Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito at tumango siya ng medyo hindi natutuwa. “Oo, siya nga.” “Ang pangalan mo ay Gwen, hindi ba?” Ngumiti si Tara at tinaas niya ang kamay niya patungo kay Gwen. “Nice to meet you. Ang pangalan ko ay Tara Moore, at pinsan ako ni Joshua.” “Pero, hindi kami magkadugo. Inampon ako.” Sa hindi malamang rason, hindi mapigilan ni Gwen na isipin na peke ang ngiti ni Tara. Hindi niya maintindihan kung bakit sinasadya na banggitin ni Tara na hindi sila magkadugo ni Joshua. Ito ay para bang hindi ito sinasabi ni Tara ng basta basta, ito ay parang ipinagmamalaki niya ito. Ano ang kailangan ipagmalaki tungkol dito? Hindi ito maintindihan ni Gwen. Gayunpaman, kahit na nalilito siya, ngumiti pa rin siya at kinamayan niya si Tara. “Nice to meet you, Tara. Kaibigan ako ni Luna, ang pangalan ko ay Gwen Larson.” “Alam ko na ang pangalan mo ay Gwen Larson.” Ngumiti si Tara at tumingin siya sa buong katawan ni Luna. “Ikaw ang bestfriend ni luna, kaya
Nawala ang ngiti sa mukha ni Tara. Tumingin siya ng nahihiya kay Joshua, pagkatapos ay umubo siya ng awkward. “Well. hindi naman ako gutom. Gusto ko lang malaman kung gutom kayo. Kung walang may gusto sa inyo na kumain, hindi natin kailangan umalis. Gusto niyo bang ihatid ko kayong lahat sa hotel ngayon?” “Hindi na kailangan.” Tumawa si Gwen habang tumingin siya kay Tara. “Kaya na namin. Hindi mo na kailangan mag abala, Ms. Moore.” Tumango si Luna, pagkatapos ay ngumiti siya kay Joshua. “Hindi ba’t nandito ka para tumulong kay Joshua sa business niya? Ngayon at dumating siya dito sa oras na dumating tayo, ibig sabihin ay may mahalagang bagay na kailangan ng tulong mo. Bakit hindi ka sumunod sa kanya pabalik ng opisina habang kami ni Gwen ay didiretso sa hotel?” Tila natuwa si Tara nang marinig niya ito. “Magandang ideya ito!” Pagkatapos, hindi niya mapigilan na sabihin, “Open-minded ka talaga, Luna! Kung ibang tao lang ito, mali ang magiging pagkakaintindi nila at iisipin nila
Ang mga pekeng luha sa mga mata ni Tara ay ang pinakamahalagang parte ng perpektong kasinungalingan niya. Hindi mapigilan ni Gwen na kumunot ang kanyang noo nang marinig niya ito. Walang duda na isang gwapong lalaki si Joshua, at bilang kaibigan ni Luna, nasaksihan ni Gwen ang maraming mga babae na nagkakandarapa kay Joshua sa mga nakalipas na taon. Gayunpaman, si Tara ang isa sa pinaka tuso at matalas na babae na nakilala niya. Napatingin si Gwen kay Joshua, pagkatapos ay tumingin siya kay Luna. Sa ikinagulat niya, nakatitig din si Luna kay Joshua ng may nakakatawang ekspresyon. Huminto ng sandali si Gwen, pagkatapos ay lumapit siya kay Luna at bumulong siya, “Halata na inaagaw ng babaeng ito ay ang asawa mo. Bakit kalmado ka lang?” Nagkibit balikat si Luna ng nakangiti. “Kung madali siyang mahuhulog sa patibong ni Tara, nas mabuti nang mawala sa akin si Joshua.” “Dahil nangako si Joshua na siya na ang bahala sa lahat ng ito, hahayaan ko na siya na ang umasikaso dito. Ka
Lumaki ang mga mata ni Tara sa gulat, at tumulo ang luha sa kanyang mga pisngi. “Joshua… Hindi ito ang intensyon ko… Ako ay…” “Tama na.” Si Luna, na nanonood lang ng tahimik, ay sumingit na rin sa huli. “Ms. Moore, sa tingin ko ay dapat ka nang bumalik ngayon. Kakain tayo ng lunch o dinner pagdating ng panahon kapag nakapag pahinga na kami.” “Pero, gusto kong seryosohin mo ang payo ni Joshua. Ang trabaho mo lagi ang dapat maging unang prayoridad mo.” Si Tara, na siyang masama ang loob dahil sa istrikto siyang pinagsabihan ni Joshua, ay hindi mapigilan na ngumisi nang marinig ito. “Alam ko! Salamat sa pagtuturo sa akin ng leksyon, Luna.” Pagkatapos, hindi niya mapigilan na sabihin, “Pero, sana ay maging maunawain ka kapag humingi ako ng tulong kay Joshua sa susunod, Luna. Sana ay hindi masira ang relasyon natin dahil sa pagseselos mo.” Maamo ang ngiti ni Luna nang sumagot siya, “Bakit ako magseselos kung may meeting kayo tungkol sa trabaho? Ang dapat ko lang ipag alala ay ang
Hindi nagtagal, dumating sila sa hotel na binook ni Lucas para sa kanila. Bumaba ng kotse sina Luna at Gwen sa oras na huminto ito. Tumawa si Joshua habang sumunod siya sa dalawang nag uusap na babae papasok sa hotel, dala nila ang mga suitcase nila sa likod niya. Kahit na inayos na nila ang mga gamit nila, nag uusap pa rin sina Luna at Gwen. Matagal silang nalayo sa isa’t isa at namiss nila ang isa’t isa. Kahit na nag uusap sila sa phone, walang tatalo sa pagkikita nila ng personal. Ito ang katotohanan tungkol sa relasyon sa pagitan ng dalawang mag bestfriend; kaya nilang pag usapan ang lahat ng bagay na pwede. Pagkatapos ng mahabang pag uusap, nakahanap na ng dahilan si Joshua para dalhin si Luna palabas ng kwarto ni Gwen at nagpanggap siya na gusto niyang kausapin si Luna tungkol sa mga plano nila sa Sharnwick City. Hindi alam ni Gwen na nandito si Luna para makita si John, at hindi rin balak ni Luna na sabihin ito kay Gwen. Pagkatapos umalis ni Luna, nakahinga na ng
Sumingkit ang mga mata ni Stefan, ngunit tahimik lang siya. Samantala, si Kurt naman ay nataranta. Lumunok siya ng kabado at lumingon siya para tumitig kay Stefan na tila nagtatanong.Ito ang unang beses silang nakita ni Diablo, at walang punto para magsinungaling sa kanila.Hindi kaya’t totoo ang sinasabi niya?Hinuli ba si Gwen ng mga tauhan ni Tyson? Ano ang gagawin nila?Dahil itinabi ni Diablo ang mga phone nila, wala silang paraan para makumpirma ang kaligtasan ni Gwen, at wala rin silang paraan para makausap si Joshua para humingi ng tulong sa paghahanap kay Gwen. Ano ang gagawin nila kapag nahuli si Gwen?Kahit na malakas sina Stefan at Kurt, mahirap para sa kanila na maligtas si Andy mula sa ibang mga guard, paano pa ang isa pang tao. Hindi maisip ni Kurt kung ano ang dapat nilang gawin para makatakas sa sitwasyon na ito.“Bakit tumahimik kayo bigla?” Ang tanong ni Diablo, kumunot ang noo niya nang mapansin niya na tahimik sila.Huminto ng ilang sandali si Kurt at sas
Nabigla sina Kurt at Stefan nang marinig nila ito.Nagkatinginan sila, pareho silang hindi makapaniwala sa kanilang naririnig.Pagkatapos huminto ng ilang sandali, si Stefan ang unang bumalik sa sarili. Ngumisi siya at tinanong niya, “Ganun ba. Hindi ko alam na may ex-husband ang babaeng ‘yun.”“Hindi ‘yun ang pinakamalala!” Gusto pa ni Diablo na magkwento. “Pokpok ang babaeng ‘yun! Dati, ginahasa siya ng maraming lalaki ng sabay sabay…”Nagpatuloy si Diablo, “Ito ang rason kung bakit nakipaghiwalay ang asawa niya sa kanya, naisip ng asawa niya na hindi na siya puro para dito pagkatapos ng nangyari.”“Hindi ko alam kung ano ang meron sa isip ni Luke. Hindi ako makapaniwala na isang tanga siya para mahulog sa isang pokpok at sinakripisyo niya pa ang sarili niya para sa babaeng ‘yun… Sayang.”“Alam mo, hindi sana ako maaawa kay Luke kung nagdesisyon ang babaeng ‘yun na magbago pagkatapos ng pagkamatay ni Luke, pero nitong umaga, noong pinadala ni Boss ang mga tauhan niya, nakikipag
Sa sobrang gulat ni Diablo dito ay hindi man lang siya huminga.Alam niya na seryoso si Stefan; ang dulo ng kutsilyo ay nakadikit sa leeg niya para patunayan ito. Pwedeng hiwain ni Stefan ang leeg niya sa isang maling salita!Habang iniisip ito, kinagat ni Diablo ang labi niya at tumingin siya sa mga mata ni Stefan. “Pre, pag usapan natin ito na parang maayos na mga lalaki…”“Nasaan si Gwen?” Ang malamig na tanong ni Stefan, sumingkit ang kanyang mga mata.“Hi… Hindi ko alam!” Sa puntong ito, takot na takot si Diablo at malapit na siyang umiyak. “Ang alam ko lang ay dadalhin siya sa Sharnwick City ngayong araw… Base sa oras, parating na sila ngayon… Wala akong alam kung ano ang mangyayari sa kanya. Sinabi ni Boss sa akin na tatawagan niya ako bukas…”“Totoo ba ito?” Naghihinala si Stefan at tumaas ang kanyang mga kilay.Naramdaman ni Diablo na maiihi na siya. “Totoo ang sinasabi ko, pre! Pwede mo akong saksakin kung gusto mo, pero totoo ang sinasabi ko!”Nang makita na sigurado