PAGKATAPOS ng hapunan ay nauna na pumasok ng kuwarto si Monica kasama si Kenji. Alas-diyes na ng gabi siya natapos sa gawain sa kusina, nagligpit ng dumi ng mga pusa, nagkusot pa siya ng damit ni Kenji. Hyper pa ang anak niya kaya nilaro niya habang nasa kama. Napapadalas na ang tulog nito na late sa gabi. Nalilibang kasi ito sa mga pusa at kahit antok na ay pinipigilan. Isinama na nila sa kuwarto ang dalawang pusa dahil nagwawala si Kenji kung ilalayo ang mga ito. “Hay! Anong oras ka ba matutulog, anak? Antok na si Mama,” kausap niya sa bata na walang paki. Nakikipaglaro ito sa dalawang pusa habang nakahiga sa tabi niya. Na-drain na ang kan’yang lakas at gusto nang pumikit ng kaniyang mga mata. Kaso kung kailan nakakatulog na siya ay biglang matatamaan siya ng paa ni Kenji, minsan biglang sasampa sa kaniyang dibdib. “Aray naman!” angil niya nang daganan siya ni Kenji sa puson. Alas-onse pasado na. Wala na siyang lakas para manatiling gising. Tumalikod na siya kay Kenji at hindi
MAKALIPAS ang tanghalian ay umalis si Federico. Nakatulog naman si Monica kasabay ni Kenji. Nang magising ito ng hapon ay nagising na rin siya. Natakot na siyang malingat at mawala sa paningin niya si Kenji. Nababagot na sa opisina ang bata at gustong gumala. Panay ang ingos nito. Wala pa si Federico at hindi na niya mahintay. Lumabas silang mag-ina ng opisina at naglakad-lakad sa pasilyo. May iilang empleyado silang nasalubong at nakamata sa kanila. Sinundan pa sila ng isang bodyguard. “Ma’am, huwag po kayong lalayo baka magalit si Boss,” sabi ng bodyguard. “Hindi kami lalayo. Aaliwin ko lang ang anak ko kasi nababagot sa opisina,” aniya. Pinalakad niya si Kenji pero hinihila siya nito habang nakahawak sa kaniyang kamay. Sinundan naman niya ito. Gusto nitong bumaba ng hagdanan. “Pasensiya na, gustong mag-explore ng bata. Sasamahan ko na lang siya,” sabi niya sa bodyguard na nakabuntot lang sa kanila. “Sige po pero sasamahan ko na rin kayo.” “Salamat.” Dahandahan na silang bum
PINATULOG lang ni Monica si Kenji saka siya lumabas ng bahay at sa back door dumaan. Hindi pa binigay sa kan’ya ni Federico ang bagong cellphone at mayroon umano itong ilalagay na application. May ideya na siya kung ano ang gagawin nito. Maaring mag-install ito ng application na puwedeng ma-access ang cellphone niya. Hindi siya nagbukas ng ilaw sa lobby at diretso na sa labas. Sa unahan ng swimming pool siya pumuwesto na medyo madilim. Doon niya tinawagan si Boggy. “Give me your valid reason why you are ignoring my messages, Monica,” kaagad ay bungad ni Boggy nang masagot ang kan’yang tawag. “Pasensiya na, sir. Nahirapan talaga ako makakilos kasi sa opisina kami natulog kagabi at kasama ko sa kuwarto si Federico. Maghapon din sa opisina ang mga kaibigan niya, at naroon ang leader ka’mo na si Stefano. Feeling ko nahahalata na nila ang kilos ko,” depensa niya. “That’s your fault. Our boss has lost his trust in you. This is your last chance to prove yourself, Monica. If you can’t do
NAPATINGALA si Monica sa seryosong mukha ni Federico. Nakatitig din ito sa mga mata niya pero umiigting ang panga.“Sorry, babalik na nga lang ako sa laundry room,” naiilang niyang sabi.Iiwasan sana niya si Federico pero hindi nito mabitawan ang kan’yang braso. Napamulagat siya nang bigla itong yumuko sa kan’ya.“You’re changing my atmosphere, Monica. You’re f*king hot,” usal nito sa paos na tinig.“You’re hot, too,” amuse niyang tugon.“And now you’re heating my blood, you fool.” In-off ni Federico ang kalan at lalong dumikit sa kan’ya.Kumabog naman ang dibdib ni Monica nang dakmain ng isang kamay ni Federico ang pisngi ng kan’yang pang-upo. Kakaiba na ang kilos nito, tila magta-transform na bilang halimaw.“Hoy! Seryoso ka ba?” balisang tanong pa niya.“Paanong seryoso, Monica?” paanas nitong tanong.Napapiksi siya nang buhatin na siya ni Federico at pinagbukod ang kaniyang mga hita, pinulupot pa nito sa baywang nito kaya sumadsad ang kaniyang gitna sa namumukol nitong armas.“I
KINABUKSAN ng umaga ay kasama na naman si Monica at anak niya sa opisina ni Federico. Pumayag na siya na magpasalon. Pero bago ‘yon, tinulungan muna niya ang binata sa paperwork nito. Nakapagluto na rin siya ng tanghalian. Nasorpresa naman siya nang dumating si Duke at naghatid ng papeles kay Federico. “Hi, Monica!” kaswal na bati ni Duke. “Hello po!” nakangiting ganti niya. Nakaupo lang siya sa silyang nasa kabilang table ni Federico. Nag-aayos siya ng papeles. “May bago ka na palang office assistant, Eagle,” ani Duke. “She was a volunteer,” sabi naman ni Federico. “Anyway, I will proceed to Pampanga headquarters later. I forgot the time. Can I have lunch here?” Napailing si Federico. “Kailan ka ba tumitingin sa oras? Of course, you can eat with us. May naluto na ring lunch si Monica.” “Mag-extra na lang akong yaya ang anak n’yo.” Nilapitan ni Duke si Kenji na nakaupo sa couch at naglalaro ng munting robot at kotse. Natatawa si Monica sa hitsura ni Duke habang kinakausap si
MAAGAP ang isang kamay ni Federico na hinapit ang baywang ni Monica. Napakapit naman ito sa kaniyang braso at naitayo nang maayos ang sarili. He was fascinated with Monica’s enhanced beauty. He didn’t expect to see her like this. She’s an epitome of natural beauty. Matagal na niyang naisip na may itinatago pang ganda si Monica at lilitaw lang kung mag-aayos ito. Iyon ang gusto niyang makita. Pabor siya na hindi ito nalagyan ng makeup, at ayaw niya rin. Kahit nga wala itong lipstick, natural ang rosy red lips nito na mapipintog kaya nakaaakit halikan. “Sorry, nawalan ako ng balanse,” naiilang na wika ng dalaga. “It’s okay. Naninibago ka lang,” aniya. He can’t take off his sight of Monica’s lovely face. Bumagay rin ang dress na suot nito, at nagmukha itong prinsesa. Bigla siyang nanggigil at natutuksong yakapin at halikan ang dalaga. Pero bago siya mawala sa wisyo, inalala niya na nasa boutique sila at maraming nakatingin. “I’m satisfied! Thank you for your efforts, guys. Paki-tota
NAKAPAG-CHAT pa si Monica kay Duke bago tuluyang inalis ang sim card niya sa lumang cellphone. Pinaalam niya kay Duke ang huling usapan nila ng kan’yang boss.“I thought you already using your new phone, Monica,” sabi ni Federico.Naghahapunan na sila.“Nahirapan kasi akong mag-fill out sa form para sa database ng cellphone,” alibi niya.“Try it again later. I will guide you. Unahin mo ang pag-intall ng database ng lumang cellphone mo.”“Sige. Ang tagal kasi bago ma-accept ang picture ko. Maselan ang cellphone.”“That’s for security purpose. Hindi puwedeng magpa-picture ka na may makeup, dapat natural na mukha. Sa biometric naman, kailangan tatlong ulit mo lang mai-scan ang finger print mo para hindi mag-error. Malinis dapat ang mga daliri mo, walang pawis o oil para mabilis mabasa ng system.”“Oo nga. Minsan kasi nagpapawis ang kamay ko.”“Sa bahay mo na gawin ‘yan.”“Uuwi ba tayo?”“Yeah. Later after dinner. May pipirmahan lang akong papeles. Hindi naman ako magre-report ng office b
PAGKATAPOS ng almusal ay bumiyahe na sila patungong Pampanga. Nasorpresa si Monica dahil kasama rin nila si Duke at Craig. May sariling kotse rin ang mga ito. Mahaba-haba rin ang biyahe kaya nakatulog silang mag-ina sa kotse. Naunang nagising si Kenji at karga na ni Federico. May driver naman sila at bodyguard kaya nasa backseat silang tatlo. Nahihilo pa si Monica at halos hindi maimulat ang mga mata. Pero nang makita ang dagat ay wari nakainom siya ng energy drink. “Wow! May dagat din pala rito?” ignoranteng bulalas niya. “Yeah. And our location was on the beach side. We can swim with Kenji there,” ani Federico. Lalo siyang nasabik. Papasok na sila sa makitid na kalsada at palapit nang palapit sa beach. Katagalan ay wala na siyang nakikitang kabahayan. Sa dulo ng kalsada ay merong mga burol at pakitid pa ang daan. Pero nang makapasok na sila sa malaking gate ay malawak na ang lupain na tabing dagat. Nang makahinto ang kotse ay kaagad bumaba si Monica. Napatakbo na siya sa dagat