Sa mainit nilang pag uusap, may naglabas ng kanilang recording device.“Hello, Mr. Lynch. Isa akong television reporter ng Banyan City. May gusto akong itanong: Ano ang relasyon niyo ni Luna? Bakit kayo magkasama ng kayo lang dalawa sa loob ng cafe?”“Nagde-date ba kayo? Sinaktan ni Luna ang girlfriend niyo, pero nasa date kayong dalawa. Anong relasyon niyong tatlo sa isa’t isa?”“Kapag nasa date kayo ni Luna, magiging guilty ba kayo kay Ms. Fiona Blake? Pwede niyo bang sabihin ang mga emosyonal na karanasan niyo?”Dahil sa mga walang galang na mga tanong na ito, kumunot ang noo ni Joshua.Lumingon siya at tumingin siya ng malamig sa reporter, pagkatapos ay sinabi niya ng malamig at mayabang, “Kailangan ko ba ipaliwanag ang buhay ko sayo, dahil lang isa kang reporter? Ipakita mo sa akin ang press pass mo at sabihin mo ang department mo. Tatawagan ko ang pinakamataas mong boss.”Kasing lamig ng tono ni Joshua ang titig niya.Tumigil ang reporter ng ilang sandali, napa atras siya
May hospital na wala pang isang kilometro ang layo mula sa cafe.Para hindi makakuha ng atensyon si Joshua, na siyang basa ng kape, inalis ni Luna ang ash-gray trench coat niya at nilagay niya ito kay Joshua.Tumanggi si Joshua noong una. Akala niya ay hindi tama para suotin ang trench coat ng isang babae.Gayunpaman, hindi niya inaasahan na…Kahit na mukha itong isang trench coat na pangbabae kay Luna, mukha rin itong trench coat na panlalaki nang suotin ito ni Joshua.Kumunot ang noo ni Joshua at naglakad siya habang hawak si Luna at nakakunot ang kanyang noo.“Saan mo nakuha ito?”“Pinagawa ko ito ng pasadya. Para sa mga lalaki ito,” Sumagot ng kalmado si Luna habang naglalakad siya.“Walang tatay sina Nigel, Neil, at Nellie noong nasa ibang bansa sila. Noong nasa amusement park sila, hindi rin sila masaya, dahil nilalait sila ng ibang mga bata dahil wala silang tatay.”“Nagpapanggap si Malcolm na siya ang tatay ng ga bata para sumaya sila kapag may oras siya. Kapag wala si
Naging madilim ang malalim na tingin ni Joshua.Pagkatapos ng ilang sandali, tumalikod siya.“Ano ang sinakripisyo ni Malcolm para iligtas ka? Pera ba? Kaya ko siyang bayaran sa sampung beses o kahit isang daang beses pa. Bakit mo kailangan magbayad ng buong buhay mo?”Tumawa si Luna.“Mr. Lynch, sino ka ba para sa akin at magbabayad ka ng isang daang beses nito? Pati, may mga bagay na hindi kayang pagbayaran ng pera.”Gusto pang magpatuloy ni Luna sa pagsasalita nang lumingon siya at napansin niya na nakarating na sila sa hospital.Tinulungan niyang pumasok si Joshua, tinulungan niya si Joshua na mag register, at dinala niya ito sa consultation room ng doctor.“Mabuti na lang at dumating ka sa oras para sa pasong ito.”Sa loob ng consultation room ng doctor, pagkatapos gamutin ang paltos sa likod ni Joshua, hindi niya mapigilan na magbiro, “Kung mas matagal ka pa dumating dito, puputok ng mag isa ang paltos. Magiging walang kwenta na ang gamot ko.”Habang nakatingin si Luna s
Noong araw na nakita ni Luna ang mga paso sa tiyan ni Fiona, naramdaman niya na parang may mali.Kung sabagay, noong araw na tumapon ang kape kay Fiona, nabasa rin ang kamay niya.Kahit na mainit ang kape, ayos na si Luna pagkatapos itong hugasan ng tubig,Bakit mapapaso ng malala si Fiona?Nakumpirma ang mga iniisip ni Luna dahil sa mga sinabi ng doctor kanina.Ang malalaking mga paso sa tiyan ni Fiona ay wala sigurong kinalaman sa tasa ng kape!Kumunot ang noo ni Joshua dahil sa mga tanong ni Luna. Lumabas siya habang sinabi niya, “Hindi ko masasabi ang opinyon ko dito.”Nabigla ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumawa siya.“Hindi mo masabi ang opinyon mo? Joshua Lynch, ayaw mo akong sagutin dahil alam mo na ang mahal mong si Ms. Blake ay may kakaibang ginagawa at nasa mali ka, tama ba?”Patuloy sa paglalakad si Joshua at hindi siya tumigil. “Ikaw na ang bahala kung paano mo ito iintindihin.”Nakatayo lang sa pwesto si Luna at tumingin siya sa likod ni Joshua. Ngumit
Nakakasuka naman.Paano siya nainlove sa isang sakim na tao dati?Paglabas ng hospital, sumakay ng taxi si Luna at bumalik na siya sa Blue Bay Villa nang biglang nagring ang phone niya.May mga text at mga tawag, sunod sunod ito.Yumuko si Luna at tumingin siya dito.Ang karamihan sa mga call at text ay mula sa design department at may ilan ding mga tao sa team nila.Hindi na kailangan alamin ni Luna na inannounce siguro ni Joshua na si Fiona na ang bagong leader.Tama nga naman. May dalawang araw na lang bago ang kompetisyon. Ang malaking balita tulad ng pagpalit ng isang miyembro sa isang minuto ay dapat sabihin ng maaga.Kung hindi, hindi matatandaan ni Fiona ang script ng design concept.Tumingin sa baba si Luna at tumingin siya sa bawat message.Sa huli, direkta niyang kinausap ang lahat sa competition team chat group.[Ang pagpalit ni Ms. Blake bilang leader ay ang konklusyon na pinag usapan namin ni Mr. Lynch. Ako ang nagmungkahi sa kanya nito. Sana ay maintindihan ni
Nang marinig ang sabik na boses ni Joey, kinurot ni Luna ang noo niya.“Maraming beses ko nang sinabi na hindi ako ang master mo. Hindi pwedeng tawagin ang isang tao ng ganito ng basta basta.”Hindi mapigilan ni Joey na tumawa ng masigla dahil sa reaksyon ni Luna. Tulad ng dati, tinanggihan at tinuruan siya ni Luna.“Para sa akin, ikaw po ang master ko. Kayo po ang nagbigay inspirasyon sa akin na magdesin. Kayo po ang nagdala sa akin sa mundo ng jewelry design. Kayo po ang gabay ko. Kayo po ang master ko.”“Pati, sa mga nakalipas po na taon, pinagmamasdan ko po ang mga gawa niyo. Agad ko pong nakilala ang gawa at istilo niyo.”“Dapat niyo na po ako kilalanin bilang disipulo niya. Sa ganun, kapag may nakita po ako na kumopya ng gawa niyo, matutulungan ko pa rin po kayo!”Hindi alam ni Luna kung tatawa o iiyak siya sa mga walang kwentang katwiran ni Joey.Kinurot ni Luna ang noo niya.“Kung ganito talaga ang gusto mo, bahala na.”“Nagbibiro po ba kayo?!” Sa kabilang linya, sumig
Nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya sa lahat ng mga sketch habang magulo ang damdamin niya.Yumuko siya at maililigpit na siya ng mga sketch nang marinig niya ang busina ng kotse mula sa labas.Mahaba ang busina na para bang may sinisigawan ito.Kumunot ang noo ni Luna at napatingin siya sa labas ng bintana mula sa bedroom niya.May asul na sports car na tumigil sa harap ng Blue Bay Villa.Si Christian, na may itim na leather jacket ay nakasandal sa pinto ng kotse at nakatingin sa bedroom ni Luna.Nang makita ni Christian na napansin na siya ni Luna, ngumiti siya ng mapaglaro.Tumingin siya kay Luna at nilabas niya ang phone niya. Makalipas ang ilang sandali, nagring ang phone ni Luna. Si Christian ang tumatawag.Kumunot ang noo ni Luna at sinagot niya ang tawag.“Bakit ka nandito? Tumigil ka sa pagbusina, kakatulog lang ng mga bata.:Tumawa si Christian sa kabilang linya ng phone. “Nabalitaan ko po na may taong bad mood, kaya’t gusto ko po siyang igala para makapag r
Akala ni Luna noong una na ang gala sa kotse na tinutukoy ni Christian ay ang pagbaba ng bubong ng convertible at bibiyahe sila sa paikot na highway at mararanasan ang ihip ng hangin pag gabi.Hindi niya inaasahan na mabilis na patatakbuhin ni Chrisitan ang kotse sa highway.Ang bilis na ito ay hindi pa nararanasan dati ni Luna.Pakiramdam niya na hindi niya katawan ang katawan niya ngayon. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya ay halos mabasag na ang ribcage niya!Humawak si Luna sa hawakan sa pinto at tumingin siya kay Christian.“Bagalan mo lang!”“Ayos lang ito, ‘wag kayong mag alala!” Ngumiti si Christian. “Pwede kayong mag relax ng ganyan!”Pagkatapos, muli niyang binilisan ang kotse.Umihip ng ng malakas ang hangin, wumagayway ang buhok ni Luna sa hangin. Sa matinding pagkasabik, nasanay na rin si Luna dito. Kumalma na siya ng kaunti.Sa huli, naenjoy niya na ang pagkasabik ng napakabilis na pagtakbo ng kotse.“Masaya, hindi ba?”Nang makita ni Christian na hindi na
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya