KABANATA 64
" Ako po si Lorenzo, sampung taong gulang. Nakahandang maglingkod sainyo ng buong tapang at nangangakong magiging kapakipakinabang, " bahagya itong yumuko upang ipakita ang kaniyang pag galang sa nakatataas. " Nakahda akong gawin ang lahat at ipinapangakong magiging tapat sainyo kahit kapalit pa ang buhay ko. "Nagpakawala nang mahinang tawa si Alessandro Lombardi, ang boss ng Lombardi Clan habang pinagmamasdan ang isang paslit na nasa kanilang harapan, nakayuko na animo'y isa siyang Diyos na kailangang sambahin ng mga mabababang uri ng nilalang." Bata ka pa lang pero ibang katapangan na ang ipinapakita mo saakin harapan, " ani Allessando saka idiniin ang upos ng sigarilyo sa ashtray na nasa gilid niya. " Maaari ko bang malaman ang dahilan kung bakit mo gustong sumali sa aming pamilya? "
Inangat niKABANATA 65 " Rafael Santori, " matigas na sambit ni Rostam sa tunay na pangalan ng taong nasa kaniyang harapan. Unti-unti itong lumingon sa kaniya at sinalubong ang nguso ng baril na nakapuntirya mismo sa noo niya. " Traydor kang hayop ka. Sabihin mo, sino ka ba talaga? " Nanatili kalmado ang mukha ni Lorenzo kabaliktaran kay Rostam na puno ng galit ang mga mata habang diretsong nakatingin sa taong matagal na pala siyang tinutuklaw patalikod. Galit at pagkabigo ang emosyong kumokontrol sakaniya dahilan para ma-blangko ang kaniyang isipan. " Lorenzo ang pangalan ko, " ani Lorenzo na hindi man lang natinag kahit nahuli na siya. " Matagal ng wala ang Rafael Santori na binanggit niyo. " " Bullsh*t! " Diniin lalo ni Rostam ang hawak na baril sa noo ni Lorenzo. " Hindi ako makapaniwalang nagawa mong traydor-in ako, Lorenzo o kung sino
KABANATA 66 Tahimik ang silid pero rinig ni Catalina ang tahimik na pagtangis ni Rostam sa balikat niya. Gusto niyang magtanong kung anong problema pero mas pinili muna niyang hindi magsalita at hayaan itong ilabas ang mga luhang naipon nang matagal na panahon. Walang boses na kumakawala at tanging hikbi lamang ang rinig niya. Hindi niya alam ang sasabihin, hindi rin niya alam ang gagawin at tanging pagtapik sa likuran nito ang kaya niyang ibigay para tulungan itong mailabas pa ang lahat ng sakit na nakatago sa loob niya. Minuto ang tinagal bago nawala ang hikbi ni Rostam ngunit nanatili ito sa mga bisig niya. Hindi alam ni Catalina kung gising o nakatulog na ba ito kaya sinubukan niyang kumawala sa pagkakayakap sa kaniya pero pinigilan siya. " Ilang minuto pa..." ani Rostam na animo'y isang batang ayaw kumawala sa bisig ng ina. " Hindi ko gustong makita mo ako
KABANATA 67 Ilang beses na napapakurap ang batang Rostam matapos mag flash ang camera na nasa harapan nila. " Ano ba 'yan, Rostam umayos ka nga. Kanina ko pa napapansin na kurap ka nang kurap, " reklamo ni Savannah na kanina pa nais matapos ang pictorial nilang pamilya. " Pumikit ka na lang kaya? " " Nakakasilaw, anong magagawa ko? " tanong niya pabalik pero inismidan lang siya ng kapatid. " Naku, kayong dalawa talaga hanggang dito ba naman magbabangayan kayo? " saway sa kanila ng ina habang inaayos ang damit na suot niya. " Umayos kayong dalawa kung gusto niyong matapos na tayo." " Ako basta maayos ako, ewan ko lang sa isa diyan, " pagpaparinig pa ni Savannah. " Nangangati na mukha ko, bakit ba kasi kailangan pang mag make up? "
KABANATA 68" Lilipat po tayo ng bahay? " gulat na tanong ni Savannah sa ina nang sabihin ang plano nilang paglilipat matapos ia-anunsyo ng ama ang pag alis nito sa Lombardi Clan kanina. " Bakit pa natin kailangan lumipat, Ma? Hindi ba pwedeng sila na lang ang mag hanap ng bagong kampo? "" Anak, hindi lang saatin nakapangalan ang Hacienda na 'to. Sa buong Lombardi, at dahil umalis na ang inyong ama sa organisasyon nila, ibig sabihin ay wala na rin siyang hati dito. Wala na tayong karapatang tumira pa dito kaya kailangan nating lumipat. "" Ang unfair naman noon sa side natin. Hindi po ba't mas maraming ambag si Papa kaysa sa mga kapatid at pinsan niya? Sa katunayan, kalahati nga sa mga nakatayong bahay dito, si Papa ang gumastos at nag pagawa hindi po ba? " katwiran pa ni Savannah. Tanggap niya ang desisyon ng ama patungkol sa pag alis nito sa organisasyon pero hindi ni
KABANATA 69 " Wow, ang ganda ng kuha natin, " halos mapunit na ang labi ni Catalina habang pinagmamasdan ang family portrait nila na nakasabit na sa sala ng Hacienda. Nilingon niya si Rostam na hindi rin mapagkakaila sa mukha na masaya sa kinalabasan ng kuha nilang pamilya. Umaasang mapalitan na ng magandang alaala ang family portrait na mayroon siya ngayon. " Rostam, " tawag ni Catalina saka hinawakan ng kamay niya. " Ayos ka lang? Ang lalim ng iniisip mo. " " Ayos lang ako, mayroon lang akong naalala, " aniya saka tumingin sa suot na relo. " Mayroon pang fifteen minutes bago ang labasan ng mga bata. Sunduin na natin sila? " Tumango si Catalina kaya napagpasyahan na nilang lumabas ng Hacienda, magkahawak ang mga kamay at parehong may ngiti sa labi sa di malamang dahilan.
KABANATA 70 Hindi mabasa ni Catalina ang reaksyon ni Rostam habang nakatingin sa kabuuan niya. " Sabihin mo kung magpapalit ako. May thirty minutes pa tayo, " siya na ang nagboluntaryong magsalita dahil halos isang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin itong komento sa suot niyang kulay pulang midi dress na may slit nang kaunti sa kanang bahagi ng hita niya. Humarap siya sa salamin para pagmasdan ang sarili at sinuri kung mayroon bang hindi kaaya-aya sa kaniyang hitsura. Ang kaniyang buhok ay hindi na niya masyadong inayos, hinayaan na lamang niya itong bagsak at nakalugay. Ginawa lang din niyang natural ang makeup para iwasan ang pahirapan sa pagtanggal nito mamaya. Isang birthday party ang dadaluhan nila ngayon at wala siyang ideya kung sinu-sino ang makakasalamuha niya dahil ito ang unang pagkakataon na dadalo siya sa isang okasyon na may kaugnayan sa mga
KABANATA 71 Negosyo. Kumpanya. Pera. Sa tatlong ito lamang umiikot ang usapan sa mesa kung saan naroron si Rostam at ang mga kilalang negosyante sa buong mundo. Lahat ay may kaniya-kaniyang pinagmamayabang. Lahat ay mayroong dinadalang pangalan at kapangyarihan na kayang kontrolin ang mga bagay na nakaharang sa kanilang dinadaanan. Sa mundo nila, pera at koneksyon ang siyang mahalaga dahil ito ang magdadala sa'yo sa tuktok, kung saan titingalain at rerespetuhin ka ng mga nasa ibaba mo. " Oh, narito na pala ang birthday celebrant! " Napatingin si Rostam sa kaniyang likuran at nakitang naglalakad ang kaniyang tiyo Angelo palapit sa kintatayuan nila. Binati ito ng mga taong kasama niya sa mesa at hindi mawawala sa mga ito ang mabulaklak na mga salita. " Happy birthday uncle. " Nakangiti niyang bati saka ito kinamayan, n
KABANATA 72Mula sa balkonahe ng Mansion, tanaw ni Rostam ang mga bisitang nasa ibaba at patuloy na nagkakasiyahan sa pamamagitan ng pakikipag kwentuhan sa iba't-ibang personalidad. Lahat ay may mga sariling grupo, kwento at pamamaraan kung paano nila maipapakita sa isa't-isa ang karangyaan ng kanilang mga angkan. Kapansin-pansin din ang pagdami ng mga tao kaya lalong umingay ang paligid na kabaliktaran sa kinatatayuan ni Valerie at Rostam. Tahimik at tila naghahanap pa ng tamang tiyempo kung paano sisimulan ang kanilang pag uusap.Kinuha ni Rostam ang cellphone upang silipin kung tumugon na ba si Catalina sa mensaheng pinadala pero wala pa." Ang asawa mo, pinahanga niya ako. " Napatingin siya kay Valerie nang sa wakas ay nagsalita na. " Hindi ko akalaing makakahanap ka ng babaeng ganoon katapang at masisikmurang tanggapin ang sistema sa mundo ng mga Mafia. "Ibinulsa ni
WAKAS Mula sa isang balkonahe, nakatayo mag isa si Catalina habang pinagmamasdan ang kalmadong dagat at dinadamdam ang hampas ng sariwang hangin na mula sa karagatan. Ang mga puno ay nagsasayawan at ang mga ibon sa paligid ay nagkakantahan. Tila isang musika sa kaniyang pandinig ang kapayapaan ng paligid. Malayo sa maingay at magulong siyudad.Kapayapaan at katahimikan. Ang dalawang salitang matagal na niyang inaasam magmula noong tumira siya sa Hacienda at mapasok sa magulong mundo ng Mafia. Marami siyang napagdaanang sakit at hirap subalit nagbunga rin ang lahat ng iyon dahil sa wakas, nakamtan na niya ang inaasam na kalayaan para sa kaniyang pamilya.Ang malaki at magarang Hacienda ay wala na sakanila dahil ngayon, narito na sila sa isang pribadong isla kung saan nila napiling tumira. Sa isang simpleng bahay na matatawag nilang
KABANATA 80 Tulalang pinagmamasdan ni Catalina ang sarili sa salamin suot ang kulay puting gown habang may belo sa kaniyang ulo. Hindi niya magawang ngumiti kahit pilit lang sapagkat pakiramdam niya, ngayong araw na ito ay ililibing siya ng buhay. Wala siyang maramdaman kundi bigat ng kalooban at pagkamuhi sa lahat ng tao sa mansion na ito lalo na sa mala-demonyo nilang amo. Halos isang linggo nga siyang ikinulong sa madilim na silid na wala man lang sariwang hangin siyang malanghap mula sa labas. Hinahatiran siya ng pagkain sa silid na nagsilbing kulungan niya at kahit wala siyang gana, pinipilit niya itong kainin para sa bata na nasa tiyan niya. " Miss Catalina, sumakay na raw ho kayo sa kotse. Ihahatid na po kayo sa simbahan, " wika ng kasambahay nang katukin siya sa kwarto. Tumingin siya rito. " Susunod na ako sa ibaba. Mauna ka na. "
KABANATA 79Pabagsak na naupo si Rostam sa sopa sabay pakawala nang isang malalim na buntong hininga. Ramdam niya ang pagod ngayong araw dahil sa dami ng mga inasikaso niya. Naghahanda na rin siya para sa huling araw niya bilang pinuno o boss ng pamilyang kinabibilangan niya dahil anumang oras, maaring ng mag wakas ang sinimulan niya.Hindi na siya makapaghintay dumating ang araw na iyon dahil mawawala na rin ang pangamba niya sa kalagayan ng asawa na nasa puder ng tiyo niya. Kung siya ang tatanungin, hindi talaga siya pabor na makialam ito sa gulo ng kanilang mundo dahil noong una pa lang ay binalaan na niya si Catalina kung gaano ito kadelikado. Nakakabilib ang katapangan na ipinapakita nito simula noong sila'y magkakilala, pero ngayon, may halong ng pag-aalala ang nararamdaman niya sa bawat salita at kilos na ginagawa nito sa tuwing nasasabak ito sa gulo kagaya na lang ng sitwasyon nila n
KABANATA 78Tanghali na nang magising si Catalina dahil sa magdamag na kaiisip kung paano siya kukuha ng mga ebindesya sa opisina ni Angelo. Sa dami ng folder na naroroon, hindi niya alam kung alin ang mga papel na may kinalaman sa mga ilegal nitong gawain. Sinubukan niya ulit magtanong-tanong sa mga kasambahay patungkol sa amo nila pero mga positibong salita lang ang lumalabas sa bibig nila na animo'y takot siraan si Angelo. Mas lalo tuloy siyang nasabik sirain ang buhay nito para lumabas lahat ng tinatago nitong baho." Magandang umaga Miss Catalina, " nakangiting bati sakaniya ng mga kasambahay nang makita siyang bumababa ng hagdan. Ngumiti siya pabalik saka pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid sa pagbabakasakaling makita niya ulit si Lorenzo. Gusto niya rin itong makausap ulit nang masinsinan matapos ng mga sinabi nito sakaniya kagabi." Ah M
KABANATA 77 Pinagmasdan ni Catalina ang kabuuan ng silid na siyang magiging kwarto niya sa mansion. Maayos at malinis naman ngunit walang masyadong gamit na hindi naman problema sakaniya dahil wala naman siyang balak magtagal dito sa puder ni Angelo. Naupo siya sa kama at pabagsak na inihiga ang katawan dito. Napatitig sa kisame habang binabalikan ang kanilang napagkasunduan ni Angelo. Tsaka lang siya nito tutulungan oras na may mapatunayan siya sa mga inihayag niyang plano kanina. Alam niyang hindi ito magiging madali para sakaniya dahil wala namang katotohanan ang mga binitawan niyang pangako. Palabas lang ang lahat para mapagtakpan ang tunay niyang binabalak. Ang pagpapakasal kay Angelo ay isa rin sa mga palabas na gagawin niya. Kailangan itong mangyari dahil doon lamang siya makakahatak nang maraming bisita na siyang magiging saksi sa pagsisiwalat niya ng katot
KABANATA 76 " Anong sinabi mo? Nawawala si Catalina? " Salubong na kilay na tanong ni Rostam kay Esteban matapos nitong bumalik sa opisina niya para ihayag ang masamang balita. " Wala siya sa buong Hacienda at kahit ang kaniyang ina, mukhang wala ring ideya kung nasaan si Miss Catalina, " tugon nito at kasabay noon ang ang pag ring ng telepono sa mesa niya na konektado sa front gate. Sinagot ito ni Rostam. " Bossing, hindi nawawala si Miss Catalina. Umalis siya kagabi pero wala siyang binaggit kung saan siya pupunta. Ang sabi lang niya emergency daw kaya pinayagan naming makalabas, " wika ng tao niyang nakatalaga sa gate, " Pasensya na boss, akala kasi namin ay alam niyong lalabas siya--" " Mga anong oras 'yon? " tanong ni Rostam at di na pinansin ang paghingi ng paumanhin ng nasa kabilang linya dahil ang im
KABANATA 75 Maya't-maya ang tingin ni Rostam sa pinto ng opisina niya sa pag-asang iluluwa nito ang taong hinihintay niya mula pa kahapon. Hindi siya mapalagay hangga't hindi lumilitaw si Lorenzo at naririnig ang sagot nito. Paulit-ulit niya ring itinutuktok ang dulo ng ballpen na hawak sa ibabaw ng mesa hanggang sa bumukas na ang pinto pero hindi ito ang taong inaasahan niya. " Boss, nasa ibaba si uncle Angelo, " ani Esteban dahilan para mabilis magbago ang ekspresyon ng mukha niya. " Hinahanap si Miss Catalina. " Lalong nalukot ang mukha niya sa pagtataka at kasabay nito ang pagtindi ng hinala niya. " Sinabi niya ba kung anong dahilan? " tanong niya kay Esteban at iling naman ang isinagot nito sa kaniya. " Wala ang hinahanap niya rito pero patuluyin mo na lang dito sa opisina at tatawagan ko na lang si Catalina. "
KABANATA 74 Mabilis at mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ni Rostam sa isang mahabang pasilyo patungo sa isang kwarto. Padilim ito nang padilim dahil ang kanilang silid na pupuntahan ay ilang pinagkakatiwalaang tao lang ang nakakaalam. Walang kahit na anong camera ang nakatutok sa gawing ito dahil sa Hacienda, ito ang pinaka pribadong kwarto. Kwarto kung saan ipararanas sayo kung paano tumira sa impyerno. Natigil siya sa paglalakad nang marinig ang isang malakas na pagsabog na dumagungdong sa buong Hacienda. Mabilis niyang nilingon si Esteban na nasa likuran at wala pa man siyang iniuutos, tumango na ito saka inabot sakaniya ang isang itim na bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera. " Mag report ka agad saakin kung may makita kang malaking problem sa pagsabog na 'yon, " paalala niya bago tuluyang umalis si Esteban sa harap niya para alami
KABANATA 73Tila hindi na maalis ni Catalina ang tingin sa engagement ring na nasa daliri niya. Nagtatalo ang isip kung dapat pa ba niya itong hubadin gayong wala namang katotohanan ang pakikipag hiwalay niya kay Rostam. Mabigat ang kalooban niya at gustong-gusto niyang bawiin ang sinabi niya kagabi pero hindi pwede dahil maari itong ikapahamak ng kaniyang pamilya.Ibinaling niya ang tingin sa kabilang gilid ng kamang hinihigan niya. Narito pa rin siya sa kwarto ni Rostam ngunit hindi ito dito natulog kagabi. Umaasa siyang lalapit ito sakaniya para tanungin ang rason kung bakit siya umaatras sa kasal pero wala siyang napala. Naghintay lang s'ya sa wala at hindi niya alam kung magandang balita ba ito dahil malayo ito sa reaksyong inaasahan niya pati na rin ng taong nag utos sa kaniya. Hindi niya rin inaasahang iyon ang makukuha niyang sagot kagabi.Tumingin siya sa or