“Gwen!” Tumunog ang nag aalalang boses ni Luna sa buong bahay. “Ayos ka lang ba?” Kakarating lang nila ni Joshua nang marinig nila ang sigaw ni Gwen, at agad siyang sumugod sa bahay ng hindi man lang naghihintay para sumunod ang iba. Naramdaman ni Gwen na nagrelax ang buong katawan niya nang marinig niya ang boses ni Luna. Habang lumalabo ang paningin niya, nakita niya na tumatakbo papunta sa kanya sina Joshua at Luna. “Luna!” Sa huli, pumikit siya at nawalan siya ng malay. Nang gumising na siya, nakatali na si Ben at nakaluhod sa harap niya. “Gwennie.” Nagbigay ng isang baso ng tubig si Luna nang mapansin niya na gumigising na si Gwen, “Ayos ka lang ba?” Ang malamig na tubig ay nagpaginhawa ng magaspang na lalamunan ni Gwen. Pumikit siya at huminga siya ng maluwag, pagkatapos ay tumingin siya kay Luna. “Dumating ka sa oras.” “Huli pa rin tayo,” Nagbuntong hininga si Luna at binigay niya ang baso kay Joshua, na siyang nilagay ang baso sa mesa sa tabi niya, “Kung dumating
“Ano ngayon?” Ngumisi si Ben kay Luna at sumagot siya ng malamig, “Ano ang makukuha mo kung mabait ka? Tingnan mo kung ano ang pinagdaanan ni Luke dahil sa p*ta na ito?” “Kung hindi ako nakipaghiwalay sa kanya, pinilit niya na rin sana ako na ibigay ako puso ko sa kanya! Hindi ako magiging tanga na tulad ni Luke. Siya ang leader ng mga gang sa dalawang bayan! Paano siya naging isang tanga para isakripisyo ang buhay niya para sa isang babae? Kalokohan!” Pagkatapos, tumingin siya sa maputlang mukha ni Gwen at sinabi niya, “Luna, sinabi mo na kaya mo siyang protektahan ng habang buhay, pero sigurado ka ba na kaya mo ‘yun? Kahit si Luke ay hindi ‘yun kayang gawin!” “Babalik din kayo ni Joshua sa buhay niyo, at siguradong hindi kayo magpapalipas ng habang buhay sa pagprotekta sa kanya! Ang tanging solusyon ay ang bumalik sa buhay si Luke at buhayin ang dating gang para mapabagsak si Tyson, pero alam nating lahat na imposible ito! Basta’t nandito sina Tyson at Winson, hindi sila titigi
Kumunot ang noo ni Gwen at gusto niya pang magtanong, pero pinigilan siya ni Luna. Kumindat siya kay Gwen at sinabi niya, “‘Wag mo siyang pansinin. Gusto niya lagi na magmukhang misteryoso.”Pagkatapos, hinila niya ng mahina si Gwen at nilagay niya ang ulo niya sa balikat nito. “Pagod ka ba? Gusto mo bang magpahinga?”Tumango si Gwen at sumandal ang ulo niya sa balikat ni Luna. Pisikal na pagod na pagod siya mula sa pakikipaglaban kanina kay Ben kanina, at dahil dito ay nakatulog agad siya.Gayunpaman, sa kanyang tulog, nagawa niya pa rin na marinig ang pag uusap nila Luna at Joshua.“Hindi mo sila matawagan?”“Tama. Nawala ang koneksyon nila sa labas na mundo. Kung saan nila tinago si Andy, siguradong tago ito at mahirap mahanap.”“Ibig bang sabihin nito ay ang magagawa lang natin ay ang maghintay na tawagan nila tayo?”“Tama, pero ‘wag kang mag alala. Kapag dumating na tayo doon, aasikasuhin ni Tara na tumulong ang pamilya Moore, at sigurado ako na mahahanap natin sila agad.”
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito at tumango siya ng medyo hindi natutuwa. “Oo, siya nga.” “Ang pangalan mo ay Gwen, hindi ba?” Ngumiti si Tara at tinaas niya ang kamay niya patungo kay Gwen. “Nice to meet you. Ang pangalan ko ay Tara Moore, at pinsan ako ni Joshua.” “Pero, hindi kami magkadugo. Inampon ako.” Sa hindi malamang rason, hindi mapigilan ni Gwen na isipin na peke ang ngiti ni Tara. Hindi niya maintindihan kung bakit sinasadya na banggitin ni Tara na hindi sila magkadugo ni Joshua. Ito ay para bang hindi ito sinasabi ni Tara ng basta basta, ito ay parang ipinagmamalaki niya ito. Ano ang kailangan ipagmalaki tungkol dito? Hindi ito maintindihan ni Gwen. Gayunpaman, kahit na nalilito siya, ngumiti pa rin siya at kinamayan niya si Tara. “Nice to meet you, Tara. Kaibigan ako ni Luna, ang pangalan ko ay Gwen Larson.” “Alam ko na ang pangalan mo ay Gwen Larson.” Ngumiti si Tara at tumingin siya sa buong katawan ni Luna. “Ikaw ang bestfriend ni luna, kaya
Nawala ang ngiti sa mukha ni Tara. Tumingin siya ng nahihiya kay Joshua, pagkatapos ay umubo siya ng awkward. “Well. hindi naman ako gutom. Gusto ko lang malaman kung gutom kayo. Kung walang may gusto sa inyo na kumain, hindi natin kailangan umalis. Gusto niyo bang ihatid ko kayong lahat sa hotel ngayon?” “Hindi na kailangan.” Tumawa si Gwen habang tumingin siya kay Tara. “Kaya na namin. Hindi mo na kailangan mag abala, Ms. Moore.” Tumango si Luna, pagkatapos ay ngumiti siya kay Joshua. “Hindi ba’t nandito ka para tumulong kay Joshua sa business niya? Ngayon at dumating siya dito sa oras na dumating tayo, ibig sabihin ay may mahalagang bagay na kailangan ng tulong mo. Bakit hindi ka sumunod sa kanya pabalik ng opisina habang kami ni Gwen ay didiretso sa hotel?” Tila natuwa si Tara nang marinig niya ito. “Magandang ideya ito!” Pagkatapos, hindi niya mapigilan na sabihin, “Open-minded ka talaga, Luna! Kung ibang tao lang ito, mali ang magiging pagkakaintindi nila at iisipin nila
Ang mga pekeng luha sa mga mata ni Tara ay ang pinakamahalagang parte ng perpektong kasinungalingan niya. Hindi mapigilan ni Gwen na kumunot ang kanyang noo nang marinig niya ito. Walang duda na isang gwapong lalaki si Joshua, at bilang kaibigan ni Luna, nasaksihan ni Gwen ang maraming mga babae na nagkakandarapa kay Joshua sa mga nakalipas na taon. Gayunpaman, si Tara ang isa sa pinaka tuso at matalas na babae na nakilala niya. Napatingin si Gwen kay Joshua, pagkatapos ay tumingin siya kay Luna. Sa ikinagulat niya, nakatitig din si Luna kay Joshua ng may nakakatawang ekspresyon. Huminto ng sandali si Gwen, pagkatapos ay lumapit siya kay Luna at bumulong siya, “Halata na inaagaw ng babaeng ito ay ang asawa mo. Bakit kalmado ka lang?” Nagkibit balikat si Luna ng nakangiti. “Kung madali siyang mahuhulog sa patibong ni Tara, nas mabuti nang mawala sa akin si Joshua.” “Dahil nangako si Joshua na siya na ang bahala sa lahat ng ito, hahayaan ko na siya na ang umasikaso dito. Ka
Lumaki ang mga mata ni Tara sa gulat, at tumulo ang luha sa kanyang mga pisngi. “Joshua… Hindi ito ang intensyon ko… Ako ay…” “Tama na.” Si Luna, na nanonood lang ng tahimik, ay sumingit na rin sa huli. “Ms. Moore, sa tingin ko ay dapat ka nang bumalik ngayon. Kakain tayo ng lunch o dinner pagdating ng panahon kapag nakapag pahinga na kami.” “Pero, gusto kong seryosohin mo ang payo ni Joshua. Ang trabaho mo lagi ang dapat maging unang prayoridad mo.” Si Tara, na siyang masama ang loob dahil sa istrikto siyang pinagsabihan ni Joshua, ay hindi mapigilan na ngumisi nang marinig ito. “Alam ko! Salamat sa pagtuturo sa akin ng leksyon, Luna.” Pagkatapos, hindi niya mapigilan na sabihin, “Pero, sana ay maging maunawain ka kapag humingi ako ng tulong kay Joshua sa susunod, Luna. Sana ay hindi masira ang relasyon natin dahil sa pagseselos mo.” Maamo ang ngiti ni Luna nang sumagot siya, “Bakit ako magseselos kung may meeting kayo tungkol sa trabaho? Ang dapat ko lang ipag alala ay ang
Hindi nagtagal, dumating sila sa hotel na binook ni Lucas para sa kanila. Bumaba ng kotse sina Luna at Gwen sa oras na huminto ito. Tumawa si Joshua habang sumunod siya sa dalawang nag uusap na babae papasok sa hotel, dala nila ang mga suitcase nila sa likod niya. Kahit na inayos na nila ang mga gamit nila, nag uusap pa rin sina Luna at Gwen. Matagal silang nalayo sa isa’t isa at namiss nila ang isa’t isa. Kahit na nag uusap sila sa phone, walang tatalo sa pagkikita nila ng personal. Ito ang katotohanan tungkol sa relasyon sa pagitan ng dalawang mag bestfriend; kaya nilang pag usapan ang lahat ng bagay na pwede. Pagkatapos ng mahabang pag uusap, nakahanap na ng dahilan si Joshua para dalhin si Luna palabas ng kwarto ni Gwen at nagpanggap siya na gusto niyang kausapin si Luna tungkol sa mga plano nila sa Sharnwick City. Hindi alam ni Gwen na nandito si Luna para makita si John, at hindi rin balak ni Luna na sabihin ito kay Gwen. Pagkatapos umalis ni Luna, nakahinga na ng