“Sabihin mo ang totoo!”“Magkano ang pera mo ngayon? Ilabas mo!”“Kung ako sayo, matagal na akong umalis ng Sea City. Matagal nang patay si Luke at walang sumusuporta sayo, pero nandito ka pa rin sa Sea City. Nandito ka pa rin ba dahil sa tingin mo ay masama ang pamumuhay ng mga kapatid mo, kaya gusto mong bumawi sa kanila?”“Dapat mo maging kasing tapat tulad ng pagiging mayabang mo noong buhay pa si Luke!”“Kurt Will, ‘wag mo akong sisihin sa pagiging malupit ko! Kung may taong dapat kang sisihin, sisishin mo si Luke Jones sa pagkamatay niya ng maaga!”…Tumunog sa eskinita ang isang pamilyar na pangalan at malakas na sigaw. Kumunot ang noo ni Stefan.Hindi niya makakalimutan ang pangalan na Kurt Will.Si Kurt ang isa sa pinaka tapat na mga tauhan ni Luke. Siya ang bodyguard ni Luke, lagi niyang pinoprotektahan ito. SIya ang unang tao sa gang na makaalam ng tungkol sa kagustuhan ni Luke na isakripisyo ang sarili niya para kay Gwen at siya ang unang sumuporta sa sakripisyo ni
Naawa si Stefan para kay Kurt, nang makita niya na nasa ganitong kundisyon si Kurt.Noon, si Gwen lang ang mahalaga sa kanya. Ang tanging mahalaga lang sa kanya ay ang mabuhay ng maganda ang babaeng mahal niya, ngunit pinabayaan niya ang mga kapatid niya sa prosesong ito.Kung buhay pa rin siya, si Kurt, ang taong tapat sa kanya, ay hindi aatakihin ng ganito kalala.Habang iniisip ito, huminga ng malalim si Stefan at ngumiti siya kay Kurt. “Sino ang nagsabi na hindi natin kilala ang isa’t isa?”Pagkatapos, humigpit ang kamao niya at tumingin siya ng walang takot sa mga lalaki. “Nandito ako para ipaalam sa inyo ang isang bagay.”“Maging dati o sa darating na panahon, nasa ilalim ko si Kurt Will. Kung gusto niyo siyang apihin sa susunod, dapat kayong dumaan sa akin!”Pagkatapos, sumugod siya sa mga lalaki para sumuntok.Hindi inaasahan ng leader ng mga lalaki na matapang si Stefan. Nabigla sila at napaatras sila, halos bumagsak sila.Pagkatapos ng ilang sandali, nakatayo ng matat
Mas lalong nabigla si Kurt sa sandaling ito. Hindi pa patay ang boss niya, ngunit nagbigay ito ng bagong pangalan!Binago niya ang pangalan niya mula sa LUke Jones, at naaging Stefan Joneson?“Tara na. Dadalhin kita sa isang doctor.” Kumunot ang noo ni Stefan, lumapit siya, at tinulungan niyang tumayo si Kurt. “Ano ang nangyari sa braso mo?”Huminto ng ilang sandali si Kurt bago siya sumagot ng tapat, “Nabali ito sa isang aksidente sa isang delivery noong nakaraang araw.”Habang tinutulungan siyang tumayo, nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “Si Max Church ang nagpadala ng mga taong ‘yun para tingnan kung may contact ako kay Gwen, pero nang makita nila na bali ang braso ko, nagsimula silang apihin ako para kumuha sila ng pera mula sa akin.”Ngumiti ng mapait si Kurt kay Stefan. “Napahiya ko ba kayo?”Iba na ang mga bagay noong kasama niya si Luke dahil siya ang bumubugbog sa iba; walang sandali na si Kurt ang bubugbugin ng iba. Gayunpaman, sa sandaling ito…Hindi gusto ni Ku
“Ayos lang ako. Tumulong ako sa isang nasugatang tao habang pabalik ako.” Ngumiti si Stefan. “‘Wag kang mag alala; wala masyadong mga tao ang kayang manakit sa akin sa isang lugar na tulad ng Sea City.”Tumahimik agad si Gwen dahil dito. Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi niya ng mahina, “Sige. Bumalik ka na agad.”Hindi na siya nag hintay sa sagot ni Stefan at ibinaba niya na ang phone.Kumunot ang noo ni Stefan, medyo nabigla siya na mabilis na ibinaba ni Gwen ang phone. Madalas na mabait si Gwen sa mga estranghero at sa mga tao na hindi siya malapit. Pinapakita niya lang ang tunay na pagkatao niya sa mga taong malapit siya, tulad ng pagbaba ng phone bago pa sila makatapos sa pagsasalita.“Boss…” Sa sandaling ito, mahinang sinabi ni Kurt, “Hindi ba’t parang nabunyag niyo ang pagkakakilanlan niyo sa pagsabi niyo nito? Sa tingin ni Gwen ay hindi ka taga-dito, at ito ang unang beses na napunta kayo sa Sea City, pero sinabi niyo na walang makakasakit sa inyo dito.”Maingat siyang t
Tumigas ang buong katawan ni Gwen nang makita niya ang reaksyon ni Stefan. Kumunot ang noo niya at agad niyang napagtanto ang ginawa niya. “Si Luke ay… isang taong kilala ko dati.”“‘Yun ang pangalan ng dati kong boss,” Ang sabi ni Kurt habang pumasok siya sa bahay. “Pumanaw na siya.”Dahil nangako siya kay Stefan na makikisama siya sa pagpanggap nito na maging magkakilala, ito ang kailangan niyang gawin.Naglakad siya patungo kay Gwen at tinaas niya ang kamay niya para kamayan ito. “Long time no see, Ms. Larson.”Lumaki ang mga mata ni Gwen nang makita niya kung sino ito. Makalipas ang ilang sandali, nagbago ang tingin niya at tila hindi siya makapaniwala. “Ikaw ba si… Kurt?”“Tama, ako nga.” Tumawa si Kurt. “Akala ko ay nakalimutan mo na ako.”“Bakit naman?” Umiling si Gwen, at tumingin siya sa baling braso ni Kurt. “Hindi ko lang inaasahan na…”Si Kurt ang pinakamatapang at malupit sa lahat ng mga tauhan ni Luke. Sa lahat, siya ang pinili na maging personal na bodyguard ni Lu
Dahil sa alok nila Gwen at Stefan, naisip ni Kurt na hindi tama na tumanggi siya, kaya tumango siya at pumayag, “Sige pala.”Gayunpaman, may isang kahilingan siya. “Pwede ba akong tumira sa kwarto sa ilalim ng hagdanan?”Nabigla si Gwen, pagkatapos ay tumingin siya sa kwarto na tinutukoy ni Kurt. “Bakit… Bakit mo gustong tumira doon?”Ang kwarto ay naging isang isang bedroom na para sa mga katulong mula sa isang storage room. Noong nagpakasal sila ni Ben, pinilit ni Ben na irenovate ang kwarto sa ilalim ng hagdan para maging bedroom ito ng katulong para ipamukha na siya ang master ng pamamahay na ito.Sa mga oras na ‘yun, hindi sumang ayon si Gwen. Ang mga katulong ay dapat natutulog sa guest bedroom, at sa tingin niya ay hindi tama na pilitin sila na matulog sa isang masikip na bedroom. Gayunpaman, pinilit ito ni Ben at natuloy ang plano na ito.Naging malapit sila ni Ben pagkatapos ng kasal nila, kaya hinayaan niya ang mga ginagawa nito.Gayunpaman, kahit na naghanda siya ng kw
[Hindi… pa.] Nagbuntong hininga si Gwen nang makita niya ang text ni Gwen. [Hindi. Nagtatanong lang ako.][‘Wag kang mag alala.] Nagsend ng sticker si Sean kasamang ang reply niya para maging panatag ang loob ni Gwen. [Alam ko kung gaano kahalaga sayo sina Luke at Steven, kaya ikaw ang unang makakarinig ng balita kapag may nalaman ako. ‘Wag kang malungkot masyado, okay? Dahil pinili ni Steven na magsimula ng bagong buhay, sigurado ako na maayos ang buhay niya, at dapat tayo maging masaya para sa kanya.][Dapat kang umusad sa buhay at hindi ka na dapat maipit sa nakaraan. Tandaan mo, may sarili kang buhay.][Tama ka.] Nagbuntong hininga si Gwen. [Hindi na dapat ako maipit sa nakaraan, at oras na para mabuhay ako ng maayos. Salamat sa pagpapagaan ng loob ko. Kamusta na si Denise?][Hindi mabuti, pero sabi ng doctor ay nagiging mabuti na, at sigurado ako na gagaling na rin siya.]Pagkatapos ng konting pakikipag usap kay Sean, nagdesisyon si Gwen na tingnan ang lahat ng contact ng dat
“Mag iisip ako ng paraan.” Kumunot ang noo ni Stefan, inubos niya ang buong baso ng tubig na inabot ni Gwen sa kanya, at nilagay niya ang baso sa mesa. “Dahil walang alam ang mga taong kinakausap mo… baka pwede namin itong subukan ni Kurt.”Lumaki ang mga mata ni Gwen sa gulat. “Sinasabi mo ba na susubukan niyo ni Kurt na sumama sa gang?”“Oo.” Tumango si Stefan. “Dating parte si Kurt ng gang, kaya sigurado ako na hindi magiging mahirap para sa kanya na sumama ulit. Para naman sa akin, nakita mo naman kung paano ako makipag laban; sigurado ako na makakasabay ako sa kanila. Pero…”Huminto siya, pagkatapos ay tumingin siya kay Gwen. “Kailangan ko ng tulong mo sa isang bagay.”Nalito si Gwen dito. “Ano ‘yun?”“Kailangan ko ng tulong mula sa asawa ng kaibigan mo, si Joshua Lynch,” Ang sabi ni Stefan ng nakakunot ang noo, sinusubukan niyang magpanggap na sila ni Joshua ay hindi kilala ang isa’t isa. “Nakilala na ako ni Winson noon, at dahil parte siya ng gang sa Sea City, baka makilala