Sa sobrang gulat ni Diablo dito ay hindi man lang siya huminga.Alam niya na seryoso si Stefan; ang dulo ng kutsilyo ay nakadikit sa leeg niya para patunayan ito. Pwedeng hiwain ni Stefan ang leeg niya sa isang maling salita!Habang iniisip ito, kinagat ni Diablo ang labi niya at tumingin siya sa mga mata ni Stefan. “Pre, pag usapan natin ito na parang maayos na mga lalaki…”“Nasaan si Gwen?” Ang malamig na tanong ni Stefan, sumingkit ang kanyang mga mata.“Hi… Hindi ko alam!” Sa puntong ito, takot na takot si Diablo at malapit na siyang umiyak. “Ang alam ko lang ay dadalhin siya sa Sharnwick City ngayong araw… Base sa oras, parating na sila ngayon… Wala akong alam kung ano ang mangyayari sa kanya. Sinabi ni Boss sa akin na tatawagan niya ako bukas…”“Totoo ba ito?” Naghihinala si Stefan at tumaas ang kanyang mga kilay.Naramdaman ni Diablo na maiihi na siya. “Totoo ang sinasabi ko, pre! Pwede mo akong saksakin kung gusto mo, pero totoo ang sinasabi ko!”Nang makita na sigurado
Umiling si Kurt at tumawa siya habang tinaas niya ang mga manggas ng kanyang suot. “Excited lang ako. Matagal na simula nang makita kitang lumaban.”Pagkatapos, tumingin siya sa labas ng bintana, pagkatapos ay tumingin siya sa GPS sa kanyang phone. “Parating na rin tayo, hindi ba?”Tumango si Stefan, pagkatapos ay inutos niya kay Kurt na ipark ang kotse na ninakaw niya kay Diablo sa tabi ng kalsada bago sila pumunta sa hotel.Ang katotohanan, ang hotel na ito ay isang nakakadiring brothel.Sa sandali na lumabas sila ng kotse, narinig nila ang nakakakilabot na sigaw ng isang babae.Sa sandaling ito, naramdaman ni Stefan na tumalon ang kanyang puso.Walang pagdadalawang isip na tumakbo si Stefan papunta sa kwarto kung saan nanggaling ang mga tunog.May isang matangkad na lalaking nakabantay sa pinto. Nang makita niya si Stefan at Kurt, agad niyang piniglan ang mga ito. “Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?”Tumingin si Stefan sa lalaki ng nakakunot ang noo, pagkatapos ay sinunto
“Hindi…”Kahit na ang babae ay nahihilo, alam niya ang nangyayari at na may dumating para iligtas siya.Lumingon siya para tumingin sa lalaking nagligtas sa kanya.Akala niya ay si Ben ito, o isang lalaking nakasiping niya nitong nakaraan.Sa oras na pumasok si Stefan, nagdesisyon ang babae na magbago at papayag pa siyang pakasalan ang lalaking nagligtas sa kanya.Ngunit…Nang lumingon siya para tumingin kay Stefan, ang nakita niya lang ay isang lalaking may suot na mask. Ang tanging bagay na nakikita niya ay ang gwapong panga nito.Kahit na hindi niya makita ang mukha ni Stefan, alam niya na isang gwapong lalaki ito, kahit na may suot na mask.Hindi lang sa gwapo ang lalaki, matapang pa siya at mag isa niyang niligtas ang babae mula sa mga walang hiyang lalaki na dumukot sa kanya.“Sino ka?” Kumunot ang noo ni Stefan, ang mga mata niya ay puno ng gulat. “Nasaan si Gwen?”Lumubog ang puso ng babae dahil dito.Ito ang paliwanag kung bakit nandito si Stefan.Nandito siya para
Kumunot ang noo niya nang marinig niya ito.Makalipas ang ilang sandali, tinakpan niya ang hubad na katawan ng babae gamit ang isang kumot at tumingin siya kay Kurt. “Ihatid mo siya paalis.”Tumango si Kurt, pagkatapos ay binuhat niya ang babaeng nakabalot ng kumot.“Patawad, pero hindi namin kayo hahayaan na kunin siya.” May ilang mga lalaking naging matapang na at hinarap si Stefan. “Inutos sa amin na protektahan siya, at kapag hindi namin siya binantayan at ang matandang ‘yun, papatayin kami ni Tyson!”Bumalik sa sarili ang mga lalaki nang marinig nila ito.Kahit na kung ang babaeng ito ay hindi si Gwen, inutos pa rin ni Tyson na dalhin nila ang babae sa kulungan kung saan makakasama nito si Andy. Kung hinayaan nila na kunin ang babaeng ito, magagalit si Tyson!Habang iniisip ito, ang mga lalaki ay nagsimulang palibutan sina Stefan at Kurt.Kumunot ang noo ni Kurt at bumulong siya, “Boss…”Alam niya na kahit na sila ni Stefan ay may mga sandata, wala pa rin silang laban sa i
Tumahimik ang lahat nang marinig nila ito.Takot silang lahat kay Tyson dahil isa itong malupit na lalaki na hindi titigil sa kahit ano para makuha ang gusto nito.Ngunit iba si Luke. Noong siya ang namumuno, trinato niya ng may respeto ang lahat, kahit ang mga nasa mababang pwesto.Kung pipili sila… walang duda na pipiliin nilang pagsilbihan si Luke!“Boss.” Biglang tumayo ang isang lalaki na tahimik kanina at lumapit siya kay Luke, pagkatapos ay yumuko siya. “Simula noong umalis kayo, napilitan kaming pagsilbihan si Tyson. Kung babalik kayo, sigurado ako na lahat kami ay magbabago ng pinagsisilbihan. Walang kahit sino sa amin ang gusto na mabuhay na parang basura sa buong buhay namin.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig kay Luke. “Papayag ba kayo na bumalik?”Ngumiti si Luke. “Mabuhay na parang basura? Tinutukoy niyo ba ang paraan kung paano niyo trinato ang babaeng ito dahil lang inutusan kayo ni Tyson? Kung hindi ako dumating sa oras, magpapatuloy kayo sa pang aabuso sa k
Nalilito na sinabi ni Gwen kay Stefan ang kinaroroonan niya. “Ano ang problema?”“Hintayin mo ako. Pupunta ako dyan.” Pagkatapos, ibinaba ni Stefan ang phone at tumakbo siya patungo sa kotse.Napahinto si Kurt, pagkatapos ay sumunod siya, karga niya pa rin sa mga braso niya ang babae. Binuksan niya ang pinto ng kotse bago pa buksan ni Stefan ang makina. “Boss, kakainom mo lang kanina. Mas mabuti kung ako na ang magmamaneho.”Kumunot ang noo ni Stefan, bigla niyang naalala na uminom siya ng ilang can ng beer kasama si Diablo noong hinahanap niya ang kinaroroonan ni ‘Gwen’.Sa sobrang balisa niya sa paghahanap kay Gwen ay nakalimutan niya ang tungkol dito.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Stefan at lumabas siya ng kote, pagkatapos ay pumunta siya sa front passenger seat.Binuksan ni Kurt ang pinto at nilagay niya ang babae sa backseat. “Kumapit ka ng mabuti. Magmamaneho ako ng mabilis.”Pagkatapos, umupo siya sa driver’s seat at binuksan niya ang makina, umapak siya sa pe
Nang pumunta si Stefan sa mga elevator, ang lahat ng elevator ay nasa 40th floor. Samantala, si Gwen ay nasa 11th floor.Nang makita niya ang mga numero sa ibabaw ng elevator, mabilis na tumalikod si Stefan at tumakbo siya patungo sa hagdan.Gusto niyang makita si Gwen sa madaling panahon!Noong mabalitaan niya mula kay Diablo na nahuli si Gwen at ang mangyayari dito, isinugal niya ang lahat para hanapin agad si Gwen. Nang makita niya ang mga lalaki at isang babae sa loob ng kwarto, halos mawala siya sa sarili dahil sa galit, iniisip niya na si Gwen ang ginagahasa nila.Kahit na gumaan ang loob niya nang malaman niya na nakuha nila ang maling babae, gusto niya pa rin hanapin si Gwen sa madaling panahon.Alam niya na kung si Ben at ang babaeng ‘yun ay hindi nagtalik sa villa nitong umaga… mahuhuli talaga si Gwen!Hindi kailanman nakaramdam ng ganitong takot si Stefan—ang takot na mabigo siyang protektahan si Gwen at muli itong mawala sa kanya.Hindi siya nakaramdam ng kahit anong
Kahit na nagkaroon siya ng mga damdamin para kay Stefan pagkatapos makasama ito ng matagal, hindi gusto ni Gwen na humigit sa pagkakaibigan ang relasyon nila.Tutal, may ibang tao na nasa loob ng puso niya at hindi niya hahayaan ang sarili niya na mahulog para kay Stefan, kaya naman sinasadya niyang umiwas sa pagdikit ng pisikal kay Stefan.Sumosobra na ang mga kilos ni Stefan at halatang hindi komportable si Gwen.Habang iniisip ito, nahirapan lalo siya at sinabi niya, “Bitawan mo ako, Stefan!”“Hi… Hindi ako si Stefan.” Huminto si Luke nang mapansin niya na hindi komportable si Gwen. “Ako si Luke.”Tumigas ang buong katawan ni Gwen nang marinig niya ang pamilyar na pangalang ito.Lumamig ang dugo sa mga ugat niya, at ang bawat parte ng katawan niya ay nanginig.Paano nangyari ito?Kinagat niya ang labi niya, may gusto siyang sabihin, ngunit walang mga salita na lumabas sa kanyang bibig.“Ako ito,” Inulit ni Luke, binanggit niya ang bawat salita habang nakatitig siya kay Gwen
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya