Share

Kabanata 899

Nang sumapit ang 11 sa orasan, natapos na si Luna sa pagbigay niya ng statement.

Nakaupo sila ni Christian kasama ang mga lalaking nilabanan nila.

Habang nakatingin sa bawat isa sa kanila na tinawag ang mga magulang para piyansahan sila, namroblema si Luna.

Sino ang magpipiyansa sa kanila ni Christian?

Halos 11 na ng gabi, at tulog na siguro sina Anne at Bonnie. Hindi rin siguro gising sina Shannon at Arianna.

Baka may oras sina Samson at Zayne, pero… naisip ni Luna na medyo nakakahiya para piyansahan siya.

Habang problemado si Luna sa gagawin niya, pumasok ang pulis.

“Luna, Christian Moore, may magpipiyansa sa inyo. Makakaalis na kayong dalawa.”

Kumunot ang noo ni Luna at napatingin siya kay Christian.

Nalilito rin si Christian.

“Wala akong tinawagan.”

Pareo silang sumunod sa pulis ng may inosenteng ekspresyon.

Sa sandali na lumabas sila, nakita nila ang isang matangkad na lalaking nakatayo sa corridor. May suot itong ash-gray trench coat, ang ekspresyon nito ay malupit at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status