Mukhang marami siyang nakitang mga kakaibang ugali ni Luna ngayong araw na ito. Hindi nagtagal ay naunawaan niya kung bakit ang mga bata ay gustong gusto siya, kung bakit sinusubukan pa rin nila na protektahan siya kahit na alam nila na siya ay ang peke nilang ina na dumukot sa kanila. Ito ay dahil sa nararapat siya. Sa buong araw na iyon, ang apat na mag-anak ay sinubukan ang lahat ng mga ride sa amusement park. Sa labas, hindi talaga umalis si Alice. Sa may kuha ng CCTV, tinignan niya ang mga nakangiting mukha nila Luna at Joshua, at kinuyom niya ang kanyang mga kamao. Plano talaga ni Joshua na magtrabaho ngayong araw. Pero dahil sa masama pa rin ang loob niya pagkatapos siyang pagbantaan ni Luna sa may ospital kahapon, kinulit niya si Joshua, habang pinagpipilitan na isama siya nito ngayong araw na ito para gumawa ng gulo. Subalit, hindi niya inaasahan na mananatili tahimik si Luna, at sa halip ay ang dalawang bata ang gagawa ng gulo para sa kanya! Nang maisip lang niya an
Sa sumunod na sandali, natawa siya, "Tama ka, magkapareho nga kami. Pero mukhang hindi siya katulad ng dati." Napahinga ng malalim si Joshua. "Nagbabago ang tao, nagbago na siya ng tuluyan mula sa babaeng nakilala ko noon." Inangat ni Luna ang kanyang tingin at tinignan si Joshua. "Ano naman ikaw? Ikaw pa rin ba ang lalake ngayon tulad noon?" Huminto si Joshua, saka tumawa, "Hindi mo pa ako kilala noon." Napangiti si Luna. "Totoo iyon." Alam na alam niya kung anong klase siyang lalake noon, kaysa sa ibang tao. At muling natahimik ang paligid ng restawran. Nang makatapos silang pareho na kumain, pareho silang binabagabag ng kanilang mga isipan, tumigil na ang malakas na ulan. Ang sariwa, at amoy ng basang lupa ang nangingibabaw sa hangin. Marahil ay dahil sa magkasama silang nagsasaya kasama ng mga bata buong araw, napakakalmado ng pakiramdam ni Joshua. Oyon ang dahilan kung bakit pagkatapos ng hapunan, inimbitahan niya si Luna sa may bubong para tingnan ang buwan. Sa
Kapag binuksan lang niya ang pintuan na ito at nahuli sila sa akto, mawawalan na ng tiyansa sila Luna at Joshua na muling magkabalikan!Pero…Kapag ginawa niya talaga ang bagay na iyon, pipiliin ba ni Luna na pareho na lang silang mamatay at ibunyag ang tunay niyang pagkatao? Ilang buwan pa lang nakakalipas nung nakulong si Dennis at wala pa siyang nakukuhang kahit na ano sa Lynch Group. Kapag nabunyag ang kanyang pagkatao sa puntong ito, hindi lang siya, pati ang buong Walter family ang mawawalan!At nung naisip niya iyon, ang tanging nagawa lang niya ay pigilan ang umaapaw na galit sa kanyang dibdib, hinila palabas ang susi, at bumalik na lang sa katabing kwarto. Ang pader ng hotel ay soundproof, kaya kahit na umupo siya sa tabi na kung nasaan ang kwarto ni Joshua, hindi niya naririnig ang kahit na anong tunog na nagmula sa kwarto niya. Pero hindi porket hindi niya naririnig ang mga ito ay hindi ibig sabihin ay wala sila doon. Tinignan ni Alice ang balita sa kanyang phone sa
Huminto ang dugo sa mga ugat ni Luna sa tunog ng boses ng lalaki. Lumingon siya. Nakatayo si Joshua sa pintuan, madilim ang kanyang ekspresyon, nakataas ang kanyang kamay, at hinaharangan ang daan ni Theo. Sa tabi niya, nakatingin si Alice sa direksyon ni Luna nang may ngiti sa kanyang mukha. Nang makita niya siyang lumingon, pinalaki ni Alice ang mga mata niya para magmukhang nagulat. "Kagabi, sina Luna at Mr. Allen ay…" Habang nagsalita siya, nilampasan pa niya si Theo at pumunta sa tabi ng kama ni Luna, pinulot ang jacket niya mula sa lapag, at nilagay ito sa kanyang mga balikat, "Paanong punit-punit ang mga damit mo? Isang eleganteng artist si Mr. Allen, bakit hindi siya malumanay pagdating sa ganitong bagay?" Naningkit ang mga mata ni Luna. Nang yumuko si Alice para ilagay ang jacket sa balikat niya, hininaan niya ang boses niya at bumulong, "Ginawa mo to?" Ngumiti ang mga labi ni Alice. "Hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo." Pagkatapos nito, humakbang siya paatra
Na para bang nabasa niya ang iniisip niya, malamig na tumawa si Joshua. "Kalimutan mo na yan. Maagap na bara si Neil, umalis na siya kasama ni Nellie sampung minuto ang nakakaraan." Maraming emosyon ang lumitaw sa mukha ni Luna, mula sa kaba at panlulumo, at sa huli ay kawalan ng pag-asa. Hindi lang niya nalampasan ang pagkakataon na ihatid ang mga bata sa airport… Hindi pa niya maipaliwanag ang nangyayari sa pagitan nila ni Theo. "Ang sabi ko, hindi kami nasa ganoong klase ng relasyon ni Luna!" Kumunot ang noo ni Theo. "Mali kayo ng iniisip!" "Paano kaming magkakamali?" Nang paulit-ulit na pinipilit ni Theo na wala siyang kinalaman kay Luna, nagsalubong na ang mga kilay ni Joshua at tinignan silang dalawa ni Luna nang walang pakialam. "Ang sabi mo walang nangyari sa inyong dalawa, pero paano ninyo ipapaliwanag ang lahat ng nasa kwartong to?" Sa loob ng kwarto, hindi lang ang buong kama ang magulo, ang mga damit ni Luna ay nakakalat sa carpet. Ang kanyang sapatos, bag, j
"Yung marka sa leeg ng asawa ko… syempre ako ang may gawa nito." Arogante pa ring nakayakap si Alice sa dibdib ni Joshua at mapagmataas na nakatingin kay Luna. "Kung hindi ako, wag mong sabihing ikaw ang may gawa nito?" Ngumiti si Luna, inangat ang mga mata niya, at tinignan ang malamig si Joshua. "Mr. Lynch, sa tingin mo rin ba ang asawa mo ang nag-iwan nito sa'yo?" Kaagad na nagdilim ang ekspresyon ni Joshua. Naaalala niya kung saan nanggaling ang marka sa leeg niya. Kagabi, pinagmamasdan niya ang mga bituin kasama ni Luna sa bubong. Lasing siya at sa kung anong dahilan ay nagsimula silang maghalikan. Naalala niyang matagal silang naghalikan; nag-iwan pa nga ng marka si Luna sa kanyang leeg. Hindi nagtagal, nanaig ang alak sa utak niya at nanlabo ang kanyang isipan. Ngunit bahagya niyang naaalala na nakipagtalik siya sa isang babae. Akala niya ay kasama niya si Luna buong gabi, pero hindi niya inaasahang paggising niya ng umaga, ang babaeng nasa tabi niya ay si Alice! Nag
Naningkit ang kanyang mga mata. "Isa kang empleyado ng Lynch Group! Kapag kumakalat ng balita na makalat ang personal mong buhay, masisira ang reputasyon ng Group!" Tumawa ulit si Luna. "Mr. Lynch, kayong dalawa lang ni Mrs. Lynch ang nakakaalam sa bagay na to. Kung hindi niyo ito sasabihin sa kahit na sino, paanong maaapektuhan ng magulo kong personal na buhay ang reputasyon ng Group?" Pagkatapos nito, nilipat niya ang kanyang tingin kay Alice. "Mrs. Lynch, sa tingin mo ba tama ako?" "Syempre, syempre." Mabilis na sumagot si Alice, pero suminghal siya mula sa loob niya. Kagaya ng inaasahan kay Luna. Kahit na sa ganitong oras, naalala pa niyang patahimikin ang bibig niya gamit ng mga ganitong salita. Sa sandaling lumabas ang mga salita sa bibig ni Alice, bahagyang umatras si Luna at malamig na tinignan si Joshua. "Mr. Lynch, hindi ka pa ba aalis? Gusto mo bang manatili rito at ipagpatuloy na pag-usapan natin ang corporate culture ng Lynch Group… O gusto mong ipagpatuloy n
“Theo.”Nang hawak na ni Theo ang hawakan ng pinto, kumunot ang noo ni Luna at tinawag siya, "Wag kang umalis."Kumunot ang noo ni Theo, lumingon, at tumingin sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pagtataka. "Bakit hindi? Ginawa niya sa'yo ang lahat ng yun kagabi, pagkatapos dinala niya ako rito, tapos pinagmukha niyang may relasyon tayo! Dahil nag-aalala siya na baka malaman ng asawa niya! Ang isang lalaking kagaya niya, dapat natin siyang mabisto sa harap ng asawa niya at sirain ang imahe niya!" "Anong magagawang mabuti nun para sa'tin?" Pinikit ni Luna ang mga mata niya at malapit na ngumiti. Noon, masyadong minahal ni Hailey si Joshua na handa ka siyang magparetoke para maging kamukha ng taong pinakakinamumuhian niya… Ginawa niya ang lahat ng iyon para makasama si Joshua. Iyon ang dahilan kung bakit kahit malaman ni Alice ang nangyari sa pagitan nina Luna at Joshua, walang magbabago. Hindi niya siya iiwanan, ang mangyayari ay magpapaawa siya kay Joshua para damayan siya. Wala itong