Apat na araw na ang nakararaan mula mabalitaan ni Marisse ang pagka-aksidente ni Dilan na nauwi pa sa pagka-comatose ng huli.
Ilang beses rin siyang sinabihan ng mga kaibigan na dalawin naman ito at baka sakaling maging dahilan siya sa mabilis nitong paggaling ngunit sa tuwina ay nanaig sa kaniya ang pride. Tulad kanina ay binalita nila na gising na ito,at siya ang hinahanap. Pinakiusapan na siya ng mga kaibigan maging ng ina nito ngunit naging matigas siya.Idinahilan na tambak ang mga kailangan niyang gawin. Malalim na ang gabi ,nakahiga na siya ngunit hindi pa rin dalawin ng antok.Nitong mga nakaraang araw ay alam niyang napapansin na ng mga magulang ang kaniyang pagkabalisa at pananamlay .Idinadahilan na lang niya ang mga tambak na project lalo na at patapos na ang araw ng klase. Lumabas muna siya tumungo sa kusina.Binuksan ang ref at kinuha ang karton ng fresh milk at nagsalin sa baso.Baka sakaling makatulog siya pagkatapos makainom ng gatas. Umupo siya matapos hilahin ang isang upuan at ipatong ang baso ng gatas sa may mesa.Halos nakalahati na niya ang iniinom ng may mahagip na isang bulto ng tao ang kaniyang paningin. Nandoon ito sa may veranda habang nakatayo . "Sino kaya 'to?"tanong ng kaniyang isip .Sarado na naman ang lahat ng ilaw at tahimik na ang paligid.Balak na sana niyang puntahan ng makitang papasok na ito sa nakabukas na sliding door at isinara iyon pagkatapos. Sabay silang nagulat ng humarap ito sa gawi niya .Tatanungin niya sana ito kung bakit gising pa ng disoras ng gabi ng mahalata niyang namumugto ang mga mata nito tila galing sa iyak. Huminto naman si Ella ng makita nito na naroon nga siya .Saglit silang nagkatitigan at ng tila mahinuha nito na wala naman siyang iuutos at tila lang siya nagtataka sa hitsura nito ay nagsabing " Matutulog na ko,Senyorita." Hindi malaman ang sasabihin at mararamdaman ay hindi siya kaagad nakatugon at tinanaw na lang niya ang paglakad nito patungo sa maid's quarter. Bakit tila may awa siyang nararamdaman ngayon para rito ?Sanay kasi siya na nakikipagbangayan rito kaya kanina ng makita niya itong tila galing sa iyak ay nakapapanibago .Pero ang makaramdam siya ng awa para rito ay lalong mahirap intindihin .Bunga lang ito marahil ng antok. Umakyat na lang siya sa kaniyang kwarto ,handa na sanang matulog ng tumunog ang kaniyang cellphone. "Baka puwedeng mo ng dalawin si Dilan bukas ?" ang nabasa niyang chat sa kaniya ni Monique.Tinangka niyang magtype ng message pero nakailang bura na siya dahil hindi akma sa gusto niya sanang iparating. Matapos ang ilang minutong pagiisip at hindi malaman ang tamang sasabihin ay pinasya na lang niyang i-off ang cellphone at itabi na lang . Hindi sa ayaw niya itong puntahan pero nanaig pa rin sa kaniyang isipan na tinapos na niya ang lahat sa kanila ng mag-usap sila ng araw na iyon sa university.At hindi niya gugustuhing isipin ng iba na matapos siyang lokohin ay maaawa pa siya dito.Kasama ang mga magulang ay nagbe-breakfast sila ng umagang iyon.Lunes na at naghahanda na siya sa pagpasok.Pinili na lang niya ang kumain ng sandwich at hot chocolate sa kabila ng marami ang nakahain at masasarap ngunit hindi na pinansin tila kasi wala siyang gana. "Ngayon mo lang yata hindi pinansin ang pasta ,hindi ba at paborito mo 'yan lalo na at luto ni Ella." napatingin siya kay Ella na kasalukuyang nagsasalin ng juice sa baso.Naalala niya tuloy ng makita ito kagabi,at wala sa loob itong tinitigan . Nakita niyang nagiwas ito ng tingin ng akma niyang susulyapan ang mga mata nito.Tila batid nito na 'yon ang iniisip niya. "Okay na po 'to Mom." ang tangi na lang niyang naisagot na pinabayaan na lang si Ella ,at tila wala rin siya sa mood na asarin ito. Nagtataka man ay tumango na lang ang kaniyang ina .Nitong mga nakaraang araw ay hindi na nila binubuksan ang topic tungkol sa pagbabakasyon niya sa probinsiya .Hindi niya alam ngunit ayaw din niyang mapansin ng mga magulang na
"Kaya pala hindi ka man lang nagpakita sa akin ." Hindi pa siya nakakabawi sa pagkabigla sa mga narinig buhat kay Jeff heto si Dilan naman ang nanunumbat sa kaniya. May munting tuwa siyang naramdaman ng makitang maayos na ito .Medyo pumayat lang at bakas pa ang konting mga galos sa kaniyang braso . "Ku-kumusta ka na,mabuti naman at ma-ayos ka na." medyo pautal niyang nasambit dito. "Yeah ,pinilit ko ang sariling kong mabilis na gumaling .May gusto kasi sana akong balikan pero mukhang huli na 'ko." Nangunot ang noo niya,may gusto ba itong ipahiwatig?Ngunit nanatili lang siyang tahimik dahil ayaw niyang magsalita baka mali pa ang kaniyang masabi. "Huwag mo ng intindihin ang sinabi ko .Take care of yourself always .Aalis na 'ko."tumalikod na ito at aktong maglalakad. " Mag-iingat ka!"ang tangi niyang nasambit .Bakit nakaramdam siya ng lungkot ngayong nakita niya itong papalayo?Gusto pa sana niya itong makausap pero hindi rin niya alam ang sasabihin. "Ikaw din."ngumiti ito
Totoo palang saka mo lang malalaman ang totoong halaga ng isang tao kapag tuluyan na siyang nawala sayo. Dahil iyon mismo ang nararamdaman ni Marisse.Ayaw man ay hindi maampat ang luha sa kaniyang mga mata dahil sa isiping sinayang lang niya ang isang taong walang ibang ginawa kung hindi mahalin siya. Mas lalong nagdaragdag ng bigat ng kaniyang nararamdaman ang hindi man niya nagawang iparamdam ang may halaga rin ito sa kaniya. Bakit kailangan ngayon niya mapagtanto na mahal niya ito kung kailan wala na siya.. Ng gabing tumawag sa kaniya si Monique na umalis papuntang Canada si Dilan ay sobra siyang nasaktan .Kahit kailan ay hindi niya naisip na aalis ito at doon na nga maninirahan . Umasa siya na babalik ito ,na bakasyon nga lang ang pinunta nito roon .At sa pagbabalik nito ay naipangako niya sa kaniyang sarili na ibibogay nito ang second chance na inihingi. Na ipagtatapat nito na mahal rin niya ito. Ngunit ng marinig sa mga kaibigan na hinahanapan na raw ng possible buy
Napatingin tuloy siya sa gawi ng ama, nasa kaniyang mukha ang pagtatanong kung ano nga ba talaga ang nangyayari. Tumango na lang ito sa kaniya na tila nagpapahiwatig na sakyan na lang niya at huwag ng kumontra. Matapos niyon ay nagpatiuna ng naglakad ang mga ito patungong muli sa kusina habang pinagpatuloy ang malamang naudlot na pagkukuwentuhan ng mga ito tungkol sa kani-kaniyang plano about their business. Sumunod na lamang siya at doon ay nakita ang kaniyang Mommy na nakaupo sa dining table kasama rin si Jeff at kasalukuyang silang hinahainan ng mga katulong ng mga pagkain. "Hija nariyan ka na pala ,tamang -tama handa na ang pagkain ." ang sabi nito sa kaniya ng makita siya .Lumapit naman siya sa ina at humalik sa pisngi nito. Umupo siya katabi ng upuan ng kaniyang Mommy at kaharap naman niya si Jeff. Nagkatinginan silang dalawa ni Jeff at kinunutan niya ito ng noo .Bakit kaya narito ito ngayon at kasama ang ama nito? Buong akala niya ay hindi na ito pumapayag sa kasu
Magkapananghali na ng siya ay lumabas at pumunta sa lugar kung saan sinabi ni Jeff sila magkikita .Nagdadalawang isip man siyang pumunta ngunit kailangan niyang linawin dito na hindi na siya pumapayag sa naturang agreement. Sa isang high class restaurant siya humantong .Maganda ang ambiance at napalilibutan ng sopitikasyon.Sa pagtapak pa lang ng kaniyang mga paa sa main door ay natatanaw na niya na halos mga couple ang naroroon ."Ano bang pakulo ng Jeff na 'to?"ang naitanong niya sa sarili at dito pa sila dapat magkita. Palinga-linga siya at hinahanap ang sadya.Nang mapansin ang isang taong na kumakaway at nahinuha niyang si Jeff nga ito.Lumakad siya palapit sa mesa nito at iminuwestra naman nito ang kaharap na upuan,at doon nga siya umupo. Pagupo niya ay tumawag muna ito ng waiter at pagkabigay ng menu ay umorder ng gustong kainin .Sinuri rin niya ang ibinigay sa kaniya at sinabi ang gustong kainin.Hndi pa naman siya nakapag-almusal. Pagbigay ng mga inorder nila ay hinayaan m
Kung noon ay pinapagbakasyon siya sa probinsiya dahil sa kaniyang misbehaviour ngayon ay pupunta siya roon para makapagmove-on, kung hindi man tuluyan makalimot at gayon na rin ang makatakas. Mula nang malaman niya na umalis si Dilan ay wala na rin siyang naging way para makausap ito.Galit sa kaniya si Monique na siya sanang naiisip niyang pagtanungan tungkol sa huli.Ayaw siya nitong kausapin lalapit pa lamang siya ay umiiwas na ito kaya kahit gusto man niyang kumustahin sana o manghingi ng number ni Dilan o ano mang social media account na maaari sanang maging way para makausap ito ay hindi na niya ginawa dahil alam niyang wala rin naman siyang mapapala. Masasabing tatakas naman siya dahil ayaw niyang lubusang matali sa agreement na hindi naman niya talaga gusto kahit na sabihing may bagong proposal na inaalok sa kaniya ni Jeff .Sabihin man nito na may pagkaselfish pa rin siya sa kabila ng mga dahilan na ibinigay nito sa kaniya ay tumanggi siya ng muli na magkausap sila dahil nga
Maglalakad na sana siya palapit sa isang bahay na may kataasan ang gate na gawa sa purong bakal.Naaalala niya na noong huling punta niya rito ay gawa pa ito sa pinagdugtong-dugtong na kahoy na siyang nagsisilbing gate nila. Hindi naman siya namamali dahil heto ang hitsura ng bahay na siya raw niyang unang pupuntahan,ang sabi ng kaniyang Mommy bago umalis at ipinasa pa sa kaniyang cellphone ang picture . Hindi naman niya sigurado kung dito nga siya titira basta ang sabi ng Mommy niya ay doon daw siya maunang pupunta. Dahil na rin sa hindi naman sila talaga laging nagagawi rito ay hindi na naisipang magpatayo ng kaniyang mga magulang na puwede nilang gawing bahay-bakasyunan .Sadyang bukid na pagtatamnan mostly ng palay at paga-aalaga na rin ng mga hayop na puwedeng pagkakitaan ang naiisip ng mga ito kaya marahil sila bumili ng lupa dito sa Tarlac. At sa pagkakaalam niya ay mayroon naman sila dating ancestral house na pamana ng kaniyang lolo at lola. Ngunit pinili nilang ibenta sa
Nang makita siya ng bata na nakatayo ay itinuro siya.Lumingon naman ang nakatalikod na lalaki at nakita nga siya.. Pagharap nito ay hindi sinasadyang saglit na napasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng lalaki . Matangkad ito kung tatanyahin niya ay hanggang dibdib lang siya nito ,mapupungay ang mga mata at may medyo katangusan na ilong,at ang labi nito ay tila sining na perpektong inihubog .Mamula-mula ito na alam niyang sadyang natural dahil mukhang hindi naman ito gumamit ng lipgloss o kahit ano para maging ganoon ang kulay,at bumagay dito ang medyo may pagka- moreno nitong kutis. Isa ito sa katangiang hinahanap o hinahangaan sa lalaki dahil puro mga may lahing puti na mestizo at tsinito ang mga kakilala. Kaya literal na napapanganga siya ngayon sa kaharap. Nakita niyang napangisi ang lalaki sa lantaran niyang pagsusuri at paghanga dito,na ikinapula ng kaniyang mukha. "Hello,Oh should I say welcome to the stubborn princess?"patuya nitong sunod na salita. Naipagpasalamat niya
Halos isang oras na yata ang lumipas ng magsimula ang paghahanap ni Anton kay Marisse .Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin mahanap at iniisip pa rin niya kung saan ito maaring pumunta . Nalibot na nila ang halos lahat ng lugar na naiisip na pupuntahan ng dalaga .Maging ang bahay ng Yaya Lorna nito ay tila hinalughog na niya na iniisip na sakaling nagtatago lang ito doon ngunit kahit anino ay hindi niya nakita .Gusto niyang matawa sa sarili wari ay mabaliw-baliw na yata siya dahil lang sa pagkawala ngayon ng dalaga . Labis na ang pagaalala niya lalo na't gabi na at makulimlim pa ang panahon ,may mga tao na siyang sinabihan para tulungan siya sa paghahanap . Ipinasya niya na maghiwa-hiwalay sila at itawag na lang kung sakali ang kung sinong unang makakita sa dalaga . Naramdaman niyang pumapatak na ang ulan ng nasa taniman na siya ng mga mangga .Halos limang ektarya rin ito kaya totoo na malawak at hindi na siya puwede pang bumalik sa malapit na bahay para lang kumuha ng payon
"I'll just stay in the Villa ,Anton .Namiss ko na mag-stay doon ."nakaangat siya ng tingin sa nagsalitang si Shantal ang nakaaway niya kanina lang na kasama nilang kumakain ng tanghalian.Nasa tabi nito si Anton habang kaharap siya ng binata at si Camille ay pinagigitnaan nilang dalawa ng binata ."Okay ,may magagawa ba 'ko."ang pabalewalang sagot ni Anton sa sinabing iyon ng babaeng palaka,na tila naman bruhang malanding ngumiti sa binata.Gusto niyang magprotesta dahil ayaw niyang makasama ito dahil iniisip pa lang niya na makakasama niya ito ng ilang araw at isa ring aali-aligid sa binata ay nakararamdam na siya ng inis para dito ,pero anong karapatan niya dahil isa rin siya sa pansamantalang nakikitira doon. Ngayon pa nga lang ay sobrang naiinis na siya sa presensiya nito dahil pagkatapos nilang magaway akala niya ay aalis na ito .Ngunit hindi dahil inalalayan siya ni Anton at ginamot ang ilang sugat at galos na natamo nito sa kaniya .Samantalang siya ay tila hangin na hindi man la
Medyo malapit sa likuran ng bahay kung saan ang isang silungan ay nakangiting lumalakad palapit sa kaniya si Camille ,pagkalapit ay niyakap niya ito pagkatapos ay pinisil ang dalawang pisngi .Natatawa na napasimangot na lang ang bata sa inakto niya na panggigil dito.Namiss niya lang ito. "Tita naman mashaket po ."ang sabi nito habang hawak niya ang pisngi nito na pinangigilan niya. "Sorry baby ,namiss lang kita ."ang sagot niya at ginulo ang buhok nito. "Mukhang wala naman po kayong gagawin puwedeng kayang .."at pinatong pa nito ang hintuturo sa may gilid ng labi habang nagiisip. Ewan kung bakit ngunit ang naisip pa ay kinulit siya nito na samahan na puntahan ang Daddy niya . "Tita Marisse please po samahan mo'ko puntahan natin si Daddy ."Natigilan siya saglit naiisip na paano naman kapag Nakita sila ng binata anong mukhang ihaharap niya sa binata pagkatapos ng nangyari samantalang siya pa ang may sinabing hindi maganda . "Baby baka busy kasi si Daddy mo ,baka pagalitan
"It's nothing maybe mga manok lang na nagsiliparan ." sagot nito sa kaniya ng patuloy siya sa paglinga,hinahanap ang kung sino na baka nakakita sa kanilang milagrong ginagawa .Napahinga siya ng maluwang sa narinig akala pa naman niya ay may tao na . Saglit nito siyang pinakatitigan ,ngunit napayuko siya ng ulo ng maalala ang maaring muntikan na niyang pagkakaloob dito ng sarili ,at dito pa talaga sa may kitchen counter lang,hindi man lang talaga niya napigilan ang sarili o umisip na maghanap ng mas komportableng lugar .Natawa siya sa sarili at nagawa pa talaga niyang isipin ang ganoong bagay . Ang dapat niyang unahing isipin ay ano na lang iisipin nito sa kaniya ngayon ,nakakahiya parang gusto na lang niyang lamunin ng lupa . Binalak na niyang lumakad at lumayo muna dito dahil hindi pa rin niya alam kung ano ang iisipin sa nangyari ng hapitin siya nito pabalik at hinawakan ang kaniyang kamay. "Sorry Princess,ahmm.." mapait siyang napangiti sa isip ay siguradong sasabihin nito n
Ngumiti na lang siya at muling tumalikod dahil ayaw niyang marinig na sabihin nito na isang biro lang iyon dahil panigurado na masasaktan siya .Kahit pa sabihing maaaring second choice or second priority lang siya ng binata. But what he says next totally surprise her "Yes I really love you .That's why Im f*cking mad when I hear him asking you if you still have feelings for him.And that's why I distracted you .Dahil ayokong marinig sayo mismo galing kung sasabihin mong mahal mopa rin siya ." at habang sinasabi nito iyon ay nakatingin ito sa kaniya na tila gusto nitong maramdam niya kung gaano katotoo ang mga iyon . "Paano ?We just met around two months?" nalilito niyang tanong dito . Nakita niyang napabuntunghininga na naman ito ,he look straight to her eyes na tila doon ay may gustong alamin pero matapos ang ilang minuto ay nagsabing "All I know is I have met and knew you since that day I learned about the meaning of the word love ." "Ang chessy ha." ang natatawang nasabi na l
Kinabukasan nga ay maagang gumising si Marisse para maghanda ng breakfast.Hindi rin siya halos nakatulog dahil sa nangyari kagabi .Aaminin niyang sobra siyang binabagabag dahil sa inakto ni Anton. "Bakit mopa kasi sinagot 'yan tuloy nagtampo na yong boyfriend mo ." ang pagtatalo ng kaniyang isip at sarili habang hinuhugasan ang bigas .Ilang banlaw pa ay inilagay na niya ang kaserola sa rice cooker at ini-on ito. Hinanda na rin niya ang lulutuing ulam .Naghiwa na siya ng manok para sa lulutuing adobo .Ilang ulit na siyang tinuruan ni Anton sa pagluluto ng naturang ulam at hindi ito tumigil hanggat hindi nito nape-perfect ang tamang luto at lasa . Mabilis naman niyang natapos at ininit na lang ang natira pang ulam nila kagabi .Nagluto rin siya ng sunny side up eggs at embutido .Para kasi sa kaniya ay masarap na iterno ang mga ito sa adobo. Ipre-prepare na lang niya ang mesa ng mapunang may nakatayo sa kaniyang gilid .Si Anton nagising na pala ito . Every morning she'll surpris
"Tumatawag si Dilan ."hindi maisatinig ni Marisse ang totoong pagkagulat .Hanggang ngayon ay nagri-ring pa rin ang cellphone niya ,pero hindi alam kung sasagutin o hindi dahil inaalala ang nakaupo pa ring si Anton sa tabi niya . Nasa puso niya ang excitement dahil sa tagal ng panahon heto at tumatawag ulit si Dilan sa kaniya ,pero iniisip niya kung sa anong dahilan kaya?Para ba ayusin ang relasyon nila o sabihing may iba na talaga ito? Pero paano naman ang nasa tabi niya ngayon na ng tignan niya ay nasa mukha ang pagpipigil ng galit .She sigh ,atat na siyang sagutin ang tawag ngunit iniisip kung ano ang gagawin kay Anton at hindi rin naman niya maikakaila na may awa siyang nararamdaman para dito. And he's her boyfriend now ,na kahit ito lang ang nagpumilit .Pero paano si Dilan ang tagal niyang hinintay ang pagkakataong 'to ,maybre this is the time para magkalinawan sila dahil doon ay hindi niya namalayan na napapadyak na pala siya lalo na ng makitang nag-end na ang tawag ,hindi
"1,2-" Anton could see how Marisse eyes grew bigger pagkabilang niya .Gusto man niyang matawa pero nanatili siyang seryoso dahil mas hinihintay niya ang susunod nitong gagawin . He just focus his eyes on hers and then look on her luscious lips .Kanina pa siya natatakam pero pinipigilan niya 'cause he's really expecting that she'll kiss her lalo na sa kondisyong ibinigay niya .He really left her with no choice,somehow. Though hindi naman niya talaga gagawin dito ang huling kondisiyon niya kung hindi naman siya nito hahalikan .He promise na hindi na siya gagawa ng bagay na magiging dahilan para iwasan na naman siya nito.He just want to know to himself kung magagawa na ba nitong mapagbigyan siya dahil kapag nagkataon ay signal na iyon sa kaniya na nagsasabing may puwang na rin siya sa puso nito. He's starting to feel sorry for himself dahil number 3 na ang nasabi niya at nananatili pa rin ito sa posisyon na tila walang balak gawin .Dala ng pagkadismaya ay gumalaw na siya at akmang
Paglabas ng CR ay kaagad niyang hinanap si Anton naroon pa rin ito sa may harapan ng kung saan sila namili kanina . At dahil nga sa gusto niyang makaganti sa ginawang panglalait sa kaniya ng dalawang saleslady kanina sa may CR ay naisipan niyang mamili ulit .Bahala na kung masimot ang laman ng mga card niya basta ang mahalaga makaganti siya . Nakadagdag pa ng inis niya ang tila nasisiyahan at enjoy na pagngiti ni Anton sa mga ito .Kapag sila lang grabe kung makadikit sa kaniya pero kapag nakakita ng iba ay balewala na siya rito . Pwes hindi siya makapapayag . She gracefully and proudly walk in the stall like a model but the truth is she just want to have their attention especially Anton's na hindi na yata siya naalala dahil sa dalawang kanina pa tawa ng tawa na obvious namang nakikipag-flirt lang sa binata . Tumingin-tingin siya sa isang klase ng damit at pagkatapos ay sinukat ito at ng ilalagay na sana ng isa sa mga saleslady na kaharutan ni Anton sa cashier ay bigla niyang