“Sa tingin mo ba talaga ay isa akong espiya?” Kinamot ni John ang ulo niya. “Nandito lang ako para sa pera, pero nagkataon na nakasalubong ko kayo. Ngayon at nandito na ako, hindi lang sa hindi ko makukuha ang pera ko, mamamatay din ako. Ang gusto ko lang ay ang masigurado na makalabas ako ng buhay sa pagtulong ko sa inyo.”Tumitig si Scarface sa kanya ng matagal bago ulit sumingkit ang kanyang mga mata. “Sigurado ka ba?”“Sigurado ako.” Ngumiti si John. “Tulad ng lahat ng nasa kwartong ito, gusto kong mabuhay.”“Kung hindi kayo nakinig sa payo ko, at nahanap tayo ng mga taong ‘yun…”Hindi tinapos ni John ang kanyang pangungusap; ang lahat ng nasa kwarto ay alam kung ano ang mangyayari kapag natagpuan sila.Ang isa sa mga lalaki ay tumayo mula sa kama. “Gawin na natin ang sinasabi niya, Scarface. Maghihiwalay tayo at hahanap tayo ng unit na tataguan natin. Isang laro ng swerte na lang ito simula ngayon. Kapag natuklasan tayo, hindi natin pwedeng sabihin ang tungkol sa iba.”“Mas
“Sir,” Ang sabi ni John. “Hindi ko inaasahan na isa kayong tapat na kaibigan.”Tumingin ng masama si Scarface sa kanya. “‘Wag mo akong kausapin. Isa kang tuso. Alam ko na kinakausap mo lang ako dahil sinusubukan mong tumakas. Ito ang sasabihin ko sayo; wala kang chansa.”Dahil pinili niya na isakripisyo ang sarili niya at naiwan siya kasama ang mga hostage, determinado siya na hindi na siya maloloko ng lalaking ito.Lumubog ang puso ni John. “Sir, hindi ko balak tumakas. Gusto ko lang kayong kausapin, ‘yun lang.”Ngumisi si Scarface. “Kung malungkot ka, pwede mong kausapin ang matandang lalaki sa tabi mo. Matagal na siyang nandito at wala siyang kausap. Baka pwede kayong maging magkaibigan at samahan niyo ang isa’t isa kapag pumunta kayo sa langit!”Kinilabutan si John sa mga sinabi ni Scarface. May sasabihin pa sana siya, ngunit tinutukan siya ng baril ni Scarface. “Tumahimik ka, kung hindi ay babarilin kita.”Huminto si John at nagdesisyon siya na ‘wag nang abalahin ang lalaki.
Natakot si John at hindi na siya nagsalita pa. Sa halip, nagbuntong hininga siya.Mamamatay na ba siya dito?Hindi niya pa ulit naririnig na magsalita si Anne. Hindi niya pa napapanood na lumaki ang magandang anak niya o makita na magpakasal ang kapatid niya…Pumikit siya.Ginawa niya na ang lahat para magpanggap na patay na si Anne upang makatakas siya sa Banyan City papunta sa isang lugar kung saan walang makakahanap sa kanila.Akala niya ay mabibigyan niya na ang buhay na gusto ni Anne at maprotektahan ito mula sa panganib, ngunit nahuli siya ngayon, dahil lang sa pangako na 10,000 dollars. Hindi niya maisip kung ano ang mararamdaman nila Robyn at Anne kapag nabalitaan nila ang tungkol dito.Mabibigla ba si Anne sa balita ng pagkamatay ni John at makakapagsalita na siya ulit?Kung nangyari ito, baka may saysay ang pagkamatay ni John…Biglang lumingon si Scarface para tumingin ng malamig kay Andy at sinabi niya, “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”Nabigla sina Andy at Joh
Nabigla si Scarface at ang lalaki sa labas ng pinto.Tumitig ng may malaking mga mata si John sa lalaking nasa tabi niya.Walang hiya siya! Gusto niya bang mamatay?!Naiintindihan ni John na ang matandang lalaki ay sabik na makita ang isang taong magliligtas sa kanya pagkatapos makidnap ng matagal, ngunit hindi ito ang tamang oras para gawin ito!“Lintik!” Agad na tumalikod si Scarface at bumaril siya sa ulo ni Andy.Makalipas ang ilang saglit, may umungol sa sakit, kasunod nito ang amoy ng nasusunog na balat na may halong dugo.Ang lalaking nasa labas ng pinto ay tinulak si Scarface papunta sa sahig. “‘Wag kang kumilos!”Ang mga lalaki ay pumasok sa kwarto at binuksan ang mga ilaw.Napagtanto nila na hindi lang si Andy ang nasa kwarto. Katabi niya ay isang lalaki na dumudugo dahil nabaril ito sa kanyang balikat.Samantala, si Andy ay takot na takot. Kumapit siya sa braso ni John at sinabi niya, “Ayos ka lang ba? Iho! Buhay ka pa ba?”“Hindi pa ako patay.” Kumunot ang noo ni
“Kilala? Matagal na…” Nagbuntong hininga si Joshua, pagkatapos ay lumuhod siya para tumingin sa sugat ni John. “Ano ang nangyari?”Bago pa may makasagot, nagbuntong hininga si Andy. Sa tulong ni Gwen, mabagal siyang tumayo mula sa sahig. “Kasalanan ko ang lahat. Pumayag na kami sa isang plano para tumakas, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na sumigaw noong nakita ko na pumunta ang mga taong ito para iligtas ako.”“Tinutok ng kidnapper ang baril niya para patayin ako, pero…”Tumingin siya ng malungkot kay John na siyang walang malay na nakahiga sa sahig. “Ang lalaking ito ay prinotektahan ako. Hindi ako nasaktan, pero siya ang nasaktan sa huli…”Pagkatapos, lumingon si Andy para tumitig kay Gwen. “Kasalanan ko ang lahat ng ito. Hindi lang sa nadamay ko kayong lahat dito… nasaktan ko pa ang kawawang inosenteng lalaking ito.”Tumulo ang luha ni Gwen nang marinig niya ito. “Hindi niyo ito kasalanan, tatay. Para naman ka John…”Suminghot siya at may sasabihin sana siya nang magsal
Kumunot ang noo ni Joshua. “Tingnan natin.”Simula noong namatay si Anne, napuno ng konsensya si Luna kay John at naging sensitibo siya sa kahit anong balita tungkol sa kinaroroonan ni John. Ito ang rason kung bakit pinili niya na sumama kay Joshua sa Sharnwick City. Umaasa siya na makita sina John at Sammie.Kapag natuklasan ni Luna ang tungkol sa sugat ni John, hindi niya makokontrol ang sarili niya at baka may gawin siyang hindi rasyonal.Hindi balak ni Joshua na makialam sa buhay ni John dito sa Sharnwick City, at kapag natuklasan ni John na nandito sila para silipin siya, sasama ang loob ni John at baka magalit pa siya kay Joshua sa hindi pagtupad ng pangako nila.“Baka dapat natin sabihin kay Luna kapag naging mabuti na ang sitwasyon ni John,” Ang mungkahi ni Luke.Tinanggap ni Gwen ang sagot na ito, tumalikod siya, at tinulungan niya bumaba ng hagdan ang tatay niya.Ang ambulansya ay mabilis na umandar patungo sa pinakamalapit na hospital kasama ang dalawang biktima, malak
Binagsak ni Luna ang phone, naglakad siya palabas ng hotel, at tumawag siya ng taxi papunta sa hospital.Galit na galit siya habang nasa biyahe, hindi niya maintindihan ang pananaw ni Joshua. Isang workaholic lang ba talaga si Joshua, o pinili niyo na hindi alagaan ang kalusugan niya?Wala siyang oras magpahinga, ngunit pinili niyang tulungan si Tara—isang pinsan na hindi niya kadugo—sa ‘problema’ nito.Hindi makapaniwala si Luna sa lalaking ito. May apat na anak si Joshua na dapat nitong alagaan, ngunit patuloy siya sa hindi pag alaga ng sariling kalusugan niya. Ano ang mangyayari kapag nagkasakit siya? Kaya niya bang alagaan ang limang tao?Bukod pa dito, isang problema kung ginawa niya ito, ngunit isa pang problema kung hindi niya sinabihan sa sitwasyon o at least ay sinabihan siya na hindi siya uuwi.Kung hindi tumawag si Luna kay Joshua, wala siyang alam tungkol sa nangyayari.Tama si Bonnie tungkol sa mga lalaki; hindi ito gagawin ni Joshua dati!Habang iniisip ito ni Luna
Nabaril?Napahinto si Luna nang marinig niya ito habang nakatitig siya sa babaeng nasa likod niya.Napagtanto ni Robyn kung ano ang sinabi niya ngunit hindi na siya nag abala na magpaliwanag, kaya ngumiti siya at sinabi niya, “Ayos lang siya. Nasugat lang siya.”Tinikom ni Luna ang mga labi niya at hindi na siya nagtanong tungkol dito. Sa halip, kinuha niya ang food container at binigay niya ito kay Robyn.Sa huli, binigay niya ang number niya kay Robyn at sinabi niya, “Ito ang number ko. Kung kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang ako.”Nabigla si Robyn nang marinig niya ito. Kahit na hindi niya alam kung sino si Luna, base sa damit na suot nito, alam niya na isang mayaman na babae si Luna.Ang mga mayamang tao ba ay madalas na mabait na tulad niya?Ang karamihan sa mga tao ay hihingi ng tawad at hindi man lang mag aabala na bayaran ang natapong pagkain kapag nabunggo siya ng mga ito. Hindi lang sa bumili ang babaeng ito ng pagkain para sa kanya, nag alok pa ito ng tulong kung