“Hindi pa ngayon ang tamang oras.”Nagbuntong hininga si Joshua. “Hindi pa siya mabibitawan ni Nellie. Dapat maging mabagal ang pagpalit ng yaya niya.”Tumingin si Lucas kay Joshua at bahagyang kumunot ang noo niya. Nagdududa siya na si Nellie lang ang hindi maka bitaw ka Luna. Ganito rin si Joshua.Pagkatapos mawala ni Luna Gibson, wala pang babaeng nasa tabi ni Joshua sa halos anim na taon. Kung hindi buhay si Luna Gibson, nararamdaman ni Lucas na ang katulong na si Luna ay isang magandang pagpipilian. Gusto siya ni Nellie, at hindi rin siya ayaw ni Joshua.Gayunpaman...Huminga ng malalim si Lucas, Sa huli, hindi niya napigilan na ipaalala kay Joshua, “Sir, ‘wag niyo pong kalimutan na kailangan niyo pong makuha ulit ang asawa niyo.”Tumingala si Joshua at tumingin siya ng may kakaibang ngiti. “Tinuturuan mo ba ako kung anong dapat kong gawin?”Sa sobrang lamig ng tingin ni Joshua ay agad na nanginig si Lucas.“Naalala ko lang po. Aalis na po ako.”Pagkatapos, agad na binuks
“Okay, ganyan po kayo. Pwede niyo pong isipin na gumamit ng isang milyong dolyar para iwanan ako ni Luna dahil lang sinabi ito ni Aura, pero....”“Makinig po kayo, Granny Lynch. Kahit po wala na si Luna, kahit na kunin niya ang isang milyong dolyar at umalis na siya, babawiin ko pa rin po ang kasal kay Aura. Hindi po ito makakaapekto sa desisyon ko, kaya’t magtipid po kayo ng pera. Masasayang lang po.”Pagkatapos, tumayo si Joshua para umalis.“Joshua Lynch!” tumayo ang galit na Granny Lynch at kinuha niya ang tasa sa mesa at hinagis niya ito kay Joshua.Bang!Tumama ang tasa sa paa ni Joshua. Nabasag ito at tumapon ang tsaa sa pantalon niya.Tumigil sa paglalakad si Joshua, ngunit hindi siya tumalikod.Ginitgit ni Granny Lynch ang kanyang ngipin. “Ano bang sinusubukan mong gawin? Noon, pinilit mong magpakasal kay Luna Gibson sa pamilya Lynch kahit na tumanggi kami. Ilang taon na siyang nasa loob ng pamilya, pero hindi siya nagkaroon ng anak bago siya namatay sa aksidente.”“Pa
“Granny, the best po talaga kayo!”Sabik na binigay ni Aura ang box kay Granny Lynch. “Tingnan niyo po, Granny Lynch. Isa po ito sa mga design ni Mr. Y. Sa parehong koleksyon po ito ng necklace na nasa sa leeg niyo. Maganda po ba?”“Maganda siya.” nagustuhan ni Granny Lynch ang necklace. Hindi niya alam kung bakit, pero biglang narinig niya ang mga sinabi ng katulong.‘Pero, ang pekeng necklace sa leeg niyo ay wala pa po sa halagang isang milyon, hindi po ba?’Kumunot ang noo ni Granny Lynch at tumingin siya ng hindi komportable kay Aura. “Aura.. peke ba ang necklace mo?”Si Mr. Y ay isang jewelry designer na sumikat sa ibang bansa sa nakaraan na dalawang taon. Kasunod lang siya sa kasikatan ng sikat na designer na si Moon. Ngunit, biglang umalis si Mr. Y sa jewelry industry. Hindi na siya gumagawa ng mga design, kaya’t tumaas ang presyo ng mga alahas niya mula sa unang isang milyon, at naging higit sampung milyon na dolyar.Nakita ni Granny Lynch ang balita, ito ang rason kung b
Gayunpaman, habang iniisip na si Granny Lynch ang huling pag asa niya para manatili si Joshua sa tabi niya...Ginitgit ni Aura ang kanyang ngipin at pinadyak niya ang kanyang mga paa. “Tulungan mo akong hanapin ‘yun.”“Hindi na kailangan.” nagbuntong hininga ang babaeng nasa kabilang linya. “Sa simula pa lang, wala masyadong mga design si Mr. Y, at binili na natin ang lahat ng peke ng mga set na wala pang may-ari, at ang iba ay nasa kamay na ng ibang tao. Narinig ko na ang President ng Quinn Group na si Malcolm Quinn ang mayari ng isang set ng alahas. Tutulungan kitang magtanong.”“Sige.”…Sa Blue Bay Villa.Umulan kagabi ng tuloy tuloy. Malamig ang umaga, kaya’t buong umaga na inayos ni Luna ang aparador ni Nellie. Nilabahan at tinabi niya ang mga damit pang tag init.Kahit na saglit na panahon pa lang na magkasama sila Nellie at Joshua, sa loob ng isang buwan, ang bilang ng bagong damit ni Nellie ay higit na sa lahat ng mga damit niya noong nakalipas na taon.Napagod si Luna
Pagkatapos ng tawag mula kay Malcolm, humiga si Luna sa kama at nagpahinga siya dito ng ilang saglit. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya.Nagkaroon siya ng panaginip.Ang panaginip na ito ay ang panahon na unang nakilala niya si Joshua. Sa isang manit at maaraw na tanghali.Nakaupo siya sa ilalim ng puno ng cherry blossom, hawak niya ang isang drawing board habang siya ay nag-sketch. Pagkatapos lumipad ng maraming cherry blossom, nakita niya ang isang lalaking nakasuot ng puti.Makisig ang lalaking ito at maganda ang mukha niya. Naging mas malamig at marangal ang lalaki dahil sa puti niyang damit.Nagbabasa ang lalaki sa ilalim ng puno sa nalalayo habang paminsan minsan na kumukunot ang noo nito.Hindi nag iisip na drinawing ni Luna ang lalaking ito.“Hindi na masama.” nung lalagyan niya na ito ng kulay, biglang narinig ni Luna ang mababang boses ng lalaki.Nanginig ang kamay ni Luna. Nakulayan niya ng itim ang mukha ng lalaki.Nabigla si Luna, hindi niya alam kung tata
Malamig siyang siningitan ni Joshua, “Nagdesisyon akong bawiin ang engagement ko kay Aura sa darating na tatlong araw sa birthday party ni lola.”Nanginig si Luna.Tumingin siya ng gulat kay Joshua. “Bawiin ang engagement?”Bakit niya planong bawiin ang engagement? Dahil ba ito kay Nellie, o dahil alam niya na buhay pa si Luna Gibson?Kakaiba ito kung paano siya tumigil sa wala pagkatapos ng pagpatay kay Luna para lang makuha niya si Aura sa nakalipas na anim na taon.Bakit niya binawi ang engagement matapos ang anim na taon, pagkatapos dumating ni Nellie?Hindi ito makatuwiran. May ibang rason siguro.Gayunpaman...Kinagat ni Luna ang mga labi niya at maingat siyang tumingin kay Joshua. “Dahil ba… sa akin?”Nitong mga nakaraan, tila laging dumidikit sa kanya si Joshua, kaya’t kung hindi ito dahil kay Nellie, ang tanging rason ngayon ay tinatrato siya ni Joshua na ang bago niyang pag ibig. Pagod na siya kay Aura Gibson.Tumawa ng mahina si Joshua. Hindi niya sinagot ang tanon
Pag alis ni Joshua, nagising si Nellie at bumaba rin siya ng hagdan.Nakasuot pa rin siya ng pink cartoon na pajama. Nakaupo siya ng awkward sa dining table.“Bakit po umalis ng maaga si Daddy?”Kumunot ang noo ni Luna. “Nellie.”“Hmm?”Tumingin si Luna sa paligid. Nang masigurado niya na walang ibang tao sa bahay, huminga siya ng malalim at nagsalita siya ng mahina, “Kapag wala si Mommy dito sa susunod, dapat mong alagaan ang sarili mo. Naiintindihan mo ba?”Nabigla si Nellie at binaba niya ang hash browns. “Mommy, bakit po kayo mawawala? Pinapalayas po ba nila kayo?”Hindi pinansin ni Luna ang tanong. “Gusto ko lang matutunan mo na maging independent.”Ngumuso si Nellie.“Ayaw ko po maging independent. Kapag independent po ako, hindi na po ako aalagaan nila Mommy, Neil, at Nigel,” ang bulong ni Nellie habang galit siyang ngumunguya ng hash browns. “Ayaw ko po maging independent! Ayaw ko po maging masunurin. Ayaw ko pong lumaki!”Nakaupo si Luna sa harap ni Nellie, tumingin
“Napunta ako sa hospital dahil galit na galit ako sayo. Hindi mo pa ba sinisante ang katulong na ‘yun?”Kumuha ng upuan si Joshua at elegante siyang umupo sa tabi ni Granny Lynch. “Gaano po kabuti ang pagtrato sa inyo ni Aura? Sapat po ba na gawin ang lahat ng ‘to para sa kanya?”Hindi natutuwa si Granny Lynch sa mga sinabi niya. “Joshua, anong ibig sabihin mo? Sa tingin mo ba ay pinepeke ko ito? Ang lahat ng ito ay dahil sayo!”Kinaway ni Joshua ang kamay niya. “Kukuha po ang ng mga pinakamagaling na doctor sa ibang bansa para tingnan kung may sakit po talaga kayo, pero wala po kayong sakit.”Lumingon si Joshua para tumingin kay Aura na nakatayo sa tabi ng pinto. “Namamaga ang mga mata mo mula sa pag iyak. Sa tingin mo ba ay sapat ito?”Yumuko si Aura at kinagat niya ang kanyang labi. “Nag aalala lang ako kay Granny…”Ngumisi si Joshua at hindi niya pinansin si Aura. Lumingon siya para muling tumingin kay Granny Lynch. “Matanda na po kayo. Ang pinaka masama po na gawin ay ang ba