Home / Romance / Marahuyo / KABANATA 58

Share

KABANATA 58

Author: Janebee
last update Last Updated: 2022-02-02 16:16:58

KABANATA 58

Tila nakapako na ang mga mata ni Rostam sa kapirasong papel na nasa ibabaw ng kaniyang mesa. Ang papel na kasama sa kahon kung saan inilagay ang pugot na ulo si Savannah. Nakalahad sa papel ang mga salitang tila nag uudyok sa kaniyang bumalik sa mundong balak niyang takasan. Mundong nakahanda na niyang bitawan subalit ayaw siyang pakawalan. Patuloy siyang binibigyan ng rason para makaramdam ng matinding poot sa taong dahilan ng pagkamatay ng tatlong mahahalagang tao sa buhay niya. Ang kaniyang ama, ina at ngayon pati ang nag iisang kapatid na si Savannah.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata sa pagbabakasakaling matigil ang tumatakbo sa isipan niya subalit tila lalo lang lumakas ang ingay na naririnig niya. Mga palahaw, halakhak at putok ng mga baril na siyang nagpapabilis ng kabog sa dibdb niya. Bumabalik sa alaala niya ang bangungot ng kahapon. Ang pagmamakaawa sa boses ng kaniy

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Marahuyo   KABANATA 59

    KABANATA 59 " Sigurado ka ba sa desisyon mo? Iiwan mo saakin ang dalawang bata? " gulat ang gumuhit sa mukha ni Catherine matapos ihatid sakaniya ni Catalina ang dalawang bata na si Azalea at Norman. May dala pa itong mga bag na naglalaman ng damit at ilang gamit ng mga bata. " Ilang araw lang po sila dito, kukuhanin ko rin sila kapag um-okay na ang kaganapan sa Hacienda, " ani Catalina habang inaayos ang bag na dala niya. " Narito na rin po ang school uniform at ilang mga gamit nila. Kumpleto ang lahat ng gamit nila--" " Alam ba 'to ng asawa mo? " tanong ng ina na siyang nagpatigil saglit kay Catalina. " Ipapaalam ko rin sakaniya kapag uwi ko sa Hacienda. " " Cata, mali ang ginawa mo. Sigurado akong magdudulot ito ng hindi pagkakaintindihan sainyong dalawa ng asawa mo, " tugon ng ina saka lumingo

    Last Updated : 2022-02-03
  • Marahuyo   KABANATA 60

    KABANATA 60 Naalimpungatan ang isang matanda lalaki dahil sa sunod-sunod na pagkatok mula sa labas ng pinto ng kaniyang bahay. Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa pader at nakitang alas tres pa lang ng madaling araw kung kaya naman takha siyang binalik ang tingin sa pinto sa sala bago bumangon sa kama. " Alas tres pa lang ng madaling araw, may mambubulabog na, " aniya habang naglalakad palapit sa pinto. Saglit siyang sumilip sa bintana para tignan kung kilala ang nasa harap ng bahay niya pero di niya ito maaninag nang maayos kaya wala siyang nagawa kundi buksan nang bahagya ang pinto at doon, bumungad sa kaniya ang isang di pamilyar na lalaki. " Magandang umaga ho, " nakangiting bati nito sakaniya. " Pasensya na kung nakaabala ako sa pagtulog niyo. Mayroon lamang ho akong ilang katanungan at ilang kumpirmasyon mula sainyo. " " Teka,

    Last Updated : 2022-02-04
  • Marahuyo   KABANATA 61

    KABANATA 61 Ibinaba ni Rostam ang isang bouquet ng bulaklak sa harap ng libingan ni Savannah habang sinisindihan naman ni Catalina ang mga kandilang dala nila. " Hi Savannah, pasensya na kung ngayon na lang ulit kami nakadalaw sa'yo ng kambal mo. Sana h'wag kang magtampo, " ani Catalina matapos masindihan ang mga kandila. Nilingon niya pa ang katabing puntod kung saan nakalibing ang ina at ama ni Rostam. " Ganoon rin ho sainyo. Pasensya na kung ngayon lang nasundan ang pagdalaw namin sainyo dahil sobrang daming nangyayari sa Hacienda na sana, matapos na. " Nilingion ni Catalina ang katabi niyang hindi nagsasalita at tila malalim ang iniisip habang nakatingin sa puntod ni Savannah. Hinawakan n'ya ang kamay ni Rostam. " Gusto mo bang bigyan ko muna kayo ng privacy? Doon muna ako kotse--" " No, dito ka lang. " Hini

    Last Updated : 2022-02-05
  • Marahuyo   KABANATA 62

    KABANATA 62 " Mama! " Mabilis kumilos ang mga paa ni Catalina upang puntahan ang ina at agawin ang hawak nitong baril na tagumpay naman niyang nabawi. " Ano ba sa tingin niyo ang gagawin niyo?! " Hindi nakapagsalita si Catherine, tanging pagtangis lamang ang ginawa nito habang hinahampashampas ang kaliwang dibdb na nagsisimulang sumikip. Hindi ito makapag isip nang maayos dahil sa nararamdamang sakit at pagdadalamhati sa nangyari kay Bruno. " Ma... huwag naman kayong ganiyan, " hindi mapigilan ni Catalina ang mainis dahil sa nasaksihan kanina subalit mas angat ang sakit sa nakikita niyang pagtangis ngayon ng ina. Alam niyang nasasaktan ito pero di niya akalaing aabot sa ganoon ang nararamdaman nito. Huminga siya nang malalim at inalis ang magazine ng baril na hawak niya bago ito itapon sa bintana. Lumapit siya sa ina na nakasal

    Last Updated : 2022-02-06
  • Marahuyo   KABANATA 63

    KABANATA 63" Bakit ganiyan ang hitsura ng mukha mo? Takot ka ba sa dugo? " tila natatawang tanong ni Angelo kay Dario matapos mapansin ang pagiging balisa nito." Hindi naman sa ganoon uncle, " ani Dario habang nililibot ng tingin ang kabuuan ng opisina ng kaniyang tiyo. " Bumigat lang ang pakiramdam ko dahil siguro sa lakas ang air-con niyo rito sa loob. "Bahagya itong natawa saka naglakad palapit sa kaniyang mesa upang kuhanin ang remote at hinaan ang lamig na binibigay ng air-con sa loob ng opisina niya." Napaka init kasi ng panahon ngayon sa labas kaya itinodo ko ang lamig dito sa loob. Hindi ko napansing sobrang lamig na pala, pasensya na, " anito saka siya nilingon. " Okay na ba sayo ang ganito kalamig? "Tumango na lamang si Dario kahit na walang nagbago sa nararamdaman niya. " Uncle, huwag niyo sanang mamas

    Last Updated : 2022-02-07
  • Marahuyo   KABANATA 64

    KABANATA 64" Ako po si Lorenzo, sampung taong gulang. Nakahandang maglingkod sainyo ng buong tapang at nangangakong magiging kapakipakinabang, " bahagya itong yumuko upang ipakita ang kaniyang pag galang sa nakatataas. " Nakahda akong gawin ang lahat at ipinapangakong magiging tapat sainyo kahit kapalit pa ang buhay ko. "Nagpakawala nang mahinang tawa si Alessandro Lombardi, ang boss ng Lombardi Clan habang pinagmamasdan ang isang paslit na nasa kanilang harapan, nakayuko na animo'y isa siyang Diyos na kailangang sambahin ng mga mabababang uri ng nilalang." Bata ka pa lang pero ibang katapangan na ang ipinapakita mo saakin harapan, " ani Allessando saka idiniin ang upos ng sigarilyo sa ashtray na nasa gilid niya. " Maaari ko bang malaman ang dahilan kung bakit mo gustong sumali sa aming pamilya? "Inangat ni

    Last Updated : 2022-02-08
  • Marahuyo   KABANATA 65

    KABANATA 65 " Rafael Santori, " matigas na sambit ni Rostam sa tunay na pangalan ng taong nasa kaniyang harapan. Unti-unti itong lumingon sa kaniya at sinalubong ang nguso ng baril na nakapuntirya mismo sa noo niya. " Traydor kang hayop ka. Sabihin mo, sino ka ba talaga? " Nanatili kalmado ang mukha ni Lorenzo kabaliktaran kay Rostam na puno ng galit ang mga mata habang diretsong nakatingin sa taong matagal na pala siyang tinutuklaw patalikod. Galit at pagkabigo ang emosyong kumokontrol sakaniya dahilan para ma-blangko ang kaniyang isipan. " Lorenzo ang pangalan ko, " ani Lorenzo na hindi man lang natinag kahit nahuli na siya. " Matagal ng wala ang Rafael Santori na binanggit niyo. " " Bullsh*t! " Diniin lalo ni Rostam ang hawak na baril sa noo ni Lorenzo. " Hindi ako makapaniwalang nagawa mong traydor-in ako, Lorenzo o kung sino

    Last Updated : 2022-02-09
  • Marahuyo   KABANATA 66

    KABANATA 66 Tahimik ang silid pero rinig ni Catalina ang tahimik na pagtangis ni Rostam sa balikat niya. Gusto niyang magtanong kung anong problema pero mas pinili muna niyang hindi magsalita at hayaan itong ilabas ang mga luhang naipon nang matagal na panahon. Walang boses na kumakawala at tanging hikbi lamang ang rinig niya. Hindi niya alam ang sasabihin, hindi rin niya alam ang gagawin at tanging pagtapik sa likuran nito ang kaya niyang ibigay para tulungan itong mailabas pa ang lahat ng sakit na nakatago sa loob niya. Minuto ang tinagal bago nawala ang hikbi ni Rostam ngunit nanatili ito sa mga bisig niya. Hindi alam ni Catalina kung gising o nakatulog na ba ito kaya sinubukan niyang kumawala sa pagkakayakap sa kaniya pero pinigilan siya. " Ilang minuto pa..." ani Rostam na animo'y isang batang ayaw kumawala sa bisig ng ina. " Hindi ko gustong makita mo ako

    Last Updated : 2022-02-10

Latest chapter

  • Marahuyo   WAKAS

    WAKAS Mula sa isang balkonahe, nakatayo mag isa si Catalina habang pinagmamasdan ang kalmadong dagat at dinadamdam ang hampas ng sariwang hangin na mula sa karagatan. Ang mga puno ay nagsasayawan at ang mga ibon sa paligid ay nagkakantahan. Tila isang musika sa kaniyang pandinig ang kapayapaan ng paligid. Malayo sa maingay at magulong siyudad.Kapayapaan at katahimikan. Ang dalawang salitang matagal na niyang inaasam magmula noong tumira siya sa Hacienda at mapasok sa magulong mundo ng Mafia. Marami siyang napagdaanang sakit at hirap subalit nagbunga rin ang lahat ng iyon dahil sa wakas, nakamtan na niya ang inaasam na kalayaan para sa kaniyang pamilya.Ang malaki at magarang Hacienda ay wala na sakanila dahil ngayon, narito na sila sa isang pribadong isla kung saan nila napiling tumira. Sa isang simpleng bahay na matatawag nilang

  • Marahuyo   KABANATA 80

    KABANATA 80 Tulalang pinagmamasdan ni Catalina ang sarili sa salamin suot ang kulay puting gown habang may belo sa kaniyang ulo. Hindi niya magawang ngumiti kahit pilit lang sapagkat pakiramdam niya, ngayong araw na ito ay ililibing siya ng buhay. Wala siyang maramdaman kundi bigat ng kalooban at pagkamuhi sa lahat ng tao sa mansion na ito lalo na sa mala-demonyo nilang amo. Halos isang linggo nga siyang ikinulong sa madilim na silid na wala man lang sariwang hangin siyang malanghap mula sa labas. Hinahatiran siya ng pagkain sa silid na nagsilbing kulungan niya at kahit wala siyang gana, pinipilit niya itong kainin para sa bata na nasa tiyan niya. " Miss Catalina, sumakay na raw ho kayo sa kotse. Ihahatid na po kayo sa simbahan, " wika ng kasambahay nang katukin siya sa kwarto. Tumingin siya rito. " Susunod na ako sa ibaba. Mauna ka na. "

  • Marahuyo   KABANATA 79

    KABANATA 79Pabagsak na naupo si Rostam sa sopa sabay pakawala nang isang malalim na buntong hininga. Ramdam niya ang pagod ngayong araw dahil sa dami ng mga inasikaso niya. Naghahanda na rin siya para sa huling araw niya bilang pinuno o boss ng pamilyang kinabibilangan niya dahil anumang oras, maaring ng mag wakas ang sinimulan niya.Hindi na siya makapaghintay dumating ang araw na iyon dahil mawawala na rin ang pangamba niya sa kalagayan ng asawa na nasa puder ng tiyo niya. Kung siya ang tatanungin, hindi talaga siya pabor na makialam ito sa gulo ng kanilang mundo dahil noong una pa lang ay binalaan na niya si Catalina kung gaano ito kadelikado. Nakakabilib ang katapangan na ipinapakita nito simula noong sila'y magkakilala, pero ngayon, may halong ng pag-aalala ang nararamdaman niya sa bawat salita at kilos na ginagawa nito sa tuwing nasasabak ito sa gulo kagaya na lang ng sitwasyon nila n

  • Marahuyo   KABANATA 78

    KABANATA 78Tanghali na nang magising si Catalina dahil sa magdamag na kaiisip kung paano siya kukuha ng mga ebindesya sa opisina ni Angelo. Sa dami ng folder na naroroon, hindi niya alam kung alin ang mga papel na may kinalaman sa mga ilegal nitong gawain. Sinubukan niya ulit magtanong-tanong sa mga kasambahay patungkol sa amo nila pero mga positibong salita lang ang lumalabas sa bibig nila na animo'y takot siraan si Angelo. Mas lalo tuloy siyang nasabik sirain ang buhay nito para lumabas lahat ng tinatago nitong baho." Magandang umaga Miss Catalina, " nakangiting bati sakaniya ng mga kasambahay nang makita siyang bumababa ng hagdan. Ngumiti siya pabalik saka pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid sa pagbabakasakaling makita niya ulit si Lorenzo. Gusto niya rin itong makausap ulit nang masinsinan matapos ng mga sinabi nito sakaniya kagabi." Ah M

  • Marahuyo   KABANATA 77

    KABANATA 77 Pinagmasdan ni Catalina ang kabuuan ng silid na siyang magiging kwarto niya sa mansion. Maayos at malinis naman ngunit walang masyadong gamit na hindi naman problema sakaniya dahil wala naman siyang balak magtagal dito sa puder ni Angelo. Naupo siya sa kama at pabagsak na inihiga ang katawan dito. Napatitig sa kisame habang binabalikan ang kanilang napagkasunduan ni Angelo. Tsaka lang siya nito tutulungan oras na may mapatunayan siya sa mga inihayag niyang plano kanina. Alam niyang hindi ito magiging madali para sakaniya dahil wala namang katotohanan ang mga binitawan niyang pangako. Palabas lang ang lahat para mapagtakpan ang tunay niyang binabalak. Ang pagpapakasal kay Angelo ay isa rin sa mga palabas na gagawin niya. Kailangan itong mangyari dahil doon lamang siya makakahatak nang maraming bisita na siyang magiging saksi sa pagsisiwalat niya ng katot

  • Marahuyo   KABANATA 76

    KABANATA 76 " Anong sinabi mo? Nawawala si Catalina? " Salubong na kilay na tanong ni Rostam kay Esteban matapos nitong bumalik sa opisina niya para ihayag ang masamang balita. " Wala siya sa buong Hacienda at kahit ang kaniyang ina, mukhang wala ring ideya kung nasaan si Miss Catalina, " tugon nito at kasabay noon ang ang pag ring ng telepono sa mesa niya na konektado sa front gate. Sinagot ito ni Rostam. " Bossing, hindi nawawala si Miss Catalina. Umalis siya kagabi pero wala siyang binaggit kung saan siya pupunta. Ang sabi lang niya emergency daw kaya pinayagan naming makalabas, " wika ng tao niyang nakatalaga sa gate, " Pasensya na boss, akala kasi namin ay alam niyong lalabas siya--" " Mga anong oras 'yon? " tanong ni Rostam at di na pinansin ang paghingi ng paumanhin ng nasa kabilang linya dahil ang im

  • Marahuyo   KABANATA 75

    KABANATA 75 Maya't-maya ang tingin ni Rostam sa pinto ng opisina niya sa pag-asang iluluwa nito ang taong hinihintay niya mula pa kahapon. Hindi siya mapalagay hangga't hindi lumilitaw si Lorenzo at naririnig ang sagot nito. Paulit-ulit niya ring itinutuktok ang dulo ng ballpen na hawak sa ibabaw ng mesa hanggang sa bumukas na ang pinto pero hindi ito ang taong inaasahan niya. " Boss, nasa ibaba si uncle Angelo, " ani Esteban dahilan para mabilis magbago ang ekspresyon ng mukha niya. " Hinahanap si Miss Catalina. " Lalong nalukot ang mukha niya sa pagtataka at kasabay nito ang pagtindi ng hinala niya. " Sinabi niya ba kung anong dahilan? " tanong niya kay Esteban at iling naman ang isinagot nito sa kaniya. " Wala ang hinahanap niya rito pero patuluyin mo na lang dito sa opisina at tatawagan ko na lang si Catalina. "

  • Marahuyo   KABANATA 74

    KABANATA 74 Mabilis at mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ni Rostam sa isang mahabang pasilyo patungo sa isang kwarto. Padilim ito nang padilim dahil ang kanilang silid na pupuntahan ay ilang pinagkakatiwalaang tao lang ang nakakaalam. Walang kahit na anong camera ang nakatutok sa gawing ito dahil sa Hacienda, ito ang pinaka pribadong kwarto. Kwarto kung saan ipararanas sayo kung paano tumira sa impyerno. Natigil siya sa paglalakad nang marinig ang isang malakas na pagsabog na dumagungdong sa buong Hacienda. Mabilis niyang nilingon si Esteban na nasa likuran at wala pa man siyang iniuutos, tumango na ito saka inabot sakaniya ang isang itim na bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera. " Mag report ka agad saakin kung may makita kang malaking problem sa pagsabog na 'yon, " paalala niya bago tuluyang umalis si Esteban sa harap niya para alami

  • Marahuyo   KABANATA 73

    KABANATA 73Tila hindi na maalis ni Catalina ang tingin sa engagement ring na nasa daliri niya. Nagtatalo ang isip kung dapat pa ba niya itong hubadin gayong wala namang katotohanan ang pakikipag hiwalay niya kay Rostam. Mabigat ang kalooban niya at gustong-gusto niyang bawiin ang sinabi niya kagabi pero hindi pwede dahil maari itong ikapahamak ng kaniyang pamilya.Ibinaling niya ang tingin sa kabilang gilid ng kamang hinihigan niya. Narito pa rin siya sa kwarto ni Rostam ngunit hindi ito dito natulog kagabi. Umaasa siyang lalapit ito sakaniya para tanungin ang rason kung bakit siya umaatras sa kasal pero wala siyang napala. Naghintay lang s'ya sa wala at hindi niya alam kung magandang balita ba ito dahil malayo ito sa reaksyong inaasahan niya pati na rin ng taong nag utos sa kaniya. Hindi niya rin inaasahang iyon ang makukuha niyang sagot kagabi.Tumingin siya sa or

DMCA.com Protection Status