Totoo palang saka mo lang malalaman ang totoong halaga ng isang tao kapag tuluyan na siyang nawala sayo. Dahil iyon mismo ang nararamdaman ni Marisse.Ayaw man ay hindi maampat ang luha sa kaniyang mga mata dahil sa isiping sinayang lang niya ang isang taong walang ibang ginawa kung hindi mahalin siya. Mas lalong nagdaragdag ng bigat ng kaniyang nararamdaman ang hindi man niya nagawang iparamdam ang may halaga rin ito sa kaniya. Bakit kailangan ngayon niya mapagtanto na mahal niya ito kung kailan wala na siya.. Ng gabing tumawag sa kaniya si Monique na umalis papuntang Canada si Dilan ay sobra siyang nasaktan .Kahit kailan ay hindi niya naisip na aalis ito at doon na nga maninirahan . Umasa siya na babalik ito ,na bakasyon nga lang ang pinunta nito roon .At sa pagbabalik nito ay naipangako niya sa kaniyang sarili na ibibogay nito ang second chance na inihingi. Na ipagtatapat nito na mahal rin niya ito. Ngunit ng marinig sa mga kaibigan na hinahanapan na raw ng possible buy
Napatingin tuloy siya sa gawi ng ama, nasa kaniyang mukha ang pagtatanong kung ano nga ba talaga ang nangyayari. Tumango na lang ito sa kaniya na tila nagpapahiwatig na sakyan na lang niya at huwag ng kumontra. Matapos niyon ay nagpatiuna ng naglakad ang mga ito patungong muli sa kusina habang pinagpatuloy ang malamang naudlot na pagkukuwentuhan ng mga ito tungkol sa kani-kaniyang plano about their business. Sumunod na lamang siya at doon ay nakita ang kaniyang Mommy na nakaupo sa dining table kasama rin si Jeff at kasalukuyang silang hinahainan ng mga katulong ng mga pagkain. "Hija nariyan ka na pala ,tamang -tama handa na ang pagkain ." ang sabi nito sa kaniya ng makita siya .Lumapit naman siya sa ina at humalik sa pisngi nito. Umupo siya katabi ng upuan ng kaniyang Mommy at kaharap naman niya si Jeff. Nagkatinginan silang dalawa ni Jeff at kinunutan niya ito ng noo .Bakit kaya narito ito ngayon at kasama ang ama nito? Buong akala niya ay hindi na ito pumapayag sa kasu
Magkapananghali na ng siya ay lumabas at pumunta sa lugar kung saan sinabi ni Jeff sila magkikita .Nagdadalawang isip man siyang pumunta ngunit kailangan niyang linawin dito na hindi na siya pumapayag sa naturang agreement. Sa isang high class restaurant siya humantong .Maganda ang ambiance at napalilibutan ng sopitikasyon.Sa pagtapak pa lang ng kaniyang mga paa sa main door ay natatanaw na niya na halos mga couple ang naroroon ."Ano bang pakulo ng Jeff na 'to?"ang naitanong niya sa sarili at dito pa sila dapat magkita. Palinga-linga siya at hinahanap ang sadya.Nang mapansin ang isang taong na kumakaway at nahinuha niyang si Jeff nga ito.Lumakad siya palapit sa mesa nito at iminuwestra naman nito ang kaharap na upuan,at doon nga siya umupo. Pagupo niya ay tumawag muna ito ng waiter at pagkabigay ng menu ay umorder ng gustong kainin .Sinuri rin niya ang ibinigay sa kaniya at sinabi ang gustong kainin.Hndi pa naman siya nakapag-almusal. Pagbigay ng mga inorder nila ay hinayaan m
Kung noon ay pinapagbakasyon siya sa probinsiya dahil sa kaniyang misbehaviour ngayon ay pupunta siya roon para makapagmove-on, kung hindi man tuluyan makalimot at gayon na rin ang makatakas. Mula nang malaman niya na umalis si Dilan ay wala na rin siyang naging way para makausap ito.Galit sa kaniya si Monique na siya sanang naiisip niyang pagtanungan tungkol sa huli.Ayaw siya nitong kausapin lalapit pa lamang siya ay umiiwas na ito kaya kahit gusto man niyang kumustahin sana o manghingi ng number ni Dilan o ano mang social media account na maaari sanang maging way para makausap ito ay hindi na niya ginawa dahil alam niyang wala rin naman siyang mapapala. Masasabing tatakas naman siya dahil ayaw niyang lubusang matali sa agreement na hindi naman niya talaga gusto kahit na sabihing may bagong proposal na inaalok sa kaniya ni Jeff .Sabihin man nito na may pagkaselfish pa rin siya sa kabila ng mga dahilan na ibinigay nito sa kaniya ay tumanggi siya ng muli na magkausap sila dahil nga
Maglalakad na sana siya palapit sa isang bahay na may kataasan ang gate na gawa sa purong bakal.Naaalala niya na noong huling punta niya rito ay gawa pa ito sa pinagdugtong-dugtong na kahoy na siyang nagsisilbing gate nila. Hindi naman siya namamali dahil heto ang hitsura ng bahay na siya raw niyang unang pupuntahan,ang sabi ng kaniyang Mommy bago umalis at ipinasa pa sa kaniyang cellphone ang picture . Hindi naman niya sigurado kung dito nga siya titira basta ang sabi ng Mommy niya ay doon daw siya maunang pupunta. Dahil na rin sa hindi naman sila talaga laging nagagawi rito ay hindi na naisipang magpatayo ng kaniyang mga magulang na puwede nilang gawing bahay-bakasyunan .Sadyang bukid na pagtatamnan mostly ng palay at paga-aalaga na rin ng mga hayop na puwedeng pagkakitaan ang naiisip ng mga ito kaya marahil sila bumili ng lupa dito sa Tarlac. At sa pagkakaalam niya ay mayroon naman sila dating ancestral house na pamana ng kaniyang lolo at lola. Ngunit pinili nilang ibenta sa
Nang makita siya ng bata na nakatayo ay itinuro siya.Lumingon naman ang nakatalikod na lalaki at nakita nga siya.. Pagharap nito ay hindi sinasadyang saglit na napasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng lalaki . Matangkad ito kung tatanyahin niya ay hanggang dibdib lang siya nito ,mapupungay ang mga mata at may medyo katangusan na ilong,at ang labi nito ay tila sining na perpektong inihubog .Mamula-mula ito na alam niyang sadyang natural dahil mukhang hindi naman ito gumamit ng lipgloss o kahit ano para maging ganoon ang kulay,at bumagay dito ang medyo may pagka- moreno nitong kutis. Isa ito sa katangiang hinahanap o hinahangaan sa lalaki dahil puro mga may lahing puti na mestizo at tsinito ang mga kakilala. Kaya literal na napapanganga siya ngayon sa kaharap. Nakita niyang napangisi ang lalaki sa lantaran niyang pagsusuri at paghanga dito,na ikinapula ng kaniyang mukha. "Hello,Oh should I say welcome to the stubborn princess?"patuya nitong sunod na salita. Naipagpasalamat niya
Lalabas na sana si Marisse patungong likod para sundan si Yaya Lorna matapos ang ginawa niya kay Anton ng walang anu-ano'y hinaklit ng binata ang kanyang kamay na ikinabalik niya at dahilan para siya mapasandal sa may sementadong dingding .Mahina lang naman iyon at hindi naman siya nasaktan. Kinorner siya nito sa pamamagitan ng paglalagay ng isang kamay sa dingding. Tataasan niya sana ito ng kilay ngunit ng makita ang madilim nitong anyo gayon na rin ang matalim na pagtitig ng mga mata nito sa kaniya ay nakagat niya ang ibabang labi. Nakaramdaman siya ng konting kaba sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya ,para kasi itong mananakit ,hindi pa naman niya pa ito lubos na kilala kaya hindi niya alam kung ano ang maari o maiisipan nitong gawin lalo na at mukhang wala naman tao dahil tahimik ang paligid at malamang nasa malayo na si Yaya Lorna. Nang hindi niya matagalan ang madiin na pagtitig nito sa kaniya ay nagyuko na lang siya ng kaniyang ulo . "Dont you know that no one tried t
Dahil sa pagpuna nito ay binagalan niya ang kaninang sunud sunod na pagsubo .Ano magagawa niya kung nasarapan talaga siya sa kinakain ? Sinamaan niya ito ng tingin ng marinig niya ang pagtawa nito .Bakit kaya tila enjoy na enjoy ang isang ito na asarin siya ?Tuloy ay nawalan na siya ng gana at hindi na itinuloy ang kaninang kinakain sana, na lalong ikinalakas naman nito ng pagtawa . "I never expect the stubborn princess to be this so shy."ang tila naamuse nitong patuloy na puna sa kaniya ginawa , na ikinainis naman niya lalo . " Why do you always call me stubborn princess?"ang nabubuwisit niyang tanong dito. "'Cause that's you ." at lalo pang lumawak ang pangisi nito. "As if you know me that well when I dont even know you ." nakita niyang napatitig ito ng matiim sa kaniya pagkatapos ay may nabanaag siyang pait ng pagngiti dito ngunit saglit lang ay napalatak ito at ngumisi . "Yeah ,I dont even know you either ." maayos naman ang pagsagot nito, ngunit bakit ramdam niyang ma
Nauna ng nakauwi sa Villa sina Marisse at Camille ng gabing iyon .Pinahatid sila ni Anton sa isa sa mga tauhan ng farm.Nang tanungin niya kung nasaan ang binata ay sinabi nito na hindi rin nito alam. Nakatulog naman na ang bata,tinabihan niya muna ito dahil sa takot sa nakitang ginawa ng ama nito .Napaismid siya ng maalala ang ginawa ng binata .Sa isip ay baka iyon ang dahilan kung bakit hindi ito ang naghatid sa kanila ng anak nito,nahihiya marahil sa sariling kagagawan. Ilang beses siyang humingi ng pasensiya kay Charles sa ginawa sa kaniya ni Anton at nilagyan rin ng gamot ang mga pasa nito. "Ano mo ba ang lalaking iyon Sey?" ang tanong nito habang nilalagyan niya ng betadine ang mga sugat nito. "He's our farm manager?" patanong ding sagot niya rito . "At pagkatapos ay ganoon kung umasta ,akala mo boyfriend mong nagseselos." totoong ikinagulat niya ang mga narinig na iyon. Si Anton magseselos?Napailing siya dahil sa naisip baka nagkakamali lang ito lalo na at may anak a
Nagmamadali pa man ding umuwi si Anton dahil sobra na siyang nag-aalala kung ano ng nangyari kina Marisse at Camille .Nasa isip na baka hindi kayanin ng dalaga ang kakulitan ng anak o kabaligtaran na ang bata ang matakot ,umiyak at may pagkamataray pa naman si Marisse.. Napanatag siya at nakahinga ng maluwag ng makita silang nagkukwentuhan sa may kusina ng bahay ni Manang Lorna habang nakakandong ang bata kay Marisse at sinusubuan pa ng huli .Ngunit makikita sa mukha ng bata ang medyo napipilitan lang na pagsubo sa pagkain . Kaya naman pala dahil gulay ang pinapakain nito sa bata .Sadyang ayaw kasi ng anak niya ang gulay ngunit sa nakikita niya ngayon ay totoong napabilib siya ni Marisse dahil napatikim hindi lang pala napatikim lang dahil kita niya ang patuloy na pagsubo ng bata . Isang kutsara pa ng sayote ang inilapit ni Marisse sa bibig ng bata ,tinola ang ulam base sa mangkok na may sabaw na natatanaw niya sa bintana kung saan siya naroon ng marinig niya si Camille "Tita a
Matapos nilang kumain ay pinasya ni Anton na sasakyan na lang muna nito ang magdedeliver ng mga naka-crate ng mga mangga . At nang malaman na aalis nga si Anton ay hindi naman matigil sa pangungulit si Camille sa Daddy niya na sasama ito kahit ilang beses pang sabihan ito ng binata na hindi niya ito mababantayan doon at baka gabihin ang mga ito sa daan . Kalaunan ay nakuha naman nitong pakiusapan ang bata iyon nga lang ay halata ang lungkot sa mga mata nito. "Huwag ka ng malungkot okay ,bibilhan kana lang ni Daddy ng toy paguwi ." dahil sa narinig ay umaliwalas ang mukha ng bata at natuwa na ito. Tinawag ni Anton si Manang Lorna,at naalala nito na araw nga pala ngayon ng check-up nito sa mata . Nang nakita niya na hindi nito alam kung aalis ba na kasama o hindi ang bata ay siya na mismo ang nagprisinta na magbantay dito. "Sige na mukhang matagal pa bago umuwi si Yaya .Huwag kang magalala ako bahala kay Camille ." ang sabi niya para hindi na ito magalala pa at makaalis na.
"Dapat ba kong matuwa ,kaso ang sabi mo nga hindi mo na matandaan ." kalmado niyang sagot na nagpakunot ng noo nito.Kalmado man siya ngunit sa loob-loob niya ay nabubuwisit siya .Nasa isip niya na mismong sa bibig na nito nanggaling sinabi na hindi siya nito matandaan,samantalang siya ay hindi man lang ito nagawang kalimutan . "Ibig mong sabihin talagang nagkita na nga tayo noon?"nasa mukha na hindi makapaniwalang tanong nito.He smirked,ganoon lang ba talaga rito iyon? " Paano kung sabihin kong oo ,maniniwala ka ba ?"kailangan niya rin nang malaman ang naisip niya para naman makapag-isip ito sa ginawa nito sa kaniya sa nakaraan. "Kaya ba ganoon ang mga salitang binitawan mo ng magbalik ako?"at napatango na lang siya sa tanong nito ,na sa kalooban ay nakararamdam ng pagngingitngit . "Kailan ,saan?" ang patuloy nitong pagtatanong. "Mukhang hindi na naman mahalaga iyon sayo dahil sabi mo nga hindi muna matandaan ."hindi niya maiwasang may sarkasmo sa kaniyang salita. "Pero gu
"What are you trying to say ?"nagtatakang tanong ni Marisse kay Anton.Dahil hindi niya maiwasan na magisip na tila may iba itong nais ipakahulugan sa mga sinabi . Bahagyang nangunot ang noo ni Anton tila maging ito man ay nabigla sa mga lumabas na salita sa bibig,ngunit huli na at hindi na nito mababawi ang mga nasabi "That I'm willing to be your sboulder that you can cry on ,habang nandirito ka ?" ang tila nagpapaliwanag na turan nito at pinagpatuloy nga ang pagpunas ng luha sa kaniyang pisngi na kababakasan pa ng luha .Pagkatapos ay inipit rin nito sa kaniyang tenga ang mga tumakas na ilang hibla ng mga buhok sa kaniyang mukha . "Thank you ." ang tanging nasambit na lang niya at bahagyang ngumiti .May soft side rin pala ito akala niya ay wala itong ibang alam gawin kung hindi siya iinisin o kaya ay lokohin. "I'm here ,so don't waste your tears on that f*cking b*stard ."sambit pa nito na nasa malayo nakatingin. " Paano mo-" "Paano ko nalaman na umiiyak ka dahil sa isang wal
Paano kaya niya ngayon magagawang makalimutan si Dilan kung maging ang taong hindi na man niya kilala ay biglang magpapaalala naman ng tungkol dito. Hindi niya lubos akalain na pinsan pa pala ng Vet na iyon ang binata ,really what a small world.Maaring naikuwento siya ni Dilan dito noon.He's that sweet kahit hayagan niyang sinasabi dito noon na ayaw niyang may makaalam ng relasyon nila .Kung siya ay ikinahihiya ito sigurado siya na ito naman ay ikukuwento siya ng may pagmamalaki sa mga kakilala nito ,even in her not so good personality ay alam niya at ramdam niyang mahalaga siya rito noon.Ngunit ngayon ay mukhang hindi na . Kaya kahit ayaw na sana niya ay hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng mga luha . Matapos magpaalam sa dalawa ay natagpuan na lang niya ang sariling naglalakad ng walang patutunguhan .Ayaw niyang pumunta sa bahay ng matanda ,ayaw niyang makita siya ng kaniyang Yaya Lorna na umiiyak at mugto ang mga mata . Tiyak naman siyang hindi naman maliligaw dahil
Naisipan na lang umakyat sa kuwarto ni Marisse matapos niyang layasan si Anton sa kusina.Ang kapal ng mukha nitong isipin na nagkakagusto siya dito . Pero aaminin naman niya na sa unang pagkikita pa lang nila ay nagwapuhan na siya rito .Pero hindi ibig sabihin noon na gusto na niya ito agad ,lalo na ngayong nalaman niya na may anak ito at malamang may asawa na . "Pero sayang siya ,ang yummy pa naman niya maging ng katawan niya ." at naisip ng aksidenteng masilip niya ito in his naked glory . "Mali iyon ,okay .Huwag mo ng pagpantasyahan pa ang may nagmamay-ari na."ang pagkontra rin niya na naisip.Parang baliw lang siya haha. Nang maisipan niyang tawagan ang kaniyang ina para mangumusta. " Marisse iha kumusta kana diyan?"bungad sa kaniya ng ina ng sagutin ang tawag niya. "Okay naman po,Ma .Kayo po diyan ni Dad?." "Heto may konting problema pero sa tingin ko naman ay magagawa naman namin ayusin ng iyong Daddy ." sa narinig sa ina ay nakaramdam siya ng pangamba. "Hey dont
Hindi pa man tuluyang naa-absorb ng utak ni Marisse ang mga salitang narinig na sinabi ni Anton ay natanawan niya sa may pintuan ng kitchen na nakatayo si Camille ,at ang cute nitong tignan na nanlalaki ang bilog na bilog na mga bata. "I saw you and Daddy hug each other Tita Marisse .Bakit po kayo magkayakap ?" inosenteng tanong ng bata .Oh my kaya ba ganoon ang nakita niyang hitsura nito,dahil nahuli pala sila nito. Napatingin tuloy siya kay Anton at sa mga tingin niya ay nagsasabing tulungan siyang magpaliwanag sa bata. "We're not baby I just fix her hair ,'cause it's a bit messy." at tinitigan siya ni Anton sa paraang tila nagsasabing "okay na?" "I thought you hug her Daddy ,kasi hindi mo man hina-hug si Mommy eh .Lagi pa siyang nagpi-please para hug mo lang siya." ang patuloy ng bata at akmang uupo .Tinulungan naman niya ito . Sa isip naman niya ay bakit ganoon ,totoong bang hindi man lang niyayakap ni Anton ang "asawa nito ",dahil Mommy ng anak nito iyon.May problema ba
Wala nang nagawa si Marisse ng sapilitan siyang buhatin at isakay ni Anton sa sasakyan nito ,at ang balak na pagbaba ay hindi rin naituloy dahil dali-dali nitong ini-start ang makina at pinaharurot ito. Napaaray na lang siya sa pagkauntog ng ulo sa gilid ng sasakyan dahil nga sa tangkang pagbaba kanina,masama niya itong tinitigan na tinawanan lang ng walangh*ya . "Daddy diba po nasaktan si Tita Marisse ,bad po na pagtawanan niyo pa siya ." ang nakacross-arms na naiinis na puna ni Camille sa binata.Natouch na napangiti siya sa sinabi ng bata ,kaya tinitigan niya si Anton ng nakataas ang isang kilay na tila nagsasabi na lagot ito dahil kakampi niya ang anak nito. "But it's her fault baby .Bakit iisipin pa kasi niyang bumaba?"ang sagot naman nito sa bata. " Maybe 'cause your bad to her .Inaaway mo kasi siya lagi ,kaya ayaw na niyang sumama." Dahil sa sinabi ni Camille ay nakita niyang napatingin sa kaniya si Anton.May nakita siyang dumaan na konting awa sa mukha nito ngunit kapa