Matagal na niyakap ni John si Anne bago siya bumalik sa pagiging kalmado. Hinalikan niya ito sa noo at hinawakan niya ng malambing ang mukha nito. “Matulog na tayo? Gagawa ako ng isang baso ng maligamgam na gatas para sayo kung hindi ka makatulog.”Tumango si Anne.Pagkatapos, ngumiti si John at hinalikan niya ulit si Anne bago siya umalis ng kwarto.Madilim ang sala, ibig sabihin ay tulog na si Robyn.Binuksan ni John ang ilaw, pagkatapos ay naglakad siya patungo sa kusina at kinuha niya ang karton ng gatas at pinainit niya ang isang tasa ng gatas.Bumalik siya sa bedroom dala ang tasa ni Anne, nakita niya na nakatitig si Anne sa apartment building sa labas ng bintana.Sa sandaling ito, ang buong gusali ay puno ng ilaw at puno ng sigla. May mga kotse na nakapark sa labas ng gusali at maraming mga lalaking nakasuot ng itim ang pumasok sa gusali na para bang may hinahanap sila.Kumunot ang noo ni John. “Mga pulis ba ‘yun?”Hindi mukhang mga pulis ang mga lalaking ‘yun, pero kung
Nabigla si Anne nang marinig niya ang ideya ni John.Makalipas ang ilang sandali, nagbuntong hininga siya at tumango siya.“Sige. Aalis na ako ngayon.” Nagbuntong hininga si John at kinuha niya ang tasang walang laman mula kay Anne. “Alam ko na wala tayong pakialam sa sampung libong dolyar noon, pero…”Nagbago na ang sitwasyon nila.Ang 10,000 dollars ay higit na para sa mga bayarin nila ng tatlong buwan at para mabawasan ang problema nila sa pera. Gusto niyang gawin ang lahat para makuha niya ang pera na ito.Tumingin si Anne sa kanya ng malungkot.Yumakap si Anne sa katawan ni John at hinalikan niya ang pisngi nito. Sa huli, tumitig siya kay John, na para bang sinasabi nito sa kanya na susuportahan siya nito kahit ano ang mangyari.Kahit na hindi nakakapagsalita si Anne, soulmates sila at naiintindihan nila ang isa’t isa mula sa isang tingin lang. Kaya naman, naiintindihan ni John kung ano ang gustong sabihin sa kanya ni Anne.Tumango siya bago siya lumabas ng kwarto at sinar
Ang dating bersyon ni John ay mahihimatay kapag tinutukan siya ng baril, ngunit dahil muntik na mawala sa kanya si Anne at dahil may pinatay na siyang tao, hindi na siya natatakot na tutukan siya ng baril.Tumitig siya sa lalaking may hawak ng baril. “Nandito lang ako para sa pera.”Kumunot ang noo ng lalaki at tinanong niya, “Anong pera?”Tumuro si John sa maliwanag na gusali sa labas ng bintana. “Kung tama ang hula ko, nandito ang lahat ng mga taong ‘yun para sa inyo.”Kumunot ang noo ng lalaki. “Tama ka.”Napansin nila ang kaguluhang ito.Sa kasamaang palad, hindi sila nakatanggap ng utos mula kay Tyson para umalis, at kahit na gusto nila, napapalibutan sila at wala silang chansa para tumakas.Nag iisip sila ng pwede nilang gawin, at ang lalaking ito ay nagkataon na pumasok. Syempre, agad silang maghihinala sa mga motibo niya.“Ano ang ginagawa niyo dito?”Nagbuntong hininga si John at tumuro siya sa apartment building niya. “Nakatira ako sa kabilang kanto. Nabalitaan namin
“Pwede ko kayong tulungan na tumakas!” Ang sabi ni John nang ipuputok na ng lalaki ang baril. “Pwede ko kayong tulungan!”Kumunot ang noo ng lalaki at inalis niya ang baril sa noo ni John. “Ano ang meron ka?”Huminga ng malalim si John at sinabi niya ng may mahinang boses, “Sir, nakalimutan niyo na ba ang sinabi ko? Kung sino man ang naghahanap sa inyo ngayon ay nagbibigay ng sampung libong dolyar sa bawat tao na kinakatok nila.“Maraming mga tenant sa gusali na ito maliban sa inyo, at kung nag hiwa-hiwalay kayo at pumasok kayo sa ibang bakanteng unit, iisipin nila na mga tenant kayo. Hindi lang sa magiging ligtas kayo, makukuha niyo rin ang pera.“Maraming ibang tao na tulad ko na pumasok para lang makuha ang pera. Kapag nagpanggap kayo ng mabuti, sigurado ako na walang makakapansin!”Pagkatapos, tumingin si John sa mga lalaki sa kwarto at idinagdag niya, “Sir, pasensya na sa sasabihin ko, pero wala kayong laban sa mga tao sa labas. May dose-dosenang mga tao sila na naghahanap sa
“Sa tingin mo ba talaga ay isa akong espiya?” Kinamot ni John ang ulo niya. “Nandito lang ako para sa pera, pero nagkataon na nakasalubong ko kayo. Ngayon at nandito na ako, hindi lang sa hindi ko makukuha ang pera ko, mamamatay din ako. Ang gusto ko lang ay ang masigurado na makalabas ako ng buhay sa pagtulong ko sa inyo.”Tumitig si Scarface sa kanya ng matagal bago ulit sumingkit ang kanyang mga mata. “Sigurado ka ba?”“Sigurado ako.” Ngumiti si John. “Tulad ng lahat ng nasa kwartong ito, gusto kong mabuhay.”“Kung hindi kayo nakinig sa payo ko, at nahanap tayo ng mga taong ‘yun…”Hindi tinapos ni John ang kanyang pangungusap; ang lahat ng nasa kwarto ay alam kung ano ang mangyayari kapag natagpuan sila.Ang isa sa mga lalaki ay tumayo mula sa kama. “Gawin na natin ang sinasabi niya, Scarface. Maghihiwalay tayo at hahanap tayo ng unit na tataguan natin. Isang laro ng swerte na lang ito simula ngayon. Kapag natuklasan tayo, hindi natin pwedeng sabihin ang tungkol sa iba.”“Mas
“Sir,” Ang sabi ni John. “Hindi ko inaasahan na isa kayong tapat na kaibigan.”Tumingin ng masama si Scarface sa kanya. “‘Wag mo akong kausapin. Isa kang tuso. Alam ko na kinakausap mo lang ako dahil sinusubukan mong tumakas. Ito ang sasabihin ko sayo; wala kang chansa.”Dahil pinili niya na isakripisyo ang sarili niya at naiwan siya kasama ang mga hostage, determinado siya na hindi na siya maloloko ng lalaking ito.Lumubog ang puso ni John. “Sir, hindi ko balak tumakas. Gusto ko lang kayong kausapin, ‘yun lang.”Ngumisi si Scarface. “Kung malungkot ka, pwede mong kausapin ang matandang lalaki sa tabi mo. Matagal na siyang nandito at wala siyang kausap. Baka pwede kayong maging magkaibigan at samahan niyo ang isa’t isa kapag pumunta kayo sa langit!”Kinilabutan si John sa mga sinabi ni Scarface. May sasabihin pa sana siya, ngunit tinutukan siya ng baril ni Scarface. “Tumahimik ka, kung hindi ay babarilin kita.”Huminto si John at nagdesisyon siya na ‘wag nang abalahin ang lalaki.
Natakot si John at hindi na siya nagsalita pa. Sa halip, nagbuntong hininga siya.Mamamatay na ba siya dito?Hindi niya pa ulit naririnig na magsalita si Anne. Hindi niya pa napapanood na lumaki ang magandang anak niya o makita na magpakasal ang kapatid niya…Pumikit siya.Ginawa niya na ang lahat para magpanggap na patay na si Anne upang makatakas siya sa Banyan City papunta sa isang lugar kung saan walang makakahanap sa kanila.Akala niya ay mabibigyan niya na ang buhay na gusto ni Anne at maprotektahan ito mula sa panganib, ngunit nahuli siya ngayon, dahil lang sa pangako na 10,000 dollars. Hindi niya maisip kung ano ang mararamdaman nila Robyn at Anne kapag nabalitaan nila ang tungkol dito.Mabibigla ba si Anne sa balita ng pagkamatay ni John at makakapagsalita na siya ulit?Kung nangyari ito, baka may saysay ang pagkamatay ni John…Biglang lumingon si Scarface para tumingin ng malamig kay Andy at sinabi niya, “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”Nabigla sina Andy at Joh
Nabigla si Scarface at ang lalaki sa labas ng pinto.Tumitig ng may malaking mga mata si John sa lalaking nasa tabi niya.Walang hiya siya! Gusto niya bang mamatay?!Naiintindihan ni John na ang matandang lalaki ay sabik na makita ang isang taong magliligtas sa kanya pagkatapos makidnap ng matagal, ngunit hindi ito ang tamang oras para gawin ito!“Lintik!” Agad na tumalikod si Scarface at bumaril siya sa ulo ni Andy.Makalipas ang ilang saglit, may umungol sa sakit, kasunod nito ang amoy ng nasusunog na balat na may halong dugo.Ang lalaking nasa labas ng pinto ay tinulak si Scarface papunta sa sahig. “‘Wag kang kumilos!”Ang mga lalaki ay pumasok sa kwarto at binuksan ang mga ilaw.Napagtanto nila na hindi lang si Andy ang nasa kwarto. Katabi niya ay isang lalaki na dumudugo dahil nabaril ito sa kanyang balikat.Samantala, si Andy ay takot na takot. Kumapit siya sa braso ni John at sinabi niya, “Ayos ka lang ba? Iho! Buhay ka pa ba?”“Hindi pa ako patay.” Kumunot ang noo ni