Nagpapaliwanag si Nigel kay Luke, na may hawak na laptop at mukhang nagtataka sa tabi niya. “Basic coding lang ito. Kapag may oras ako sa susunod, pwede ko itong ituro sa’yo.”Ngumiti si Luke. “Buti naman.”Nang makapasok si Luna sa kotse, napansin niya ang kanyang anak at si Luke na nag-uusap.Kumunot ang kilay niya. Diba sinabi kanina ni Gwen na bumalik na sa bansa ang unang kasintahan ni Luke? Bakit may oras pa siya para samahan si Nigel?Tinulungan ni Anne si Luna na humanap ng pwesto sa kotse.Nang mailagay ni Gwen ang bagahe ni Luna sa loob ng kotse, nagpunta siya sa counter para kunin ang patient record ni Luna.Habang nakatingin kay Gwen na paalis, nagtatakang lumingon si Luna para tingnan si Luke.“Kanina lang sinabi ni Gwennie na ang first girlfriend mo—”“Peke ‘yun.” Pinigilan ni Luke si Luna bago pa ito makatapos.“Pakiramdam niya hindi siya nararapat na makasama ko dahil ikinasal na siya noon at dumaan sa ganitong insidente. Kaya naisipan kong mag-imbento ng ‘fi
“Hindi ba kita pwedeng makita ng walang dahilan?” Tumawa si Bonnie.“Matagal nating hindi nakita ang isa’t isa. Gusto mo bang magkape tayo?”Nagdalawang isip ng ilang saglit si Luna. Sa huli, tumango siya ng mabagal.Nabasag ang puso niya para kay Bonnie, tulad ng pagkabasag ng puso niya dati na obsessed kay Joshua.Umupo silang dalawa sa cafe.Nagorder si Bonnie ng isang tasa ng mainit na kape. Nagorder si Luna ng fruit juice.“Mabilis talaga lumipas ang panahon.” Nagbuntong hininga si Bonnie. Tinimpla niya ang kape sa harap niya habang nakangiti.“Parang kahapon lang noong una tayong nagkakilala. Noong mga panahon na ‘yun, kakarating mo lang sa design department ng Lynch Group. Inapi ka nila Courtney at Shannon. Iniisip ko na pareho lang tayo…”Pagkatapos, tumingin ng malalim si Bonnie kay Luna. “Sino ang mag aakala na maraming mangyayari pagkatapos nun…”Yumuko si Luna at nagbuntong hininga siya ng kaunti, “Oo.”Mabilis lumipas ang panahon. Noong unang nakilala niya si Bon
Tumikhim ng malamig si Bonnie. Ipinagmamalaki niya ito. “Oo, tama!”“Ganun ba?”Humalukipkip si Luna at sumandal siya. Elegante siyang sumandal sa leather seat sa cafe.“Edi, maitanong ko nga sayo. Dahil mahal niyo ang isa’t isa at nakatakda kayo at kinaiinggitan ng lahat, bakit umalis ng Banyan City si Jason ng anim na taon at hindi man lang nagparamdam?”Lumaki ang mga mata ni Bonnie dahil sa mga sinabi ni Luna.“Dahil sinet up si Jason habang nasa ibang bansa siya. Wala siyang paraan para tawagan ako?”“‘Yan ba ang dahilan na binigay niya sayo?”Humikab si Luna. “Nagkataon nga naman. Nasa ibang bansa rin ako nitong mga nakalipas na taon, namumuhay ng komportable. Sabihin mo nga sa akin, anong bansa, lugar, at organisasyon ang nagset up kay Jason?”Palihim na nagsama ang mga kamay ni Bonnie dahil sa mga sinabi ni Luna.Ginitgit ni Bonnie ang ngipin niya. “Kahit na hindi ko ito tinanong sa kanya dati, hindi magsisinungaling sa akin si Jason!”“Edi, alam mo ba na noong nasa i
Napa atras si Bonnie dahil dito.Kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Zach. Tila hindi siya makapaniwala.“Kailan niyo pa nakilala si Luna? Kailan niya kayo inuto?”Kaibigan ni Zach si Jason simula pa noong bata sila. Lumaki sila sa iisang bayan.Dapat ay nasa panig ni Jason sina Zach at Yuri. Bakit nila prinotektahan si Luna nung binuhusan siya ng kape, at tumayo pa sila sa tabi niya at sinabi na totoo ang lahat ng sinabi ni Luna?“Hindi kami inuuto.”Nagbuntong hininga si Boonie at tumingin siya ng malapit sa mukha ni Bonnie. “Lumaki rin tayo sa iisang bayan. Kailan pa kami nagsinungaling ni Yuri?”Kinagat ni Bonnie ang mga labi niya.Totoo ito. Sina Zach at Yuri ang pinaka tapat na ampon sa bayan nila. Simple at tapat sila. Hindi pa sila nagsinungaling o nandaya simula pa noong bata sila. Lagi silang inaasar nila Jason at ng ibang mga bata.Laging natutuwa si Bonnie dahil sa pagiging tapat at simple nila.Gayunpaman, sa mga sandaling ito…Kinagat ni Bonnie ang mga la
Gawa gawa lang ba ang lahat ng ito?Kinagat ni Bonnie ang mga labi niya at inagaw niya ang phone. Maingat niyang sinuri ang mga litrato.Isa siyang news reporter. Kung ginawa lang ang mga litrato na ito, mapapansin niya kung sinuri niya ito ng mabuti.Gayunpaman, muling seryoro at maingat na tiningnan ni Bonnie ang mga litrato.Wala.Walang bakas na ginawa lang ang mga litratong ito.“Totoo ang lahat ng mga litrato, kahit na tingnan mo pa ng matagal, wala kang makikita.”Nang mapagtanto ang mga intensyon ni Bonnie, nagbuntong hininga si Luna. Naging emosyonal siya. Minsan siyang naging tulad ni Bonnie, naniniwala kay Joshua ng walang kondisyon.Ang isang inlove na babae ay laging iisipin na ang kasintahan nila ay perpekto.Sa katotohanan…Maputla ang mukha ni Bonnie. Tumingala siya at tumingin kay Luna. Pula ang kanyang mga mata.Gayunpaman, pinigilan niya ang kanyang mga luha. “Hindi… imposible ito.”“Malalaman mo rin.”Huminga ng malalim si Luna. Bumalik siya sa upuan ni
Nang makarating na sina Luna at Bonnie sa mall, nakatayo na si Jason sa entrance habang may dalang malaking bouquet ng mga rosas.Halos isang buwan na hindi nakita ni Luna si Hason.Noong nasa Sea City sila, may suot si Jason na dark blue jacket na pang labas. Magaspang ang balbas niya at mukha siyang isang masamang tao.Ngayon, si Jason, na umakyat sa puno ng pera na si Bonnie, ay may suot na puting suit at mukha siyang malinis.Malaki ang bouquet ng mga rosas na dala niya. Mukhang may 99 na rosas dito.Ang dami at kalidad ng bouquet ay hindi mabibili ni Jason, na isang tipo ng tao na laging nagsisikap para sa pera.Ang inisip pa ni Luna ay ang mga rosas na binili ni Jason para kay Bonnie ay galing siguro sa pera ni Bonnie.Habang iniisip ito, tumingin si Luna kay Bonnie. “Bumaba na tayo.”Sa loob ng kotse, tumingin si Bonnie kay Jason na may hawak na bouquet ng mga rosas. Ang unang emosyon na naramdaman niya ay hindi kasiyahan, kundi pagkairita.Noon, kapag binigyan siya ni
Hindi naniniwala si Jason sa kahit isang salita na sinabi ni Luna.“Luna.”Naglakad ng ilang hakbang si Bonnie bago niya naalala si Luna.Pinasa niya ang bouquet ng mga rosas sa security guard sa tabi. Nang pagtalikod niya para kausapin si Luna, nakita niya kung gaano kalupit ang titig ni Jason kay Luna.Huminto ang puso ni Bonnie nang makita niya ang titig na ito. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya si Jason na may ganitong ekspresyon.Napalapit si Bonnie at hinawakan niya ang kamay ni Luna. Nilagay niya ang sarili niya sa harap ni Luna, hinarangan siya. “Jason, isang hindi pagkakaunawaan ang pagkulong sa akin ni Luna sa mental hospital. Binitawan ko na ‘yun. Sana ay ikaw rin. Sumama siya sa atin para kunin ang singsing natin. ‘Wag mo na siyang hanapan ng mali.”Gumaan lamang ang ekspresyon ni Jason nang marinig niya ang mga salita ni Bonnie.Kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Luna. Ngumiti siya. “Salamat sa tulong mo, Ms. Luna, nag abala ka pa para samahan kami ni
“Dahil sa nangyari noong anim na taon na ang lumipas, natakot ako sayo. Baka kung dati, kapag tinakot mo ako, matatakot talaga ako sayo, pero ngayon…”Ngumiti si Luna. Elegante niyang kinuha ang baso ng tubig at uminom dito.“Sa tingin mo ba ay natatakot pa rin ako sa mga banta mo?”Nawala na sa kanya si Neil at mawawala na sa kanya si Nigel. Kahit si Nellie ay naging depressed at autistic.Mas lalala pa ba ang buhay niya?Pati, minsan, kapag iniisip ni Luna na kung naging matapang siya dati at hinarap niya ng direcho si Jason, hindi ang iwasan lang ito, magbabago kaya ang mga nangyari?Kaya naman, sa mga sandaling ito, nagdesisyon siya na sisimulan niya kay Jason.Papagbayarin niya si Jason, at si Joshua na sumusuporta dito!“Ito kaya!” Habang may matinding labanan sina Luna at Jason, sabik na lumapit si Bonnie. Pinakita niya sa dalawa ang diamond ring sa daliri niya.“Mas gusto ko ito!”Kumunot ang noo ni Luna, pagkatapos ay ngumiti siya. “Ito ay design ko.”Agad na lumaki
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya