Habang nakatingin sa larawan nina Jason at Bonnie, na masayang nakatayo suot ng damit pangkasal, para bang nang-iinis ito para kay Luna. Nawalan siya ng dalawang anak, ang isa ay nasa bingit pa ng kamatayan. Gayunpaman, si Jason, ang lalaking muntik makapatay sa kanya at sa tatlong anak niya anim na taon ang nakakaraan at ang pumatay rin sa kanyang anak isang buwan ang nakakaraan, ay masayang nakatayo sa tabi ni Bonnie sa isang wedding photo at magkakaroon sila ng malaking kasal. Gumawa pa ang internet ng isang magandang childhood sweetheart love story para sa kanilang dalawa. Habang tinitigan ang mga artikulo, inisip lang ni Luna na ang romantikong love story na iyon ay nakakainsulto. Bakit nangyari ito?Bakit mayroong magandang buhay si Jason ngayong sinaktan niya siya at ang mga anak niya? Bakit kailangan niyang magdusa nang sobra kahit wala naman siyang sinaktang ibang tao? Huminga nang malalim si Luna at seryosong tinignan ang petsa ng kasal nina Jason at Bonnie.
"Hangga't buhay pa siya, hindi ako susuko na umasa na gagaling pa siya." Sandaling nanahimik si Malcolm sa kabilang linya. "Luna, alam kong baka hindi mo matanggap ang katotohanang ito, pero nakunan ka isang buwan ang nakaraan. Kahit na magtiyaga ka kay Joshua, baka hindi to umabot…" Pinikit ni Luna ang kanyang mga mata. "Hindi ko gustong makipagtalo sa'yo." Ginawa niya ang lahat para pigilan ang kanyang mga emosyon. "Malcolm. Nawalan ako ng dalawang anak, pero nandito ka para pag-usapan natin kung kailan ako mawawalan ng pangatlong anak. Sa tingin mo tama yun?" Sandaling huminto si Malcolm. Wala siyang sinabi. "Alam ko na mabuti kang tao, pero hindi mo talaga maiintindihan kung anong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko gustong makipagtalo sa'yo, kaya ibababa ko na ang tawag." Sa sandaling pinutol ni Luna ang tawag at iniangat ang kanyang ulo, nakita niya ang isang mapayat na anyo sa may pintuan. Mas pumayat si Nigel kumpara noong una niya siyang iniwan at bumalik sa bans
Bumuntong-hininga si Joshua, pagkatapos ay tumalikod siya at umalis. Naintindihan niya ang pag-aalangan ni Nigel. Alam niya rin na si Nigel ay para ring si Nellie, hindi nila gustong tanggapin ang katotohanan. Subalit, matanda na siya, at kailangan niyang harapin ang malamig at masaklap na katotohanan. Napakaraming dugo sa eksena na nagmula kina Neil at Theo… Sabi ng mga doktor, base sa dami ng dumanak na dugo, kung hindi sila nadala sa ospital kaagad pagkatapos ng insidente, hindi sila mabubuhay kahit na nakatakas sila. At saka kasabay nito, tanging si Neil at Theo lang ang nasa eksena. Ang mga nasunog na parte ng katawan na iyon… Kung hindi iyon sa kanila, kanino pala iyon? Nang maisip niya iyon, huminga nang malalim si Joshua. Huminto siya sa kanyang paglalakad. "Tulungan mo ako na ipadala ang mga tao mo para maghanap. Saglit na huminto si Luke. "Bakit gusto mo ang mga tao ko na maghanap?" Walang sinabi si Joshua at umalis. Tinignan ni Luke ang likod ni Josh
Nagagalak na tumingala si Luna, ngunit hindi ito ang inasahan niya: si Joshua ang pumapasok sa pinto habang hawak ang kamay ni Nellie, sa halip na si Lily. Nakasuot siya ng plantsadong suit, mukhang matangkad at gwapo. Hinawakan ni Joshua ang kamay ni Nellie nang pumasok sila. Sa sandaling itaas niya ang kanyang titig, napansin niya si Luna na namumula ang mukha habang naka make-up. Namangha siya saglit sa ganda nito. Noon pa niya alam na maganda ito, ngunit alam rin niyang iba ang nararamdaman niya para kay Luna kumpara sa ibang babae. Bilang respeto sa relasyon nila ni Alice, bihira niyang tingnan nang seryoso si Luna. Sa sandaling iyon, sobrang ganda nito at pumagaspas nang matindi ang puso niya. Ngunit nang alalahanin niya kung bakit may ganitong mukha ito… Nanlumo nang matindi ang puso ni Joshua. Lumingon siya, hinila palapit si Nellie, at umupo. Malamig ang mukha ni Luna nang tingnan niya nang masama si Joshua. “Naaalala ko si Lily sinabihan kong dalhin si Nellie
“Sige pala.”Huminga nang malalim si Luna at tinitigan si Joshua nang walang pakialam. “Dahil ikaw ang nag-alok nito, gagawin ko.”Sa sandaling iyon, di lamang si Nigel ang kailangang alagaan, pati na rin si Nellie. Higit pa rito, kailangan niyang asikasuhin si Jason kasunod, at… asikasuhin ang sakit ni Nigel. Ang dating tirahan niya sa Swan Lake Residences ay sobrang liit at hindi na mainam na tirahan. Mukhang ang Blue Bay Villa ni Joshua at ang ibang kondisyong inalok nito ang pinakamainam na piliin. “Lilipat ako bukas.” Malungkot na tumawa si Joshua. Tinignan niya ang payat na balikat nito at gustong hilahin ito sa pagkakayakap niya, ngunit sa huli ay napagpasyahan niyang huwag na lang. Masyadong maraming maling akala ito tungkol sa kanya; ang insidente noong nakaraang anim na taon maging ang nangyari nitong nakaraang buwan. Hindi niya makakayanang saktan ito, ngunit noon pa siya kinamumuhian nito. Huminga nang malalim si Joshua at lumingon para tingnan si Nigel at Nel
Ang ibang mga anim na taong gulang na bata ay nakakatawa, nakakaiyak at nakakapaglaro. Paano naman si Nigel? Anim na taong gulang lamang siya, ngunit ang isang masayang hapunin lamang kasama ng kanyang nanay at kapatid ay nakakasira na ng katawan niya. Nang tingnan kung gaano kalaki ang pagdurusang dinadanas ni Luna, bumuntong-hininga si Joshua at tinapik ito nang marahan sa balikat. “Gagaling si Nigel. Siguradong gagaling din siya.” Pumikit si Luna, habang puno ng galit ang boses niya, “Paano? Paano siya gagaling?”Naghalughog sila ni Malcolm sa iba’t ibang bone marrow bank. Ang dahilan kung bakit bumalik siya sa bansa at naisipang mag-anak ulit para maipagamot si Nigel ay dahil ito na ang huling magagawa niya dahil gipit na siya. Ngunit ang bata… Kinagat nang malakas ni Luna ang labi niya. Makalipas ang isang saglit, dumilat siya. “Joshua. Matulog tayo nang magkasama ngayong gabi.” Tinitigan niya nang masama ang mukha nito at idiniin ang bawat salita, “May gamot
Nagkaroon ng magandang panaginip si Luna. Napanaginipan niyang nabuntis siya ni Joshua ulit at iniluwal ang isang anak na nakakatuwa parang si Neil. Ngayong nagamot na ang sakit ni Nigel, dinala niya ang mga bata pabalik sa Mansyon ni Malcolm kung saan nakatayo si Malcolm sa tapat nang nakangiti habang sinasalubong sila. Nakatayo si Malcolm sa entrance, nakangiti silang sinalubong lhat.Tumakbo sa tuwa si Luna patungo kay Malcolm. “Sabi ko gagamutin ko si Nigel. Tingnan mo! Nagawa ko!”Ngumiti si Malcolm at tumingin sa kanya. “Hindi ko inakalang isasakripisyo ni Joshua ang buhay niya para sagipin si Nigel.”Natulala saglit si Luna habang nakatingin dito. “Sinakripisyo ni Joshua ang buhay niya para iligtas si Nigel? Si Joshua…”Ang maputlang mukha ni Joshua ay biglang lumitaw sa kanyang isipan.Napaatras si Luna. Pakiramdam niya parang pinipiga nang maigi ng isang hindi nakikitang kamay ang puso niya. Hinawakan nang mas mahigpit ng kamay ang puso niya at unti-unti itong n
Nagpapaliwanag si Nigel kay Luke, na may hawak na laptop at mukhang nagtataka sa tabi niya. “Basic coding lang ito. Kapag may oras ako sa susunod, pwede ko itong ituro sa’yo.”Ngumiti si Luke. “Buti naman.”Nang makapasok si Luna sa kotse, napansin niya ang kanyang anak at si Luke na nag-uusap.Kumunot ang kilay niya. Diba sinabi kanina ni Gwen na bumalik na sa bansa ang unang kasintahan ni Luke? Bakit may oras pa siya para samahan si Nigel?Tinulungan ni Anne si Luna na humanap ng pwesto sa kotse.Nang mailagay ni Gwen ang bagahe ni Luna sa loob ng kotse, nagpunta siya sa counter para kunin ang patient record ni Luna.Habang nakatingin kay Gwen na paalis, nagtatakang lumingon si Luna para tingnan si Luke.“Kanina lang sinabi ni Gwennie na ang first girlfriend mo—”“Peke ‘yun.” Pinigilan ni Luke si Luna bago pa ito makatapos.“Pakiramdam niya hindi siya nararapat na makasama ko dahil ikinasal na siya noon at dumaan sa ganitong insidente. Kaya naisipan kong mag-imbento ng ‘fi
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya