Beranda / Romance / Marahuyo / KABANATA 49

Share

KABANATA 49

Penulis: Janebee
last update Terakhir Diperbarui: 2022-01-17 21:59:56

KABANATA 49

Isang malakas na paghampas sa mesa ang gumawa ng ingay sa silid kung saan nakatipon ang mga bagong miyembro ng isang kilalang Mafia Clan. Ang Serrano Family.

" Ano? Pumalpak kayo? " bakas ang pagkadismaya sa mukha ni Bruno nang marinig ang pahayag ng dalawang taong inutusan niya para salakayin ang mga taong matagal ng alikabok sa paningin niya. " Mga siraulo, ni isa sakanila, wala kayong napuruhan man lang? "

Nagkakamot sa batok ang isang lalakeng may tattoo sa pisngi. " Mukhang wala. Hindi niyo naman nabanggit na marunong pala gumamit ng armas 'yong asawa ni Lombardi. Na-tiyempuhan kaming naglalagay ng bala sa shotgun, kaya di kami naka-ganti agad sa pagpapaputok niya saamin. Ending, nabutasan kami ng gulong. "

Gumuhit ang gulat sa mukha ni Bruno ngunit napalitan din ito ng ngisi. " T*ngina, marunong ng humawak ng baril a
Bab Terkunci
Lanjutkan Membaca di GoodNovel
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • Marahuyo   KABANATA 50

    KABANATA 50Ang mga mata ni Catalina ay napako na sa singsing na nasa daliri niya habang ang kaniyang mga labi ay nakakurba na tila ba siya'y nababaliw na dahil kanina pa ito nakangiti at tumatawa mag-isa. Minu-minuto, palagi niyang tinitignan ang daliri upang masiguro kung naroroon pa ba ang singsing at para mas makampante pa siya, hinahawakan rin niya ito para malaman kung ito ba'y totoo o isa lang ilusyon." Mama, ano pong nakakatawa sa singsing? " Napatingin siya sa anak nang magtanong ito sakaniya habang nakatingin din sa singsing na suot niya." Ah wala, masaya lang si Mama, " aniya saka binaba ang kamay para tignan ang ginagawa ni Azalea at Norman sa mesa. Abala ang dalawa sa pag guhit at pagkulay ng mga larawang kanilang kino-kopya mula sa palabas na pinanonood nila. " Gumagaling na kayo sa pagkulay. Wala na masyadong lagpas. "" Tinuru

    Terakhir Diperbarui : 2022-01-18
  • Marahuyo   KABANATA 51

    KABANATA 51 Isang palahaw ang bumulabog sa Hacienda na nagmumula kay Azalea habang tumatakbo para hanapin ang kaniyang ama. Makailang beses na siyang muntik na matisod subalit hindi iyon naging rason para siya'y tumigil sa paghahanap sa ama. " Papa! Papa! " tawag niya sa ama subalit imbis ni Rostam ang makita, si Savannah ang nasalubong niya sa pasilyo. " Tita! Tita Savannah, tulungan mo ang mama ko! May kumuha sa kaniyang mga bad guys! " Nagsalubong ang kilay nito at pinanood ang paglandas ng luha sa pisngi ng bata sa harap niya na animo'y nagmamakaawa para tulungan siya. " Tita Savannah, p-please po! Hanapin natin ang Mama ko! " pagtangis ni Azalea. Isa siya sa mga nakasaksi sa pagdukot sa kaniyang ina kanina sa harap ng eskwelahan nila. Maraming nakakita subalit walang nagtangkang tumulong dahil sa takot na baka madamay sa gulo. Nagpal

    Terakhir Diperbarui : 2022-01-19
  • Marahuyo   KABANATA 52

    KABANATA 52Mula sa ikalawang palapag ng Hacienda kung saan naroron ang kwarto si Savannah, rinig niya ang mga boses sa ibaba na tila ba may nagkakagulong mga tao. Dala ng kuryusidad, tinigil muna niya ang pinagkakaabalahan sa laptop upang sumilip sa nangyayari sa labas at nang dumungaw siya sa railings, doon niya nakita ang mag asawa na sa kaniyang palagay, mabigat at malaki ang pinagtatalunan. Kita niya ang mga luhang dumadaloy sa magkabilang pisngi ni Catalina habang ang kambal niya ay tila problemado at di makagalaw sa kinatatayuan nito." Bakit di mo saakin sinabi? Bakit mo inilihim saakin 'yong ganitong bagay, Rostam? " halos mabasag na ang boses ni Catalina dahil sa sakit na nararamdaman ng puso n'ya. Mabigat at tila ba pinipiga ito dahil sa katotohanang nalaman niya mula pa sa ibang tao." Hayaan mo muna ako magpaliwanag--"" Hindi ko kailang

    Terakhir Diperbarui : 2022-01-20
  • Marahuyo   KABANATA 53

    KABANATA 53Hindi malaman ni Catalina kung anong ikikilos niya sa mga oras na ito. Naroroon sa kusina ang ina para ipag timpla siya ng maiinom habang nakaupo naman siya sa sopa sa sala at nag iisip kung saan siya magsisimula. Hindi niya maramdaman ang presensya ni Bruno dito sa loob na ipinagpasalamat na rin niya dahil bawas ito sa iisipin niya.Tumayo siya at planong mag tungo sa kusina, saglit niyang inilibot ang tingin sa sala at napatingin sa cabinet nang makita ang litrato nila ni Azalea. Nilapitan niya ito at doon napagtanto na kuha ito noong kaarawan ng anak niya. Hindi niya alam na kinunan sila ng litraro ng ina." Nakapag hapunan ka na ba, Cata? " Naalis ang tingin niya sa litrato nang marinig ang boses ng ina. May bitbit itong tray na may lamang pagkain at maiinom. " Ito kumain ka na muna. Bagong luto lang ang pasta at habang mainit-init pa, sumubo ka na. "

    Terakhir Diperbarui : 2022-01-21
  • Marahuyo   KABANATA 54

    KABANATA 54 Maingay at nagkakatuwaan sina Esteban, Dario at ang iba nilang kasama sa isang mesa kung saan naglalaro ang mga ito ng baraha. Kagaya ng nakasanayan, malalaking pera ang tinataya ng bawat isa dahil na rin sa malaki ang pinupusta sa kanila. " Siraulo, huwag kang madaya! Nawala nga si Baron, ikaw naman ang pumalit, " ani Dario kay Esteban saka binaba ang baraha niya upang ipakita sa kalaban na panalo na naman siya. " Oh p*ta, wala ng aawat! Akina mga taya niyo! " " Aba, nakakapagtaka naman at kanina ka pa nananalo? Sunod-sunod na! " Nagkakamot na ulo na wika ni Esteban na sinang-ayunan naman ng iba na kanina pa rin natatalo sa mga taya nila. Magaan ang hangin sa silid kung saan sila naroroon subalit naramdaman nila ang bigat nang dumating ang isang taong di nila alam kung dapat pa rin ba nilang pakisamahan.

    Terakhir Diperbarui : 2022-01-22
  • Marahuyo   KABANATA 55

    KABANATA 55 " Hindi mangyayari ang sinasabi mo, Rostam. Hindi ko hahayaang gawin mo ang bagay na 'yan, " may awtoridad na wika ni Angelo nang marinig ang desisyon ng kaniyang pamangkin patungkol sa binabalak nitong pag bitiw sa kaniyang pwesto sa organisasyon. " Inuulit mo lang ang pagkakamaling ginawa ng iyong ama. Tatalikuran mo ang una at orihinal mong pamilya para lang sa mag-iina mo? " Hindi nagsalita si Rostam kaya lalong gumuhit sa mukha ni Angelo ang pagka dismaya niya. Naglakad ito palapit sa pamangkin at diretso itong tinitigan sa mga mata. " Huwag kang magpadalos-dalos ng desisyon mo dahil ako na ang nagsasabi sayo, hindi ito ang paraan para iligtas mo ang mag-iina mo. Hindi ito ang nararapat na solusyon sa mga suliraning kinahaharap mo, " aniya habang nakikipagsukatan ng tingin sa pamangkin. " At hindi rin ito magugustuhan ng mga tao mo dahil para mo na

    Terakhir Diperbarui : 2022-01-23
  • Marahuyo   KABANATA 56

    KABANATA 56 " Mayroon akong gustong dispatyahin. Hindi ko lang sigurado kung kailan pero disidido akong gagawin kong shooting target ang katawan n'ya oras na dumating na ang nakatakdang oras para sa kaniya. " Iyon ang eksaktong salita na binitawan ni Lorenzo kay Savannah noong panahong nalasing silang dalawa at kamuntikan nang may mangyari sa kanila. Tandang-tanda ni Savannah ang bawat detalye ng gabing iyon dahil kahit nakainom, nasa tamang pag iisip pa rin siya noong mga oras na iyon. " Pwede ko bang malaman ang dahilan? " tanong niya kay Lorenzo na unti-unting nalalason ng alak. " Paghihiganti. Gusto kong pag bayaran ng taong 'yon ang ginawa niyang pag sira sa buhay ko. Gustong kong ipatikim sa kaniya ang impyerno at oras na mangyari 'yon, ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. "

    Terakhir Diperbarui : 2022-01-24
  • Marahuyo   ESPESYAL NA KABANATA 1

    ESPESYAL NA KABANATA 1 " Teacher! Finish na po ako mag color! " ani Azalea matapos kulayan ang mga larawan sa isang pahina ng aklat na kanilang inaaral. Tumayo siya sa kinauupan niya upang puntahan ang guro na nasa harapan. " Teacher, maganda po color ko? " " Tignan nga natin. " Kinuha ng guro niya ang aklat para makita kung tapos na nga ba talaga ang estudyante niyang palaging nauuna sa pagpapasa. " Wow, tapos na nga. Ang ganda ha? Kaunti na lang 'yong lagpas-lagpas mo at dahil diyan very good ka kay teacher. " " Yey! " Pumalakpak ito at agad nilahad ang kanang kamay niya senyales na handa na siyang matatakan ng very good. Natawa na lamang ang guro saka binigyan ng isang tatak ang likurang bahagi ng palad ni Azalea. " Kuya Norman! Tignan mo may very good ulit ako! " Lumapit siya kay Norman na tutok na tutok sa ginagawang pagkukulay.

    Terakhir Diperbarui : 2022-01-25

Bab terbaru

  • Marahuyo   WAKAS

    WAKAS Mula sa isang balkonahe, nakatayo mag isa si Catalina habang pinagmamasdan ang kalmadong dagat at dinadamdam ang hampas ng sariwang hangin na mula sa karagatan. Ang mga puno ay nagsasayawan at ang mga ibon sa paligid ay nagkakantahan. Tila isang musika sa kaniyang pandinig ang kapayapaan ng paligid. Malayo sa maingay at magulong siyudad.Kapayapaan at katahimikan. Ang dalawang salitang matagal na niyang inaasam magmula noong tumira siya sa Hacienda at mapasok sa magulong mundo ng Mafia. Marami siyang napagdaanang sakit at hirap subalit nagbunga rin ang lahat ng iyon dahil sa wakas, nakamtan na niya ang inaasam na kalayaan para sa kaniyang pamilya.Ang malaki at magarang Hacienda ay wala na sakanila dahil ngayon, narito na sila sa isang pribadong isla kung saan nila napiling tumira. Sa isang simpleng bahay na matatawag nilang

  • Marahuyo   KABANATA 80

    KABANATA 80 Tulalang pinagmamasdan ni Catalina ang sarili sa salamin suot ang kulay puting gown habang may belo sa kaniyang ulo. Hindi niya magawang ngumiti kahit pilit lang sapagkat pakiramdam niya, ngayong araw na ito ay ililibing siya ng buhay. Wala siyang maramdaman kundi bigat ng kalooban at pagkamuhi sa lahat ng tao sa mansion na ito lalo na sa mala-demonyo nilang amo. Halos isang linggo nga siyang ikinulong sa madilim na silid na wala man lang sariwang hangin siyang malanghap mula sa labas. Hinahatiran siya ng pagkain sa silid na nagsilbing kulungan niya at kahit wala siyang gana, pinipilit niya itong kainin para sa bata na nasa tiyan niya. " Miss Catalina, sumakay na raw ho kayo sa kotse. Ihahatid na po kayo sa simbahan, " wika ng kasambahay nang katukin siya sa kwarto. Tumingin siya rito. " Susunod na ako sa ibaba. Mauna ka na. "

  • Marahuyo   KABANATA 79

    KABANATA 79Pabagsak na naupo si Rostam sa sopa sabay pakawala nang isang malalim na buntong hininga. Ramdam niya ang pagod ngayong araw dahil sa dami ng mga inasikaso niya. Naghahanda na rin siya para sa huling araw niya bilang pinuno o boss ng pamilyang kinabibilangan niya dahil anumang oras, maaring ng mag wakas ang sinimulan niya.Hindi na siya makapaghintay dumating ang araw na iyon dahil mawawala na rin ang pangamba niya sa kalagayan ng asawa na nasa puder ng tiyo niya. Kung siya ang tatanungin, hindi talaga siya pabor na makialam ito sa gulo ng kanilang mundo dahil noong una pa lang ay binalaan na niya si Catalina kung gaano ito kadelikado. Nakakabilib ang katapangan na ipinapakita nito simula noong sila'y magkakilala, pero ngayon, may halong ng pag-aalala ang nararamdaman niya sa bawat salita at kilos na ginagawa nito sa tuwing nasasabak ito sa gulo kagaya na lang ng sitwasyon nila n

  • Marahuyo   KABANATA 78

    KABANATA 78Tanghali na nang magising si Catalina dahil sa magdamag na kaiisip kung paano siya kukuha ng mga ebindesya sa opisina ni Angelo. Sa dami ng folder na naroroon, hindi niya alam kung alin ang mga papel na may kinalaman sa mga ilegal nitong gawain. Sinubukan niya ulit magtanong-tanong sa mga kasambahay patungkol sa amo nila pero mga positibong salita lang ang lumalabas sa bibig nila na animo'y takot siraan si Angelo. Mas lalo tuloy siyang nasabik sirain ang buhay nito para lumabas lahat ng tinatago nitong baho." Magandang umaga Miss Catalina, " nakangiting bati sakaniya ng mga kasambahay nang makita siyang bumababa ng hagdan. Ngumiti siya pabalik saka pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid sa pagbabakasakaling makita niya ulit si Lorenzo. Gusto niya rin itong makausap ulit nang masinsinan matapos ng mga sinabi nito sakaniya kagabi." Ah M

  • Marahuyo   KABANATA 77

    KABANATA 77 Pinagmasdan ni Catalina ang kabuuan ng silid na siyang magiging kwarto niya sa mansion. Maayos at malinis naman ngunit walang masyadong gamit na hindi naman problema sakaniya dahil wala naman siyang balak magtagal dito sa puder ni Angelo. Naupo siya sa kama at pabagsak na inihiga ang katawan dito. Napatitig sa kisame habang binabalikan ang kanilang napagkasunduan ni Angelo. Tsaka lang siya nito tutulungan oras na may mapatunayan siya sa mga inihayag niyang plano kanina. Alam niyang hindi ito magiging madali para sakaniya dahil wala namang katotohanan ang mga binitawan niyang pangako. Palabas lang ang lahat para mapagtakpan ang tunay niyang binabalak. Ang pagpapakasal kay Angelo ay isa rin sa mga palabas na gagawin niya. Kailangan itong mangyari dahil doon lamang siya makakahatak nang maraming bisita na siyang magiging saksi sa pagsisiwalat niya ng katot

  • Marahuyo   KABANATA 76

    KABANATA 76 " Anong sinabi mo? Nawawala si Catalina? " Salubong na kilay na tanong ni Rostam kay Esteban matapos nitong bumalik sa opisina niya para ihayag ang masamang balita. " Wala siya sa buong Hacienda at kahit ang kaniyang ina, mukhang wala ring ideya kung nasaan si Miss Catalina, " tugon nito at kasabay noon ang ang pag ring ng telepono sa mesa niya na konektado sa front gate. Sinagot ito ni Rostam. " Bossing, hindi nawawala si Miss Catalina. Umalis siya kagabi pero wala siyang binaggit kung saan siya pupunta. Ang sabi lang niya emergency daw kaya pinayagan naming makalabas, " wika ng tao niyang nakatalaga sa gate, " Pasensya na boss, akala kasi namin ay alam niyong lalabas siya--" " Mga anong oras 'yon? " tanong ni Rostam at di na pinansin ang paghingi ng paumanhin ng nasa kabilang linya dahil ang im

  • Marahuyo   KABANATA 75

    KABANATA 75 Maya't-maya ang tingin ni Rostam sa pinto ng opisina niya sa pag-asang iluluwa nito ang taong hinihintay niya mula pa kahapon. Hindi siya mapalagay hangga't hindi lumilitaw si Lorenzo at naririnig ang sagot nito. Paulit-ulit niya ring itinutuktok ang dulo ng ballpen na hawak sa ibabaw ng mesa hanggang sa bumukas na ang pinto pero hindi ito ang taong inaasahan niya. " Boss, nasa ibaba si uncle Angelo, " ani Esteban dahilan para mabilis magbago ang ekspresyon ng mukha niya. " Hinahanap si Miss Catalina. " Lalong nalukot ang mukha niya sa pagtataka at kasabay nito ang pagtindi ng hinala niya. " Sinabi niya ba kung anong dahilan? " tanong niya kay Esteban at iling naman ang isinagot nito sa kaniya. " Wala ang hinahanap niya rito pero patuluyin mo na lang dito sa opisina at tatawagan ko na lang si Catalina. "

  • Marahuyo   KABANATA 74

    KABANATA 74 Mabilis at mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ni Rostam sa isang mahabang pasilyo patungo sa isang kwarto. Padilim ito nang padilim dahil ang kanilang silid na pupuntahan ay ilang pinagkakatiwalaang tao lang ang nakakaalam. Walang kahit na anong camera ang nakatutok sa gawing ito dahil sa Hacienda, ito ang pinaka pribadong kwarto. Kwarto kung saan ipararanas sayo kung paano tumira sa impyerno. Natigil siya sa paglalakad nang marinig ang isang malakas na pagsabog na dumagungdong sa buong Hacienda. Mabilis niyang nilingon si Esteban na nasa likuran at wala pa man siyang iniuutos, tumango na ito saka inabot sakaniya ang isang itim na bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera. " Mag report ka agad saakin kung may makita kang malaking problem sa pagsabog na 'yon, " paalala niya bago tuluyang umalis si Esteban sa harap niya para alami

  • Marahuyo   KABANATA 73

    KABANATA 73Tila hindi na maalis ni Catalina ang tingin sa engagement ring na nasa daliri niya. Nagtatalo ang isip kung dapat pa ba niya itong hubadin gayong wala namang katotohanan ang pakikipag hiwalay niya kay Rostam. Mabigat ang kalooban niya at gustong-gusto niyang bawiin ang sinabi niya kagabi pero hindi pwede dahil maari itong ikapahamak ng kaniyang pamilya.Ibinaling niya ang tingin sa kabilang gilid ng kamang hinihigan niya. Narito pa rin siya sa kwarto ni Rostam ngunit hindi ito dito natulog kagabi. Umaasa siyang lalapit ito sakaniya para tanungin ang rason kung bakit siya umaatras sa kasal pero wala siyang napala. Naghintay lang s'ya sa wala at hindi niya alam kung magandang balita ba ito dahil malayo ito sa reaksyong inaasahan niya pati na rin ng taong nag utos sa kaniya. Hindi niya rin inaasahang iyon ang makukuha niyang sagot kagabi.Tumingin siya sa or

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status