BIYERNES ng umaga ay sumama na naman si Monica kay Federico sa opisina. Marami umano itong trabaho at hindi kayang mawalay nang matagal kay Kenji. Pero hinigpitan siya nito at pinagbawalang makipag-usap sa empleyado maliban kay Leo at bodyguards. “Tulungan na lang kita sa paperwork mo,” nakangiting sabi niya sa binata. Kararating lang nila sa opisina ay napabuntonghininga si Federico nang makita ang tambak na papeles sa lamesa. “Good idea, Monica. Pero mamalengke ka muna para sa lunch natin. Ililista ko ang bibilhin mo,” ani Federico. Umupo na ito sa harap ng lamesa. “Sige. Pero sino ang kasama kong mamalengke?” “Ang bodyguards at driver. They will assist you. You can use my credit card to pay for the goods. Wala kasi akong cash.” Nagsulat na sa kapirasong papel si Federico. Isinulat din nito ang password ng card. “May dala naman akong snacks ni Kenji at gatas. Kahit konti lang ang bilhin nating lulutin,” sabi niya. “Your choice, but add more meat and fish. Gusto ko ng fresh fr
NAKAPAGLUTO na ng tanghalian si Monica nang dumating ang ibang bisita ni Federico. Sumilip siya sa workplace ng binata. Namataan niya si Stefano na kandong sa mga hita si Kenji habang nakaupo sa couch. Katabi nito si Dimitri na seryoso sa binabasang papeles. Si Duke naman ay nakaupo sa silyang kaharap ni Federico, dumadaldal. Mayamaya ay tumayo na si Federico at pumasok ng kusina. Kamuntik pa siya nitong mahuli na nakasilip sa pintuan. “Are you done cooking, Monica?” tanong ng binata. “Oo, nakahanda na lahat. Ihahain ko na ba sa lamesa ang pagkain?” “Yes, please. Magtimpla ka rin ng pure orange juice. Ayaw ni Stefano ng ready made na juice. Gusto niya mula mismo sa katas ng prutas at walang ibang halo kahit asukal.” “Gano’n ba? Kaya pala ang dami mong pinabiling orange. Sige, magpipiga na ako ng juice.” “Use the squeezer, Monica. Tawagin mo na lang ako kapag ready na lahat.” “Yes, sir!” Malapad siyang ngumiti. Lalapit na sana siya sa lamesa nang bigla siyang hawakan ni Federic
MABUTI na lang walang suot na audio recorder si Monica dahil inalis niya nang magpalit siya ng damit. Hindi maririnig ng panig ni Boggy ang conversation nila ni Duke. Hindi niya akalaing ganoon katalas ang pandamdam ni Duke. “Just a hint, Monica. Are you hiding something?” usig muli sa kaniya ni Duke. “May nakuha rin akong audio recorder sa ilalim ng center table sa bahay ni Federico. Hindi ganooon ang ginagamit niyang device, so I doubt it’s from an outsider. And no one can enter Federico’s house aside from us and Leo.” Nagimbal siya. Si Duke pala ang kumuha ng device na nawala! Wala na siyang kawala at inatake na siya ng nebiyos. Mahahalata ni Duke kung magsisisnungaling siya. “Ah…. ginagawa ko lang ang trabaho ko,” balisang turan niya. “Trabaho na ano? I know you’re not just a maid. Noong unang kita ko sa ‘yo sa bahay ni Federico, may napansin na ako sa tuwing nakikipag-usap ka sa amin. And I saw something suspicious in your eyes. I guessed you wore contact lenses that are also
NAALIMPUNGATAN si Monica nang may maliit na kamay na tumama sa kaniyang mata. Kaagad siyang napamulagat at napalingon sa kaniyang tabi. Kamay pala ni Kenji ang tumama sa mata niya. Nagising na rin ito at biglang dumapa. Nagising nang tuluyan ang kaniyang diwa nang mamataan si Federico na nakahiga rin sa tabi ni Kenji. Napagitnaan nila ang bata. Tulog na si Federico. Sasakyan sana ito ni Kenji sa tiyan mabuti napigil kaagad niya ang bata. “Huwag kang maingay, natutulog si Daddy,” bulong niya kay Keni. “Da-da?” sambit naman ni Kenji habang nakatitig sa kaniyang mukha. “Oo, tulog ang daddy mo. Labas na lang tayo ng kuwarto para makapagmeryenda ka.” Dahandahan na siyang kumilos habang karga si Kenji. Lumabas sila ng kuwarto at nagtungo sa kusina. Naroon ang dalawang pusa kaya kaagad hinabol ni Kenji nang ilapag niya ito sa sahig. Nagbukas siya ng chocolate cookies para meryenda ni Kenji. Nagtimpla rin siya ng orange juice. “Halika na, anak. Bitawan mo na ‘yang si Satore. Puro balah
PAGKATAPOS ng hapunan ay nauna na pumasok ng kuwarto si Monica kasama si Kenji. Alas-diyes na ng gabi siya natapos sa gawain sa kusina, nagligpit ng dumi ng mga pusa, nagkusot pa siya ng damit ni Kenji. Hyper pa ang anak niya kaya nilaro niya habang nasa kama. Napapadalas na ang tulog nito na late sa gabi. Nalilibang kasi ito sa mga pusa at kahit antok na ay pinipigilan. Isinama na nila sa kuwarto ang dalawang pusa dahil nagwawala si Kenji kung ilalayo ang mga ito. “Hay! Anong oras ka ba matutulog, anak? Antok na si Mama,” kausap niya sa bata na walang paki. Nakikipaglaro ito sa dalawang pusa habang nakahiga sa tabi niya. Na-drain na ang kan’yang lakas at gusto nang pumikit ng kaniyang mga mata. Kaso kung kailan nakakatulog na siya ay biglang matatamaan siya ng paa ni Kenji, minsan biglang sasampa sa kaniyang dibdib. “Aray naman!” angil niya nang daganan siya ni Kenji sa puson. Alas-onse pasado na. Wala na siyang lakas para manatiling gising. Tumalikod na siya kay Kenji at hindi
MAKALIPAS ang tanghalian ay umalis si Federico. Nakatulog naman si Monica kasabay ni Kenji. Nang magising ito ng hapon ay nagising na rin siya. Natakot na siyang malingat at mawala sa paningin niya si Kenji. Nababagot na sa opisina ang bata at gustong gumala. Panay ang ingos nito. Wala pa si Federico at hindi na niya mahintay. Lumabas silang mag-ina ng opisina at naglakad-lakad sa pasilyo. May iilang empleyado silang nasalubong at nakamata sa kanila. Sinundan pa sila ng isang bodyguard. “Ma’am, huwag po kayong lalayo baka magalit si Boss,” sabi ng bodyguard. “Hindi kami lalayo. Aaliwin ko lang ang anak ko kasi nababagot sa opisina,” aniya. Pinalakad niya si Kenji pero hinihila siya nito habang nakahawak sa kaniyang kamay. Sinundan naman niya ito. Gusto nitong bumaba ng hagdanan. “Pasensiya na, gustong mag-explore ng bata. Sasamahan ko na lang siya,” sabi niya sa bodyguard na nakabuntot lang sa kanila. “Sige po pero sasamahan ko na rin kayo.” “Salamat.” Dahandahan na silang bum
PINATULOG lang ni Monica si Kenji saka siya lumabas ng bahay at sa back door dumaan. Hindi pa binigay sa kan’ya ni Federico ang bagong cellphone at mayroon umano itong ilalagay na application. May ideya na siya kung ano ang gagawin nito. Maaring mag-install ito ng application na puwedeng ma-access ang cellphone niya. Hindi siya nagbukas ng ilaw sa lobby at diretso na sa labas. Sa unahan ng swimming pool siya pumuwesto na medyo madilim. Doon niya tinawagan si Boggy. “Give me your valid reason why you are ignoring my messages, Monica,” kaagad ay bungad ni Boggy nang masagot ang kan’yang tawag. “Pasensiya na, sir. Nahirapan talaga ako makakilos kasi sa opisina kami natulog kagabi at kasama ko sa kuwarto si Federico. Maghapon din sa opisina ang mga kaibigan niya, at naroon ang leader ka’mo na si Stefano. Feeling ko nahahalata na nila ang kilos ko,” depensa niya. “That’s your fault. Our boss has lost his trust in you. This is your last chance to prove yourself, Monica. If you can’t do
NAPATINGALA si Monica sa seryosong mukha ni Federico. Nakatitig din ito sa mga mata niya pero umiigting ang panga.“Sorry, babalik na nga lang ako sa laundry room,” naiilang niyang sabi.Iiwasan sana niya si Federico pero hindi nito mabitawan ang kan’yang braso. Napamulagat siya nang bigla itong yumuko sa kan’ya.“You’re changing my atmosphere, Monica. You’re f*king hot,” usal nito sa paos na tinig.“You’re hot, too,” amuse niyang tugon.“And now you’re heating my blood, you fool.” In-off ni Federico ang kalan at lalong dumikit sa kan’ya.Kumabog naman ang dibdib ni Monica nang dakmain ng isang kamay ni Federico ang pisngi ng kan’yang pang-upo. Kakaiba na ang kilos nito, tila magta-transform na bilang halimaw.“Hoy! Seryoso ka ba?” balisang tanong pa niya.“Paanong seryoso, Monica?” paanas nitong tanong.Napapiksi siya nang buhatin na siya ni Federico at pinagbukod ang kaniyang mga hita, pinulupot pa nito sa baywang nito kaya sumadsad ang kaniyang gitna sa namumukol nitong armas.“I