Sinubukan ni Alice na kitilin ang kanyang buhay?Agad napatayo si Joshua sa upuan. "Kamusta na si Alice ngayon?"Medyo nanginginig ang boses ng butler. “Tumigil na siya. Nang si Mary ay nasa itaas na naglilinis, narinig niya ang isang malakas na boses na nagmumula sa silid-aralan, kaya't agad niyang itinulak ang pinto upang masilip. Nakita niya si Mrs. Lynch na nagbigti. Ibinaba na siya ng security guard. Mabuti na siya ngayon, ngunit si Mrs. Lynch ay umiiyak na magmula noon. Sabi niya mas gugustuhin niyang mamatay na lang..."Napakunot ng noo si Joshua. "Babalik ako kaagad!"Pagkatapos, ibinaba ni Joshua ang telepono at padabog na umalis. Nang nasa may pintuan na siya, bigla siyang may naisip. Lumingon siya at sinulyapan si Luna. “Sinubukan ni Alice na magpakamatay sa bahay. Kailangan kong umuwi at alagaan siya. Inayos ko na maisama mo sina Neil at Nellie sa amusement park bukas, bilang maagang gantimpala sa proyekto. Huwag kalimutan ang tungkol sa oras."Pagkatapos, nagmamadali
Umalingawngaw ang iyak ni Alice. Nanginginig ang likod niya habang humahagulgol.Napabuntong-hininga si Joshua at marahang tinapik ang likod niya, “Wala itong kinalaman sa iyo. Iniwan mo sina Joshua at Natasha sa loob ng maraming taon. Walang kinalaman sa iyo ang mga kilos nila."Isang bakas ng katusuhan ang bumungad sa mga mata ni Alice. Nanatili siyang nakabaon sa mga bisig ni Joshua.Maya-maya, tumingala si Alice na humihikbi pa rin. "Ayos lang ba Luna? Bumisita ako sa kanya sa ospital kaninang hapon. Napakasama ng pakikitungo niya sa akin. Mariin niyang sinabi na ako ang nag-udyok sa aking ama na saktan siya…”Pinunasan ni Alice ang mga luha niya. Paos ang boses niya, “Sinubukan ko ang lahat para humingi ng tawad sa kanya, Sinabi rin niya…”Marahang hinagod ni Joshua ang likod ni Alice. “Anong sabi niya?”“Sabi niya, hindi nahuhulog ang mansanas ng malayo sa puno. Maaga o huli, ako rin ay...…”Nabulunan si Alice. Sa sobrang galit niya ay hindi niya natapos ang kanyang sinas
Si Alice ay nakadamit sa hantad na paraan, nakatayo sa harap ni Joshua. Hindi niya inaasahan na sasabihin ni Joshua ang mga ganoong salita.Medyo namutla ang mukha niya. Pagkatapos, malumanay siyang tumawa, "Joshua..."Umikot si Alice sa desk at diretsong lumapit kay Joshua. Magiliw siyang umupo sa kandungan nito, ibinaon ang sarili sa mga bisig nito. Pinadausdos niya ang kanyang mahabang daliri sa malamig at guwapong mukha nito."Kapag kasama kita, kahit wala akong suotin, hindi ako lalamigin."Ang mga kilos ni Alice ay lubhang mapang-akit, hindi mapipigilan ninuman ang kanyang ekspresyon sa mukha.Gayunpaman…Nagsalubong ang kilay ni Joshua. Ibinaba niya ito mula sa kanyang mga braso.Inabot niya ang mahahabang kamay nito at kinuha ang tasa ng tsaa na inilagay ni Alice sa mesa. Kinuha niya ito at humigop ng kaunti."Hindi ba nandito ka para humingi ng tawad sa akin?"Sumandal siya at bahagyang itinulak ang upuan palayo kay Alice. “Ano ang hinihingan mo ng tawad?”Nagsalubon
Hindi na napigilan ni Alice ang galit sa kanyang puso. Agad niyang pinulot ang plorera sa mesa at binasag sa sahig!Ang malakas na tunog ng plorera na nabasag sa mga piraso ay bahagyang nagpaginhawa sa kanya.Galit na kinagat niya ang kanyang mga labi at itinapon sa sahig ang lahat ng makita niya!Bang! Slam! Crash! Umalingawngaw ang malalakas na tunog ng mga kalabog sa buong Blue Bay Villa.Maya-maya, mabilis na nagtakbuhan ang mga katulong.Nakatayo sila sa harap ng kanyang pintuan, walang nangahas na kumatok sa kanyang pintuan at pumasok upang himukin siya.Nakarinig ng mga tunog sa pintuan niya. Galit na naglakad si Alice papunta sa kanyang pintuan at binuksan ito. "Kung may mangahas na magsabi kay Joshua ng pangyayaring ito ngayong gabi, maaari nang magpaalam sa Blue Bay Villa!"Nagkatinginan ang mga katulong. Ibinaba nila ang kanilang mga ulo at walang lakas ng loob na magsabi ng kahit isang salita.Pagkaraan ng mahabang panahon, dahan-dahang tumayo ang isa sa mga katul
Ang ngiti ni Luna ay napalitan ng pag ismid.Maya-maya, naningkit ang kanyang mga mata at tumingin kay Alice na naka-red dress. Naging malamig din ang tono niya. "Sasama ka rin?"“Oo.” Napangiti si Alice kay Luna. “Gusto din namin ni Joshua na samahan sina Neil at Nellie ngayon.”Tapos, nagkunwari siyang ina. "Sa nakalipas na kalahating buwan, araw-araw akong nagtatrabaho sa departamento ng disenyo. Ni wala akong oras para makasama ang mga anak ko. Ngayong aalis sila, hindi ko gustong isuko ang huling pagkakataon na kailangan kong gumugol ng oras sa kanila."“Ako ang kanilang ina at ikaw ang umampon sa kanila. Iisa ang nararamdaman natin para sa mga bata, di ba?”As if! Mariin na ikinuyom ni Luna ang kanyang mga kamao. Hindi niya maiwasang makita kaagad ang pagkukunwari ni Alice. "Mrs. Lynch, gumagaling na ang acting skills mo.”“Gayundin ako.” Lumapit si Alice at sinabi sa kanyang mga mata. "Hangga't hindi ka masaya, magiging masaya ako. Gusto mong gumugol ng isang araw na mas
Nagsalubong ang kilay ni Alice. "Kung gusto mo ng ice cream, kuhanin mo!"Napakurap si Neil at tumingin kay Alice. “Pero, nung sinama kami ni Mommy Luna sa amusement park last time, lagi niya akong dinadala para bumili ng ice cream. Siya ang nagbayad sa amin. Gusto kong dalhin mo ako dun."Kinagat ni Alice ang kanyang mga labi. May gusto sana siyang sabihin nang bitawan ni Joshua ang kamay niya. “Sumama ka sa kanya. Bihira lang na gustong mapalapit sa iyo ni Neil."Kumunot ang noo ni Alice at nag-aatubili na tumalikod, dinala si Neil sa ice cream stall.Bumili si Neil ng limang ice cream cone, kumakain siya ng isa sa kamay.Sinulyapan ng vendor si Neil, pagkatapos ay natural na ipinasa kay Alice ang apat na iba pang ice cream cone.Kailangang hawakan ang dalawang medyo malalaking cone ng ice cream sa isang kamay, dumilim ang mga ekspresyon ni Alice."Ms. Alice, hawakan mo ng maayos!" Ngumiti si Neil sa kanya. “Yung apat na ice cream cone. Isa kay Nellie, isa kay Joshua, at dal
"Buwisit!" Sa may changing room ng amusement park, labag sa loob ni Alice na hinubad ang kanyang mahabang pulang bistida at sinuot ang isang long shirt at long pants na hinanda ng mga staff.Pagkatapos niyang umalis sa may changing room, nakasalubong niya si Neil na matagal nang naghihintay sa kanya sa may pasukan. "Ms. Alice, nagsisimula palang ang magandang araw natin na magkasama." Sumandal si Neil sa may pintuan, habang dinidilaan ang bagong ice cream na binili para sa kanya ni Joshua at kinindatan si Alice. "Mamaya ay gusto sana kitang imbitahan na sumakay sa may roller coaster, sa drop tower at pati sa swing pendulum ride!" Bahagya siyang sumimangot. "Ms. Alice, takot ka ba sa mataas na lugar? Sa pagkakaalam ko meron ding bungee jumping facility sa amusement park na ito." Pagkasabi niya nito, nilingon ni Neil si Alice, "Sa simula, ang plano ko ay i-enjoy ang mga ride na iyon kasama ang Mommy Luna ko, pero ngayon na nabalian siya sa balikat, wala na akong ibang pagpipilia
"Nangako si Daddy sa akin kanina lang, gagawa siya ng 520 points, at kukunin niya ang pinakamalaking teddy bear bilang regalo niya sa akin!" Palihim na inirapan ni Alice si Nellie at tumingala, malumanay ang kanyang boses, "Joshua, dahil sa gusto ni Nellie ang malaking teddy bear na iyon, bilhin na lang natin ang teddy bear at ibigay ito sa kanya, pagkatapos ay samahan mo ako sa ospital para bisitahin ang nanay ko?" Sumimangot si Nellie. "Huwag niyong bilhin yun! Gusto na ipagpalit ni Daddy ang naipon niyang points para doon! Ang isang regalo na binili mo ng pera ay iba kumpara sa isa na pinaghirapan mong gawin o makuha!"Sinimangutan at tinignan ng masama ni Alice si Nellie. "Paano naman nagkaiba ang mga iyon! Makukuha mo naman ang parehong teddy bear!" At pagkatapos nun, tumingala siya, "Joshua, mas mahalaga ang pagbisita sa nanay ko, nag-aalala ako na baka may mangyaring masama sa kanya… pwede mo ba akong samahan?" Talagang ayaw na niyang manatili doon at mapahirapan ng munt
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya