Kinaumagahan, gumising si Gwen sa pagsapit ng umaga. Tumawag siya kay Luna sa phone habang naliligo siya, at sinabi niya kay Luna ang tungkol sa request niya.“Walang problema!” Nakangiti si Luna habang sinasabi niya ito. “SInasabi mo na kailangan ng bodyguard mo ang isang mask, huh? Ano bang klase ang hinahanap niya? Isang mask na kayang gumaya sa balat ng isang tao? Sa tingin ko ay hindi magandang ideya ito. Madali itong matanggal kapag sinuntok siya, at sa tingin ko ay mas maganda kung gawa ito sa metal, tulad ng mga sinusuot mo sa isang costume party. Madali natin ito pwedeng gawing parang buhay!“Sa ganun, kahit na magsuot siya ng mask, makikita mo ang anggulo ng panga niya at ibang parte ng mukha niya…” Nagpaliwanag si Luna habang busy siya sa kusina. “Sa tingin ko ay magugustuhan mo siya kapag tumagal.”Halos mabulunan sa mouthwash si Gwen nang marinig niya ito. Umubo siya ng konti, pagkatapos ay bumalik siya sa sarili. “Bakit mas nagiging makulit ka sa paglipas ng oras? Kumu
Kinurot ni Gwen ang noo niya habang patuloy siya sa pakikipag usap kay Luna sa phone. “Sige. Maging isa man itong pinakamahusay na prop master sa mundo o isang karaniwang prop master lang. Basta’t papuntahim mo siya dito sa madaling panahon.”Sa hindi malamang rason, may pakiramdam si Gwen na mas naging paranoid si Luna simula nang sentensya nito sa kulungan. Baka ginagamit niya lang ito para takpan ang sakit sa pagkawala ni Anne.Biglang dumating si Luke sa isipan ni Gwen. Noon, madalas siyang nakakaranas ng lungkot tuwing iniisip niya si Luke. Minsan, nawawala pa siya sa isipan niya.Ngunit ngayon, kaya niyang harapin ng kalmado ang katotohanan.Syempre, hindi niya alam kung gaano katagal para maabot ni Luna ang ganitong punto.Nang matapos siya magsalita, bumili siya ng agahan.Nang bumalik siya, kumatok siya sa kwarto ni Stefan at binigay niya ang agahan kay Stefan. Kasunod nito, pumunta siya sa kwarto ni Kurt at niyaya niya itong kumain ng agahan.Lumabas si Kurt at tumingi
“Gusto mo ba malaman ang katotohanan?” Ang tanong ni Gwen habang nakakunot ang noo niya at nakatingin kay Kurt.Pagkatapos ng ilang sandali, tumango si Kurt. “Syempre.”Seryosong sinabi ni Gwen, “Ayaw ko siyang bumalik. Baka hindi mo ito paniwalaan, pero ayaw ko talaga na bumalik siya sa akin.”Kung bumalik si Luke, ibig sabihin ay kailangan umalis ni Steven. Ang huling beses na bumalik si Luke, sinabi niya na bilang kapatid ni Steven, umaasa siya na mabuhay ng masaya si Steven sa katawan niya. Kaya naman, naniniwala siya na ito ang hiling ni Luke.Hindi hiling ni Luke kung bumalik siya balang araw. Ito ay dahil ayaw nang lumabas ni Steven.Kaya naman…Mas pipiliin ni Gwen na manatili sa ganitong sitwasyon kung saan magkasama si Luke at Steven sa isang katawan at mabuhay sila sa isang lugar kung saan walang may alam kung sino sila.Baka makahanap sila ng isang babae na tatanggapin sila at mabubuhay ng masaya…Pinili ni Gwen na basbasan sila at bigyan niya sila ng space na kinak
Pagkatapos umalis ni Kurt sa lugar, si Steven at Gwen na lang ang natitira sa hapagkainan.Umubo si Gwen at sinubukan niyang iklaro ang magulong isipan niya. Tumingin siya sa itaas, “Sigurado ako na ang puso ko ay payapa na ngayon. Bakit?”“Mabuti kung totoo ito.” Hindi alam ni Stefan kung ano ang nasa isipan ni Gwen. Ngumiti siya kay Gwen. “Edi tumuloy na tayo sa mga susunod na hakbang ngayon.”Nagpatuloy siya, “Sinabi mo na ba kay Kurt?”Umirap si Gwen. “Hindi pa. Sasabihin ko na sa kanya, pero lumabas ka.”“Pasensya pala at naabala ko kayong dalawa.”Tumaas ang kilay ni Stefan at nilabas niya ang kanyang phone para tawagan si Kurt.Hindi nagtagal, sinagot ni Kurt ang phone.“Bumalik ka dito ngayon.” Simple lang ang utos ni Stefan bago niya ibinaba ang phone.Sa loob ng limang minuto, nagpakita si Kurt sa front door. “Ano ‘yun?”Gumulong ang mga mata ni Gwen. Nabigla siya at nahirapan siyang magsalita.Si Kurt at Stefan… Naalala niya na wala pang isang araw ng nagkakilala
“Walang problema!” Bago pa matapos magsalita si Gwen, sumingit si Kurt, “Ikaw ang mahal ni Luke. Kahit na wala na siya, gagawin ko ang lahat ng sasabihin mo.”Ang pinakamahalaga sa lahat, nandito pa rin si Luke.Inaasahan ni Gwen na matatagalan siya sa pagkumbinsi kay Kurt na tulungan siya. Nabigla siya nang pumayag ng basta basta si Kurt.Pagkatapos ng ilang sandali, huminga siya ng malalim at tumango siya. “Kung tutulong ka, magsimula na tayo. Kayo ni Stefan…”Nagpatuloy siya pagkatapos ng ilang sandali, “Si Stefan ay mula sa ibang bayan. Hindi niya alam ang Sea City na tulad mo. Pakiusap, alagaan mo siya. Maraming bagay tungkol sa gang na hindi niya alam. Sana ay matulungan mo rin siya.”Ngumiti si Kurt, “Walang problema.”Sa totoo lang, mas maraming alam si Stefan sa gang at sa ibang miyembro kaysa kay Kurt. Baka sa huli ay si Stefan pa ang tumulong kay Kurt.Gumaan ang loob ni Gwen ngayon at alam niya na aalagaan ni Kurt si Stefan. Huminga siya ng malalim. “Sisiguraduhin ko
“Sa tingin ko ay…” Ngumiti si Stefan. “Sa tingin ko ay hindi ako isang gwapong lalaki dati, hanggang sa nakilala ko ang isang babae. Sinabi niya sa akin na ako ang pinakagwapong lalaki na nakita niya. Pagkatapos ay naniwala ako sa kanya.”Habang nagsasalita siya, tumingin siya kay Gwen. “At naaalala ko ang sinabi niya sa akin ng maraming taon.”Nabigla ng ilang sandali si Gwen at ngumiti siya. “Nakatuluyan mo ba ang babaeng ito?”Ngumiti si Stefan. “Nang sabihin niya ‘yun, mahirap pa rin ako. Mula siya sa isang mayamang pamilya at hindi ako nararapat na makasama siya. Bukod pa dito, may mahal na siyang iba. Pero…”Tumingin siya ng seryoso kay Gwen, “Nagkatuluyan ng maikling panahon. Ito ang pinakamasayang sandali ng buhay ko.”Ang tinutukoy niya ay ang unang beses na nakilala niya si Gwen at ang oras na magkasama sila.Gayunpaman, hindi naalala ni Gwen kung nakita niya dati si Luke at hindi niya maalala na sinabi niya na gwapo si Luke.Hindi niya na ito pinag isipan masyado, tin
Nabigla si Gwen at tumigas ang katawan niya nang marinig niya ang dalawang boses.Kahit na hindi niya makilala ang boses ng babae, hindi niya makakalimutan ang boses ng lalaki! Ito ay walang iba kundi si Ben Zeller!Ang ex-husband niya! Ang lalaking umiwan sa kanya at nagsabi sa lahat na madumi siya dahil ginahasa siya ng iba.Si Ben ang isa pang tao na may susi sa lugar na ito maliban kay Gwen. Ang tatay ni Gwen, si Andy, ay binili ang bahay na ito para sa kanila bilang wedding present noong kinasal sila.Dahil malayo ito sa bayan, hindi pa sila tumira dito.Pagkatapos ng divorce, ang mansyon ay napunta kay Gwen.Hindi niya inaasahan na balang araw ay babalik si Ben dito pagkatapos nilang madivorce ng dalawang taon.At may dala pa siyang babae!“Sigurado ako na walang nakatira dito dati…” Tumunog ang boses ni Ben. Pagkatapos, narinig ni Gwen nang sigaw ni Ben, “May tao ba dito? May nakatira ba dito? Lumabas ka! Nakita kita!”…Pagkatapos sumigaw ng tatlo hanggang apat na min
“Tsk. Ang lugar na ito ay hindi sayo pagkatapos ng lahat ng sinabi mo sa akin,” Suminghal ang babae at nagbihis siya.Samantala, ang mga mata niya ay tumingin sa paligid. Sinabi niya ng may nanunuya na tono, “Uy, sinabi mo na hindi babalik ang may ari dito, hindi ba?”Tumango si Ben, “Oo. Hindi siya kailanman babalik kung gusto niya pang mabuhay. At kinidnap ni Tyson ang tatay niya.”Tumaas ang kilay ng babae nanag tumingin siya kay Ben, “Kailan siya papatayin ni Tyson?”“Paano ko malalaman?” Nagkibit balikat si Ben at tumingin siya sa babae ng nakataas ang kilay. “Bakit mo gustong malaman?”“Dahil…” Ngumiti ang babae at lumapit siya sa tainga ni Ben para ibulong ang isang bagay.Tumawa si Ben, “Wow, hanga ako sa ideya na ‘yun! Hindi ito imposible.”Hinalikan niya ang babae pagkatapos itong sabihin. “Bakit hindi ako makipaghiwalay sa girlfriend ko at ikaw na ang magiging girlfriend ko?”Tumingin ang babae sa kanya at yumakap ito habang tumatawa. “Makikipaghiwalay ka ba sa kanya