Home / Romance / Marahuyo / KABANATA 38

Share

KABANATA 38

Author: Janebee
last update Last Updated: 2022-01-05 01:00:31

KABANATA 38

" Anong sinabi mo? " ang tanging lumabas sa bibig ni Rostam matapos madinig ang lumabas sa bibig ng babae sa kanilang harapan kasama ang batang lalake na pinakilalang anak nila.

" Uulitin ko pa ba? " natatawang wika nito sakaniya na para bang isang biro lang ang inansuyo niya sa lahat. Ipinatong nito ang kamay sa ulo ng batang lalake na nag ngangalang Norman. " Kagaya ng sinabi ko, siya si Norman, anim na taong gulang at tama, anak natin siya. "

" Huwag kang magpatawa, Jane. " Naglakad si Rostam patungo sa babae na tinawag nitong Jane saka hinawakan sa braso upang kaladkarin palabas. " Wala akong oras makipagbiruan sayo at hindi ako natutuwa sa mga lumalabas sa bibig mo. "

" Aba, sino bang may sabing nagbibiro ako? " buong lakas na binawi ni Jane ang braso niya saka may kinuhang papel sa bag na dala-dala. " Iyan ang patunay na
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Marahuyo   KABANATA 39

    KABANATA 39 Matagal namayani ang katahimikan sa pagitan ni Catalina at ni Rostam. Parehong nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita sa kanilang dalawa matapos magbitaw ng salita si Rostam na hirap i-proseso sa isipan ng isa. " You're kidding, right? " ani Catalina na hindi na nakatiis sa nakakabinging katahimikan. " I'm not, " kaswal na sagot ni Rostam na diretso ang tingin sa mga mata niya. " Narinig mo na ba akong magbiro? " Nagpakawala ito nang sarkastikong tawa, walang salita ang nais lumabas sa bibig niya dahilan kaya iginalaw-galaw na lamang niya ang mga kamao na tila ba gusto nitong idapo sa mukha ng kausap niya. " Oh wow, " na-blangko si Catalina. Hindi niya gustong ipakitang naapektuhan siya sa sinabi ni Rostam kung kaya't piniga niya pa ang isip niya para may mailabas ang bibig niya. " Hindi ko alam kung

    Last Updated : 2022-01-06
  • Marahuyo   KABANATA 40

    KABANATA 40Ramdam ni Savannah ang nakakailang na katahimikan sa hapag kainan matapos malaglag ni Catalina ang kubyertos nito kanina. Hindi niya alam kung sadya o ito'y aksidente pero naging dahilan ito ng pananahimik ng kaniyang kaibigan na kanina pa dumadaldal kay Rostam.Inilibot niya ang tingin sa mga kasama niya sa mesa at sa kaniyang nakikita, nagpapakiramdaman ang mga ito kung dapat ba silang gumawa ng hakbang para basagin ang katahimikan sa kanilang hapunan." Kuya Norman, ilan taon ka na? " Napatingin ang lahat kay Azalea nang magsalita ito. May nginunguya pa ito sa bibig pero hindi iyon naging abala sa kaniya para muling kausapin ang batang lalake na ilag sa lahat." Anak, tinatanong ka ng kapatid mo, " ani Jane na nagpataas naman ng kilay kay Catalina." Six years old, " sa kauna-unahang pagkakataon, narinig nila ang bos

    Last Updated : 2022-01-07
  • Marahuyo   KABANATA 41

    KABANATA 41 Halos manigas si Catalina sa kinatatayuan niya nang maramdaman ang biglaang pagdampi ng labi ni Rostam sa kaniya. Literal na di siya makagalaw dahil sa sobrang gulat at ang mga sumunod pa nitong ginawa ay naging dahilan para magtaasan ang balahibo niya sa katawan nang maramdaman ang dila nito na tila binubuksan ang bibig niya. Doon siya natauhan at sinubukang itulak si Rostam palayo sa kaniya pero hinapit pa nito ang baywang niya para maglapit sila. " Makisama ka na lang. May nanonood saatin," anito nang sandaling maghiwalay ang mga mukha nila. Hindi na kailangan ni Catalina na lumingon sa likuran para kumpirmahin ang sinabi ni Rostam dahil mula sa salamin na nasa kaniyang harapan, nakita niya ang repleksyon ng isang babae malapit sa kinatatayuan nila, at ang taong 'yon ay si Jane. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya dahil sa pagkakataon na

    Last Updated : 2022-01-08
  • Marahuyo   KABANATA 42

    KABANATA 42 Paulit-ulit na halakhak ang naririnig ni Rostam sa suot niyang earphone na naka konekta sa bug device na nakakabit kay Jane. Kung hindi tawanan, mga kung anu-anong walang kwentang bagay lang ang naririnig niya na di niya alam kung sadya ba o talagang iyon lang ang ginagawa nito buong maghapon. " Oo, grabe! Hindi nga maganda ang atmosphere sa restaurant na 'yon. Akala mo napakasasarap ng sini-serve nilang mga dish, wala namang lasa. Mayabang rin kasi ang Chef doon, " ani Jane kausap ang ilang mga tauhan ni Rostam na nakatambay sa labas. " Tapos ito pa, may naging issue sila last year na nagpabagsak ng negosyo nila. May patay na ipis daw kasi yung isa sa mga dish na hinain sa isang VIP customer, ayon nalugi sila noong kumalat yung balita--" Tinanggal na ni Rostam ang earphone sa magkabila niyang tainga. Humugot ng isang malalim na hininga at napahilamos sa mukha niy

    Last Updated : 2022-01-09
  • Marahuyo   KABANATA 43

    KABANATA 43Hindi maipinta ang hitsura ng mukha ni Catalina habang pinapasadahan ng tingin ang taong nakatayo sa harap niya. Pormal na pormal ang suot nitong suit na animo'y isang business meeting ang dadaluhan." Sigurado ka bang iyan ang isusuot mo? " hindi makapaniwalang tanong niya, " Ipapaalala ko lang sayo na family program ang pupuntahan natin sa eskwelahan, hindi isang negosasyon o business meeting, Rostam. Magpalit ka nga. "" Wala akong nakikitang problema sa suot ko, Catalina, " depensa nito." Pwes ako mayroon. Mai-intimidate sayo ang mga tao doon dahil sa hitsura mo, " ani Catalina, " wala namang dress code pero kaswal na damit na lang ang i-suot mo, please. Mag polo shirt ka okaya naman 'yang long sleeve polo na nasa loob mo. "Nagpakawala nang malalim na hininga si Rostam at tila ba walang balak sumunod

    Last Updated : 2022-01-10
  • Marahuyo   KABANATA 44

    KABANATA 44 Dapit-hapon na noong makauwi sina Rostam sa Hacienda at ang kaninang hyper na si Azalea ay bagsak na dahil sa buong maghapon nitong pagsali sa mga aktibidad sa Family Program na ginanap kanina. Marami itong naiuwing mga pa-premyo mula sa mga pinanalo nitong laro kasama na roon ang laro na sinalihan kanina nila Rostam at Catalina. " Huwag mo na siyang gisingin, ako na ang bahala magbuhat sa kaniya, " ani Rostam nang subukang gisingin ni Catalina ang batang tulog mantika sa backseat. Sandaling ipinarada ni Rostam sa garahe ang kotseng kanilang sinasakyan bago mapagpasyahang bumaba para buhatin ang anak. Nagpakawala nang malalim na buntong hininga si Catalina habang sila'y naglalakad papasok sa loob. Ramdam niya ang pagod ng katawan na malala pa sa pinagdaanan niya noong unang sabak niya sa martial arts. Mainit ang panahon at sinabayan rin ng daming ganap kanina na s

    Last Updated : 2022-01-11
  • Marahuyo   KABANATA 45

    KABANATA 45 " Savannah, palagi mong aalagaan ang kambal mo, okay? Alam mo naman 'yon, hindi sanay na wala ka sa tabi niya. Gusto palagi kang kasama, " wika ng ina habang sinusuklay ang mahabang buhok ng batang si Savannah sa harapan n'ya. " Bakit po? Aalis po ba kayo ni Papa? " takhang tanong ni Savannah sa ina saka ito nilingon. " Saan po kayo pupunta? " " Wala kaming pupuntahan ng iyong Papa. Pinapaalala ko lang sayo kasi palagi mong iniiwanan si Rostam sa school niyo, " anito saka ibinaba ang suklay sa mesa upang itirintas ang buhok ni Savannah. " Nagsusumbong saakin ang kambal mo, ang sungit mo raw kapag kasama ang mga friends mo. Hindi mo raw siya pinapansin at tinataboy mo pa daw siya. Huwag ganoon anak. Isama mo si Rostam sa'yo, ipakilala mo sa mga friends mo. " " Eh kasi naman po Ma, palagi siyang nakabuntot saakin

    Last Updated : 2022-01-12
  • Marahuyo   KABANATA 46

    KABANATA 46Sunod-sunod na putok na baril ang pinawawalan ni Rostam sa shooting target na nasa kaniyang harapan habang ang kaniyang isipan ay okupado ng mga bagay at pangyayaring ilang araw ng gumugulo sa kaniya. Mga desisyong maaring magpabago sa takbo ng buhay niya at ng dalawang babae sa buhay niya. Nahihirapan siya at sa totoo lang, hindi na rin niya alam kung tama pa ba ang mga nasa isip niya. Masyadong magulo at napaka komplikado.Si Savannah, ang kaniyang kambal ay isa ngayon sa mga taong higit niyang binabantayan. Alam niya ang takbo ng isip nito at hindi niya 'yon kontrolado kaya ganito na lamang ang pag-aalala niya sa kaligtasan ng kaniyang mag-ina. Walang kaso sa kaniya kung siya ang target ng kambal subalit ibang usapan na kapag buhay ng mag-iina na niya ang nakataya dito." Rostam--" Mabilis siyang lumingon sa likuran nang maramdamang may tumap

    Last Updated : 2022-01-14

Latest chapter

  • Marahuyo   WAKAS

    WAKAS Mula sa isang balkonahe, nakatayo mag isa si Catalina habang pinagmamasdan ang kalmadong dagat at dinadamdam ang hampas ng sariwang hangin na mula sa karagatan. Ang mga puno ay nagsasayawan at ang mga ibon sa paligid ay nagkakantahan. Tila isang musika sa kaniyang pandinig ang kapayapaan ng paligid. Malayo sa maingay at magulong siyudad.Kapayapaan at katahimikan. Ang dalawang salitang matagal na niyang inaasam magmula noong tumira siya sa Hacienda at mapasok sa magulong mundo ng Mafia. Marami siyang napagdaanang sakit at hirap subalit nagbunga rin ang lahat ng iyon dahil sa wakas, nakamtan na niya ang inaasam na kalayaan para sa kaniyang pamilya.Ang malaki at magarang Hacienda ay wala na sakanila dahil ngayon, narito na sila sa isang pribadong isla kung saan nila napiling tumira. Sa isang simpleng bahay na matatawag nilang

  • Marahuyo   KABANATA 80

    KABANATA 80 Tulalang pinagmamasdan ni Catalina ang sarili sa salamin suot ang kulay puting gown habang may belo sa kaniyang ulo. Hindi niya magawang ngumiti kahit pilit lang sapagkat pakiramdam niya, ngayong araw na ito ay ililibing siya ng buhay. Wala siyang maramdaman kundi bigat ng kalooban at pagkamuhi sa lahat ng tao sa mansion na ito lalo na sa mala-demonyo nilang amo. Halos isang linggo nga siyang ikinulong sa madilim na silid na wala man lang sariwang hangin siyang malanghap mula sa labas. Hinahatiran siya ng pagkain sa silid na nagsilbing kulungan niya at kahit wala siyang gana, pinipilit niya itong kainin para sa bata na nasa tiyan niya. " Miss Catalina, sumakay na raw ho kayo sa kotse. Ihahatid na po kayo sa simbahan, " wika ng kasambahay nang katukin siya sa kwarto. Tumingin siya rito. " Susunod na ako sa ibaba. Mauna ka na. "

  • Marahuyo   KABANATA 79

    KABANATA 79Pabagsak na naupo si Rostam sa sopa sabay pakawala nang isang malalim na buntong hininga. Ramdam niya ang pagod ngayong araw dahil sa dami ng mga inasikaso niya. Naghahanda na rin siya para sa huling araw niya bilang pinuno o boss ng pamilyang kinabibilangan niya dahil anumang oras, maaring ng mag wakas ang sinimulan niya.Hindi na siya makapaghintay dumating ang araw na iyon dahil mawawala na rin ang pangamba niya sa kalagayan ng asawa na nasa puder ng tiyo niya. Kung siya ang tatanungin, hindi talaga siya pabor na makialam ito sa gulo ng kanilang mundo dahil noong una pa lang ay binalaan na niya si Catalina kung gaano ito kadelikado. Nakakabilib ang katapangan na ipinapakita nito simula noong sila'y magkakilala, pero ngayon, may halong ng pag-aalala ang nararamdaman niya sa bawat salita at kilos na ginagawa nito sa tuwing nasasabak ito sa gulo kagaya na lang ng sitwasyon nila n

  • Marahuyo   KABANATA 78

    KABANATA 78Tanghali na nang magising si Catalina dahil sa magdamag na kaiisip kung paano siya kukuha ng mga ebindesya sa opisina ni Angelo. Sa dami ng folder na naroroon, hindi niya alam kung alin ang mga papel na may kinalaman sa mga ilegal nitong gawain. Sinubukan niya ulit magtanong-tanong sa mga kasambahay patungkol sa amo nila pero mga positibong salita lang ang lumalabas sa bibig nila na animo'y takot siraan si Angelo. Mas lalo tuloy siyang nasabik sirain ang buhay nito para lumabas lahat ng tinatago nitong baho." Magandang umaga Miss Catalina, " nakangiting bati sakaniya ng mga kasambahay nang makita siyang bumababa ng hagdan. Ngumiti siya pabalik saka pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid sa pagbabakasakaling makita niya ulit si Lorenzo. Gusto niya rin itong makausap ulit nang masinsinan matapos ng mga sinabi nito sakaniya kagabi." Ah M

  • Marahuyo   KABANATA 77

    KABANATA 77 Pinagmasdan ni Catalina ang kabuuan ng silid na siyang magiging kwarto niya sa mansion. Maayos at malinis naman ngunit walang masyadong gamit na hindi naman problema sakaniya dahil wala naman siyang balak magtagal dito sa puder ni Angelo. Naupo siya sa kama at pabagsak na inihiga ang katawan dito. Napatitig sa kisame habang binabalikan ang kanilang napagkasunduan ni Angelo. Tsaka lang siya nito tutulungan oras na may mapatunayan siya sa mga inihayag niyang plano kanina. Alam niyang hindi ito magiging madali para sakaniya dahil wala namang katotohanan ang mga binitawan niyang pangako. Palabas lang ang lahat para mapagtakpan ang tunay niyang binabalak. Ang pagpapakasal kay Angelo ay isa rin sa mga palabas na gagawin niya. Kailangan itong mangyari dahil doon lamang siya makakahatak nang maraming bisita na siyang magiging saksi sa pagsisiwalat niya ng katot

  • Marahuyo   KABANATA 76

    KABANATA 76 " Anong sinabi mo? Nawawala si Catalina? " Salubong na kilay na tanong ni Rostam kay Esteban matapos nitong bumalik sa opisina niya para ihayag ang masamang balita. " Wala siya sa buong Hacienda at kahit ang kaniyang ina, mukhang wala ring ideya kung nasaan si Miss Catalina, " tugon nito at kasabay noon ang ang pag ring ng telepono sa mesa niya na konektado sa front gate. Sinagot ito ni Rostam. " Bossing, hindi nawawala si Miss Catalina. Umalis siya kagabi pero wala siyang binaggit kung saan siya pupunta. Ang sabi lang niya emergency daw kaya pinayagan naming makalabas, " wika ng tao niyang nakatalaga sa gate, " Pasensya na boss, akala kasi namin ay alam niyong lalabas siya--" " Mga anong oras 'yon? " tanong ni Rostam at di na pinansin ang paghingi ng paumanhin ng nasa kabilang linya dahil ang im

  • Marahuyo   KABANATA 75

    KABANATA 75 Maya't-maya ang tingin ni Rostam sa pinto ng opisina niya sa pag-asang iluluwa nito ang taong hinihintay niya mula pa kahapon. Hindi siya mapalagay hangga't hindi lumilitaw si Lorenzo at naririnig ang sagot nito. Paulit-ulit niya ring itinutuktok ang dulo ng ballpen na hawak sa ibabaw ng mesa hanggang sa bumukas na ang pinto pero hindi ito ang taong inaasahan niya. " Boss, nasa ibaba si uncle Angelo, " ani Esteban dahilan para mabilis magbago ang ekspresyon ng mukha niya. " Hinahanap si Miss Catalina. " Lalong nalukot ang mukha niya sa pagtataka at kasabay nito ang pagtindi ng hinala niya. " Sinabi niya ba kung anong dahilan? " tanong niya kay Esteban at iling naman ang isinagot nito sa kaniya. " Wala ang hinahanap niya rito pero patuluyin mo na lang dito sa opisina at tatawagan ko na lang si Catalina. "

  • Marahuyo   KABANATA 74

    KABANATA 74 Mabilis at mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ni Rostam sa isang mahabang pasilyo patungo sa isang kwarto. Padilim ito nang padilim dahil ang kanilang silid na pupuntahan ay ilang pinagkakatiwalaang tao lang ang nakakaalam. Walang kahit na anong camera ang nakatutok sa gawing ito dahil sa Hacienda, ito ang pinaka pribadong kwarto. Kwarto kung saan ipararanas sayo kung paano tumira sa impyerno. Natigil siya sa paglalakad nang marinig ang isang malakas na pagsabog na dumagungdong sa buong Hacienda. Mabilis niyang nilingon si Esteban na nasa likuran at wala pa man siyang iniuutos, tumango na ito saka inabot sakaniya ang isang itim na bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera. " Mag report ka agad saakin kung may makita kang malaking problem sa pagsabog na 'yon, " paalala niya bago tuluyang umalis si Esteban sa harap niya para alami

  • Marahuyo   KABANATA 73

    KABANATA 73Tila hindi na maalis ni Catalina ang tingin sa engagement ring na nasa daliri niya. Nagtatalo ang isip kung dapat pa ba niya itong hubadin gayong wala namang katotohanan ang pakikipag hiwalay niya kay Rostam. Mabigat ang kalooban niya at gustong-gusto niyang bawiin ang sinabi niya kagabi pero hindi pwede dahil maari itong ikapahamak ng kaniyang pamilya.Ibinaling niya ang tingin sa kabilang gilid ng kamang hinihigan niya. Narito pa rin siya sa kwarto ni Rostam ngunit hindi ito dito natulog kagabi. Umaasa siyang lalapit ito sakaniya para tanungin ang rason kung bakit siya umaatras sa kasal pero wala siyang napala. Naghintay lang s'ya sa wala at hindi niya alam kung magandang balita ba ito dahil malayo ito sa reaksyong inaasahan niya pati na rin ng taong nag utos sa kaniya. Hindi niya rin inaasahang iyon ang makukuha niyang sagot kagabi.Tumingin siya sa or

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status