Makalipas ang tatlong araw ay muling nagkamalay si Karlos, mula sa pagkakaaksidente niya at pagkakaligtas sa asawa niyang si Alona.
"Karlos, anak!" apurahan siyang nilapitan ng kaniyang ina nang mapansin nito ang pagkamulat ng kaniyang mga mata.Lumapit din naman ang kaniyang ama na si Henry at maigi siyang pinagmamasdan sa mukha. Habang nasa bandang likuran naman ng ginoo ang asawa nitong si Alona, na alalang-alala sa kalagayan niya."Anak, naririnig mo ba ako ha? nakikita mo ba ako? sandali lang at tatawag ako ng doktor," tipong aalis na sana ang ginang nang bigla siyang pigilan ng binata at hinawakan sa pulsuhan niya, kaya natigilan ito at napalingon sa kaniya."Na... nasaan ako?" ang unang salitang bumigkas sa kaniyang bibig.Napatingin naman ang ginang sa asawa niya na katabi lang niya at may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha."Nasa hospital ka, hijo." Ang mahinang tugon ng ginang sa kaniya."Hospital? pero bakit, anong ginagaBago pa man magkamalay si Karlos ay nauna nang nagising sa kaniya si Ivan, ang personal bodyguard ni Alona.Apurahan namang tumungo ang dalaga sa kinalalagyang silid nito at pagkabukas pa lamang niya ng pintuan ay halos bumuhos ang mga luha niya sa gilid ng kaniyang mga mata. Nadatnan niyang nakaupo ito sa higaan niya at nakasandal ang likuran sa pader.Nakasunod lang ng tingin si Ivan sa kaniya, habang lumalakad siya papasok ng silid at kumakapa sa kung saan gamit ang tungkod niya.Gustuhin man niyang tumayo at lapitan ang dalaga, ngunit medyo naninibago pa ang kaniyang katawan gayong ilang buwan din siyang nakahiga lang sa kama.Kaya yung babaeng nurse na lamang ang lumapit sa kaniya at inalalayan siyang makalapit sa binata."Ivan, naririnig mo ba ako? nakikita mo ba ako, huh?" usisa niya na may bakas ng pag-aalala sa kaniyang mukha.Napansin naman ni Ivan na lumuluha ang mga mata nito, kaya dahan-dahan niyang inangat ang isang
Pagkatapos maihatid sa huling hantungan ang mga magulang ni Alona ay saka naman ako nagpaalam sa kaniya na may importante akong aasikasuhin at hindi ako sigurado kung kailan ako makakabalik o kung gaano katagal ang aabutin ko. Mabigat man sa kalooban ko ang iwanan siya ng ganoon at mag-isa, pero pinapangako ko sa aking sarili na hindi masasayang ang pag-alis kong iyon.Pumunta ako sa presinto upang hingin ang kanilang tulong sa paglutas ng kaso na nangyari sa pamilyang Desepeda, ngunit dinidedma lamang nila ako dahil isa lang daw akong hamak na bodyguard nila at tangging ang kamag-anak lang daw ang may karapatang magreklamo o ipagpatuloy ang pagsaliksik sa kasong iyon.Wala akong nagawa kundi ang lumabas na lang. May punto rin naman sila pero hindi ako makakapayag na mauwi lang ang lahat sa wala.Kaya sinubukan kong tuklasin ang krimeng iyon na mag-isa lamang.Hindi naging madali ang tinahak kong kapalaran dahil sariling buhay ko ang nakasalal
"Ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung hinahawakan ako," mahina ngunit mariin kong sambit sa kaniya.Tila nabigla naman siya sa sinabi kong 'yon kaya natahimik siya at may bakas ng takot sa kaniyang mga mata. Marahan ko siyang binitawan sa kamay at saka naman siya napatayo na may guhit ng kunot sa kaniyang noo.Hindi ko na lang siya gaanong pinansin at uminom na lang ako sa alak na nasa harapan ko ngayon.Umalis ito at palingon-lingon pa sa kinaroroonan ko pero binabalewala ko lang 'yon, nang may muling lumapit sa akin na babae at nakatayo sa aking harapan.Binaba ko saglit ang hawak kong bote ng alak at siyaka siya inangat ng tingin.Laking gulat ko na lamang nang mapagtanto ko na si Shaina pala yung babaeng nasa harapan ko ngayon.Siya 'yon. Ang babaeng sumagasa kay Alona. Bulong ko sa aking isipan.Gusto ko sanang alamin mula sa kaniya kung bakit niya iyon ginawa sa kaniya? Kung dala lang din naman ng selos o emosyon, h
"What the hell is that?" saad ko sa aking sarili na may bakas ng pagtataka sa aking mukha.Apurahan akong lumabas ng bahay at tumungo sa bakuran upang suriin ng mas malapitan ang nakakapangilabot na nakita ko kanina mula sa bintana.Limang hakbang na lang sana at malalapitan ko na ito nang bigla akong matigilan at mahinto sa paglalakad. Lumubog kasi yung isang paa ko sa lupa at laking pagtataka ko na lamang kung bakit parang may nakabaon sa lupang kinatatayuan ko ngayon. Umatras ako saglit at maigi itong pinagmasdan. Nilibot ko ng tingin ang buo kong paligid at nakahanap ako ng isang pala na gagamitin kong panghukay sa lupang iyon.Kinuha ko ito kaagad at walang pag-aalinlanganang hinukay ito.Wala pa sa kalagitnaan yung nahuhukay ko pero bumungad na kaagad sa aking paningin ang isang bagay na hindi ko inaasahang makita, isang pugot na ulo. Halos napahiyaw ako ng malakas at napaupo na lang bigla sa lupa.Ano bang klaseng halimaw ang pam
Sa tulong ni Vyn ay kaagad ding naimbestigahan ang lokasyon na dating tinitirahan ng mga Andrada. Kasalukuyan akong nasa loob ng aking sasakyan at palihim na nakamasid sa isinasagawang imbestigasyon. Wala akong balak na makialam sa kanila o magpakita man lang dahil alam kong kukwestyunin nila ako kung bakit ako nandito o kung ano ang ginagawa ko sa nasabing crime scene.Mula sa hindi kalayuan ay napansin ko si Vyn na naglalakad patungo sa kinaroroonan ko. Pasimple muna niyang nilibot ng tingin ang buong paligid, bago siya pumasok sa loob ng aking sasakyan."Anong balita?" bungad kong tanong sa kaniya nang makasakay na siya sa loob."Nahanap namin si Nash," aniya na ikinagulat ko naman."Huh? ano ang ibig mong sabihin?" usisa ko na may bakas ng pagtataka sa aking mukha."Natrace ang katawan niya na nakabaon sa lupa. At hindi lang 'yon," huminto siya saglit sa pagsasalita at may inabot siya sa aking cellphone.Makikita sa
Nasa loob lang ako ng sasakyan habang nag-aabang sa pagbabalik ni Vyn. Ilang minuto lang ay natanaw ko na siya mula sa labas ng presinto.Pasimple muna itong tumitingin sa kaniyang paligid bago siya pumasok sa loob ng sasakyan ko."Hindi ka pa pala umaalis," bungad nitong sabi sa akin nang makapasok na siya sa loob."Hinihintay talaga kita," sabay pinaandar ko ang sasakyan at nilisan ang lugar na iyon."Sandali nga lang, saan mo ko balak dalhin?" aniya na may bakas ng pangamba sa kaniyang mukha."Sa lugar kung saan nagtatrabaho ang magkapatid (sina Shaina at Aubrey.)" Ang tinugon ko naman sa kaniya at saka hinarurot ang aking pagmamaneho."Teka lang, hindi naman siguro nagmamadali no?" usisa niya habang mahigpit siyang nakakapit sa upuan niya."Maraming oras na akong sinayang kaya dapat mahanap ko na kaagad ang babaeng 'yon," ang isinaad ko sa kaniya.Wala pang isang oras ay nakarating kami kaagad sa nasabing lu
Halos bumaligtad ang sikmura ko sa ginawang panghahalik ni Vyn sa akin. Naitulak ko rin naman siya kaagad at mabilis na umiwas sa kaniya.Sa lakas ng pagkakatulak ko sa kaniya ay nabitawan niya ang hawak niyang baril at napaupo na lamang sa sahig.Naisip kong iyon na aking pagkakataon para maagaw sa kaniya ang baril na iyon at hindi naman ako nabigo.Dahil bago pa man niya ito makuha ay naunahan ko na siya kaagad."Ivan," aniya na may bakas ng takot sa kaniyang mukha.Nakatingala siya sa akin habang tinututukan ko naman siya ng baril."Sabihin mo sa akin, ano ang kinalaman mo rito at ano ang mga alam mo?" mahina ngunit madiin kong tanong sa kaniya.Tinaas naman niya pareho ang dalawang kamay niya at halata sa mga mata niya na may iba pa siyang itinatago sa akin."Wa... wala. Wala akong alam sa mga sinasabi, Ivan. At saka nakalimutan mo na ba? matalik tayong magkaibigang dalawa kaya alam kong hindi
Habang nagpapahinga ako sa loob ng sasakyan ko ay bigla akong naalimpungatan nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ng aking pantalon.Napamulat ako ng mata at kaagad itong hinugot sa aking bulsa. Nakita ko na nakatanggap ako ng dalawang mensahe mula sa unknow number. Binuksan ito at laking gulat ko na lamang nang mapagtanto na nanggaling pala ang mensaheng iyon kay Mira.(Puntahan mo ako sa address na ito; Mira) ang nakasaad sa unang mensaheng ipinadala niya at yung pangalawang mensahe naman ay naglalaman ng lokasyon o address kung nasaan siya naroroon.Hindi na ako nag-aksaya pa ng ilang segundo at pinuntahan ko kaagad ang lokasyon na pinadala niya sa akin.Medyo may kalayuan ang lugar na iyon at dahil nasa karatig itong probinsya, kung saan siya kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho sa isang private hospital, kung kaya't umabot ako ng tatlong oras bago ko marating ang nasabing lugar.Huminto ako