Hindi na napigilan ni Alice ang galit sa kanyang puso. Agad niyang pinulot ang plorera sa mesa at binasag sa sahig!Ang malakas na tunog ng plorera na nabasag sa mga piraso ay bahagyang nagpaginhawa sa kanya.Galit na kinagat niya ang kanyang mga labi at itinapon sa sahig ang lahat ng makita niya!Bang! Slam! Crash! Umalingawngaw ang malalakas na tunog ng mga kalabog sa buong Blue Bay Villa.Maya-maya, mabilis na nagtakbuhan ang mga katulong.Nakatayo sila sa harap ng kanyang pintuan, walang nangahas na kumatok sa kanyang pintuan at pumasok upang himukin siya.Nakarinig ng mga tunog sa pintuan niya. Galit na naglakad si Alice papunta sa kanyang pintuan at binuksan ito. "Kung may mangahas na magsabi kay Joshua ng pangyayaring ito ngayong gabi, maaari nang magpaalam sa Blue Bay Villa!"Nagkatinginan ang mga katulong. Ibinaba nila ang kanilang mga ulo at walang lakas ng loob na magsabi ng kahit isang salita.Pagkaraan ng mahabang panahon, dahan-dahang tumayo ang isa sa mga katul
Ang ngiti ni Luna ay napalitan ng pag ismid.Maya-maya, naningkit ang kanyang mga mata at tumingin kay Alice na naka-red dress. Naging malamig din ang tono niya. "Sasama ka rin?"“Oo.” Napangiti si Alice kay Luna. “Gusto din namin ni Joshua na samahan sina Neil at Nellie ngayon.”Tapos, nagkunwari siyang ina. "Sa nakalipas na kalahating buwan, araw-araw akong nagtatrabaho sa departamento ng disenyo. Ni wala akong oras para makasama ang mga anak ko. Ngayong aalis sila, hindi ko gustong isuko ang huling pagkakataon na kailangan kong gumugol ng oras sa kanila."“Ako ang kanilang ina at ikaw ang umampon sa kanila. Iisa ang nararamdaman natin para sa mga bata, di ba?”As if! Mariin na ikinuyom ni Luna ang kanyang mga kamao. Hindi niya maiwasang makita kaagad ang pagkukunwari ni Alice. "Mrs. Lynch, gumagaling na ang acting skills mo.”“Gayundin ako.” Lumapit si Alice at sinabi sa kanyang mga mata. "Hangga't hindi ka masaya, magiging masaya ako. Gusto mong gumugol ng isang araw na mas
Nagsalubong ang kilay ni Alice. "Kung gusto mo ng ice cream, kuhanin mo!"Napakurap si Neil at tumingin kay Alice. “Pero, nung sinama kami ni Mommy Luna sa amusement park last time, lagi niya akong dinadala para bumili ng ice cream. Siya ang nagbayad sa amin. Gusto kong dalhin mo ako dun."Kinagat ni Alice ang kanyang mga labi. May gusto sana siyang sabihin nang bitawan ni Joshua ang kamay niya. “Sumama ka sa kanya. Bihira lang na gustong mapalapit sa iyo ni Neil."Kumunot ang noo ni Alice at nag-aatubili na tumalikod, dinala si Neil sa ice cream stall.Bumili si Neil ng limang ice cream cone, kumakain siya ng isa sa kamay.Sinulyapan ng vendor si Neil, pagkatapos ay natural na ipinasa kay Alice ang apat na iba pang ice cream cone.Kailangang hawakan ang dalawang medyo malalaking cone ng ice cream sa isang kamay, dumilim ang mga ekspresyon ni Alice."Ms. Alice, hawakan mo ng maayos!" Ngumiti si Neil sa kanya. “Yung apat na ice cream cone. Isa kay Nellie, isa kay Joshua, at dal
"Buwisit!" Sa may changing room ng amusement park, labag sa loob ni Alice na hinubad ang kanyang mahabang pulang bistida at sinuot ang isang long shirt at long pants na hinanda ng mga staff.Pagkatapos niyang umalis sa may changing room, nakasalubong niya si Neil na matagal nang naghihintay sa kanya sa may pasukan. "Ms. Alice, nagsisimula palang ang magandang araw natin na magkasama." Sumandal si Neil sa may pintuan, habang dinidilaan ang bagong ice cream na binili para sa kanya ni Joshua at kinindatan si Alice. "Mamaya ay gusto sana kitang imbitahan na sumakay sa may roller coaster, sa drop tower at pati sa swing pendulum ride!" Bahagya siyang sumimangot. "Ms. Alice, takot ka ba sa mataas na lugar? Sa pagkakaalam ko meron ding bungee jumping facility sa amusement park na ito." Pagkasabi niya nito, nilingon ni Neil si Alice, "Sa simula, ang plano ko ay i-enjoy ang mga ride na iyon kasama ang Mommy Luna ko, pero ngayon na nabalian siya sa balikat, wala na akong ibang pagpipilia
"Nangako si Daddy sa akin kanina lang, gagawa siya ng 520 points, at kukunin niya ang pinakamalaking teddy bear bilang regalo niya sa akin!" Palihim na inirapan ni Alice si Nellie at tumingala, malumanay ang kanyang boses, "Joshua, dahil sa gusto ni Nellie ang malaking teddy bear na iyon, bilhin na lang natin ang teddy bear at ibigay ito sa kanya, pagkatapos ay samahan mo ako sa ospital para bisitahin ang nanay ko?" Sumimangot si Nellie. "Huwag niyong bilhin yun! Gusto na ipagpalit ni Daddy ang naipon niyang points para doon! Ang isang regalo na binili mo ng pera ay iba kumpara sa isa na pinaghirapan mong gawin o makuha!"Sinimangutan at tinignan ng masama ni Alice si Nellie. "Paano naman nagkaiba ang mga iyon! Makukuha mo naman ang parehong teddy bear!" At pagkatapos nun, tumingala siya, "Joshua, mas mahalaga ang pagbisita sa nanay ko, nag-aalala ako na baka may mangyaring masama sa kanya… pwede mo ba akong samahan?" Talagang ayaw na niyang manatili doon at mapahirapan ng munt
Alam ni Alice na ang kanyang dahilan ay hindi sapat para makumbinsi si Joshua na sukuan ang dalawang bata at iwanan ang mga ito kasama niya. Pero gayunpaman, tinikom niya ang kanyang bibig at palihim na hinila ang manggas ng damit ni Joshua, at muling sinubukan sa huling pagkakataon. "Joshua…" Humikab si Luna at lumingon paalis, at sa sandaling iyon ay nakita niya na umandar na ang kalesa. Binaba niya ang kanyang mga mata at binulungan ang tenga ni Nellie. Tinikom ni Nellie ang kanyang labi at tumayo, habang bitbit ang ang kanyang teddy bear. "Daddy, dahil sa masyado kang abala, ayaw mong mapanalunan ang laruan na iyon para sa akin. Lalo na, wala kang naibibigay sa akin na kahit na anong makahulugang regalo simula pa noon, at sanay naman na ako!" At doon, hinawakan ng munting dalaga ang kamay ni Luna at tinubfo ng mag-ina ang direksyon ng kalesa. Nang makita niya na nakaalis na ang mga asungot, nakahinga ng maluwag si Alice, "Joshua, tara na…" “Daddy.”Bago pa man niya matapo
Mukhang marami siyang nakitang mga kakaibang ugali ni Luna ngayong araw na ito. Hindi nagtagal ay naunawaan niya kung bakit ang mga bata ay gustong gusto siya, kung bakit sinusubukan pa rin nila na protektahan siya kahit na alam nila na siya ay ang peke nilang ina na dumukot sa kanila. Ito ay dahil sa nararapat siya. Sa buong araw na iyon, ang apat na mag-anak ay sinubukan ang lahat ng mga ride sa amusement park. Sa labas, hindi talaga umalis si Alice. Sa may kuha ng CCTV, tinignan niya ang mga nakangiting mukha nila Luna at Joshua, at kinuyom niya ang kanyang mga kamao. Plano talaga ni Joshua na magtrabaho ngayong araw. Pero dahil sa masama pa rin ang loob niya pagkatapos siyang pagbantaan ni Luna sa may ospital kahapon, kinulit niya si Joshua, habang pinagpipilitan na isama siya nito ngayong araw na ito para gumawa ng gulo. Subalit, hindi niya inaasahan na mananatili tahimik si Luna, at sa halip ay ang dalawang bata ang gagawa ng gulo para sa kanya! Nang maisip lang niya an
Sa sumunod na sandali, natawa siya, "Tama ka, magkapareho nga kami. Pero mukhang hindi siya katulad ng dati." Napahinga ng malalim si Joshua. "Nagbabago ang tao, nagbago na siya ng tuluyan mula sa babaeng nakilala ko noon." Inangat ni Luna ang kanyang tingin at tinignan si Joshua. "Ano naman ikaw? Ikaw pa rin ba ang lalake ngayon tulad noon?" Huminto si Joshua, saka tumawa, "Hindi mo pa ako kilala noon." Napangiti si Luna. "Totoo iyon." Alam na alam niya kung anong klase siyang lalake noon, kaysa sa ibang tao. At muling natahimik ang paligid ng restawran. Nang makatapos silang pareho na kumain, pareho silang binabagabag ng kanilang mga isipan, tumigil na ang malakas na ulan. Ang sariwa, at amoy ng basang lupa ang nangingibabaw sa hangin. Marahil ay dahil sa magkasama silang nagsasaya kasama ng mga bata buong araw, napakakalmado ng pakiramdam ni Joshua. Oyon ang dahilan kung bakit pagkatapos ng hapunan, inimbitahan niya si Luna sa may bubong para tingnan ang buwan. Sa