Lumamig sa loob ng private room.Sumingkit si Joshua. Puno ng lamig ang kanyang mga mata.“Kailangan mo bang magsalita ng ganyan?”Ngumiti si Luna.“Paano mo pala ako gustong magsalita, Mr. Lynch? Hindi ako pumayag nung una na pumasok si Fiona sa team ko, pero pinilit mo dahil sa kapangyarihan mo, kaya’t pinasok ko siya sa team ko. Balak kong manalo sa kompetisyon, kaya’t maliban sa pag utos kay Ms. Blake ng gumawa ng mga simpleng bagay, ano pa ba ang magagawa ko?”Tahimik ng ilang sandali si Joshua dahil sa mga sinabi ni Luna. Hindi naman sa hindi niya pa naisip ang mga problemang ito.Ngunit, naramdaman ni Joshua na dahil sa kakayahan ni Luna, ang pagsama ni Fiona sa team ay maliit na bagay para kay Luna. Hindi niya inaasahan na hindi pa magagawa ni Fiona ang mga simpleng bagay.Sinabi na ni Joshua ang mga pinag aalala niya kay Fiona sa trabaho, ngunit tuwing tatanungin niya si Fiona, ngingiti lang ito at sasabihin na ayos lang ang lahat at masaya siyang nagtatrabaho.Hindi i
“Sinabi niyo na nagkaroon ako ng affair, na marami akong lalaki. Na sumama ako sa iba, at ito ang rason kung bakit naaksidente ako. Sinabi niyo na nag iwan ako ng huling habilin para magsama kayo ng kapatid ko.”Tumingin si Luna sa mukha ni Joshua at binigkas niya ang bawat salita.“Sa tingin mo ba ay may pakialam ako sa reputasyon ko? Sinira niyo na ang reputasyon ko anim na taon na ang lumipas!”Lumamig na ng todo ang private room.Kumunot ang noo ni Joshua.“Luna, sinabi ko na sayo na hindi ko alam ang tungkol doon. Si Aura lahat ang—”“Tinutulak mo ang lahat ng sisi kay Aura, dahil lang wala siya dito sa Banyan City? Sayang naman. May taong nagpakita sa akin ng litrato na nakabalik na ng Banyan City si Aura. Mr. Lynch, umiwas ka dapat sa pagsisinungaling, kung sakaling dumating si Aura. Hindi mo maipapaliwanag ang sarili mo pag nangyari ‘yun.”Pagkatapos, tumayo si Luna.“Aatras ako mismo sa kompetisyon, hindi lang dahil ito ang dugo at pawis ko. Pinaghirapan rin ito nila Z
Sa labas ng private room, sa corridor, napapalibutan si Luna ng mga tao, at napilitan mapunta ang likod niya sa pader.May ilang mga nag iinsulto sa kanya, may ilang mga nanlalait at may iba pang naghahagis ng mga bagay sa kanya.Naharangan ang corridor at puno ito ng mga tao.Kumunot ang noo ni Joshua. Agad siyang lumapit.Sa mga sandaling ito, tahimik na nakasandal si Luna sa pader habang tulala. Ang mukha niya ay walang kahit anong emosyon.Ang dati niyang maliwanag na mga mata ay naubusan na ng liwanag. Para siyang isang manikang walang kaluluwa.Tila hindi niya naririnig ang mga ingay at insulto na binabato ng mga nakapalibot na tao.Ang maputi niyang damit ay namatsahan na ng kape at mga itlog. Magulo ang buhok niya. Ang mga damit niya ay lukot at punit na dahil sa pagtulak at paghila sa kanya ng mga tao.Ang pagkawala niya ng ekspresyon ay tila may kakaibang ganda na mula sa ibang mundo.Huminto ang puso ni Joshua nang makita niya ang eksenang nasa harap niya.Kumunot
Sa mainit nilang pag uusap, may naglabas ng kanilang recording device.“Hello, Mr. Lynch. Isa akong television reporter ng Banyan City. May gusto akong itanong: Ano ang relasyon niyo ni Luna? Bakit kayo magkasama ng kayo lang dalawa sa loob ng cafe?”“Nagde-date ba kayo? Sinaktan ni Luna ang girlfriend niyo, pero nasa date kayong dalawa. Anong relasyon niyong tatlo sa isa’t isa?”“Kapag nasa date kayo ni Luna, magiging guilty ba kayo kay Ms. Fiona Blake? Pwede niyo bang sabihin ang mga emosyonal na karanasan niyo?”Dahil sa mga walang galang na mga tanong na ito, kumunot ang noo ni Joshua.Lumingon siya at tumingin siya ng malamig sa reporter, pagkatapos ay sinabi niya ng malamig at mayabang, “Kailangan ko ba ipaliwanag ang buhay ko sayo, dahil lang isa kang reporter? Ipakita mo sa akin ang press pass mo at sabihin mo ang department mo. Tatawagan ko ang pinakamataas mong boss.”Kasing lamig ng tono ni Joshua ang titig niya.Tumigil ang reporter ng ilang sandali, napa atras siya
May hospital na wala pang isang kilometro ang layo mula sa cafe.Para hindi makakuha ng atensyon si Joshua, na siyang basa ng kape, inalis ni Luna ang ash-gray trench coat niya at nilagay niya ito kay Joshua.Tumanggi si Joshua noong una. Akala niya ay hindi tama para suotin ang trench coat ng isang babae.Gayunpaman, hindi niya inaasahan na…Kahit na mukha itong isang trench coat na pangbabae kay Luna, mukha rin itong trench coat na panlalaki nang suotin ito ni Joshua.Kumunot ang noo ni Joshua at naglakad siya habang hawak si Luna at nakakunot ang kanyang noo.“Saan mo nakuha ito?”“Pinagawa ko ito ng pasadya. Para sa mga lalaki ito,” Sumagot ng kalmado si Luna habang naglalakad siya.“Walang tatay sina Nigel, Neil, at Nellie noong nasa ibang bansa sila. Noong nasa amusement park sila, hindi rin sila masaya, dahil nilalait sila ng ibang mga bata dahil wala silang tatay.”“Nagpapanggap si Malcolm na siya ang tatay ng ga bata para sumaya sila kapag may oras siya. Kapag wala si
Naging madilim ang malalim na tingin ni Joshua.Pagkatapos ng ilang sandali, tumalikod siya.“Ano ang sinakripisyo ni Malcolm para iligtas ka? Pera ba? Kaya ko siyang bayaran sa sampung beses o kahit isang daang beses pa. Bakit mo kailangan magbayad ng buong buhay mo?”Tumawa si Luna.“Mr. Lynch, sino ka ba para sa akin at magbabayad ka ng isang daang beses nito? Pati, may mga bagay na hindi kayang pagbayaran ng pera.”Gusto pang magpatuloy ni Luna sa pagsasalita nang lumingon siya at napansin niya na nakarating na sila sa hospital.Tinulungan niyang pumasok si Joshua, tinulungan niya si Joshua na mag register, at dinala niya ito sa consultation room ng doctor.“Mabuti na lang at dumating ka sa oras para sa pasong ito.”Sa loob ng consultation room ng doctor, pagkatapos gamutin ang paltos sa likod ni Joshua, hindi niya mapigilan na magbiro, “Kung mas matagal ka pa dumating dito, puputok ng mag isa ang paltos. Magiging walang kwenta na ang gamot ko.”Habang nakatingin si Luna s
Noong araw na nakita ni Luna ang mga paso sa tiyan ni Fiona, naramdaman niya na parang may mali.Kung sabagay, noong araw na tumapon ang kape kay Fiona, nabasa rin ang kamay niya.Kahit na mainit ang kape, ayos na si Luna pagkatapos itong hugasan ng tubig,Bakit mapapaso ng malala si Fiona?Nakumpirma ang mga iniisip ni Luna dahil sa mga sinabi ng doctor kanina.Ang malalaking mga paso sa tiyan ni Fiona ay wala sigurong kinalaman sa tasa ng kape!Kumunot ang noo ni Joshua dahil sa mga tanong ni Luna. Lumabas siya habang sinabi niya, “Hindi ko masasabi ang opinyon ko dito.”Nabigla ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumawa siya.“Hindi mo masabi ang opinyon mo? Joshua Lynch, ayaw mo akong sagutin dahil alam mo na ang mahal mong si Ms. Blake ay may kakaibang ginagawa at nasa mali ka, tama ba?”Patuloy sa paglalakad si Joshua at hindi siya tumigil. “Ikaw na ang bahala kung paano mo ito iintindihin.”Nakatayo lang sa pwesto si Luna at tumingin siya sa likod ni Joshua. Ngumit
Nakakasuka naman.Paano siya nainlove sa isang sakim na tao dati?Paglabas ng hospital, sumakay ng taxi si Luna at bumalik na siya sa Blue Bay Villa nang biglang nagring ang phone niya.May mga text at mga tawag, sunod sunod ito.Yumuko si Luna at tumingin siya dito.Ang karamihan sa mga call at text ay mula sa design department at may ilan ding mga tao sa team nila.Hindi na kailangan alamin ni Luna na inannounce siguro ni Joshua na si Fiona na ang bagong leader.Tama nga naman. May dalawang araw na lang bago ang kompetisyon. Ang malaking balita tulad ng pagpalit ng isang miyembro sa isang minuto ay dapat sabihin ng maaga.Kung hindi, hindi matatandaan ni Fiona ang script ng design concept.Tumingin sa baba si Luna at tumingin siya sa bawat message.Sa huli, direkta niyang kinausap ang lahat sa competition team chat group.[Ang pagpalit ni Ms. Blake bilang leader ay ang konklusyon na pinag usapan namin ni Mr. Lynch. Ako ang nagmungkahi sa kanya nito. Sana ay maintindihan ni