78/3/6100
(Sera POV)
Sa sinabi ni Nathaniel hindi ko nga mapigilan na tumawa ng pilit. Napakapait ng mga salita niya… Lalo na kung maririnig ito ni Wilma. “Talaga lang Mr. Yao… Ibang klase ka talaga. Parang sinasabi mo lang naman sa akin na pangangatawan mo din na maging asawa ako sa papel at hindi mo ako hihiwalayan. Paano naman ang plastic at Napakagaling na umarteng kabit mo? Paano na kung narinig niya ang sinabi mo? Di ka ba natatakot na baka madepress siya at subukan na naman magpakamatay dahil sa mga matatamis mong salitang binitiwan sa akin?” Sinabi ko sa kanya na nakatitig parin ako sa labas ng bintana… Hinihintay na bumagsak ang ulan.
“Wala akong pakialam.” Mga salitang halos hindi ako makapaniwala. At ng lumingon ako sa kanya… Hindi ko inaasahan na muli niya akong aangkinin, at muling inalis ang twalya sa katawan ko.
“Nathaniel… Tama na.
(Sera POV)“Sera, wag ka masyadong matuwa sa sarili mo. Pasamantala ka lang na kinupkop ulit ni Nathaniel para sa Old Master Yao! Ginagawa lang niya ito para sa kanyang ama! Di magtatagal, ang posisyon bilang Madam Yao ay mapapasa-akin!” Gigil na gigil si Ate Wilma, at mas lalo siyang mangigil sa sasabihin ko. Napatayo ako… At bahagyang tumawa.“Ate Wilma, yan din diba ang sinabi mo noong nakaraan na tatlong taon diba? Bakit wala parin ngayon? Ang tagal na ha.”“Punyeta!”Ngumisi ako. “Lilinawin ko, andito ako hindi para sa Old Master Yao. Ako ang legal na asawa ni Nathaniel Yao, kaya may karapatan ako na tapak-tapakan ang sino man na maging kabit ng asawa ko. Wag kang masyadong nagmamalaki… Kabit ka lang. Isa pa ate Wilma, ang mga gumagawa ng masama ay mapaparusahan din kalaunan. Hintayin mo lang. Ipaghihiganti ko ang anak ko. At hinding-hindi ako papayag na mapunta sa
(Sera POV) Wala nga akong nagawa ng ihatid ako ni Nathaniel sa maliit na gusali kung nasaan ang business ko. Lumabas ako ng sasakyan at binalibad ko nga ang pagsara ng pinto nito. Sinabi pa niya sa akin na siya ang susundo sa akin, at kapag nakita daw niya ang pagmumukha ni Kuya Ruel, makakatikim ito sa kanya.Anong ginawa ni Kuya Ruel sa kanya?Bahagyang ko naman nakalimutan ang tungkol kay Nathaniel, ngunit ng kinahapunan na… Tumunog ang phone ko, at unregister number ang tumatawag sa akin. Sasagutin ko ba? Napabuntong-hininga na lamang ako at sinagot ko nga.“Sino ‘to?”“Tss. Pati numero ko binura mo?”“Parte ng pagmove-on.” Sagot ko sa pamiliar na boses na si Nathaniel nga. “Hindi na ako makapaghintay kung kailan mo ulit ilalatag sa harapan ko ang divorce paper.”Bahagyang natawa si Nathaniel sa sinabi ko. &l
(Sera POV)Di napapagod si Nathaniel na ihatid-sundo ako palagi kung saan man ako pumunta. Kung hindi man siya makakasundo sa akin, si Secretary Taki ang sumasalubong sa pintuan ng aking opisina. Palaging binabati ako nito ng ngiti at sabay na inaabot ang kanyang phone, dahil nasa kabilang linya ang kanyang boss.Umiling ako sa kanya.“Uuwi ako at sasabay ako sa inyo. Pakisabi na lang sa boss mo.”Kaya sa buong dalawang linggo, pinapakita ni Nathaniel sa labas na maayos kaming dalawa. At di ito maganda. Wala bang ginagawa si Wilma sa ginagawa ng asawa ko. Ang tagal ko ng hinihintay ilapag sa harapan ko ang divorce document.Kaya kinagabihan, naghanda ako ng hapunan para sa amin ni Nathaniel. Umuwi naman ito na nadatnan ako sa kusina. May pagod sa kanyang mukha, at magkasalubong ang kanyang kilay. Ngumiti ako sa kanya.“Sana naman ang laman ng briefcase na dala ng iyong tauhan, yung divorce documents na.”Ngumisi siya. Saka walang sinabi. Lumapit sa fridge at kumuha ng malamig na tubig
(Wilma POV)“Nalaman ko sa secretary ni Cedrick ang paborito nitong pagkain, bakit hindi mo na lang bilhan siya ng ube cake na ginagawa mismo ng kapatid ng dating asawa ng Old Master Yao? Balita ko hindi lang paborito ito ng Old Master Yao, kundi paborito pa yun ni Nathaniel, Wilma.” Si Papa… At ngayon lang niya ako binigyan ng ideyang ganito. “Sabi nga hulihin mo sa pagkain ang isang lalaki at pati puso niya masusungkit mo. Anong sa tingin mo Wilma?”Napangiti ako. Ang boring ng ideya ni papa pero may punto siya. “Talaga bang yang ube cake na yan, paborito ng Old Master Yao? Baka mali ang nakuha mong impormasyon Dad, mapahiya pa ako.”“Sigurado ako.”“Tss. Bakit mo ako tinutulungan ngayon Dad?”“Ano ka ba Wilma. Kailangan ko pa ba yan sagutin? Simple lang, ikaw ang biological daughter ko.”“William! Andito ang mag-asawang Valeria. Shhh…” Awat ni Mama sa kanya. Lumapit sa akin si Dad at tinapik ako sa balikat. “Mas maganda na kumilos tayo sa malinis na paraan Wilma. Di magtatagal mas
(Sera POV)May kasabihan na kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. Ibig lang sabihin, kabutihin parin ang pairalin. Sa panahon ngayon nangangailangan ang mundong ito ng kabutihan. Saka bakit ko naman gagawan ng masama ang napaka-cute na baby ni Nathaniel? Ang away ng mga matatanda ay hindi dapat nadadamay ang mga inosente kagaya ni Seth. Pero… Bakit ang baby ko, dinamay nila?Napabuntong-hininga na lamang ako.“Tara Seth, ihahatid kita. Nakatira pa ba kayo ni Mommy sa Mendevil Mansion?” Napatango naman ang bata. Lumiwanag ang kanyang mga mata sa ideya ko. Dahil kanina natatakot din siya.Muli akong napa-para ng taxi, at dahil nga pagod ang mga mata ko sa kakabasa ng documento, di ko namalayan nakatulog ako.(Wilma POV)“Nahanap mo na ba si Seth?”“Naman Madam Wilma. Ako pa… Ngunit kasama niya ngayon si Sera,
(Sera POV)Hangang sa muli akong nakatangap ng mensahe sa lalaking dumukot kay Seth… Hindi ko siya tauhan, alam kong tauhan siya ni Ate Wilma.Nanginginig man ang daliri ko na tawagan ang numerong yun… Pero bumungad sa akin ang isang boses ng lalaki na kala mo naman kilala ko talaga.“Madam Sera, nakuha niyo na ba ang pera? Saan natin iiwan ang bata?” Napangisi ako. Tinatanong ako ng lalaki na para bang pinagplanuhan namin itong gawin. Pero ang boses niya parang minsan ko ng narinig.“Wag kang magsinungaling, tauhan ka ni Ate Wilma.” Diretsa kong tugon sa kanya. Ang linyahan niyang yun kanina ay nagbabakasakali na baka tumawag nga ako sa harapan ni Nathaniel at yun ang kanyang saktong sasabihin.“Madam Sera naman. Ano po ba ang tanong niyong yan? Yang Wilma na yan ang Mommy ng batang ito diba? Labis kayong naiinis sa kanya at kinampihan na kita kasi ang bitt
(Sera POV)Kahit malakas na ulan sinamahan din ako sa nararamdaman kong sakit at pait ngayon. Patuloy nga akong umiyak… Hangang sa napahikbi na lamang ako. Hindi ko nga namalayan, nakatulog na ako sa balikat ni Dra. Gail…(Ruel POV)Dahil kay Nathaniel… Nagkakaganito na ang buhay ni Sera. Ang kamao ko matagal ng nangangati na ipatikim kay Nathaniel ang nakuha niya sa pagpapa-iyak sa kapatid ko. Hindi ko nga kapatid si Sera, pero mas gugustuhin ko nga yun, dahil may paraan pa para maprotektahan ko siya ng husto.“Nakatulog na ata Dr. Mendevil si Sera.” Na ikinamulat ko ng aking mga mata. Oo, kanina ko pa ngang hindi narinig ang hikbi ni Sera, pero ang paulit-ulit na bulong sa akin na kamuntikan ng may masamang mangyari sa kanya, ay parang tinutuya ako ni Satanas na manakit ngayon.Binuhay ko ang makina ng sasakyan.“Dra. Gail, ma
(Sera POV)Si Kuya Ruel nakasandal sa isang dingding, at napapikit lamang ito ng lumabas ako. Hinahayaan lang nila magtapatan ng kayabangan ang mga tauhan nila. Inalis ko ang pagkaka-akbay ni Nathaniel sa akin. Hinarap ko siya.“Wala akong oras upang maglinis ng unit ko, kaya kung mangugulo lang naman ang mga tauhan mo, palabasin mo sila ngayon din.” Ngumisi lamang si Nathaniel pero sumunod naman siya sa akin at senenyasan ang mga tauhan niya magsilabasan. Isang tango din ni Kuya Ruel sa kanyang tauhan, sumunod din ito.Iminulat ni Kuya Ruel ang kanyang mga mata. “Kailan mo lulubayan si Sera?”Mayroong katapangan sa tanong niya para kay Nathaniel.“Lubayan ang asawa ko para pestihin mo rin Ruel? Nah, hindi ko yan hahayaan na mangyari.”“Nathaniel, dalawa ba kaming pinapanindigan mo? Mahirap yang ginagawa mo. Kung wala kang balak makipaghiwalay sa akin,