman kami ni Nathaniel, at pareho nga kaming dalawa lasing.Narinig ko sa labas ng tent na parang may nag-uusap, at kilala ko ang boses nila… Si Nathaniel at ang Old Master Yao. Dali-dali kong hinagilap ang mga damit ko, at nagbihis nga ako.Paglabas ko, parang nakakita ako ng dahilan upang mamula ang pisngi ko, at sasabog na nga ang dibdib k
Chapter 13 (Wilma POV)Wala si Nathaniel. Ibig sabihin nagsasabi ito ng totoo… Ngunit ako, napahiya nga ng dis-oras dahil lang sa kagustuhan ko na maka-usap ng mag-isa si Sera. At kung hindi ko mapigilan sana ang sarili ko, ubos ang buhok ni Sera. Pero pasalamat talaga yang si Sera, at nariyan sa likuran niya ang Old Master Yao.Tss.Sinamahan naman ako ng pinag-utusan ng Old Master Yao, ngunit hindi pa nga kami nakakalayo… Inis kong tinalikuran ito at pumunta kay Mama. Si Kuya Ruel muling ngumisi ng traydor sa akin habang si Papa, walang paki-alam na nakikipagyabangan sa mga negosyanteng naroroon. Mayabang na yan si Papa dahil nga wala nang nakatali sa leeg niyang mga utang. Nakakalimutan na nito ang tungkol sa akin at kay Mama.“Anak mo Ruth.” Di ko inaasahan na may kausap si Mama.“Ahhh. Oo, panganay na anak kong babae.”
(Sera POV)Halatang hindi na maganda ang pakiramdam ni Ate Wilma kaya lumabas na nga kami sa silid. Para ma-divert ang kanyang isipan, pumasok kami sa napakalaking library mismo dito sa Manor. Walang interest si Ate Wilma kahit kanina pa ako nagsasalita, at ipinakita sa kanya ang mga medical books. Siguradong tungkol ito sa silid namin ni Nathaniel.“Uhmmm, Sera. Yung silid ni Nathaniel, alam mo ba kung nasaan?” At hindi pa nga tuluyan naalis sa isipan ni Ate Wilma ang tungkol sa silid naming dalawa.“Sa totoo niyan Ate Wilma, yung silid na para sa amin ni Nathaniel, kanyang dating silid yun.”“Ang ibig mong sabihin wala na siyang sariling silid dito sa Manor.” Napa-iling ako sa kanya. “Bakit ikaw may sarili kang silid?”“Di kasi magkakasya ang gamit naming dalawa sa silid niyang yun.” Sagot ko sa kanya na ayaw ko sanang sagutin.“Ahhh. Sabagay,
(Sera POV)“Nasa loob po ba ang Old Master Yao?” Tanong ko sa butler na nasa isang pintuan.“Nasa loob at kinakausap po ang mga magulang ninyo.” Ang pinag-uusapan ay siguradong tungkol kay Ate Wilma.“Maari ba akong pumasok?” At walang alintana na pinagbuksan ako ng pinto nito. Sa pagpasok ko agad na napalingon sa akin si Mama at Papa na medyo hindi nga maganda ang titig na binibigay nila sa akin. Ngunit…“Iha, sana naman alalahanin mo ang pinagsamahan ninyo ng ate mo Wilma. Hindi ka namin pinabayaan kahit nga hindi ka namin anak. Pinadama namin na mayroon kang pamilya. Sana naman hindi mo kami talikuran ng ganito lang…” Si Mama.“Tss. Ang anak niyo mismong si Wilma ang may kagagawan ng gulong ito. Nagkunwari pa siya, na siya ang biktima ng gulo niyang ginawa. Mas maganda siguro na wag na lamang siya mag-doktor kundi maging artista na
(Nathaniel POV)Isang Rolex watch…Tss. Nakakadismaya. Iniwan ko ito sa mesa, at wala na nga akong gana na buksan pa ang ilang regalo sa akin ng ibang taong hindi ko naman kilala. Pumunta sa banyo, at naligo. Pagkatapos magbihis, mahimbing parin nga ang tulog ni Sera.Hindi pa ako dinaratnan ng antok, kaya minabuti ko munang pag-aralan ang ilang dokumento. Hangang sa biglang nag-alarm ang phone ko… Ten minutes bago maghating gabi… Kada isang beses sa isang taon… Ang record birthday greeting ni Mama sa akin noon.I play the video record, at walang kupas parin ang ngiti ni Mama sa akin habang binabati niya ako. Ngunit hindi ko maiwasan, bakit ang nakikita ko kay Mama, si Sera? Magkamukha silang dalawa. Kaya ba nagustuhan ko si Sera dahil kamukha siya ni Mama?Teka… Sinabing ampon lang si Sera, sino ba ang mga magulang ni Sera? Hindi kaya…No. Hindi maari