KINABUKSAN ng umaga ay kasama na naman si Monica at anak niya sa opisina ni Federico. Pumayag na siya na magpasalon. Pero bago ‘yon, tinulungan muna niya ang binata sa paperwork nito. Nakapagluto na rin siya ng tanghalian. Nasorpresa naman siya nang dumating si Duke at naghatid ng papeles kay Federico. “Hi, Monica!” kaswal na bati ni Duke. “Hello po!” nakangiting ganti niya. Nakaupo lang siya sa silyang nasa kabilang table ni Federico. Nag-aayos siya ng papeles. “May bago ka na palang office assistant, Eagle,” ani Duke. “She was a volunteer,” sabi naman ni Federico. “Anyway, I will proceed to Pampanga headquarters later. I forgot the time. Can I have lunch here?” Napailing si Federico. “Kailan ka ba tumitingin sa oras? Of course, you can eat with us. May naluto na ring lunch si Monica.” “Mag-extra na lang akong yaya ang anak n’yo.” Nilapitan ni Duke si Kenji na nakaupo sa couch at naglalaro ng munting robot at kotse. Natatawa si Monica sa hitsura ni Duke habang kinakausap si
MAAGAP ang isang kamay ni Federico na hinapit ang baywang ni Monica. Napakapit naman ito sa kaniyang braso at naitayo nang maayos ang sarili. He was fascinated with Monica’s enhanced beauty. He didn’t expect to see her like this. She’s an epitome of natural beauty. Matagal na niyang naisip na may itinatago pang ganda si Monica at lilitaw lang kung mag-aayos ito. Iyon ang gusto niyang makita. Pabor siya na hindi ito nalagyan ng makeup, at ayaw niya rin. Kahit nga wala itong lipstick, natural ang rosy red lips nito na mapipintog kaya nakaaakit halikan. “Sorry, nawalan ako ng balanse,” naiilang na wika ng dalaga. “It’s okay. Naninibago ka lang,” aniya. He can’t take off his sight of Monica’s lovely face. Bumagay rin ang dress na suot nito, at nagmukha itong prinsesa. Bigla siyang nanggigil at natutuksong yakapin at halikan ang dalaga. Pero bago siya mawala sa wisyo, inalala niya na nasa boutique sila at maraming nakatingin. “I’m satisfied! Thank you for your efforts, guys. Paki-tota
NAKAPAG-CHAT pa si Monica kay Duke bago tuluyang inalis ang sim card niya sa lumang cellphone. Pinaalam niya kay Duke ang huling usapan nila ng kan’yang boss.“I thought you already using your new phone, Monica,” sabi ni Federico.Naghahapunan na sila.“Nahirapan kasi akong mag-fill out sa form para sa database ng cellphone,” alibi niya.“Try it again later. I will guide you. Unahin mo ang pag-intall ng database ng lumang cellphone mo.”“Sige. Ang tagal kasi bago ma-accept ang picture ko. Maselan ang cellphone.”“That’s for security purpose. Hindi puwedeng magpa-picture ka na may makeup, dapat natural na mukha. Sa biometric naman, kailangan tatlong ulit mo lang mai-scan ang finger print mo para hindi mag-error. Malinis dapat ang mga daliri mo, walang pawis o oil para mabilis mabasa ng system.”“Oo nga. Minsan kasi nagpapawis ang kamay ko.”“Sa bahay mo na gawin ‘yan.”“Uuwi ba tayo?”“Yeah. Later after dinner. May pipirmahan lang akong papeles. Hindi naman ako magre-report ng office b
PAGKATAPOS ng almusal ay bumiyahe na sila patungong Pampanga. Nasorpresa si Monica dahil kasama rin nila si Duke at Craig. May sariling kotse rin ang mga ito. Mahaba-haba rin ang biyahe kaya nakatulog silang mag-ina sa kotse. Naunang nagising si Kenji at karga na ni Federico. May driver naman sila at bodyguard kaya nasa backseat silang tatlo. Nahihilo pa si Monica at halos hindi maimulat ang mga mata. Pero nang makita ang dagat ay wari nakainom siya ng energy drink. “Wow! May dagat din pala rito?” ignoranteng bulalas niya. “Yeah. And our location was on the beach side. We can swim with Kenji there,” ani Federico. Lalo siyang nasabik. Papasok na sila sa makitid na kalsada at palapit nang palapit sa beach. Katagalan ay wala na siyang nakikitang kabahayan. Sa dulo ng kalsada ay merong mga burol at pakitid pa ang daan. Pero nang makapasok na sila sa malaking gate ay malawak na ang lupain na tabing dagat. Nang makahinto ang kotse ay kaagad bumaba si Monica. Napatakbo na siya sa dagat
ALAS-DOSE pasado na naluto lahat ng pagkain. Sa may mahabang lamesa sa terrace sila kumain lahat dahil presko ang hangin at overlooking ang dagat. Nakakagana nga namang kumain dito lalo’t masasarap ang ulam. Himalang nagkakamay na rin kumain si Federico. Puro dry nga naman ang ulam nila at konti lang ang sauce ng steak. Meron naman silang mango shakes at matubig na prutas katulad ng pakwan. Ganado ring kumain si Kenji dahil salitan sila ni Federico sa pagsubo rito ng pagkain. “Ngayon ko lang napansin, lalong gumanda si Monica,” basag ni Craig sa katahimikan. Nagkakamay rin itong kumain, hindi halatang bilyonaryo. “Pinasalon ni Federico si Monica para lalo tayong mainggit, Craig,” sabad naman ni Duke sabay tawa. “Kahit naman hindi magpasalon si Monica, maganda pa rin,” ani Federico. “Eh, bakit mo pinasalon?” si Duke. “I want to see her hidden beauty. Kulang lang sa ayos si Monica kaya minsan hindi napapansin.” “Kung sa bagay. Pinanindigan kasi niya ang pagiging maid. Pero sa lah
MAAGANG nakatulog si Monica matapos ang hapunan. Ngunit nagising naman siya ng alas-kuwatro ng madaling araw. Hindi na siya makatulog ulit. Dahandahan siyang kumilos dahil mahimbing ang tulog nina Federico at Kenji sa kan’yang tabi. Dinampot niya ang cellphone sa mesita at napansin na pumasok na ang mga mensahe sa kan’ya ni Terra. Successful na nga ang pagrehestro niya sa numbero ng kaibigan. Gising na rin si Terra at gusto siyang tawagan. Lumabas na siya ng villa at umupo sa duyan. Doon niya sinagot ang tawag ni Terra. “Kumusta na, girl?” tanong niya. Buntonghininga ni Terra ang bumungad sa kan’ya. “Hay! Stress na ako, girl. Mabuti hindi na ulit tumawag sa akin ni Boggy,” ani Terra mula sa kabilang linya. “Ano, nakapagpaalam ka ba nang maayos kay Boggy?” “Noong huling punta ko sa headquarters, nakiusap ako na ipasa na sa ibang agent ang trabaho na ibibigay sana sa akin. Kinuha ko na ang huling sahod ko at nagpaalam na hindi na tatanggap ng misyon. Kaso binalaan ako ni Boggy.”
KAHIT may konting nerbiyos, hindi ito alintana dahil nilamon ng walang kawangis na saya ang puso ni Monica. Hindi niya akalain na mararanasan niya ang ang ganoong saya. Sa tuwing hawak ni Federico ang kan’yang kamay, napapawi ang takot niya, nabu-boost ang kan’yang confidence. Ang husay rin nitong magturo ng surfing, walang pressure kaya mabilis siyang nakasunod.Halos isang oras din silang nagpakuyod sa speedboat lulan ng surfboard. Tila ayaw na niyang umahon mula sa dagat kung hindi lang nanuyo ang kan’yang lalamunan dahil sa matinding pagkauhaw. Tumataas na rin ang araw kaya nakapapaso na ang init nito sa balat.“Mamayang hapon ulit, Monica. Mas malalaki ang alon, mas masarap mag-surfing. Baka masunog na tayo sa sikat ng araw. Let’s take some rest, ” ani Federico.“Sige, mamaya ulit.” Inipit niya sa kilikili ang surfboard at sumabay kay Federico sa paglalakad.Kumislot siya nang hawakan nito ang kaniyang kamay. Hindi pa rin siya nasasanay sa mga kilos in Federico, lalo na ang pabig
HINDI mapakali si Monica dahil sa presensiya ni Mattia. Inuusig pa rin siya ng tingin nito. Nawala ang focus niya sa pagkain dahil pilit niyang inaalala kung saan niya nakita si Mattia. Sa dami ng pinasukan niyang kumpanya sa pagsa-side-line ng trabaho ay marami na rin siyang nakasalamuhang tao, mga mayayaman pa at kilalang personalidad. “Did you work in La Lucy Hotel and Casino, Monica?” mayamaya ay tanong ni Mattia. Napatda siya at diretso ang titig kay Matiia. Naalala niya bigla na minsan siyang nagtrabaho sa nabanggit nitong hotel. On-call waitress siya noon sa hotel. Maaring doon niya nakita si Matiia. “Ay. Yes, sir, pero on-call lang ako at tatlong beses lang ako nakapag-duty roon,” tugon niya. “I see. Kaya pala pamilyar ang mukha mo.” “Ano’ng special do’n?” sabad naman ni Duke, may sarkasmo sa tinig at pilyo ang ngiti. “Baka na-love at first sight si Mattia kay Monica,” gatong naman ni Craig. “Silly. I just felt something odd from Monica’s presence. But she’s beautiful,