Share

Chapter 3

Author: JoRivers
last update Huling Na-update: 2025-01-13 04:51:17

Tanghali na siyang nagising kinabukasan na masakit ang ulo .Kung ano man sa dalawa na pinahatid siya ng bartender o ni Dilan ay ayaw ng alamin mahalaga ay ligtas at maayos siyang nakauwi.

Makalipas ang ilang segundo may kumakatok sa may pintuan.Tinatamad pa siyang bumangon at ayaw pagbuksan ang kung sino mang kumakatok.

"Will you stop, ayoko pang lumabas!"sigaw niya na hindi nag-abala panng tumayo marahil ang isa sa katulong na mag-aayang kumain.

Ngunit patuloy pa rin ang pagkatok at tila walang balak tumigil.

"Ano ba sinabi ko ng ayokong lumabas "ang tugon niyang pagalit ng pagbuksan niya ang pangahas na kumakatok ",anong kailangan mo?"isa ito sa mga maid.

"Pasensiya po Senyorita m*****a este Marisse po pala,pero dumating na po ang parents ninyo at pinatatawag kayo ."pinagtaasan niya ito ng isang kilay. Isa rin ito sa mga katulong na alam niyang naiinis sa kaniyang ugali .

Napatulala sa narinig hindi agad siya nakasagot " Sige na makakaalis kana." mataray niyang sagot at nahuli niyang tinaasan rin siya nito ng kilay na ngumiti na lang pagkatapos.Pero dahil wala siya sa mood ay hindi na lang pinatulan.

.

"Lagot."ang tanging naibulong niya sa kaniyang sarili at dali-daling nagtungo ng banyo para umpisahang maligo .

"How dare you do that Marisse ,hindi ko akalain na ganiyan ang ginagawa mo ,especially to Ella.Hindi ba at sinabi kong huwag mo siyang ituring na iba." ang sermon ng Mommy niya ng kaniyang puntahan sila sa may living room kasama ang kaniyang Daddy.

Naroon pa ang mga bagahe nila na inaakyat ng mga katulong dahil kagagaling lang sa ibang bansa para sa isang business trip.

Napubuga siya ng hangin dahil sa narinig kakauwi lang nila at sermon ang kaniyang inabot .Siya ang anak nila hindi man lang nagawang kumustahin at sermon agad ang inabot pero ang nangyari kay Ella ay mukhang alam na nila.

Kasalan ko ba kung sinagad ng katulong na iyon ang pasensiya ko kaya ko naitulak sa pool .Kasalanan ko rin ba kung hindi ito marunong lumangoy.And she's okay now so ano pang ikinagagalit nila?Sunud-sunod niyang saad sa isip.

"Mom okay na naman siya at humingi na'ko ng sorry sa kaniya,so ano pang problema doon?" malumanay niyang sagot kahit na ang totoo ay gusto ng magikot ng mata at magtaas ng boses.

"Ang problema ang ugali mo ,masyado ka ng nagiging matapobre at hindi na tama. Hindi ka namin pinalaking ganiyan .Kaya bago kapa mas makapanakit ng iba ay mapipilitan akong papagbakasyunin ka sa probinsiya." maawtoridad na sabi ng kaniyang Dad na ikinalaki ng kaniyang mga mata.

"No Dad ayoko !You cant do that alam niyong ayokong tumira sa bukid .Ayoko!!!" pasigaw niyang tugon sa kaniyang sinabi .Lalo't kilala niya ang ama na kapag nakapagbitaw na ng salita iyon na nga.

"Wala ka ng magagawa ,its your punishment for being that stubborn!Get ready cause you'll be there at the end of this month!" lalong nagtaas din ng tinig.

Its just 2weeks from now, looks like she's dead !

Kaugnay na kabanata

  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 4

    Maagang pumunta si Marisse sa university ng araw na iyon.Kahit ilang beses niyang tinangkang pakiusapan ang mga magulang ay buo na ang pasya nila na itapon siya sa probinsiya para daw turuan ng leksiyon. "Ayaw mo ba noon sissy you'll see lots of animals there like goats ,chicken and carabao.Surely it would be fun." pang-aasar pang tugon ng isa sa mga kaibigan niya . KAsalukuyan silang nakaupo sa isang bench habang naghihintay ng oras .Maaga pa rin naman .Dahil sa narinig ay mas lalo siyang naiinis. "Yeah surely it would be fun.At paniguradong hindi ko kayo mami-miss dahil makikita ko ang mga 'yon na mga kamukha niyo."sagot naman niya na hindi magpapatalo .Gusto man kumontra ng mga kaibigan niya ay hindi na nagsalita at nanahimik na lang dahil kilala nila ang ugali niya.At talagang hindi nila gagawin iyon dahil siya ang leader nila at takot lang nila dahil sa impluwensiya ng mga magulang niya. Umalis na lang siya at naiinis sa pang-aasar ng mga kaibigan. Naglakad-lakad muna siya

    Huling Na-update : 2025-01-13
  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 5

    After that she saw how his jaw clench and fist turn into a ball.Alam niyang nasaktan ito sa mga sinabi niya.Nakaramdam man siya ng awa rito ay hindi na niya gustong bawiin pa ang mga nasabi .After all siya ang niloko and she would not be called such a spoiled brat just for nothing. Ilang minuto rin ang nagdaan na nagtitigan lang sila. Nang dahan -dahang lumapit ito sa kaniya.Bigla siyang napapikit ,akala niya ay sasaktan siya nito .Ngunit mali -naramdaman niya ang bibig nito malapit sa kaniyang tenga, kasabay ng mahinang tunog ng mapaklang tawa ."Kung hindi lang kita talaga ganoon kakilala baka maniwala pa ko,stop being so harsh sometimes."unti-unti nagmulat siya ng mga mata at lumingon sa gawi nito. Matapos siya nitong bigyan ng malungkot na ngiti ay tumalikod na ito at lumakad palayo. Para tuloy siyang baliw na gustong umiyak pero mas pinili na lang ang tumawa .Dahil sa aminin man niya o hindi bigla siyang nakaramdam ng panghihinayang .Aaminin niyang naging masaya naman siya kahi

    Huling Na-update : 2025-01-13
  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 6

    Paguwi ay kaagad niyang hinanap si Ella .Ayaw na niya sana ng dagdag na maaaring dahilan para tuluyang mapatapon siya sa probinsiya pero dahil sa nakita kanina kahit anong pagtitimpi lumalabas ang pagiging maldita niya.Jeff is supposedly hers.Dahil nga pinagkasundo na sila ng kapwa nila magulang kahit sabihin pa sa isang arrange marriage lang.At mas gusto niya si Jeff kaysa naman kay Dilan .Kay Dilan kasi ay wala siyang nararamdaman na thrill. Alam niyang tutol si Jeff sa kasunduan pero nakikita na wala itong lakas ng loob kung sakali na tumutol.Kaya tila naging tiwala na lang siya .Pero ngayong nakikinita niyang nagkakalapit at nagkakamabutihan ang dalawa hindi niya iyon mapapayagan .Nagiging kahati na niya ito sa atensiyon ng mga magulang ,ngayon balak niya pang agawin sa kaniya si Jeff?Hindi siya papayag na isang katulong lang ang magiging kakompetensiya sa lahat."Umamin ka nga Ella ,may gusto ka ba kay Jeff?" bungad niyang tanong matapos tawagin si Ella at sabihang mag-

    Huling Na-update : 2025-01-14
  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 7

    Apat na araw na ang nakararaan mula mabalitaan ni Marisse ang pagka-aksidente ni Dilan na nauwi pa sa pagka-comatose ng huli. Ilang beses rin siyang sinabihan ng mga kaibigan na dalawin naman ito at baka sakaling maging dahilan siya sa mabilis nitong paggaling ngunit sa tuwina ay nanaig sa kaniya ang pride. Tulad kanina ay binalita nila na gising na ito,at siya ang hinahanap. Pinakiusapan na siya ng mga kaibigan maging ng ina nito ngunit naging matigas siya.Idinahilan na tambak ang mga kailangan niyang gawin. Malalim na ang gabi ,nakahiga na siya ngunit hindi pa rin dalawin ng antok.Nitong mga nakaraang araw ay alam niyang napapansin na ng mga magulang ang kaniyang pagkabalisa at pananamlay .Idinadahilan na lang niya ang mga tambak na project lalo na at patapos na ang araw ng klase. Lumabas muna siya tumungo sa kusina.Binuksan ang ref at kinuha ang karton ng fresh milk at nagsalin sa baso.Baka sakaling makatulog siya pagkatapos makainom ng gatas. Umupo siya matapos hilahin ang

    Huling Na-update : 2025-01-14
  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 8

    Kasama ang mga magulang ay nagbe-breakfast sila ng umagang iyon.Lunes na at naghahanda na siya sa pagpasok.Pinili na lang niya ang kumain ng sandwich at hot chocolate sa kabila ng marami ang nakahain at masasarap ngunit hindi na pinansin tila kasi wala siyang gana. "Ngayon mo lang yata hindi pinansin ang pasta ,hindi ba at paborito mo 'yan lalo na at luto ni Ella." napatingin siya kay Ella na kasalukuyang nagsasalin ng juice sa baso.Naalala niya tuloy ng makita ito kagabi,at wala sa loob itong tinitigan . Nakita niyang nagiwas ito ng tingin ng akma niyang susulyapan ang mga mata nito.Tila batid nito na 'yon ang iniisip niya. "Okay na po 'to Mom." ang tangi na lang niyang naisagot na pinabayaan na lang si Ella ,at tila wala rin siya sa mood na asarin ito. Nagtataka man ay tumango na lang ang kaniyang ina .Nitong mga nakaraang araw ay hindi na nila binubuksan ang topic tungkol sa pagbabakasyon niya sa probinsiya .Hindi niya alam ngunit ayaw din niyang mapansin ng mga magulang na

    Huling Na-update : 2025-01-14
  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 9

    "Kaya pala hindi ka man lang nagpakita sa akin ." Hindi pa siya nakakabawi sa pagkabigla sa mga narinig buhat kay Jeff heto si Dilan naman ang nanunumbat sa kaniya. May munting tuwa siyang naramdaman ng makitang maayos na ito .Medyo pumayat lang at bakas pa ang konting mga galos sa kaniyang braso . "Ku-kumusta ka na,mabuti naman at ma-ayos ka na." medyo pautal niyang nasambit dito. "Yeah ,pinilit ko ang sariling kong mabilis na gumaling .May gusto kasi sana akong balikan pero mukhang huli na 'ko." Nangunot ang noo niya,may gusto ba itong ipahiwatig?Ngunit nanatili lang siyang tahimik dahil ayaw niyang magsalita baka mali pa ang kaniyang masabi. "Huwag mo ng intindihin ang sinabi ko .Take care of yourself always .Aalis na 'ko."tumalikod na ito at aktong maglalakad. " Mag-iingat ka!"ang tangi niyang nasambit .Bakit nakaramdam siya ng lungkot ngayong nakita niya itong papalayo?Gusto pa sana niya itong makausap pero hindi rin niya alam ang sasabihin. "Ikaw din."ngumiti ito

    Huling Na-update : 2025-01-15
  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 10

    Totoo palang saka mo lang malalaman ang totoong halaga ng isang tao kapag tuluyan na siyang nawala sayo. Dahil iyon mismo ang nararamdaman ni Marisse.Ayaw man ay hindi maampat ang luha sa kaniyang mga mata dahil sa isiping sinayang lang niya ang isang taong walang ibang ginawa kung hindi mahalin siya. Mas lalong nagdaragdag ng bigat ng kaniyang nararamdaman ang hindi man niya nagawang iparamdam ang may halaga rin ito sa kaniya. Bakit kailangan ngayon niya mapagtanto na mahal niya ito kung kailan wala na siya.. Ng gabing tumawag sa kaniya si Monique na umalis papuntang Canada si Dilan ay sobra siyang nasaktan .Kahit kailan ay hindi niya naisip na aalis ito at doon na nga maninirahan . Umasa siya na babalik ito ,na bakasyon nga lang ang pinunta nito roon .At sa pagbabalik nito ay naipangako niya sa kaniyang sarili na ibibogay nito ang second chance na inihingi. Na ipagtatapat nito na mahal rin niya ito. Ngunit ng marinig sa mga kaibigan na hinahanapan na raw ng possible buy

    Huling Na-update : 2025-01-15
  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 11

    Napatingin tuloy siya sa gawi ng ama, nasa kaniyang mukha ang pagtatanong kung ano nga ba talaga ang nangyayari. Tumango na lang ito sa kaniya na tila nagpapahiwatig na sakyan na lang niya at huwag ng kumontra. Matapos niyon ay nagpatiuna ng naglakad ang mga ito patungong muli sa kusina habang pinagpatuloy ang malamang naudlot na pagkukuwentuhan ng mga ito tungkol sa kani-kaniyang plano about their business. Sumunod na lamang siya at doon ay nakita ang kaniyang Mommy na nakaupo sa dining table kasama rin si Jeff at kasalukuyang silang hinahainan ng mga katulong ng mga pagkain. "Hija nariyan ka na pala ,tamang -tama handa na ang pagkain ." ang sabi nito sa kaniya ng makita siya .Lumapit naman siya sa ina at humalik sa pisngi nito. Umupo siya katabi ng upuan ng kaniyang Mommy at kaharap naman niya si Jeff. Nagkatinginan silang dalawa ni Jeff at kinunutan niya ito ng noo .Bakit kaya narito ito ngayon at kasama ang ama nito? Buong akala niya ay hindi na ito pumapayag sa kasu

    Huling Na-update : 2025-01-23

Pinakabagong kabanata

  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 30

    Nauna ng nakauwi sa Villa sina Marisse at Camille ng gabing iyon .Pinahatid sila ni Anton sa isa sa mga tauhan ng farm.Nang tanungin niya kung nasaan ang binata ay sinabi nito na hindi rin nito alam. Nakatulog naman na ang bata,tinabihan niya muna ito dahil sa takot sa nakitang ginawa ng ama nito .Napaismid siya ng maalala ang ginawa ng binata .Sa isip ay baka iyon ang dahilan kung bakit hindi ito ang naghatid sa kanila ng anak nito,nahihiya marahil sa sariling kagagawan. Ilang beses siyang humingi ng pasensiya kay Charles sa ginawa sa kaniya ni Anton at nilagyan rin ng gamot ang mga pasa nito. "Ano mo ba ang lalaking iyon Sey?" ang tanong nito habang nilalagyan niya ng betadine ang mga sugat nito. "He's our farm manager?" patanong ding sagot niya rito . "At pagkatapos ay ganoon kung umasta ,akala mo boyfriend mong nagseselos." totoong ikinagulat niya ang mga narinig na iyon. Si Anton magseselos?Napailing siya dahil sa naisip baka nagkakamali lang ito lalo na at may anak a

  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 29

    Nagmamadali pa man ding umuwi si Anton dahil sobra na siyang nag-aalala kung ano ng nangyari kina Marisse at Camille .Nasa isip na baka hindi kayanin ng dalaga ang kakulitan ng anak o kabaligtaran na ang bata ang matakot ,umiyak at may pagkamataray pa naman si Marisse.. Napanatag siya at nakahinga ng maluwag ng makita silang nagkukwentuhan sa may kusina ng bahay ni Manang Lorna habang nakakandong ang bata kay Marisse at sinusubuan pa ng huli .Ngunit makikita sa mukha ng bata ang medyo napipilitan lang na pagsubo sa pagkain . Kaya naman pala dahil gulay ang pinapakain nito sa bata .Sadyang ayaw kasi ng anak niya ang gulay ngunit sa nakikita niya ngayon ay totoong napabilib siya ni Marisse dahil napatikim hindi lang pala napatikim lang dahil kita niya ang patuloy na pagsubo ng bata . Isang kutsara pa ng sayote ang inilapit ni Marisse sa bibig ng bata ,tinola ang ulam base sa mangkok na may sabaw na natatanaw niya sa bintana kung saan siya naroon ng marinig niya si Camille "Tita a

  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 28

    Matapos nilang kumain ay pinasya ni Anton na sasakyan na lang muna nito ang magdedeliver ng mga naka-crate ng mga mangga . At nang malaman na aalis nga si Anton ay hindi naman matigil sa pangungulit si Camille sa Daddy niya na sasama ito kahit ilang beses pang sabihan ito ng binata na hindi niya ito mababantayan doon at baka gabihin ang mga ito sa daan . Kalaunan ay nakuha naman nitong pakiusapan ang bata iyon nga lang ay halata ang lungkot sa mga mata nito. "Huwag ka ng malungkot okay ,bibilhan kana lang ni Daddy ng toy paguwi ." dahil sa narinig ay umaliwalas ang mukha ng bata at natuwa na ito. Tinawag ni Anton si Manang Lorna,at naalala nito na araw nga pala ngayon ng check-up nito sa mata . Nang nakita niya na hindi nito alam kung aalis ba na kasama o hindi ang bata ay siya na mismo ang nagprisinta na magbantay dito. "Sige na mukhang matagal pa bago umuwi si Yaya .Huwag kang magalala ako bahala kay Camille ." ang sabi niya para hindi na ito magalala pa at makaalis na.

  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 27

    "Dapat ba kong matuwa ,kaso ang sabi mo nga hindi mo na matandaan ." kalmado niyang sagot na nagpakunot ng noo nito.Kalmado man siya ngunit sa loob-loob niya ay nabubuwisit siya .Nasa isip niya na mismong sa bibig na nito nanggaling sinabi na hindi siya nito matandaan,samantalang siya ay hindi man lang ito nagawang kalimutan . "Ibig mong sabihin talagang nagkita na nga tayo noon?"nasa mukha na hindi makapaniwalang tanong nito.He smirked,ganoon lang ba talaga rito iyon? " Paano kung sabihin kong oo ,maniniwala ka ba ?"kailangan niya rin nang malaman ang naisip niya para naman makapag-isip ito sa ginawa nito sa kaniya sa nakaraan. "Kaya ba ganoon ang mga salitang binitawan mo ng magbalik ako?"at napatango na lang siya sa tanong nito ,na sa kalooban ay nakararamdam ng pagngingitngit . "Kailan ,saan?" ang patuloy nitong pagtatanong. "Mukhang hindi na naman mahalaga iyon sayo dahil sabi mo nga hindi muna matandaan ."hindi niya maiwasang may sarkasmo sa kaniyang salita. "Pero gu

  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 26

    "What are you trying to say ?"nagtatakang tanong ni Marisse kay Anton.Dahil hindi niya maiwasan na magisip na tila may iba itong nais ipakahulugan sa mga sinabi . Bahagyang nangunot ang noo ni Anton tila maging ito man ay nabigla sa mga lumabas na salita sa bibig,ngunit huli na at hindi na nito mababawi ang mga nasabi "That I'm willing to be your sboulder that you can cry on ,habang nandirito ka ?" ang tila nagpapaliwanag na turan nito at pinagpatuloy nga ang pagpunas ng luha sa kaniyang pisngi na kababakasan pa ng luha .Pagkatapos ay inipit rin nito sa kaniyang tenga ang mga tumakas na ilang hibla ng mga buhok sa kaniyang mukha . "Thank you ." ang tanging nasambit na lang niya at bahagyang ngumiti .May soft side rin pala ito akala niya ay wala itong ibang alam gawin kung hindi siya iinisin o kaya ay lokohin. "I'm here ,so don't waste your tears on that f*cking b*stard ."sambit pa nito na nasa malayo nakatingin. " Paano mo-" "Paano ko nalaman na umiiyak ka dahil sa isang wal

  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 25

    Paano kaya niya ngayon magagawang makalimutan si Dilan kung maging ang taong hindi na man niya kilala ay biglang magpapaalala naman ng tungkol dito. Hindi niya lubos akalain na pinsan pa pala ng Vet na iyon ang binata ,really what a small world.Maaring naikuwento siya ni Dilan dito noon.He's that sweet kahit hayagan niyang sinasabi dito noon na ayaw niyang may makaalam ng relasyon nila .Kung siya ay ikinahihiya ito sigurado siya na ito naman ay ikukuwento siya ng may pagmamalaki sa mga kakilala nito ,even in her not so good personality ay alam niya at ramdam niyang mahalaga siya rito noon.Ngunit ngayon ay mukhang hindi na . Kaya kahit ayaw na sana niya ay hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng mga luha . Matapos magpaalam sa dalawa ay natagpuan na lang niya ang sariling naglalakad ng walang patutunguhan .Ayaw niyang pumunta sa bahay ng matanda ,ayaw niyang makita siya ng kaniyang Yaya Lorna na umiiyak at mugto ang mga mata . Tiyak naman siyang hindi naman maliligaw dahil

  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 24

    Naisipan na lang umakyat sa kuwarto ni Marisse matapos niyang layasan si Anton sa kusina.Ang kapal ng mukha nitong isipin na nagkakagusto siya dito . Pero aaminin naman niya na sa unang pagkikita pa lang nila ay nagwapuhan na siya rito .Pero hindi ibig sabihin noon na gusto na niya ito agad ,lalo na ngayong nalaman niya na may anak ito at malamang may asawa na . "Pero sayang siya ,ang yummy pa naman niya maging ng katawan niya ." at naisip ng aksidenteng masilip niya ito in his naked glory . "Mali iyon ,okay .Huwag mo ng pagpantasyahan pa ang may nagmamay-ari na."ang pagkontra rin niya na naisip.Parang baliw lang siya haha. Nang maisipan niyang tawagan ang kaniyang ina para mangumusta. " Marisse iha kumusta kana diyan?"bungad sa kaniya ng ina ng sagutin ang tawag niya. "Okay naman po,Ma .Kayo po diyan ni Dad?." "Heto may konting problema pero sa tingin ko naman ay magagawa naman namin ayusin ng iyong Daddy ." sa narinig sa ina ay nakaramdam siya ng pangamba. "Hey dont

  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 23

    Hindi pa man tuluyang naa-absorb ng utak ni Marisse ang mga salitang narinig na sinabi ni Anton ay natanawan niya sa may pintuan ng kitchen na nakatayo si Camille ,at ang cute nitong tignan na nanlalaki ang bilog na bilog na mga bata. "I saw you and Daddy hug each other Tita Marisse .Bakit po kayo magkayakap ?" inosenteng tanong ng bata .Oh my kaya ba ganoon ang nakita niyang hitsura nito,dahil nahuli pala sila nito. Napatingin tuloy siya kay Anton at sa mga tingin niya ay nagsasabing tulungan siyang magpaliwanag sa bata. "We're not baby I just fix her hair ,'cause it's a bit messy." at tinitigan siya ni Anton sa paraang tila nagsasabing "okay na?" "I thought you hug her Daddy ,kasi hindi mo man hina-hug si Mommy eh .Lagi pa siyang nagpi-please para hug mo lang siya." ang patuloy ng bata at akmang uupo .Tinulungan naman niya ito . Sa isip naman niya ay bakit ganoon ,totoong bang hindi man lang niyayakap ni Anton ang "asawa nito ",dahil Mommy ng anak nito iyon.May problema ba

  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 22

    Wala nang nagawa si Marisse ng sapilitan siyang buhatin at isakay ni Anton sa sasakyan nito ,at ang balak na pagbaba ay hindi rin naituloy dahil dali-dali nitong ini-start ang makina at pinaharurot ito. Napaaray na lang siya sa pagkauntog ng ulo sa gilid ng sasakyan dahil nga sa tangkang pagbaba kanina,masama niya itong tinitigan na tinawanan lang ng walangh*ya . "Daddy diba po nasaktan si Tita Marisse ,bad po na pagtawanan niyo pa siya ." ang nakacross-arms na naiinis na puna ni Camille sa binata.Natouch na napangiti siya sa sinabi ng bata ,kaya tinitigan niya si Anton ng nakataas ang isang kilay na tila nagsasabi na lagot ito dahil kakampi niya ang anak nito. "But it's her fault baby .Bakit iisipin pa kasi niyang bumaba?"ang sagot naman nito sa bata. " Maybe 'cause your bad to her .Inaaway mo kasi siya lagi ,kaya ayaw na niyang sumama." Dahil sa sinabi ni Camille ay nakita niyang napatingin sa kaniya si Anton.May nakita siyang dumaan na konting awa sa mukha nito ngunit kapa

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status