Nakakasuka naman.Paano siya nainlove sa isang sakim na tao dati?Paglabas ng hospital, sumakay ng taxi si Luna at bumalik na siya sa Blue Bay Villa nang biglang nagring ang phone niya.May mga text at mga tawag, sunod sunod ito.Yumuko si Luna at tumingin siya dito.Ang karamihan sa mga call at text ay mula sa design department at may ilan ding mga tao sa team nila.Hindi na kailangan alamin ni Luna na inannounce siguro ni Joshua na si Fiona na ang bagong leader.Tama nga naman. May dalawang araw na lang bago ang kompetisyon. Ang malaking balita tulad ng pagpalit ng isang miyembro sa isang minuto ay dapat sabihin ng maaga.Kung hindi, hindi matatandaan ni Fiona ang script ng design concept.Tumingin sa baba si Luna at tumingin siya sa bawat message.Sa huli, direkta niyang kinausap ang lahat sa competition team chat group.[Ang pagpalit ni Ms. Blake bilang leader ay ang konklusyon na pinag usapan namin ni Mr. Lynch. Ako ang nagmungkahi sa kanya nito. Sana ay maintindihan ni
Nang marinig ang sabik na boses ni Joey, kinurot ni Luna ang noo niya.“Maraming beses ko nang sinabi na hindi ako ang master mo. Hindi pwedeng tawagin ang isang tao ng ganito ng basta basta.”Hindi mapigilan ni Joey na tumawa ng masigla dahil sa reaksyon ni Luna. Tulad ng dati, tinanggihan at tinuruan siya ni Luna.“Para sa akin, ikaw po ang master ko. Kayo po ang nagbigay inspirasyon sa akin na magdesin. Kayo po ang nagdala sa akin sa mundo ng jewelry design. Kayo po ang gabay ko. Kayo po ang master ko.”“Pati, sa mga nakalipas po na taon, pinagmamasdan ko po ang mga gawa niyo. Agad ko pong nakilala ang gawa at istilo niyo.”“Dapat niyo na po ako kilalanin bilang disipulo niya. Sa ganun, kapag may nakita po ako na kumopya ng gawa niyo, matutulungan ko pa rin po kayo!”Hindi alam ni Luna kung tatawa o iiyak siya sa mga walang kwentang katwiran ni Joey.Kinurot ni Luna ang noo niya.“Kung ganito talaga ang gusto mo, bahala na.”“Nagbibiro po ba kayo?!” Sa kabilang linya, sumig
Nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya sa lahat ng mga sketch habang magulo ang damdamin niya.Yumuko siya at maililigpit na siya ng mga sketch nang marinig niya ang busina ng kotse mula sa labas.Mahaba ang busina na para bang may sinisigawan ito.Kumunot ang noo ni Luna at napatingin siya sa labas ng bintana mula sa bedroom niya.May asul na sports car na tumigil sa harap ng Blue Bay Villa.Si Christian, na may itim na leather jacket ay nakasandal sa pinto ng kotse at nakatingin sa bedroom ni Luna.Nang makita ni Christian na napansin na siya ni Luna, ngumiti siya ng mapaglaro.Tumingin siya kay Luna at nilabas niya ang phone niya. Makalipas ang ilang sandali, nagring ang phone ni Luna. Si Christian ang tumatawag.Kumunot ang noo ni Luna at sinagot niya ang tawag.“Bakit ka nandito? Tumigil ka sa pagbusina, kakatulog lang ng mga bata.:Tumawa si Christian sa kabilang linya ng phone. “Nabalitaan ko po na may taong bad mood, kaya’t gusto ko po siyang igala para makapag r
Akala ni Luna noong una na ang gala sa kotse na tinutukoy ni Christian ay ang pagbaba ng bubong ng convertible at bibiyahe sila sa paikot na highway at mararanasan ang ihip ng hangin pag gabi.Hindi niya inaasahan na mabilis na patatakbuhin ni Chrisitan ang kotse sa highway.Ang bilis na ito ay hindi pa nararanasan dati ni Luna.Pakiramdam niya na hindi niya katawan ang katawan niya ngayon. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya ay halos mabasag na ang ribcage niya!Humawak si Luna sa hawakan sa pinto at tumingin siya kay Christian.“Bagalan mo lang!”“Ayos lang ito, ‘wag kayong mag alala!” Ngumiti si Christian. “Pwede kayong mag relax ng ganyan!”Pagkatapos, muli niyang binilisan ang kotse.Umihip ng ng malakas ang hangin, wumagayway ang buhok ni Luna sa hangin. Sa matinding pagkasabik, nasanay na rin si Luna dito. Kumalma na siya ng kaunti.Sa huli, naenjoy niya na ang pagkasabik ng napakabilis na pagtakbo ng kotse.“Masaya, hindi ba?”Nang makita ni Christian na hindi na
“Kailangan niyo ibigay sa akin ang highway ngayong gabi.”Paano makakatanggap ang mga lalaking ito ng pagkatalo?Kaya naman, pinalibutan nila si Christian at sinigawan nila ito, na para bang gusto nilang bugbugin si Christian.Kinurot ni Luna ang noo niya.Nang mapalibutan sila ng mga lalaki, natakot si Luna na makipagaway si Christian sa kanila.Nagkatotoo ang mga pag aalala niya.Gayunpaman, hindi takot si Christian. Hindi lang siya matapang, lumingon pa siya kay Luna. “Pantanggal din ng stress ang pakikipaglaban. Gusto niyo bang sumali? Ayos lang kung ayaw niyo. Mabilis lang ako.”Nagbuntong hininga si Luna.Kahit na ayaw niyang lumaban…Noon, pagkatapos ng surgery niya, nagpayo ang mga doctor niya na matuto siya ng kickboxing para bumilis ang pag galing niya.Kahit na hindi niya ito ginamit sa totoong buhay, hindi niya hahayaan na bugbugin si Christian ng mag isa ngayong gabi.Kung sabagay, sinama siya ni Christian sa pagkarera para matanggal ang stress.Huminga ng mala
Nang sumapit ang 11 sa orasan, natapos na si Luna sa pagbigay niya ng statement.Nakaupo sila ni Christian kasama ang mga lalaking nilabanan nila.Habang nakatingin sa bawat isa sa kanila na tinawag ang mga magulang para piyansahan sila, namroblema si Luna.Sino ang magpipiyansa sa kanila ni Christian?Halos 11 na ng gabi, at tulog na siguro sina Anne at Bonnie. Hindi rin siguro gising sina Shannon at Arianna.Baka may oras sina Samson at Zayne, pero… naisip ni Luna na medyo nakakahiya para piyansahan siya.Habang problemado si Luna sa gagawin niya, pumasok ang pulis.“Luna, Christian Moore, may magpipiyansa sa inyo. Makakaalis na kayong dalawa.”Kumunot ang noo ni Luna at napatingin siya kay Christian.Nalilito rin si Christian.“Wala akong tinawagan.”Pareo silang sumunod sa pulis ng may inosenteng ekspresyon.Sa sandali na lumabas sila, nakita nila ang isang matangkad na lalaking nakatayo sa corridor. May suot itong ash-gray trench coat, ang ekspresyon nito ay malupit at
“Gusto ko na bata siya. Hindi ba pwede?”Pagkatapos, humikab si Luna. “Tulad ng kung paano mo gusto si Ms. Blake, Mr. Lynch, gusto ko rin ng mga kabataan.”Sumingkit ng malupit ang mga mata ni Joshua.“Dahil lang gusto mo ang mga batang lalaki, sinundan mo sila sa pag karera at sa pakikipag away ng ganitong oras ngayon at nasa ganitong edad ka na?”Ngumisi si Joshua at sinabi niya, “Masunurin at mabait ka pa nung mas bata ka, pero nung tumanda ka na, naging mas immature ka na.”Hindi mapigilan ni Luna na tumawa dahil sa mga sinabi ni Joshua. Lumingon siya at tumingin sa kanila.“Mr. Lynch, sa tingin mo ba talaga ay mature at masunurin ako noong labing siyam na taong gulang ako? Wala lang akong pagkakataon na mabuhay. Nakilala ko ang isang loko loko noong labing siyam na taong gulang ako. Ang iniisip ko lang araw araw ay paano pasayahin ang masamang lalaking ‘yun. Sinubukan ko maging ang taong gusto niya, pero hindi niya pa rin ako nagustuhan. Hindi niya ako nagustuhan kahit minsa
Saan ?Hindi rin alam ni Luna.Kahit anong mangyari ay ayaw niyang umuwi. "Kalimutan mo na iyan." Napabuntong-hininga si Christian at agad na pinaandar ang sasakyan. “Mukhang naging foul mood ka na naman sa paglitaw ni Joshua. Dapat ba kitang ihatid para mawala ang stress mo?" Nagsalubong ang kilay ni Luna. “Karera ulit?”Nagsimula nang magmaneho si Christian. "Hindi, gagamit tayo ng ibang paraan." Dinala ni Christian si Luna sa pinaka-abalang bar ng Banyan City at uminom kasama niya. Noong una, tumanggi si Luna sa pag-inom, hindi raw maganda ang kanyang alcohol tolerance at baka magsalita siya ng kalokohan kapag nalasing. Gayunpaman, nang makarating sila sa bar ay hindi na nakapagpigil si Luna. Nagsimula siyang uminom kasama si Christian. Sa ikatlong round, nag open si Luna at naging madaldal. “Pag-ibig sa unang tingin si Joshua. Sa sandaling nakita ko siya nagustuhan ko na siya. Gusto ko siyang pakasalan kahit anong mangyari. Gusto kong tumanda kasama siya, t