Hindi mapigilan ni Gwen na kumunot ang noo niya habang tumitig siya sa text.Hindi na siya isang bata. Ang pagpipilit ni Winson na paghatid sa kanya pauwi at ang interes nito ay may isang klarong mensahe.Bukod pa dito, naalala niya ang oras noong may gusto sa kanya dati si Winson noong high school, tulad ni Ben. Gayunpaman, tinanggihan niya si Winson at sa halip ay pinili niya si Ben.Pagkatapos magdalawang isip, nilabas ni Gwen ang phone niya at sumagot siya, [Wala akong plano bukas, pero ayaw kong sayangin ang oras mo, Winson. Simula noong pumanaw ang ex-boyfriend ko, sa tingin ko ay hindi na ako mahuhulog para sa iba. Maging magkaibigan na lang tayo.]Pagkatapos, nagbuntong hininga siya, binaba niya ang kanyang phone, at naglakad siya patungo sa balkonahe.Ang buwan ay maliwanag at ang gabi ay may malamig na kulay, katulad ng puso niya.Habang pumikit siya, ang mukha ni Luke ay dumating sa isip niya.Tanggap niya na ang pagpanaw ni Luke, ngunit hindi niya na mahanap sa saril
May tumunog na nakakabinging sigaw mula sa master bedroom ng Orchard Manor.Nakita na ni Luna ang message ni Gwen sa oras na bumalik siya sa kwarto. Hindi niya mapigilan na tumili sa pagkasabik, at hindi niya pinansin ang isang lasing na si Joshua, humiga siya sa kama at nagreply siya ng message. [Gwennie, nakita mo ba ang wedding photos namin? Nasaan ka ngayon? Sinabi sa akin ni Bonnie na nawalan ka ng koneksyon sa amin simula noong may nangyari sa amin ni Anne, at akala ko ay nag desisyon ka nang putulin ang lahat ng koneksyon mo sa akin!”Noong naglalagay sila ng makeup bago ang seremonya, pinag uusapan nila ito ni Luna at Bonnie.Ang lahat ng kilala niya ay pumunta sa kasal, maliban sa dalawang pinakamahalagang tao sa buhay niya—sina Anne at Gwen.Sa kasamaang palad, hindi niya na maibabahagi ang kaligayahan niya kay Anne, at si Gwen naman…Hindi sigurado si Luna kung pinili ni Gwen na umalis dahil sa pagkasuklam nito sa mga ginawa niya.Sa sobrang kahihiyan niya dito ay hin
Hindi inaasahan nila Luna o Bonnie na sasagot si Gwen. Nagsend sila ng mapaglarong sticker bilang sagot, [Hindi ako makapaniwala. Nag aalala lang kami sayo, pero inaatake mo na ang mga asawa namin. Sasabihin pa lang namin sa kanila ang tungkol dito, at makakahanap sila ng paraan para mahanap at mahuli ka pauwi!][Pakiusap, ‘wag . Nagbibiro lang ako, alam ko ang kalupitan nila Joshua at Jim.] Ngumisi si Gwen dahil dito. [Hindi pa ako tapos sa pagsasaya ko, kaya hindi pa ako handang umuwi.]Hindi mapigilan ni Luna na magbuntong hininga dahil dito. Sumandal siya sa isang tabi, sinubukan niyang ipahinga ang pagod na mga muscle niya, at nagpatuloy siya sa pag type, [Hindi pa ba sapat ang pagsasaya mo, ngayon at matagal ka nang mag isa dyan? Kailan ka uuwi? Miss na miss ka na namin.][Wala pa akong plano para dito sa ngayon.] Huminto si Gwen, pagkatapos ay sinabi niya sa kanila ang sinabi ng tatay niya sa kanya. [Masyadong malapit ang Banyan City at Sea City sa isa’t isa. Sa tingin ko ay
Nabigla si Luna sa sinend na text ni Gwen. Nalilito na tumingin si Luna kay Joshua. “Nag… padala ka ba ng tauhan para protektahan si Gwen?”Ginagamit ni Joshua ang phone niya sa sandaling ito, huminto siya at tumango. “Oo.”Nagbunga lang ng mas maraming tanong sa isip ni Luna. “Kailan mo ito ginawa?”Pagkatapos makalaya ni Luna, tinanong niya si Bonnie tungkol kay Gwen. At sa mga oras na ‘yun, ang sabi ni Bonnie ay walang sinabihan si Gwen kung saan siya pumunta, at walang may alam kung saan siya patungo.Bakit maghahanda ng tauhan si Joshua para protektahan si Gwen? Kung ginagawa niya ‘yun, bakit hindi niya binanggit si Gwen kay Luna?“Ginawa ko ito noong kinulong ka.” Umubo si Joshua at tumingin siya sa kabilang direksyon para umiwas sa tingin ni Luna. “Natakot ako na may mananakit sayo o sa mga kaibigan mo pagkatapos ng nangyari kay Anne. Kasama ni Bonnie si Jim, kaya hindi ako nag aalala sa kanya. Samantala, si Gwen naman ay walang kasama, kaya sinabi ko sa isang kaibigan ko n
”Nasa bayan ito. Gusto mo bang sumama?” Ang sabi ni Winson sa phone. “Hihintayin kita dito!”Pagkatapos magdalawang isip ng ilang sandali, pumayag na si Gwen. Gusto niyang makita ang painting na binanggit ni Winson.Hindi kailanman sinasabi ni Theo na meron siyang painting ni Gwen, pero… hindi nila kilala si Theo noong nasa highschool sila. Baka gumawa ng painting si Theo, ngunit hindi siya sigurado.Naniniwala siya na alam ni Winson na si Gwen ito dahil nag aral sila sa highschool ng magkasama. Kaya naman, pumayag siya sa huli habang puno siya ng intriga. “Sige. Ibigay mo ang lokasyon sa akin. Pupunta ako ngayon dyan.”Pagkatapos maghanda, nagsuot siya ng jacket at umalis siya. Noong nasa baba na siya, nakita niya ulit ang lalaking naghihintay sa labas ng gusali niya.Tulad ng dati, may suot itong itim na cap at mask.Naalala ni Gwen ang sinabi ni Luna sa kanya kagabi.“Pinadala siya ni Joshua para maging ligtas ka. Nakatakip ang mukha niya dahil ayaw niyang may matakot siya na
Ang lalaking may suot ng black ay umatras at ginamit niya ang kamay niya para hawakan ang isa niya pang kamay na nasugatan. Nanatili siyang tahimik at umiling lang siya.Sa ganun, masasabi ni Gwen na ang lalaki ay hindi lang nasakata ang likod nito, pati na rin ang braso nito. Sinubukan nitong protektahan siya mula sa pagbagsak sa kalsada sa punto na may tumutulong dugo sa itim na sweater nito.Tumalon ang puso ni Gwen nang makita niya ang dugo sa lalaki.“Mukhang malala ang sugat mo.”Kinagat niya ang labi niya at gusto niyang lumapit, balak niyang dalhin ang lalaki sa hospital. Ngunit, pagkatapos lang ng isang hakbang, naalala niya ang sinabi sa kanya ni Luna kagabi.Ang lalaking ito ay ayaw ng kahit sino na lumapit sa kanya. Aya nito ang sarili niya at nahiiya ito dahil sa nasirang mukha. Alam ni Gwen na hindi dapat siya lumapit o sirain ang patakaran na ibinigay sa kanya.Huminto siya at kumunot ang noo niya. “Dapat… kang pumunta sa hospital.”Umatras ang lalaki at umiling u
Ang lalaking may suot ng itim ay kumunot ang noo nang marinig ang sinabi ni Winson. Tumingin siya ng malamig sa mukha ni Wilson. “Nagiging malapit ka sa kanya dahil gusto mo siya?”“Mali.” Tumingin si Winson kung saan umalis si Gwen. Naglabas siya ng lighter mula sa bulsa niya at nagsindi siya ng sigarilyo at umihip siya ng usok na may hugis na singsing.“Dahil pareho ang motibo natin, magiging pranka ako sayo: nagiging malapit ako sa kanya para dalhin ko siya sa Sea City para makuha ang reward.”“Makuha ang reward?” Tumitig ang lalaking may suot ng itim kay Winson “At ano naman ‘yun?”.“‘Wag kang magpanggap na wala kang alam.” Suminghal si Winson sa tanong na ito. “Hindi ba’t ang reward din ang gusto mo, ngayon at gusto mong makuha ang loob ni Gwen? ‘Wag mo sabihin na hindi mo alam na ang gang sa Sea City ay naglagay ng pabuya kay Gwen para ipaghiganti si Luke?”Nanginig ang lalaking may suot na itim at kumunot ang noo niya. “Ang isang pabuya kay Gwen ay para lang ipaghiganti si
Umungol sa sakit si Winson nang bumagsak ang katawan niya ang sahig.Sa sandali na ito, naglalakad si Gwen palabas ng pharmacy habang dala ang ilang alcohol pads, sanitizer, at bandages, kaya nakita niya kung paano hinagis si Winson sa sahig ng lalaking may suot na itim.Nabigla siya at agad siyang lumapit. “Winson!”“Gwen…” Ginamit ni Winson ang kamay niya para suportahan ang likod niya nang tulungan siya ni Gwen na tumayo. Sinabi niya ng mahina, “Kilala mo ba ang lalaking ito? Bayolente siya…”Kinagat ni Gwen ang labi niya at tumingin siya sa lalaking may suot ng itim. “Hin…”Gusto niyang sabihin na kilala niya ang lalaki, ngunit naalala niya ang sinabi ni Luna at Joshua sa kanya.Kinagat niya ang ngipin niya, sumagot siya, “Hindi ko siya kilala.”“Hindi mo siya kilala…” Tumingin ng nanunuya si Winson sa lalaking may suot ng itim.Kahit na ang lalaking ito ay hindi pareho ang motibo sa kanya, pareho silang nandito dahil kay Gwen. Gayunpaman, mas malapit siya kay Gwen.Ang un