Home / Romance / Marahuyo / KABANATA 55

Share

KABANATA 55

Author: Janebee
last update Last Updated: 2022-01-23 22:54:09

KABANATA 55

" Hindi mangyayari ang sinasabi mo, Rostam. Hindi ko hahayaang gawin mo ang bagay na 'yan, " may awtoridad na wika ni Angelo nang marinig ang desisyon ng kaniyang pamangkin patungkol sa binabalak nitong pag bitiw sa kaniyang pwesto sa organisasyon. " Inuulit mo lang ang pagkakamaling ginawa ng iyong ama. Tatalikuran mo ang una at orihinal mong pamilya para lang sa mag-iina mo? "

Hindi nagsalita si Rostam kaya lalong gumuhit sa mukha ni Angelo ang pagka dismaya niya. Naglakad ito palapit sa pamangkin at diretso itong tinitigan sa mga mata.

" Huwag kang magpadalos-dalos ng desisyon mo dahil ako na ang nagsasabi sayo, hindi ito ang paraan para iligtas mo ang mag-iina mo. Hindi ito ang nararapat na solusyon sa mga suliraning kinahaharap mo, " aniya habang nakikipagsukatan ng tingin sa pamangkin. " At hindi rin ito magugustuhan ng mga tao mo dahil para mo na
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Marahuyo   KABANATA 56

    KABANATA 56 " Mayroon akong gustong dispatyahin. Hindi ko lang sigurado kung kailan pero disidido akong gagawin kong shooting target ang katawan n'ya oras na dumating na ang nakatakdang oras para sa kaniya. " Iyon ang eksaktong salita na binitawan ni Lorenzo kay Savannah noong panahong nalasing silang dalawa at kamuntikan nang may mangyari sa kanila. Tandang-tanda ni Savannah ang bawat detalye ng gabing iyon dahil kahit nakainom, nasa tamang pag iisip pa rin siya noong mga oras na iyon. " Pwede ko bang malaman ang dahilan? " tanong niya kay Lorenzo na unti-unting nalalason ng alak. " Paghihiganti. Gusto kong pag bayaran ng taong 'yon ang ginawa niyang pag sira sa buhay ko. Gustong kong ipatikim sa kaniya ang impyerno at oras na mangyari 'yon, ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. "

    Last Updated : 2022-01-24
  • Marahuyo   ESPESYAL NA KABANATA 1

    ESPESYAL NA KABANATA 1 " Teacher! Finish na po ako mag color! " ani Azalea matapos kulayan ang mga larawan sa isang pahina ng aklat na kanilang inaaral. Tumayo siya sa kinauupan niya upang puntahan ang guro na nasa harapan. " Teacher, maganda po color ko? " " Tignan nga natin. " Kinuha ng guro niya ang aklat para makita kung tapos na nga ba talaga ang estudyante niyang palaging nauuna sa pagpapasa. " Wow, tapos na nga. Ang ganda ha? Kaunti na lang 'yong lagpas-lagpas mo at dahil diyan very good ka kay teacher. " " Yey! " Pumalakpak ito at agad nilahad ang kanang kamay niya senyales na handa na siyang matatakan ng very good. Natawa na lamang ang guro saka binigyan ng isang tatak ang likurang bahagi ng palad ni Azalea. " Kuya Norman! Tignan mo may very good ulit ako! " Lumapit siya kay Norman na tutok na tutok sa ginagawang pagkukulay.

    Last Updated : 2022-01-25
  • Marahuyo   ESPESYAL NA KABANATA 2

    ESPESYAL NA KABANATA 2 Panay ang singhot at punas ni Azalea sa kaniyang ilong habang nilalagyan ng band-aid ang gasgas sa kaniyang tuhod. Hindi ito kalakihan subalit dahil sa maputing balat ng bata, kahit malabo ang mata ay makikita ang sugat na natamo niya sa pakikipag away kanina. " Ayan, okay na. Gagaling na rin siya mamaya kapag di na umiiyak si Azalea, " wika ng kaniyang guro saka niligpit ang first aid kit. " Teacher, nasaan po si kuya Norman? " tanong niya habang tinitignan ang disenyo ng band-aid na inilagay sa tuhod niya. " Bati na po ba sila ni Jethro? " " Hmm, bati na silang dalawa. Bati na rin kayo ni Jethro, hindi ba? " Tumango siya. " Nag sorry na po siya saakin kaya okay na po kami. Pinahiram rin niya ako ng toys kaya bati na po kami, teacher. " " Oo tama 'yan. Basta kapag may nang

    Last Updated : 2022-01-26
  • Marahuyo   KABANATA 57

    KABANATA 57 " Mama! Papa! " abot langit ang ngiti ni Azalea nang makita ang magulang niyang nag aabang sa labas ng gate ng kanilang eskwelahan. Tumakbo siya palapit sa mga ito para salubingin ng yakap at ipakita ang mga tatak sa kamay bilang achievements niya ngayong araw. " Wow naman, very good na naman ang baby girl ko. " Pinisil-pisil ni Catalina ang pisngi ng anak niya saka nilingon si Rostam na sandaling isinandal ang tungkod na dala bara buhatin si Azalea. Naghilom na ang parte ng kaniyang hita kung saan siya tinamaan ng bala subalit kailangan pa rin ng tungkod bilang suporta sa paglalakad niya dahil minsan, sumusumpong ang kanang paa dahilan kaya hirap pa siyang kumilos. " Saan mo gustong pumasyal ngayon? Aalis tayo para i-celebrate ang achievement mo, " anito na lalong kinatuwa ng anak nila. Marami itong binaggit na lugar na gustong puntahan

    Last Updated : 2022-02-01
  • Marahuyo   KABANATA 58

    KABANATA 58 Tila nakapako na ang mga mata ni Rostam sa kapirasong papel na nasa ibabaw ng kaniyang mesa. Ang papel na kasama sa kahon kung saan inilagay ang pugot na ulo si Savannah. Nakalahad sa papel ang mga salitang tila nag uudyok sa kaniyang bumalik sa mundong balak niyang takasan. Mundong nakahanda na niyang bitawan subalit ayaw siyang pakawalan. Patuloy siyang binibigyan ng rason para makaramdam ng matinding poot sa taong dahilan ng pagkamatay ng tatlong mahahalagang tao sa buhay niya. Ang kaniyang ama, ina at ngayon pati ang nag iisang kapatid na si Savannah. Mariin niyang ipinikit ang mga mata sa pagbabakasakaling matigil ang tumatakbo sa isipan niya subalit tila lalo lang lumakas ang ingay na naririnig niya. Mga palahaw, halakhak at putok ng mga baril na siyang nagpapabilis ng kabog sa dibdb niya. Bumabalik sa alaala niya ang bangungot ng kahapon. Ang pagmamakaawa sa boses ng kaniy

    Last Updated : 2022-02-02
  • Marahuyo   KABANATA 59

    KABANATA 59 " Sigurado ka ba sa desisyon mo? Iiwan mo saakin ang dalawang bata? " gulat ang gumuhit sa mukha ni Catherine matapos ihatid sakaniya ni Catalina ang dalawang bata na si Azalea at Norman. May dala pa itong mga bag na naglalaman ng damit at ilang gamit ng mga bata. " Ilang araw lang po sila dito, kukuhanin ko rin sila kapag um-okay na ang kaganapan sa Hacienda, " ani Catalina habang inaayos ang bag na dala niya. " Narito na rin po ang school uniform at ilang mga gamit nila. Kumpleto ang lahat ng gamit nila--" " Alam ba 'to ng asawa mo? " tanong ng ina na siyang nagpatigil saglit kay Catalina. " Ipapaalam ko rin sakaniya kapag uwi ko sa Hacienda. " " Cata, mali ang ginawa mo. Sigurado akong magdudulot ito ng hindi pagkakaintindihan sainyong dalawa ng asawa mo, " tugon ng ina saka lumingo

    Last Updated : 2022-02-03
  • Marahuyo   KABANATA 60

    KABANATA 60 Naalimpungatan ang isang matanda lalaki dahil sa sunod-sunod na pagkatok mula sa labas ng pinto ng kaniyang bahay. Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa pader at nakitang alas tres pa lang ng madaling araw kung kaya naman takha siyang binalik ang tingin sa pinto sa sala bago bumangon sa kama. " Alas tres pa lang ng madaling araw, may mambubulabog na, " aniya habang naglalakad palapit sa pinto. Saglit siyang sumilip sa bintana para tignan kung kilala ang nasa harap ng bahay niya pero di niya ito maaninag nang maayos kaya wala siyang nagawa kundi buksan nang bahagya ang pinto at doon, bumungad sa kaniya ang isang di pamilyar na lalaki. " Magandang umaga ho, " nakangiting bati nito sakaniya. " Pasensya na kung nakaabala ako sa pagtulog niyo. Mayroon lamang ho akong ilang katanungan at ilang kumpirmasyon mula sainyo. " " Teka,

    Last Updated : 2022-02-04
  • Marahuyo   KABANATA 61

    KABANATA 61 Ibinaba ni Rostam ang isang bouquet ng bulaklak sa harap ng libingan ni Savannah habang sinisindihan naman ni Catalina ang mga kandilang dala nila. " Hi Savannah, pasensya na kung ngayon na lang ulit kami nakadalaw sa'yo ng kambal mo. Sana h'wag kang magtampo, " ani Catalina matapos masindihan ang mga kandila. Nilingon niya pa ang katabing puntod kung saan nakalibing ang ina at ama ni Rostam. " Ganoon rin ho sainyo. Pasensya na kung ngayon lang nasundan ang pagdalaw namin sainyo dahil sobrang daming nangyayari sa Hacienda na sana, matapos na. " Nilingion ni Catalina ang katabi niyang hindi nagsasalita at tila malalim ang iniisip habang nakatingin sa puntod ni Savannah. Hinawakan n'ya ang kamay ni Rostam. " Gusto mo bang bigyan ko muna kayo ng privacy? Doon muna ako kotse--" " No, dito ka lang. " Hini

    Last Updated : 2022-02-05

Latest chapter

  • Marahuyo   WAKAS

    WAKAS Mula sa isang balkonahe, nakatayo mag isa si Catalina habang pinagmamasdan ang kalmadong dagat at dinadamdam ang hampas ng sariwang hangin na mula sa karagatan. Ang mga puno ay nagsasayawan at ang mga ibon sa paligid ay nagkakantahan. Tila isang musika sa kaniyang pandinig ang kapayapaan ng paligid. Malayo sa maingay at magulong siyudad.Kapayapaan at katahimikan. Ang dalawang salitang matagal na niyang inaasam magmula noong tumira siya sa Hacienda at mapasok sa magulong mundo ng Mafia. Marami siyang napagdaanang sakit at hirap subalit nagbunga rin ang lahat ng iyon dahil sa wakas, nakamtan na niya ang inaasam na kalayaan para sa kaniyang pamilya.Ang malaki at magarang Hacienda ay wala na sakanila dahil ngayon, narito na sila sa isang pribadong isla kung saan nila napiling tumira. Sa isang simpleng bahay na matatawag nilang

  • Marahuyo   KABANATA 80

    KABANATA 80 Tulalang pinagmamasdan ni Catalina ang sarili sa salamin suot ang kulay puting gown habang may belo sa kaniyang ulo. Hindi niya magawang ngumiti kahit pilit lang sapagkat pakiramdam niya, ngayong araw na ito ay ililibing siya ng buhay. Wala siyang maramdaman kundi bigat ng kalooban at pagkamuhi sa lahat ng tao sa mansion na ito lalo na sa mala-demonyo nilang amo. Halos isang linggo nga siyang ikinulong sa madilim na silid na wala man lang sariwang hangin siyang malanghap mula sa labas. Hinahatiran siya ng pagkain sa silid na nagsilbing kulungan niya at kahit wala siyang gana, pinipilit niya itong kainin para sa bata na nasa tiyan niya. " Miss Catalina, sumakay na raw ho kayo sa kotse. Ihahatid na po kayo sa simbahan, " wika ng kasambahay nang katukin siya sa kwarto. Tumingin siya rito. " Susunod na ako sa ibaba. Mauna ka na. "

  • Marahuyo   KABANATA 79

    KABANATA 79Pabagsak na naupo si Rostam sa sopa sabay pakawala nang isang malalim na buntong hininga. Ramdam niya ang pagod ngayong araw dahil sa dami ng mga inasikaso niya. Naghahanda na rin siya para sa huling araw niya bilang pinuno o boss ng pamilyang kinabibilangan niya dahil anumang oras, maaring ng mag wakas ang sinimulan niya.Hindi na siya makapaghintay dumating ang araw na iyon dahil mawawala na rin ang pangamba niya sa kalagayan ng asawa na nasa puder ng tiyo niya. Kung siya ang tatanungin, hindi talaga siya pabor na makialam ito sa gulo ng kanilang mundo dahil noong una pa lang ay binalaan na niya si Catalina kung gaano ito kadelikado. Nakakabilib ang katapangan na ipinapakita nito simula noong sila'y magkakilala, pero ngayon, may halong ng pag-aalala ang nararamdaman niya sa bawat salita at kilos na ginagawa nito sa tuwing nasasabak ito sa gulo kagaya na lang ng sitwasyon nila n

  • Marahuyo   KABANATA 78

    KABANATA 78Tanghali na nang magising si Catalina dahil sa magdamag na kaiisip kung paano siya kukuha ng mga ebindesya sa opisina ni Angelo. Sa dami ng folder na naroroon, hindi niya alam kung alin ang mga papel na may kinalaman sa mga ilegal nitong gawain. Sinubukan niya ulit magtanong-tanong sa mga kasambahay patungkol sa amo nila pero mga positibong salita lang ang lumalabas sa bibig nila na animo'y takot siraan si Angelo. Mas lalo tuloy siyang nasabik sirain ang buhay nito para lumabas lahat ng tinatago nitong baho." Magandang umaga Miss Catalina, " nakangiting bati sakaniya ng mga kasambahay nang makita siyang bumababa ng hagdan. Ngumiti siya pabalik saka pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid sa pagbabakasakaling makita niya ulit si Lorenzo. Gusto niya rin itong makausap ulit nang masinsinan matapos ng mga sinabi nito sakaniya kagabi." Ah M

  • Marahuyo   KABANATA 77

    KABANATA 77 Pinagmasdan ni Catalina ang kabuuan ng silid na siyang magiging kwarto niya sa mansion. Maayos at malinis naman ngunit walang masyadong gamit na hindi naman problema sakaniya dahil wala naman siyang balak magtagal dito sa puder ni Angelo. Naupo siya sa kama at pabagsak na inihiga ang katawan dito. Napatitig sa kisame habang binabalikan ang kanilang napagkasunduan ni Angelo. Tsaka lang siya nito tutulungan oras na may mapatunayan siya sa mga inihayag niyang plano kanina. Alam niyang hindi ito magiging madali para sakaniya dahil wala namang katotohanan ang mga binitawan niyang pangako. Palabas lang ang lahat para mapagtakpan ang tunay niyang binabalak. Ang pagpapakasal kay Angelo ay isa rin sa mga palabas na gagawin niya. Kailangan itong mangyari dahil doon lamang siya makakahatak nang maraming bisita na siyang magiging saksi sa pagsisiwalat niya ng katot

  • Marahuyo   KABANATA 76

    KABANATA 76 " Anong sinabi mo? Nawawala si Catalina? " Salubong na kilay na tanong ni Rostam kay Esteban matapos nitong bumalik sa opisina niya para ihayag ang masamang balita. " Wala siya sa buong Hacienda at kahit ang kaniyang ina, mukhang wala ring ideya kung nasaan si Miss Catalina, " tugon nito at kasabay noon ang ang pag ring ng telepono sa mesa niya na konektado sa front gate. Sinagot ito ni Rostam. " Bossing, hindi nawawala si Miss Catalina. Umalis siya kagabi pero wala siyang binaggit kung saan siya pupunta. Ang sabi lang niya emergency daw kaya pinayagan naming makalabas, " wika ng tao niyang nakatalaga sa gate, " Pasensya na boss, akala kasi namin ay alam niyong lalabas siya--" " Mga anong oras 'yon? " tanong ni Rostam at di na pinansin ang paghingi ng paumanhin ng nasa kabilang linya dahil ang im

  • Marahuyo   KABANATA 75

    KABANATA 75 Maya't-maya ang tingin ni Rostam sa pinto ng opisina niya sa pag-asang iluluwa nito ang taong hinihintay niya mula pa kahapon. Hindi siya mapalagay hangga't hindi lumilitaw si Lorenzo at naririnig ang sagot nito. Paulit-ulit niya ring itinutuktok ang dulo ng ballpen na hawak sa ibabaw ng mesa hanggang sa bumukas na ang pinto pero hindi ito ang taong inaasahan niya. " Boss, nasa ibaba si uncle Angelo, " ani Esteban dahilan para mabilis magbago ang ekspresyon ng mukha niya. " Hinahanap si Miss Catalina. " Lalong nalukot ang mukha niya sa pagtataka at kasabay nito ang pagtindi ng hinala niya. " Sinabi niya ba kung anong dahilan? " tanong niya kay Esteban at iling naman ang isinagot nito sa kaniya. " Wala ang hinahanap niya rito pero patuluyin mo na lang dito sa opisina at tatawagan ko na lang si Catalina. "

  • Marahuyo   KABANATA 74

    KABANATA 74 Mabilis at mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ni Rostam sa isang mahabang pasilyo patungo sa isang kwarto. Padilim ito nang padilim dahil ang kanilang silid na pupuntahan ay ilang pinagkakatiwalaang tao lang ang nakakaalam. Walang kahit na anong camera ang nakatutok sa gawing ito dahil sa Hacienda, ito ang pinaka pribadong kwarto. Kwarto kung saan ipararanas sayo kung paano tumira sa impyerno. Natigil siya sa paglalakad nang marinig ang isang malakas na pagsabog na dumagungdong sa buong Hacienda. Mabilis niyang nilingon si Esteban na nasa likuran at wala pa man siyang iniuutos, tumango na ito saka inabot sakaniya ang isang itim na bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera. " Mag report ka agad saakin kung may makita kang malaking problem sa pagsabog na 'yon, " paalala niya bago tuluyang umalis si Esteban sa harap niya para alami

  • Marahuyo   KABANATA 73

    KABANATA 73Tila hindi na maalis ni Catalina ang tingin sa engagement ring na nasa daliri niya. Nagtatalo ang isip kung dapat pa ba niya itong hubadin gayong wala namang katotohanan ang pakikipag hiwalay niya kay Rostam. Mabigat ang kalooban niya at gustong-gusto niyang bawiin ang sinabi niya kagabi pero hindi pwede dahil maari itong ikapahamak ng kaniyang pamilya.Ibinaling niya ang tingin sa kabilang gilid ng kamang hinihigan niya. Narito pa rin siya sa kwarto ni Rostam ngunit hindi ito dito natulog kagabi. Umaasa siyang lalapit ito sakaniya para tanungin ang rason kung bakit siya umaatras sa kasal pero wala siyang napala. Naghintay lang s'ya sa wala at hindi niya alam kung magandang balita ba ito dahil malayo ito sa reaksyong inaasahan niya pati na rin ng taong nag utos sa kaniya. Hindi niya rin inaasahang iyon ang makukuha niyang sagot kagabi.Tumingin siya sa or

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status