Tumaas ang mga kilay ni Rachel at binigay niya ang bouquet kay Theo. “Sige. Sayo na ito.” Huminto si Theo, at ang ekspresyon sa mukha niya ay medyo nagbago. “Hindi mo ba ako tatanungin kung kanino ako magpapakasal?” “Pwede kang magpakasal sa kahit sino.” Ngumiti si Rachel. “Basta’t hindi ako.” Pagkatapos, tinulak niya palayo si Theo at tumalikod siya para umalis. Ilang hakbang pa lang ang naglalakad niya nang hawakan ni Theo ang braso niya. Kumunot ang noo ni Theo at tumingin siya kay Rachel. “Rachel, ayos… ayos lang ba talaga sayo na isipin na magpapakasal ako sa iba?” Tumaas ang mga kilay ni Rachel sa aliw at lumingon siya para tumingin sa mga mata ni Theo. “Hindi oka sakin noong pinilit mo na magpakasal kay Roanne, pero ano ang nakuha ko sa huli? Ano ang pagkakaiba kung ayos lang ito sa akin o hindi?” Tumahimik si Theo nang marinig niya ito. Pagkatapos, umatras siya, ang mga mata niya ay nakatitig pa rin kay Rachel. “Alam ko na mali ang ginawa ko, at ginagawa ko ang laha
Kumunot ang noo ni Gwen at napatingin siya sa likod niya. May lalaking nakasuot na itim, may sombrero siya at may suot na face mask. Nakaupo siya sa harap ng mesa na hindi nalalayo sa kanya, nakatitig kay Gwen. Ngunit, nang mapansin niya na nakatingin si Gwen sa kanya, kinuha niya ang menu at nagpanggap siyang binabasa niya ito. “Medyo kahina hinala siya…” Kumunot ang noo ng watier at pinaalala nito kay Gwen ng may mahinang boses, “Kailangan ko po bang tumawag ng pulis?” “Hindi na kailangan.” Ngumiti si Gwen. “Salamat sa kabaitan mo.” Huminto ang waiter, hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. “Kilala niyo siya?” “Parang ganun na nga.” Ngumiti siya at tumuro siya sa menu. “Ikuha mo ito para sa kanya, pero ‘wag mong sabihin na ako ang nagpadala.” “Sige po.” Nalilito ang waiter, tumango siya at sumunod siya sa hiling ni Gwen. Pagkatapos umalis ng watier, muling tumingin si Gwensa lalaking nasa malayo, pagkatapos ay bumalik siya sa pag inom ng tsaa. Ang lalaki ay sumus
Sa likod ni Gwen, may lalaking nakasuot na itim na nakatayo at nakatingin kay Gwen ng tila gulat, “Gwen, ikaw ba ‘yan? Naaalala mo pa ba ako? Ako si Winson Tinker!”Kumunot ang noo ni Gwen habang sinubukan niyang mag isip at ngumiti siya ng mallit. “Winson Tinker? Oo, naaalala kita!”Sina Winston at Gwen ay pumunta sa parehong high school sa Sea City. Sina Gwen at Luna ay uupo sa klase at uupo si Winson sa likod ni Luna. Sa mga oras na ‘yun, bata pa sila. Karaniwan sa kanila na magkopyahan ng mga homework sa isa’t isa, nagtatanungan sila tungkol sa homework, kumakain sila habang may klase, at nagtutulungan sila tuwing tinatanong sila ng teacher nila.Pagkatapos nilang mag graduate ng high school, naging magkasintahan sina Gwen at Ben sa university. Ito ang panahon kung saan nawala ang contact niya kay Winson.Hindi niya inaasahan na makita niya si Winson sa rural na bayan sa timog.“Wow, ang tagal na panahon na. Mas gumaganda ka lalo!” Ngumiti si Winson, “Uminom tayong dalawa.”T
Kumunot ang noo ni Winson at sinuri niya ang paligid. “Sino ang nagpoprotekta sayo?”Ngumiti si Gwen, sinabi ni Winson, “Sige na, kaibigan. Hindi ako isang masamang tao. Hindi mo kailangan mag ingat sa akin.”Sa oras na ‘yun, lumapit siya sa tabi ni Gwen at umakbay siya sa balikat ni Gwen. “Gusto lang kitang ihatid pauwi, ‘yun lang.”Kumunot ang noo ni Gwen at kumilos ang katawan niya para iwasan ang kamay ni Winson. May maliit na ngiti pa rin sa kanyang mukha. “Matagal na simula pa noong huling nagkita tayo. Hindi ko gusto na abalahin ka.”Pagkatapos nito, kumaway siya kay Winson at nagmadali siyang umalis.Nanatili sa lugar si Winson at tumingin siya kay Gwen na tumatakbo patungo sa kabilang kanto. Sumingkit ang mga mata niya, nagring ang phone niya.“Sigurado ka bang siya si Gwen Larson?” Ang tunog ng malamig na boses ng lalaki mula sa kabilang linya ng phone.Kumunot ang noo ni Winson, “Oo, siya ‘yun. Nag usap kami at nakuha ko ang number niya ngayon.”“Mabuti.” Patuloy sa
Nabigla si Gwen sa mga sinabi ni Andy. “Bakit nila ako hinahanap?”Nagbuntong hininga si Andy, “Gwen, hindi ako naniniwala na hindi mo alam ang sagot dito. Noong buhay pa si Luke, maraming tao sa gang niya na nagpakita na ayaw nila sayo. Gusto nila dati pa na iwanan ka ni Luke. Sinabi pa nila na ang pagdating mo ang rason kung bakit nawala ang kredibilidad at pagiging prestihiyoso ni Luke…”“Pagkatapos mamatay ni Luke dahil sayo, wala silang ginawa. Ito ay baka dahil gusto nilang maghintay muna at hindi sila kikilos agad pagkatapos ng pagkamatay ni Luke. Ngayon… Kumikilos na sila.”Ang boses ng tatay niya ay para bang tumanda ito ng sobra sa loob ng isang araw. “May dalawa o tatlong grupo ng mga tao na pumunta sa bahay para hanapin ka… Dahil sa kapangyarihan ni Joshua sa Banyan City, wala silang ginawa sa kumpanya. Matanda na ako at naisip nila na hindi tayo magkasundo pagkatapos ng divorce mo kay Ben… Kaya wala rin silang ginawa sa akin.”“Pero totoo, isa itong babala. ‘Wag kang b
Hindi mapigilan ni Gwen na kumunot ang noo niya habang tumitig siya sa text.Hindi na siya isang bata. Ang pagpipilit ni Winson na paghatid sa kanya pauwi at ang interes nito ay may isang klarong mensahe.Bukod pa dito, naalala niya ang oras noong may gusto sa kanya dati si Winson noong high school, tulad ni Ben. Gayunpaman, tinanggihan niya si Winson at sa halip ay pinili niya si Ben.Pagkatapos magdalawang isip, nilabas ni Gwen ang phone niya at sumagot siya, [Wala akong plano bukas, pero ayaw kong sayangin ang oras mo, Winson. Simula noong pumanaw ang ex-boyfriend ko, sa tingin ko ay hindi na ako mahuhulog para sa iba. Maging magkaibigan na lang tayo.]Pagkatapos, nagbuntong hininga siya, binaba niya ang kanyang phone, at naglakad siya patungo sa balkonahe.Ang buwan ay maliwanag at ang gabi ay may malamig na kulay, katulad ng puso niya.Habang pumikit siya, ang mukha ni Luke ay dumating sa isip niya.Tanggap niya na ang pagpanaw ni Luke, ngunit hindi niya na mahanap sa saril
May tumunog na nakakabinging sigaw mula sa master bedroom ng Orchard Manor.Nakita na ni Luna ang message ni Gwen sa oras na bumalik siya sa kwarto. Hindi niya mapigilan na tumili sa pagkasabik, at hindi niya pinansin ang isang lasing na si Joshua, humiga siya sa kama at nagreply siya ng message. [Gwennie, nakita mo ba ang wedding photos namin? Nasaan ka ngayon? Sinabi sa akin ni Bonnie na nawalan ka ng koneksyon sa amin simula noong may nangyari sa amin ni Anne, at akala ko ay nag desisyon ka nang putulin ang lahat ng koneksyon mo sa akin!”Noong naglalagay sila ng makeup bago ang seremonya, pinag uusapan nila ito ni Luna at Bonnie.Ang lahat ng kilala niya ay pumunta sa kasal, maliban sa dalawang pinakamahalagang tao sa buhay niya—sina Anne at Gwen.Sa kasamaang palad, hindi niya na maibabahagi ang kaligayahan niya kay Anne, at si Gwen naman…Hindi sigurado si Luna kung pinili ni Gwen na umalis dahil sa pagkasuklam nito sa mga ginawa niya.Sa sobrang kahihiyan niya dito ay hin
Hindi inaasahan nila Luna o Bonnie na sasagot si Gwen. Nagsend sila ng mapaglarong sticker bilang sagot, [Hindi ako makapaniwala. Nag aalala lang kami sayo, pero inaatake mo na ang mga asawa namin. Sasabihin pa lang namin sa kanila ang tungkol dito, at makakahanap sila ng paraan para mahanap at mahuli ka pauwi!][Pakiusap, ‘wag . Nagbibiro lang ako, alam ko ang kalupitan nila Joshua at Jim.] Ngumisi si Gwen dahil dito. [Hindi pa ako tapos sa pagsasaya ko, kaya hindi pa ako handang umuwi.]Hindi mapigilan ni Luna na magbuntong hininga dahil dito. Sumandal siya sa isang tabi, sinubukan niyang ipahinga ang pagod na mga muscle niya, at nagpatuloy siya sa pag type, [Hindi pa ba sapat ang pagsasaya mo, ngayon at matagal ka nang mag isa dyan? Kailan ka uuwi? Miss na miss ka na namin.][Wala pa akong plano para dito sa ngayon.] Huminto si Gwen, pagkatapos ay sinabi niya sa kanila ang sinabi ng tatay niya sa kanya. [Masyadong malapit ang Banyan City at Sea City sa isa’t isa. Sa tingin ko ay
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya