"Ito ay moral na pamimilit!"Galit na tumingin si Anne kay Celeste. “Totoong may gusto ang anak mo kay Luna, pero nilinaw sa kanya ni Luna na hindi niya ito pakakasalan. Hindi rin maaaring makasama nila ang isa't-isa. Pwede lamang silang maging magkaibigan.“Gusto ni Theo si Luna at isinakripisyo pa niya ang kanyang buhay para sa mga anak ni Luna sa huli, at habang nalulungkot ang lahat tungkol dito, hindi mo ito magagamit bilang kondisyon para mapapangasawa ni Luna ang isang patay na tao, mamuhay ng buong buhay ng isang biyuda habambuhay, tama?"Ngumisi si Celeste habang hindi pinansin ang sinabi ni Anne. Ibinaba ni Celeste ang ulo at nanunuyang tumingin kay Luna. "Tinatanong kita, Luna: payag ka ba o hindi?"Si Luna na nakaluhod sa lupa ay nakapikit ng nanlulumo."Ako ay humihingi ng paumanhin."Agad na napuno ng galit ang mga mata ni Celeste sa tugon ni Luna.“Isinakripisyo ng aming Theo ang kanyang buhay para sa iyo! Hinihiling ko lang na pakasalan mo siya, para wala ng iban
Nang makuha ang salita ni Luna, muling bumuntong-hininga si Nathan bago kunin si Celeste at umalis.Nang makapasok na ang dalawa sa elevator, bumuntong-hininga si Anne at inalalayan si Luna na bumangon, dahan-dahang ibinalik si Luna sa kwarto."Sinabi nila na ayaw nilang pilitin ka, ngunit ginawa pa rin nila ito."Napaawang ang labi ni Luna. "Ayos lang."Hindi man sabihin ni Nathan, hindi pa rin niya makakalimutan si Theo pag nagbigay na siya ng tribute kay Neil. Hindi siya magkakaroon ng engrandeng kasal, hindi kapag hindi pa rin natagpuan ang labi ni Neil.Ang kahilingan nila ay ang gusto rin niyang gawin.Kinagat ni Anne ang kanyang mga labi at pinabalik si Luna sa kanyang silid. May gusto siyang sabihin, pero napansin niyang nakatayo sa may entrance si Joshua nang lingunin niya.Tumigil sandali si Anne. Sa huli, tumayo pa rin siya, maingat na umalis, at isinara ang pinto sa likod niya.Tahimik ang kapaligiran sa kwarto kaya nakakasakal.Maya-maya, mapait na ngumiti si Joshu
Natahimik ang kwarto ng ilang segundo.Inangat ni Joshua ang ulo niya at tumingin kay Luna. "Walang kinalaman si Jason sa akin."Tumawa si Luna. Balak pa ba niyang magpatuloy sa pagkukunwari, kahit sa yugtong ito?Walang kinalaman sa kanya sabi niya?"Kung wala siyang kinalaman sa iyo, paano siya nakalabas sa mental asylum?"Malamig na tiningnan ni Luna si Joshua, ang ngiti nito ay basang-basa sa pangungutya."Huwag mong sabihin sa akin na ang isang taong ikinulong mo ay maaaring lumabas mula sa mental asylum nang wala ang iyong pahintulot!"Nagsalubong ang kilay ni Joshua. "Baka nakatakas siya."Isang buwan na ang nakakaraan mula noong madilim na araw na iyon.Buong oras na iyon ay walang malay si Luna. Nang matiyak ni Joshua na wala na sa panganib si Luna, nagsimula siyang maging abala sa tatlong bata.Hinarap niya ang libing ni Neil, tinulungan si Nellie na kumuha ng psychologist para sa mga sesyon ng therapy, pagkatapos ay pumunta kay Malcolm upang makita si Nigel at dina
Pagkatapos, humakbang paalis si Joshua.Napasandal si Luna sa ulo ng kama, naningkit ang mga mata habang pinagmamasdan si Joshua na umalis. Ngumisi siya.Hindi siya naniniwala ni sa isang salita na sinabi nito.Sa sandaling iyon, walang nakakaalam kung nasaan si Aura. Nang walang sinumang magpapatunay sa kanyang mga salita, natural siyang makakaisip ng kalokohan at isisi ang lahat kay Aura.Ang sabi niya ay maghahanap siya ng mga tauhang magbabalik kay Aura, at panghawakan ang kanyang salita—hindi siya naniniwala na magagawa ito ni Joshua.Kung tutuusin, kung babalik si Aura at hindi sila magkasundo, ang mga kasinungalingan ni Joshua ay madaling mabubunyag.Paano maglalakas loob si Joshua na ibalik si Aura?Paglabas ng ospital ay agad na sumakay si Joshua sa kotse."Lucas, sa mental asylum."Nais ding malaman ni Joshua kung paano nakatakas si Jason mula sa isang mahigpit na binabantayang mental asylum.Agad namang nag drive paalis si Lucas."Siya nga pala." Si Joshua, sa lik
Sa Lynch Mansion.Nasa looban si Granny Lynch na may lollipop sa isang kamay at teddy bear sa kabilang kamay, sinusubukang pasayahin si Nellie.“Maging masaya ka, mahal kong sinta. Halika, ngumiti. Ngiti para sa Great-Granny!”Si Nellie, na nakasuot ng pink na prinsesa na gown at nakaupo sa damuhan, ay sinubukang pilitin ang isang ngiti ngunit hindi niya magawa kahit anong mangyari.Nang sa wakas ay magawa na niya, mas malala pa ito kumpara noong umiiyak siya.Nagsalubong ang kilay ni Adrian. “Mom, tigilan mo na ang pagpapahirap sa kanya. Sinabi na ng mga doktor na ang kanyang sakit sa pag-iisip ay dahil sa hindi pag-secret ng utak ng sapat na dopamine. Hindi mo siya mapapangiti ng masaya sa pamamagitan lamang ng paghiling sa kanya na ngumiti."Napatingin siya kay Lily na naghihintay sa malayo. “Ibalik mo na si Nellie. Tandaan na painumin siya ng kanyang gamot."Tumango si Lily. Maingat siyang naglakad, binuhat si Nellie, at dinala siya pabalik sa mansyon."Napakalungkot." Napa
Ang tanging magagawa ni Adrian ay pigilan si Luna na magpakasal sa pamilya Lynch!Sa sandaling iyon, huminto ang isang itim na Maserati sa pasukan ng Lynch Mansion.Binuksan ang malaking gate, at isang lalaking nakaitim ang marangal na pumasok.Natauhan si Adrian at matikas na bumangon, lumingon sa lalaking nasa likuran niya. “Bakit ngayon ka lang bumalik? Kakatulog lang ni Nellie.”Napasimangot si Joshua habang nakaupo sa tapat ni Adrian, panay ang tingin kay Adrian.“Hindi ako nandito para kunin si Nellie. Nandito ako para hanapin ka, Dad."Napakalamig ng tono at titig ni Joshua, hindi napigilan ni Adrian na bahagyang kumunot ang kanyang mga kilay. Ngumiti siya at umupo ulit sa bench.“Meron bang kung ano?”"Syempre." Kumuha ng picture si Joshua sa bulsa at inilagay sa mesa. "Mr. Lynch, kilala mo ba ang lalaking ito?"Kalmadong sinulyapan ni Adrian ang larawan. Larawan iyon ng isang mabangis na lalaki.Kumunot ang noo niya at nag-alinlangan sandali."Parang pamilyar siya,
Hindi makasagot si Joshua sa tanong ni Adrian. Pinikit ni Joshua ang kanyang mga mata. Bumugso sa kanya ang dismaya. "Ako ang tunay mong anak." Bakit hindi mahalaga sa puso ni Adrian ang kanyang naiisip at nararamdaman? Tanging kay Hailey lang ang mahalaga. Ngumiti si Adrian. "Dahil alam ko na anak kita kaya umasa ako na makakasama mo ang pinakamabuting babae sa buong mundo." Tinignan ni Adrian si Joshua nang may nakakapangilabot na lamig. "Totoo yun. Hindi talaga kita masyadong gusto. Maganda ang naging relasyon ko sa ina mo, pero namatay siya noong ipinanganak ka niya, at nag-aalangan ako na makita ka pagkatapos non. Umalis ako ng Banyan City at iniwan ka sa lola mo para palakihin ka. Kahit na anong mangyari, anak pa rin kita sa huli. Umaasa rin ako na makita kang masaya. Subalit, tanging ang babaeng inayos ko para sa'yo ang makakapagdala sa'yo ng kasiyahan, pero paulit-ulit mo akong hindi sinunod…" Ngumisi si Adrian. "Akala ko ay nabulag ka lang kaya tinulungan ko si H
"Kaya kailangan mong tiisin ang kagat na to." Para bang ang mga salita ni Joshua ay nagbigay ng lakas kay Nellie. Hinawakan niya nang mahigpit ang braso ni Adrian at kinagat siya nang malakas. Sobra siyang napagod at pinagpapawisan na ang kanyang noo. Sa sobrang tindi ng sakit na nararamdaman ni Adrian ay pinagpapawisan rin siya nang malamig. Sinubukan niya ang lahat ng makakaya niya para manlaban, ngunit hindi siya makawala sa hawak ni Joshua. Nang hihimatayin na si Adrian sa sakit, bumukas na naman ang pinto ng mansyon. Nakatayo si Granny Lynch sa tabi ng pintuan nang may seryosong ekspresyon at kalmadong nagsabi, "Tama na yan. Kahit na kagatin mo siya hanggang sa mamatay siya, hindi mabubuhay muli si Neil." Nang marinig ang boses ni Granny Lynch, huminto sandali si Nellie bago binitawan ang braso ni Adrian. Nabalot nang pulang dugo ang bibig ni Nellie at halos matapyasan niya ng laman ang kamay ni Adrian. Sobrang sakit ng kanyang nararamdaman at tumulo ang pawis niya
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya