โAyos lang siya.โ Huminto si Luke nang marinig niya na binanggit ang tatay ni Gwen, pagkatapos ay nagpatuloy siya ng may namamaos na boses, โGwenโฆ Alam mo ba na nagdala si Ben ng ibang babae sa bahay mo?โNapahinto si Gwen, pagkatapos ay tumango siya. โNapagkamalan ng mga tauhan ni Tyson ang isang kawawang babae na si Gwen ito at ito ang nahuli sa halip na si Gwen.Kahit na dumating sina Joshua at Luna, takot na takot pa rin si Gwen sa pangyayari. Kung hindi nagpakita si Ben at ang babaeng โyun, siya ang makikita at huhulihin ng mga tauhan ni Tyson.Sa ibang salita, niligtas ni Ben at ng girlfriend nito ang buhay niya.Tumango si Luke at nagpaliwanag siya, โSiya ang kinuha nila sa halip na ikaw, at sinabi nila sa amin ni Kurt na nahanap nila kayo. Akala ko ay kinuha ka na nilaโฆโNang mabangit ito, humigpit ang yakap ni Luke kay Gwen na para bang hindi niya na ito hahayaan na mawala ulit. โPagkatapos ko itong mabalitaan, hinanap ko sila sa isang hotel, pero noong pumasok ako, nap
Tahimik ng ilang sandali si Joshua, pagkatapos ay umiling siya. โHindi ko alam.โKahit na magkausap sila ni Stefan nitong nakaraan, si Luke ang lagi niyang kausapโhindi si Steven.Nang maisip niya ito, ang huling beses na makausap niya si Steven ay halos dalawang linggo na ang nakalipas.Ang dalawang magkapatid ay magkahati sa isang katawan, ngunit ito ay para bang naglaho ang konsensya ni Steven, at si Luke na lang ang naiwan.Nagtataka din si Joshua tungkol dito at binanggit niya na ito kay Luke noon.Kahit na si Luke ang namumuno sa kanilang katawan, wala ring ideya si Joshua kung saan napunta si Steven, o kung paano ito pababalikin.Iminungkahi ni Joshua kay Luke na ipatingin ito, ngunit busy si Luke sa pagharap kay Tyson at sa pag iisip ng plano para iligtas si Andy, kaya naman walang oras si Luke para bumisita sa doctor.Ang prayoridad nila ay ang hanapin at iligtas si Andy; ipapasuri ni Luke ang sarili niya kapag tapos na ito.Sino ang mag aakala na ang pekeng Gwen ay an
โNakasalalay ang buhay?โ Tumayo si Tara nang marinig niya ito at kumunot ang noo niya. โAno ang nangyari? Tinatakot ka ba ng asawa mo na magpapakamatay siya dahil sa tingin niyo ay pinagtaksilan mo siya?โGumulong ang mga mata ni Joshua dahil dito. Bakit parang bata siya?Huminto si Joshua, pagkatapos ay nagpatuloy siya ng may mahinang boses, โKailangan ko ng tulong mo para ipadala ang mga tauhan mo para iligtas ang isang tao. Isang matandang lalaki.โTahimik si Tara ng ilang sandali bago niya mapagtanto ang nangyayari. โGusto mo na iligtas ko ang tatay ni Gwen, hindi ba? Sige. Ipapadala ko ang mga tauhan ko.โPagkatapos, nagdalawang isip siya ng ilang sandali, pagkatapos ay tinanong niya, โโYun lang ang kailangan kong gawin, hindi ba? Kailangan ba ay nandoon ako mismo?โโHindi na kailangan,โ Ang sagot ni Joshua.โMabuti naman!โ Pagkatapos, ibinaba ni Tara ang phone at tumawag siya sa manager ng Sharnwick City branch ng Moore Group.Pagkatapos ipasa ang mensahe ni Joshua, tumaas
Tumaas ang kilay ni Tara nang marinig niya ang sagot ni John.Kilala niya kung sino si John, kaya naman inimbitahan niya ito para uminom at makisama. Tutal, kailangan niyang gumanap sa tungkulin niya para makumbinsi ito. Kung pumayag siya na tumulong kay John sa oras na humingi ito ng tulong, maghihinala si John na may kakaibang nangyayari.โMay anak ka sa bahay at isang taong may malalang sakit?โ Ang tanong ni Tara. Tumitig siya kay John habang nakataas ang mga kilay. โSino naman โyun? Siya ba ang asawa mo?โNaalala niya base sa pag research niya kay John na ang asawa nito ay pumanaw na. Hindi lang โyun, ang pagkamatay pa ni Anne ang rason kung bakit pumatay si Luna at nakulong ito.Kaya naman, malamang ay isang tao lang ang inaalagaan ni John, at ito ay ang anak nila ni Anne.Sino pa ba ang inaalagaan niya? Buhay pa ba si Anne?Hindi inaasahan ni John na interesado si Tara sa buhay niya. Uminom siya ng mabagal para lumipas ang oras, pagkatapos ay sumagot siya ng nagdadalawang i
Namutla si John dahil dito.Makalipas ang ilang sandali, bumalik siya sa sarili at tumingin siya kay Tara ng nakangiti. โAng kondisyon niya ay medyo komplikado para ipaliwanag ngayon.โMeron na akong doctor na nag aalaga sa kanya, kaya nahihirapan na lang ako sa pera kaya naging desperado ako, kaya hindi ko kailangan ang tulong niyo sa ngayon, President Moore. Pero, salamat sa pagmamalasakit niyo.โโโWag kayong mag alala. Tatawag ako kung kailangan ko ng tulong sa susunod.โAlam ni Tara na wala nang punto ang ipagpatuloy ang topic na ito, kaya ngumiti siya at nakipag toast siya kay John. โSige pala. Tawagan mo lang ako kung kailangan, araw o gabi, nandito ako para tumulong.โHuminto si John, pagkatapos ay inubos niya ang buong baso ng wine. โKailangan ko nang umalis, President Moore. Magkita na lang tayo sa bid!โPagkatapos, ibinaba niya ang baso at umalis na siya.Pinanood ni Tara na umalis si John habang nakangiti siya, pagkatapos ay tumawag siya sa number ni John.Sa sandali
Dumilim ang ekspresyon ni John nang mabanggit ang tungkol sa surgery.Huminto siya ng ilang sandali. Pagkatapos, nilabas nia ang isang piraso ng papel na binigay sa kanya ni Tara at sinabi niya, โHindi ako sinubhukang tulungan ni President Moore. Ang ginawa niya lang ay ang bigyan ako ng chansa para makipag kompetensya sa ibang mga competitor.โNagbuntong hininga siya at sinabi niya, โSinabi niya sa akin na ang taong gumagawa ng desisyon ay hindi mula sa Scarnfield City at garantisado na patas ang bid. Bastaโt ipresenta ko ang kumpanya at ipakita ang sinseridad ko, sa tingin niya ay may chansa ako. Syempre, hindi rin ako sigurado dito.โNagbuntong hininga ulit siya at tumitig siya sa babaeng nasa harap niya. โRobyn, mukhang kailangan ko munang mabigay ng mas maraming oras at lakas sa kumpanya, at ikawโฆโโโWag kang mag alala!โ Ngumiti si Robyn. โTutulungan kitang alagaan si Anne at Sammie! Hindi ako walang kwenta na tulad ng iniisip mo. Graduate ako ng nursing school, kayaโt โwag ka
โKailangan lang natin maghintay.โ Nagbuntong hininga si John at tinapik niya sa balikat si Robyn. โMatagal na proseso ang pag galing, at hindi natin ito dapat madaliin.โNgumiti si Robyn. โMasaya ako na positibo ka mag isip, John. Maswerte si Anne na makasama ka.โTumawa si John nang marinig niya ito. โHindi ako sang ayon dito.โMinsan, iniisip niya kung siya ang humila pababa kay Anne.Pagkatapos makilala ang social circle ni Anne, napagtanto ni John na hindi dapat nagpakasal si Anne sa isang ordinaryong lalaki na tulad niya.Ang lahat ng mga kaibigan ni Anne ay miyembro ng social elite. Halimbawa, si Luna ay mula sa isang makapangyarihan na pamilya kahit na dati siyang inampon ng mga Gibson.Samantala, si Bonnie naman ay ang tagapagmana ng malaking halaga ng pera.Si Anne ay isang prestihiyoso na plastic surgeon at may mataas na reputasyon siya sa larangan na ito. Madali lang na magpakasal siya sa isang mayaman at makapangyarihang pamilya na kayang kumuha ng mga bodyguard para
โKailangan kong dumalo sa isang social obligation, at uminom ako ng konti.โ Ngumiti si John nang makita niya ang mga mata ni Anne. Umupo siya sa tabi nito sa kama at umakbay siya sa balikat ni Anne.Maraming timbang ang nabawas kay Anne at ang nararamdaman ni John ay ang buto ni Anne mula sa balat nito. Kahit na isang payat na babae si Anne dati, at least ay malusog siya. Ngunit, hindi na ito ang sitwasyon ngayon.Nagbuntong hininga si John. โSinabi ni Robyn sa akin na natutulog ka na. Bakit pala hindi ka pa tulog?โTinikom ni Anne ang mga labi niya at nagsimula siyang magtype sa phone niya. [Narinig ko ang lahat ng sinabi mo kay Robyn.]Tahimik ng ilang sandali si Jon bago niya hinalikan ang noo niya. โAnne, sa tingin ko ayโฆ hindi ka mauuwi sa ganito kung hindi dahil sa akin.โโLagi kitang sinisisi at sumama ka sa mga taong hindi dapat samahan at tumanggi pa ako sa tulong ni Joshua, pero ang katotohanan, hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili ko para sa lahat. Kung hindi mo pin
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si โAndie Larsonโ.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, โSalamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.โTumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, โOo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?โKahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. โSinabi ba talaga โyun ni Miss Moore?โTumango si Robyn. โNakasalubong ko rin sa elevator โyung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!โHuminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, โTalaga? Nagkataon nga naman.โโTama ka! Maliit ang mundo natin!โ Tumango si Robyn. โHindi lang โyun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ayโฆโNapatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. โSinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?โTahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. โOo.โHuminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. โDati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.โโSimula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.โLumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. โSinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?โHindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. โOโฆ Oo.โBakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, โMiss, kilalaโฆ mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?โSasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. โSyempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.โPagkatapos, tumingin siya kay Luna. โHindi ba, Luna?โNapahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. โOo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.โPagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. โKamusta na ang
โUmโฆโNgunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. โHindi baโt sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.โโNakidnap silang pareho, at ang lalaki na โyun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking โyun, patay na dapat siya ngayon.โโSi Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.โPagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, โGusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.โNapahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. โAng โkamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?โAlam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
โHindi ko kailangan ng special treatment.โ Ngumiti si John kay Tara. โAng gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.โKumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong โpinsanโ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?โHello, Luna.โ Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. โAno ang ginagawa mo dito?โNandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isaโt isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. โMiss Moore!โTumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. โAyos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa orasโฆ Ayos lang ba siya ngayon?โKahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kayaโt sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, โNice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.โPagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. โNabalitaan ko na may sakit ka?โTumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. โOpo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.โPagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. โSinabi mo ba ito sa lahat? Hindi baโt sinabi ko sayo na โwag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?โTumawa si John. โMalalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.โMedyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
โAyos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.โ Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking โyun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. โPero Johnโฆ makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?โNamutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, โSyempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. โWag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.โPagkatapos, tumingin siya