Home / Romance / Marahuyo / KABANATA 43

Share

KABANATA 43

Author: Janebee
last update Last Updated: 2022-01-10 15:33:51

KABANATA 43

Hindi maipinta ang hitsura ng mukha ni Catalina habang pinapasadahan ng tingin ang taong nakatayo sa harap niya. Pormal na pormal ang suot nitong suit na animo'y isang business meeting ang dadaluhan.

" Sigurado ka bang iyan ang isusuot mo? " hindi makapaniwalang tanong niya, " Ipapaalala ko lang sayo na family program ang pupuntahan natin sa eskwelahan, hindi isang negosasyon o business meeting, Rostam. Magpalit ka nga. "

" Wala akong nakikitang problema sa suot ko, Catalina, " depensa nito.

" Pwes ako mayroon. Mai-intimidate sayo ang mga tao doon dahil sa hitsura mo, " ani Catalina, " wala namang dress code pero kaswal na damit na lang ang i-suot mo, please. Mag polo shirt ka okaya naman 'yang long sleeve polo na nasa loob mo. "

Nagpakawala nang malalim na hininga si Rostam at tila ba walang balak sumunod

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Marahuyo   KABANATA 44

    KABANATA 44 Dapit-hapon na noong makauwi sina Rostam sa Hacienda at ang kaninang hyper na si Azalea ay bagsak na dahil sa buong maghapon nitong pagsali sa mga aktibidad sa Family Program na ginanap kanina. Marami itong naiuwing mga pa-premyo mula sa mga pinanalo nitong laro kasama na roon ang laro na sinalihan kanina nila Rostam at Catalina. " Huwag mo na siyang gisingin, ako na ang bahala magbuhat sa kaniya, " ani Rostam nang subukang gisingin ni Catalina ang batang tulog mantika sa backseat. Sandaling ipinarada ni Rostam sa garahe ang kotseng kanilang sinasakyan bago mapagpasyahang bumaba para buhatin ang anak. Nagpakawala nang malalim na buntong hininga si Catalina habang sila'y naglalakad papasok sa loob. Ramdam niya ang pagod ng katawan na malala pa sa pinagdaanan niya noong unang sabak niya sa martial arts. Mainit ang panahon at sinabayan rin ng daming ganap kanina na s

    Last Updated : 2022-01-11
  • Marahuyo   KABANATA 45

    KABANATA 45 " Savannah, palagi mong aalagaan ang kambal mo, okay? Alam mo naman 'yon, hindi sanay na wala ka sa tabi niya. Gusto palagi kang kasama, " wika ng ina habang sinusuklay ang mahabang buhok ng batang si Savannah sa harapan n'ya. " Bakit po? Aalis po ba kayo ni Papa? " takhang tanong ni Savannah sa ina saka ito nilingon. " Saan po kayo pupunta? " " Wala kaming pupuntahan ng iyong Papa. Pinapaalala ko lang sayo kasi palagi mong iniiwanan si Rostam sa school niyo, " anito saka ibinaba ang suklay sa mesa upang itirintas ang buhok ni Savannah. " Nagsusumbong saakin ang kambal mo, ang sungit mo raw kapag kasama ang mga friends mo. Hindi mo raw siya pinapansin at tinataboy mo pa daw siya. Huwag ganoon anak. Isama mo si Rostam sa'yo, ipakilala mo sa mga friends mo. " " Eh kasi naman po Ma, palagi siyang nakabuntot saakin

    Last Updated : 2022-01-12
  • Marahuyo   KABANATA 46

    KABANATA 46Sunod-sunod na putok na baril ang pinawawalan ni Rostam sa shooting target na nasa kaniyang harapan habang ang kaniyang isipan ay okupado ng mga bagay at pangyayaring ilang araw ng gumugulo sa kaniya. Mga desisyong maaring magpabago sa takbo ng buhay niya at ng dalawang babae sa buhay niya. Nahihirapan siya at sa totoo lang, hindi na rin niya alam kung tama pa ba ang mga nasa isip niya. Masyadong magulo at napaka komplikado.Si Savannah, ang kaniyang kambal ay isa ngayon sa mga taong higit niyang binabantayan. Alam niya ang takbo ng isip nito at hindi niya 'yon kontrolado kaya ganito na lamang ang pag-aalala niya sa kaligtasan ng kaniyang mag-ina. Walang kaso sa kaniya kung siya ang target ng kambal subalit ibang usapan na kapag buhay ng mag-iina na niya ang nakataya dito." Rostam--" Mabilis siyang lumingon sa likuran nang maramdamang may tumap

    Last Updated : 2022-01-14
  • Marahuyo   KABANATA 47

    KABANATA 47Nagbuga ng usok si Savannah mula sa sigarilyong galing sa bibig niya na naging dahilan ng pag-ubo ng bata sa harap niya. Napatigil ito sa pagkukulay at inangat ang tingin sa kaniya. Walang salitang lumalabas sa bibig nito ngunit sa paraan pa lamang ng mga tingin nito sa kaniya, alam niyang isinusumpa na siya ng bata." Magkapatid nga kayo, " aniya sabay patong ng dalawang paa sa mesa na ginagamit ni Norman. " Huwag mo akong titigan ng ganiyan, nakakatakot. "Inalis nito ang tingin kay Savannah at nagpatuloy sa pagkukulay gamit ang itim na krayola na halos mapudpod na sa diin ng pagkakahawak niya. Kitang-kita ang gigil nito sa papel na kinukulayan at pagtaas-baba ng balikat nito na wari mo'y nagpipigil ng emosyong unti-unti siyang nilalamon." Bakit mo ginawa 'yon kay ate..." sa gitna ng pagpipigil ni Norman, hindi na niya naitago ang

    Last Updated : 2022-01-15
  • Marahuyo   KABANATA 48

    KABANATA 48Mahigpit ang hawak ni Catalina sa grab handle ng kotse dahil sa makapigil hiningang pagpapatakbo ni Rostam ng sasakyan. Mabilis ngunit maingat dahil mayroon silang dalawang batang kasama sa likuran na may suot na headphone at abala sa hawak na gadgets para pansamantalang iwanan ang realidad. Ito ang naisip ni Catalina para ma-distract si Azalea at Norman na mukhang epektib naman dahil hindi nito inaalis ang mga mata sa nilalaro nila." Sh*t, sino ba ang mga lintik na 'to? " tiim bagang na wika ni Rostam habang tinitignan sa side-view mirror ang nakasunod sa kanila. Huminto na ito sa pagpapaputok ng baril ngunit hindi pa rin panatag ang loob ng dalawa dahil patuloy pa rin itong humahabol sa bilis nila. Maluwag ang kalsada at ilang sasakyan lamang ang kanilang kasalo sa daan na ipinagpasalamat na rin ni Rostam sapagkat hindi siya hirap maghanap ng ibang daan para matakasan an

    Last Updated : 2022-01-16
  • Marahuyo   KABANATA 49

    KABANATA 49 Isang malakas na paghampas sa mesa ang gumawa ng ingay sa silid kung saan nakatipon ang mga bagong miyembro ng isang kilalang Mafia Clan. Ang Serrano Family. " Ano? Pumalpak kayo? " bakas ang pagkadismaya sa mukha ni Bruno nang marinig ang pahayag ng dalawang taong inutusan niya para salakayin ang mga taong matagal ng alikabok sa paningin niya. " Mga siraulo, ni isa sakanila, wala kayong napuruhan man lang? " Nagkakamot sa batok ang isang lalakeng may tattoo sa pisngi. " Mukhang wala. Hindi niyo naman nabanggit na marunong pala gumamit ng armas 'yong asawa ni Lombardi. Na-tiyempuhan kaming naglalagay ng bala sa shotgun, kaya di kami naka-ganti agad sa pagpapaputok niya saamin. Ending, nabutasan kami ng gulong. " Gumuhit ang gulat sa mukha ni Bruno ngunit napalitan din ito ng ngisi. " T*ngina, marunong ng humawak ng baril a

    Last Updated : 2022-01-17
  • Marahuyo   KABANATA 50

    KABANATA 50Ang mga mata ni Catalina ay napako na sa singsing na nasa daliri niya habang ang kaniyang mga labi ay nakakurba na tila ba siya'y nababaliw na dahil kanina pa ito nakangiti at tumatawa mag-isa. Minu-minuto, palagi niyang tinitignan ang daliri upang masiguro kung naroroon pa ba ang singsing at para mas makampante pa siya, hinahawakan rin niya ito para malaman kung ito ba'y totoo o isa lang ilusyon." Mama, ano pong nakakatawa sa singsing? " Napatingin siya sa anak nang magtanong ito sakaniya habang nakatingin din sa singsing na suot niya." Ah wala, masaya lang si Mama, " aniya saka binaba ang kamay para tignan ang ginagawa ni Azalea at Norman sa mesa. Abala ang dalawa sa pag guhit at pagkulay ng mga larawang kanilang kino-kopya mula sa palabas na pinanonood nila. " Gumagaling na kayo sa pagkulay. Wala na masyadong lagpas. "" Tinuru

    Last Updated : 2022-01-18
  • Marahuyo   KABANATA 51

    KABANATA 51 Isang palahaw ang bumulabog sa Hacienda na nagmumula kay Azalea habang tumatakbo para hanapin ang kaniyang ama. Makailang beses na siyang muntik na matisod subalit hindi iyon naging rason para siya'y tumigil sa paghahanap sa ama. " Papa! Papa! " tawag niya sa ama subalit imbis ni Rostam ang makita, si Savannah ang nasalubong niya sa pasilyo. " Tita! Tita Savannah, tulungan mo ang mama ko! May kumuha sa kaniyang mga bad guys! " Nagsalubong ang kilay nito at pinanood ang paglandas ng luha sa pisngi ng bata sa harap niya na animo'y nagmamakaawa para tulungan siya. " Tita Savannah, p-please po! Hanapin natin ang Mama ko! " pagtangis ni Azalea. Isa siya sa mga nakasaksi sa pagdukot sa kaniyang ina kanina sa harap ng eskwelahan nila. Maraming nakakita subalit walang nagtangkang tumulong dahil sa takot na baka madamay sa gulo. Nagpal

    Last Updated : 2022-01-19

Latest chapter

  • Marahuyo   WAKAS

    WAKAS Mula sa isang balkonahe, nakatayo mag isa si Catalina habang pinagmamasdan ang kalmadong dagat at dinadamdam ang hampas ng sariwang hangin na mula sa karagatan. Ang mga puno ay nagsasayawan at ang mga ibon sa paligid ay nagkakantahan. Tila isang musika sa kaniyang pandinig ang kapayapaan ng paligid. Malayo sa maingay at magulong siyudad.Kapayapaan at katahimikan. Ang dalawang salitang matagal na niyang inaasam magmula noong tumira siya sa Hacienda at mapasok sa magulong mundo ng Mafia. Marami siyang napagdaanang sakit at hirap subalit nagbunga rin ang lahat ng iyon dahil sa wakas, nakamtan na niya ang inaasam na kalayaan para sa kaniyang pamilya.Ang malaki at magarang Hacienda ay wala na sakanila dahil ngayon, narito na sila sa isang pribadong isla kung saan nila napiling tumira. Sa isang simpleng bahay na matatawag nilang

  • Marahuyo   KABANATA 80

    KABANATA 80 Tulalang pinagmamasdan ni Catalina ang sarili sa salamin suot ang kulay puting gown habang may belo sa kaniyang ulo. Hindi niya magawang ngumiti kahit pilit lang sapagkat pakiramdam niya, ngayong araw na ito ay ililibing siya ng buhay. Wala siyang maramdaman kundi bigat ng kalooban at pagkamuhi sa lahat ng tao sa mansion na ito lalo na sa mala-demonyo nilang amo. Halos isang linggo nga siyang ikinulong sa madilim na silid na wala man lang sariwang hangin siyang malanghap mula sa labas. Hinahatiran siya ng pagkain sa silid na nagsilbing kulungan niya at kahit wala siyang gana, pinipilit niya itong kainin para sa bata na nasa tiyan niya. " Miss Catalina, sumakay na raw ho kayo sa kotse. Ihahatid na po kayo sa simbahan, " wika ng kasambahay nang katukin siya sa kwarto. Tumingin siya rito. " Susunod na ako sa ibaba. Mauna ka na. "

  • Marahuyo   KABANATA 79

    KABANATA 79Pabagsak na naupo si Rostam sa sopa sabay pakawala nang isang malalim na buntong hininga. Ramdam niya ang pagod ngayong araw dahil sa dami ng mga inasikaso niya. Naghahanda na rin siya para sa huling araw niya bilang pinuno o boss ng pamilyang kinabibilangan niya dahil anumang oras, maaring ng mag wakas ang sinimulan niya.Hindi na siya makapaghintay dumating ang araw na iyon dahil mawawala na rin ang pangamba niya sa kalagayan ng asawa na nasa puder ng tiyo niya. Kung siya ang tatanungin, hindi talaga siya pabor na makialam ito sa gulo ng kanilang mundo dahil noong una pa lang ay binalaan na niya si Catalina kung gaano ito kadelikado. Nakakabilib ang katapangan na ipinapakita nito simula noong sila'y magkakilala, pero ngayon, may halong ng pag-aalala ang nararamdaman niya sa bawat salita at kilos na ginagawa nito sa tuwing nasasabak ito sa gulo kagaya na lang ng sitwasyon nila n

  • Marahuyo   KABANATA 78

    KABANATA 78Tanghali na nang magising si Catalina dahil sa magdamag na kaiisip kung paano siya kukuha ng mga ebindesya sa opisina ni Angelo. Sa dami ng folder na naroroon, hindi niya alam kung alin ang mga papel na may kinalaman sa mga ilegal nitong gawain. Sinubukan niya ulit magtanong-tanong sa mga kasambahay patungkol sa amo nila pero mga positibong salita lang ang lumalabas sa bibig nila na animo'y takot siraan si Angelo. Mas lalo tuloy siyang nasabik sirain ang buhay nito para lumabas lahat ng tinatago nitong baho." Magandang umaga Miss Catalina, " nakangiting bati sakaniya ng mga kasambahay nang makita siyang bumababa ng hagdan. Ngumiti siya pabalik saka pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid sa pagbabakasakaling makita niya ulit si Lorenzo. Gusto niya rin itong makausap ulit nang masinsinan matapos ng mga sinabi nito sakaniya kagabi." Ah M

  • Marahuyo   KABANATA 77

    KABANATA 77 Pinagmasdan ni Catalina ang kabuuan ng silid na siyang magiging kwarto niya sa mansion. Maayos at malinis naman ngunit walang masyadong gamit na hindi naman problema sakaniya dahil wala naman siyang balak magtagal dito sa puder ni Angelo. Naupo siya sa kama at pabagsak na inihiga ang katawan dito. Napatitig sa kisame habang binabalikan ang kanilang napagkasunduan ni Angelo. Tsaka lang siya nito tutulungan oras na may mapatunayan siya sa mga inihayag niyang plano kanina. Alam niyang hindi ito magiging madali para sakaniya dahil wala namang katotohanan ang mga binitawan niyang pangako. Palabas lang ang lahat para mapagtakpan ang tunay niyang binabalak. Ang pagpapakasal kay Angelo ay isa rin sa mga palabas na gagawin niya. Kailangan itong mangyari dahil doon lamang siya makakahatak nang maraming bisita na siyang magiging saksi sa pagsisiwalat niya ng katot

  • Marahuyo   KABANATA 76

    KABANATA 76 " Anong sinabi mo? Nawawala si Catalina? " Salubong na kilay na tanong ni Rostam kay Esteban matapos nitong bumalik sa opisina niya para ihayag ang masamang balita. " Wala siya sa buong Hacienda at kahit ang kaniyang ina, mukhang wala ring ideya kung nasaan si Miss Catalina, " tugon nito at kasabay noon ang ang pag ring ng telepono sa mesa niya na konektado sa front gate. Sinagot ito ni Rostam. " Bossing, hindi nawawala si Miss Catalina. Umalis siya kagabi pero wala siyang binaggit kung saan siya pupunta. Ang sabi lang niya emergency daw kaya pinayagan naming makalabas, " wika ng tao niyang nakatalaga sa gate, " Pasensya na boss, akala kasi namin ay alam niyong lalabas siya--" " Mga anong oras 'yon? " tanong ni Rostam at di na pinansin ang paghingi ng paumanhin ng nasa kabilang linya dahil ang im

  • Marahuyo   KABANATA 75

    KABANATA 75 Maya't-maya ang tingin ni Rostam sa pinto ng opisina niya sa pag-asang iluluwa nito ang taong hinihintay niya mula pa kahapon. Hindi siya mapalagay hangga't hindi lumilitaw si Lorenzo at naririnig ang sagot nito. Paulit-ulit niya ring itinutuktok ang dulo ng ballpen na hawak sa ibabaw ng mesa hanggang sa bumukas na ang pinto pero hindi ito ang taong inaasahan niya. " Boss, nasa ibaba si uncle Angelo, " ani Esteban dahilan para mabilis magbago ang ekspresyon ng mukha niya. " Hinahanap si Miss Catalina. " Lalong nalukot ang mukha niya sa pagtataka at kasabay nito ang pagtindi ng hinala niya. " Sinabi niya ba kung anong dahilan? " tanong niya kay Esteban at iling naman ang isinagot nito sa kaniya. " Wala ang hinahanap niya rito pero patuluyin mo na lang dito sa opisina at tatawagan ko na lang si Catalina. "

  • Marahuyo   KABANATA 74

    KABANATA 74 Mabilis at mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ni Rostam sa isang mahabang pasilyo patungo sa isang kwarto. Padilim ito nang padilim dahil ang kanilang silid na pupuntahan ay ilang pinagkakatiwalaang tao lang ang nakakaalam. Walang kahit na anong camera ang nakatutok sa gawing ito dahil sa Hacienda, ito ang pinaka pribadong kwarto. Kwarto kung saan ipararanas sayo kung paano tumira sa impyerno. Natigil siya sa paglalakad nang marinig ang isang malakas na pagsabog na dumagungdong sa buong Hacienda. Mabilis niyang nilingon si Esteban na nasa likuran at wala pa man siyang iniuutos, tumango na ito saka inabot sakaniya ang isang itim na bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera. " Mag report ka agad saakin kung may makita kang malaking problem sa pagsabog na 'yon, " paalala niya bago tuluyang umalis si Esteban sa harap niya para alami

  • Marahuyo   KABANATA 73

    KABANATA 73Tila hindi na maalis ni Catalina ang tingin sa engagement ring na nasa daliri niya. Nagtatalo ang isip kung dapat pa ba niya itong hubadin gayong wala namang katotohanan ang pakikipag hiwalay niya kay Rostam. Mabigat ang kalooban niya at gustong-gusto niyang bawiin ang sinabi niya kagabi pero hindi pwede dahil maari itong ikapahamak ng kaniyang pamilya.Ibinaling niya ang tingin sa kabilang gilid ng kamang hinihigan niya. Narito pa rin siya sa kwarto ni Rostam ngunit hindi ito dito natulog kagabi. Umaasa siyang lalapit ito sakaniya para tanungin ang rason kung bakit siya umaatras sa kasal pero wala siyang napala. Naghintay lang s'ya sa wala at hindi niya alam kung magandang balita ba ito dahil malayo ito sa reaksyong inaasahan niya pati na rin ng taong nag utos sa kaniya. Hindi niya rin inaasahang iyon ang makukuha niyang sagot kagabi.Tumingin siya sa or

DMCA.com Protection Status