NAPATINGALA si Monica sa seryosong mukha ni Federico. Nakatitig din ito sa mga mata niya pero umiigting ang panga.“Sorry, babalik na nga lang ako sa laundry room,” naiilang niyang sabi.Iiwasan sana niya si Federico pero hindi nito mabitawan ang kan’yang braso. Napamulagat siya nang bigla itong yumuko sa kan’ya.“You’re changing my atmosphere, Monica. You’re f*king hot,” usal nito sa paos na tinig.“You’re hot, too,” amuse niyang tugon.“And now you’re heating my blood, you fool.” In-off ni Federico ang kalan at lalong dumikit sa kan’ya.Kumabog naman ang dibdib ni Monica nang dakmain ng isang kamay ni Federico ang pisngi ng kan’yang pang-upo. Kakaiba na ang kilos nito, tila magta-transform na bilang halimaw.“Hoy! Seryoso ka ba?” balisang tanong pa niya.“Paanong seryoso, Monica?” paanas nitong tanong.Napapiksi siya nang buhatin na siya ni Federico at pinagbukod ang kaniyang mga hita, pinulupot pa nito sa baywang nito kaya sumadsad ang kaniyang gitna sa namumukol nitong armas.“I
KINABUKSAN ng umaga ay kasama na naman si Monica at anak niya sa opisina ni Federico. Pumayag na siya na magpasalon. Pero bago ‘yon, tinulungan muna niya ang binata sa paperwork nito. Nakapagluto na rin siya ng tanghalian. Nasorpresa naman siya nang dumating si Duke at naghatid ng papeles kay Federico. “Hi, Monica!” kaswal na bati ni Duke. “Hello po!” nakangiting ganti niya. Nakaupo lang siya sa silyang nasa kabilang table ni Federico. Nag-aayos siya ng papeles. “May bago ka na palang office assistant, Eagle,” ani Duke. “She was a volunteer,” sabi naman ni Federico. “Anyway, I will proceed to Pampanga headquarters later. I forgot the time. Can I have lunch here?” Napailing si Federico. “Kailan ka ba tumitingin sa oras? Of course, you can eat with us. May naluto na ring lunch si Monica.” “Mag-extra na lang akong yaya ang anak n’yo.” Nilapitan ni Duke si Kenji na nakaupo sa couch at naglalaro ng munting robot at kotse. Natatawa si Monica sa hitsura ni Duke habang kinakausap si
MAAGAP ang isang kamay ni Federico na hinapit ang baywang ni Monica. Napakapit naman ito sa kaniyang braso at naitayo nang maayos ang sarili. He was fascinated with Monica’s enhanced beauty. He didn’t expect to see her like this. She’s an epitome of natural beauty. Matagal na niyang naisip na may itinatago pang ganda si Monica at lilitaw lang kung mag-aayos ito. Iyon ang gusto niyang makita. Pabor siya na hindi ito nalagyan ng makeup, at ayaw niya rin. Kahit nga wala itong lipstick, natural ang rosy red lips nito na mapipintog kaya nakaaakit halikan. “Sorry, nawalan ako ng balanse,” naiilang na wika ng dalaga. “It’s okay. Naninibago ka lang,” aniya. He can’t take off his sight of Monica’s lovely face. Bumagay rin ang dress na suot nito, at nagmukha itong prinsesa. Bigla siyang nanggigil at natutuksong yakapin at halikan ang dalaga. Pero bago siya mawala sa wisyo, inalala niya na nasa boutique sila at maraming nakatingin. “I’m satisfied! Thank you for your efforts, guys. Paki-tota
NAKAPAG-CHAT pa si Monica kay Duke bago tuluyang inalis ang sim card niya sa lumang cellphone. Pinaalam niya kay Duke ang huling usapan nila ng kan’yang boss.“I thought you already using your new phone, Monica,” sabi ni Federico.Naghahapunan na sila.“Nahirapan kasi akong mag-fill out sa form para sa database ng cellphone,” alibi niya.“Try it again later. I will guide you. Unahin mo ang pag-intall ng database ng lumang cellphone mo.”“Sige. Ang tagal kasi bago ma-accept ang picture ko. Maselan ang cellphone.”“That’s for security purpose. Hindi puwedeng magpa-picture ka na may makeup, dapat natural na mukha. Sa biometric naman, kailangan tatlong ulit mo lang mai-scan ang finger print mo para hindi mag-error. Malinis dapat ang mga daliri mo, walang pawis o oil para mabilis mabasa ng system.”“Oo nga. Minsan kasi nagpapawis ang kamay ko.”“Sa bahay mo na gawin ‘yan.”“Uuwi ba tayo?”“Yeah. Later after dinner. May pipirmahan lang akong papeles. Hindi naman ako magre-report ng office b
PAGKATAPOS ng almusal ay bumiyahe na sila patungong Pampanga. Nasorpresa si Monica dahil kasama rin nila si Duke at Craig. May sariling kotse rin ang mga ito. Mahaba-haba rin ang biyahe kaya nakatulog silang mag-ina sa kotse. Naunang nagising si Kenji at karga na ni Federico. May driver naman sila at bodyguard kaya nasa backseat silang tatlo. Nahihilo pa si Monica at halos hindi maimulat ang mga mata. Pero nang makita ang dagat ay wari nakainom siya ng energy drink. “Wow! May dagat din pala rito?” ignoranteng bulalas niya. “Yeah. And our location was on the beach side. We can swim with Kenji there,” ani Federico. Lalo siyang nasabik. Papasok na sila sa makitid na kalsada at palapit nang palapit sa beach. Katagalan ay wala na siyang nakikitang kabahayan. Sa dulo ng kalsada ay merong mga burol at pakitid pa ang daan. Pero nang makapasok na sila sa malaking gate ay malawak na ang lupain na tabing dagat. Nang makahinto ang kotse ay kaagad bumaba si Monica. Napatakbo na siya sa dagat
ALAS-DOSE pasado na naluto lahat ng pagkain. Sa may mahabang lamesa sa terrace sila kumain lahat dahil presko ang hangin at overlooking ang dagat. Nakakagana nga namang kumain dito lalo’t masasarap ang ulam. Himalang nagkakamay na rin kumain si Federico. Puro dry nga naman ang ulam nila at konti lang ang sauce ng steak. Meron naman silang mango shakes at matubig na prutas katulad ng pakwan. Ganado ring kumain si Kenji dahil salitan sila ni Federico sa pagsubo rito ng pagkain. “Ngayon ko lang napansin, lalong gumanda si Monica,” basag ni Craig sa katahimikan. Nagkakamay rin itong kumain, hindi halatang bilyonaryo. “Pinasalon ni Federico si Monica para lalo tayong mainggit, Craig,” sabad naman ni Duke sabay tawa. “Kahit naman hindi magpasalon si Monica, maganda pa rin,” ani Federico. “Eh, bakit mo pinasalon?” si Duke. “I want to see her hidden beauty. Kulang lang sa ayos si Monica kaya minsan hindi napapansin.” “Kung sa bagay. Pinanindigan kasi niya ang pagiging maid. Pero sa lah
MAAGANG nakatulog si Monica matapos ang hapunan. Ngunit nagising naman siya ng alas-kuwatro ng madaling araw. Hindi na siya makatulog ulit. Dahandahan siyang kumilos dahil mahimbing ang tulog nina Federico at Kenji sa kan’yang tabi. Dinampot niya ang cellphone sa mesita at napansin na pumasok na ang mga mensahe sa kan’ya ni Terra. Successful na nga ang pagrehestro niya sa numbero ng kaibigan. Gising na rin si Terra at gusto siyang tawagan. Lumabas na siya ng villa at umupo sa duyan. Doon niya sinagot ang tawag ni Terra. “Kumusta na, girl?” tanong niya. Buntonghininga ni Terra ang bumungad sa kan’ya. “Hay! Stress na ako, girl. Mabuti hindi na ulit tumawag sa akin ni Boggy,” ani Terra mula sa kabilang linya. “Ano, nakapagpaalam ka ba nang maayos kay Boggy?” “Noong huling punta ko sa headquarters, nakiusap ako na ipasa na sa ibang agent ang trabaho na ibibigay sana sa akin. Kinuha ko na ang huling sahod ko at nagpaalam na hindi na tatanggap ng misyon. Kaso binalaan ako ni Boggy.”
KAHIT may konting nerbiyos, hindi ito alintana dahil nilamon ng walang kawangis na saya ang puso ni Monica. Hindi niya akalain na mararanasan niya ang ang ganoong saya. Sa tuwing hawak ni Federico ang kan’yang kamay, napapawi ang takot niya, nabu-boost ang kan’yang confidence. Ang husay rin nitong magturo ng surfing, walang pressure kaya mabilis siyang nakasunod.Halos isang oras din silang nagpakuyod sa speedboat lulan ng surfboard. Tila ayaw na niyang umahon mula sa dagat kung hindi lang nanuyo ang kan’yang lalamunan dahil sa matinding pagkauhaw. Tumataas na rin ang araw kaya nakapapaso na ang init nito sa balat.“Mamayang hapon ulit, Monica. Mas malalaki ang alon, mas masarap mag-surfing. Baka masunog na tayo sa sikat ng araw. Let’s take some rest, ” ani Federico.“Sige, mamaya ulit.” Inipit niya sa kilikili ang surfboard at sumabay kay Federico sa paglalakad.Kumislot siya nang hawakan nito ang kaniyang kamay. Hindi pa rin siya nasasanay sa mga kilos in Federico, lalo na ang pabig
MAGKAHALO ang luha at galak ni Monica habang suot ang magarang trahe de buda. Sa araw na iyon ang pinakahihintay niyang kasal nila ni Federico. Hindi man sa simbahan ang seremonya, pari pa rin ang magkakasal sa kanila sa may beach from wedding venue. Pakiramdam niya’y nasa isang paraiso siya. Dumating din ang ibang kaibigan ni Federico, nahuli si Craig na nanggaling pa ng US. Tapos na ang seremonya pero bumawi naman ang mga ito sa regalo. Himalang dumating din si Dimitri kasama ang asawa nitong si Kira. “Cheers to the newlywed!” sabi ni Duke, na nauna nang nagtaas ng baso ng wine. Itinaas din ng iba ang baso ng mga ito. Nagtipon silang lahat sa gitna ng malawak na function hall. Si Federico ang ikalawang miyembro ng CEG na ikinasal. Ang mga naiwan ay karamihan playboy kaya malabo pang makapag-asawa. Hindi pa ata sawa sa buhay binata ang mga ito. Si Stefano lang ang medyo ilap sa babae. “Who’s next to Federico?” pagkuwan ay tanong ni Mattia. “I’m sure it was Stefano,” tudyo ni Duke
MAG-UUMAGA na hindi pa rin natutulog si Monica. Nakaidlip lang siya sa may couch sa salas at naghihintay pa rin kay Federico. Abang din siya nang abang sa tawag ni Leo upang bigyan siya ng update. Nahihilo na siya kaya pumasok siya sa kuwarto at humiga sa tabi ni Kenji. Nakatulog din siya at nang magising ay hindi na si Kenji ang kan’yang katabi. “Federico!” bulalas niya at napabalikwas ng upo nang mamataan ang kan’yang asawa na nakahiga sa kan’yang tabi. Dahil sa lakas ng boses niya ay nagising si Federico. Wari pinipiga ang puso niya nang makita ang mga pasa nito sa mukha. Hindi na niya ito hinintay na makabangon at kaagad niyang niyakap. “Salamat at ligtas ka,” humihikbing wika niya. “Hey, stop crying,” paos nitong usal. Humiga siyang muli sa tabi nito pero yapos pa rin niya ito habang nakatagilid silang magkaharap. Banayad niyang hinaplos ng palad ang pisngi nito. “Binugbog ka ba nila?” tanong niya. “Not really. Napalaban lang kami sa maraming tauhan ni Morgan.” “Sino ang t
ALAS-NUWEBE na ng gabi pero wala pa rin si Federico. Pinauna na ni Monica kumain ang nanay niya at mga bata, pero siya ay naghihintay pa rin sa kan’yang asawa. Tawag siya nang tawag kay Federico ngunit walang sumasagot.Ginupo na siya ng kaba. Alas-sais pasado pa lang noong nakausap niya si Federico at pauwi na. Dapat ay naroon na ito sa bahay alas-otso pa lang. Naisip niya na baka bumalik ng opisina si Federico at may nakalimutan. Mabuti may contact number siya ni Leo.Tinawagan na niya ang assistant ng kan’yang asawa. Sumagot din ito.“Hello, Ma’am Monica!” bungad ni Leo mula sa kabilang linya.“Kuya Leo, bumalik ba si Federico sa opisina?” tanong niya, balisang-balisa na.“Hindi naman po. Alas-otso na ako umalis ng opisina. Mas maagang umalis si Sir. Bakit po?”“Eh, wala pa siya rito sa bahay. Baka ka’ko bumalik sa opisina. Nakausap ko siya kanina at sabi niya pauwi na siya. Nakapatay na ang phone niya, eh, hindi matawagan.” Palakad-lakad siya sa may lobby.“Baka po nagpunta sa hea
INABUTAN ng traffic si Federico kaya alas-singko na siyang nakarating sa headquarters. Napawi ang pagkabagot niya nang maabutang gising na si Fernand. Inasikaso na ito ng medical staff nila. Male-late si Dr. Guilliani pero nagbigay naman ng instruction kung ano ang gagawin nila sa pasyente. “Don’t force yourself to talk, Fernand. You need more rest,” sabi niya sa kapatid. Nagpumilit pa ring magsalita si Fernand. “M-Morgan….” sambit nito. “I know. He’s still alive. We are doing our best to catch him. Don’t worry.” Hindi na nagsalita si Fernand at malamlam pa ang mga mata. Hindi niya ito hinayaang kumilos. “Sir, nariyan na po si Dr. Guilliani!” batid ng agent na kapapasok ng silid. “Guide him in,” aniya. Tumalima naman ang agent. Mayamaya ay pumasok na si Chase. Dagli nitong nilapitan si Fernand at inasikaso. “Does he still need oxygen?” tanong niya. “I will check his lung status first,” ani Chese. Sinuri pa nito ang record na na-update ng medical staff nila. “Stable na ang pu
HINDI na hinintay ni Federico ang driver at siya na ang nagmaneho ng kotse patungong ospital. Hindi niya gusto ang balita ng isang agent niya na nagbabantay sa kan’yang kapatid. Nilapatan umano ng doktor ng CPR si Fernand dahil sa biglang pagbagsak ng heart rate nito. Nagising na umano ang kapatid niya ngunit biglang nagdeliryo. Pagdating sa ospital ay dumiretso siya sa ward ni Fernand. He felt relief when the doctor stopped doing CPR on his brother. He had a positive reaction, meaning his brother was safe. Lumapit siya sa doktor na nagtanggal ng mask. “What happened to my brother, Doc?” eksaheradong tanong niya sa doktor. “The patient experience cardiovascular problem due to lack of blood oxygen and some clots. Medyo mahina pa ang respond ng katawan niya dahil sa dami ng dugong nawala, and it’s still in the process before his body can recover.” “Hindi pa ba sapat ang dugong ibinigay ko?” “Okay na, kailangan lang ng pasyente ng mahaba-habang pahinga dahil sa naghe-heal pa ang sug
DAHIL sa pagkawala ng step-father ni Monica ay hindi na sila nakauwi ng bahay ni Federico. Bumili na lamang sila ng pagkain sa restaurant para sa tanghalian. Sinamahan niya ang nanay niya hanggang sa maasikaso ang labi ng asawa nito. Ibinigay pa rin niya ang perang tulong dito at dinagdagan ni Federico upang mabigyan ng maayos na libing ang step-father niya. Bago lumubog ang araw ay naiuwi na rin ang labi ng step-father niya. Saka lang sila nakauwi ng bahay ni Federico. Nangako siya sa kan’yang ina na dadalo sa libing ng asawa nito. Kinabukasan ay bumalik na sa trabaho si Federico. Sumama si Monica sa kan’yang asawa upang tulungan ito sa tambak na paperwork. Doon na silang mag-ina sa opisina kasama ng mga pusa. Mas marami nga namang magagawa si Federico kung naroon sila dahil nakakapag-focus ito at hindi sila naiisip na malayo. Habang nakaupo sa tapat ng lamesang katapat ni Federico ay panay at chat niya sa kan’yang ina. Inaalala niya ito baka biglang ma-depress. Nakailang buntongh
KINABUKASAN ng umaga ay muling inatake ng pagkahilo si Monica at nagsuka. Inalalayan pa siya ni Federico papasok ng banyo at panay ang hagod sa kan’yang likod. “Kaya mo bang bumiyahe?” tanong nito. “Oo, mamaya kakalma rin ang sikmura ko. Magpapahinga lang ako saglit. Asikasuhin mo muna si Kenji,” aniya. Naghilamos na siya. Iginiya rin siya ni Federico pabalik sa kama. “I will prepare our breakfast,” anito nito nang mapaupo siya sa kama. “Sige. Gusto ko lang ng mainit na sabaw at kahit nilagang itlog lang,” aniya. “Okay. Dadalhin ko na si Kenji para hindi ka maabala.” Lumabas din ang mag-ama. Humiga siyang muli sa kama at kinuha ang kan’yang cellphone. Sinagot niya ang sandamakmak na chat ng kan’yang tiya. Nag-aalala na ito sa kan’ya. Hindi pa niya nasabi rito na nakauwi na sila ni Kenji. Nagbabalak na itong susugod doon sa bahay nila. Nalaman nito na na-kidnap sila dahil tumawag si kay Federico. Nawala rin ang hilo niya at sakit ng ulo. Nakaidlip siya ulit at ginising lang siy
NAKALABAS na sila ng tunnel at diretso na sa ilog pero dumating ang rescue helicopter nila kaya dito nila isinakay si Fernand. They found the nearest hospital and urgently admitted Fernand and some other wounded agents. Pinapasok na nila sa operating room si Fernand kahit wala pang doktor na mag-oopera lalo’t gabi na. Hindi mapakali si Federico habang naghihintay na may doktor na mag-asikaso sa kapatid niya. Wala pang available na surgeon on call. Hindi naman basta magagalaw ng ibang doktor ang pasyente lalo’t maselan ang tinamaan ng bala, nasa pagitan ng puso at baga. They need experts. He tried to call Dr. Guilliani. And gladly, Chase was willing to go to help them. Pinasundo niya ito ng helicopter mula Maynila. Naghanap lang ito ng meeting place. “Please save my brother!” samo niya sa nurse na lalaki. “We need extra blood, sir!” wika ng nurse. “I’m the patient’s twin. Can I donate my blood?” “We need screening first, sir. But we can rush it.” “Please do it!” Tumuloy naman s
TINUTUKAN ni Federico ng baril ang lalaking kamukha niya ngunit nagtaas ito ng mga kamay. He just moaning. Mariing kumunot ang noo niya. Ito marahil ang lalaking sinabi ni Monica na naputulan ng dila at tumulong sa asawa niya. “Who are you?” tanong niya. Hindi nagsalita ang lalaki. Mabuti inabala siya ni Stefano na nasa kabilang linya. “I saw another impostor, and he’s not talking,” sabi niya. “He was just pretending. Kasama ko ang isa na hindi makapagsalita,” ani Stefano. Nang mapansing bumunot ng baril mula sa tagiliran nito ang lalaking kaharap ay kaagad niyang kinalabit ang garilyo ng kan’yang baril. Sa kanang balikat lang niya binaril ang lalaki. Sinugod niya ito at tinadyakan sa ulo. Nang bumulagta ito sa sahig ay saka niya inalis ang maskara nito. Hindi nga ito ang lalaking tinutukoy ni Monica. “You’re right, Stefano. Naisahan ako ng kalaban pero don’t worry. Napatumba ko na siya,” aniya. “Nice. Just proceed. We’re waiting here. Sundan mo lang ang pasilyo at sa dulo kami