“Walang hiya kayo!” Nang marinig ito ni Luna, agad niyang nilabas ang phone niya, at nagdial siya sa emergency number, pagkatapos ay tumingin siya sa mga tao sa paligid niya. “Labag ito sa batas! Ako ay—” Bago pa siya matapos sa pagsasalita, lumapit ang leader at inagaw nito ang phone mula sa kamay niya. Dinala niya ang phone ni Luna sa tainga niya at sinabi niya sa kabilang linya, “Wala, maling dial.” Pagkatapos, itatapon niya na sana ang phone ni Luna, nang mapansin niya na mukhang mahal ang phone ni Luna, itinabi niya ito sa bulsa niya. Sa huli, tumingin siya ng matagumpay kay Luna at sinabi niya, “Paano ka na tatawag ng pulis ngayon?” “‘Wag kang mag alala.” Agad na tumalikod si Gwen at prinotektahan niya si Luna sa likod niya. Lumingon siya para tumitig sa mga tao sa paligid niya. “Ako ang nagsabi ng mga bagay na ‘yun tungkol kay Thomas, kaya ako dapat ang puntirya niyo, pero kahit na galit kayo, hindi magbabago ang isip ko!” “Suspect lang si Thomas, at wala pang nakakaha
May kamay na humawak sa braso niya na humihila sa shirt ni Gwen. “Ito ba ang kultura na ginagawa ng Howard Group—ang kultura ng paghila ng damit ng isang inosenteng babae para ginawin siya?” Ang boses na ito… Napahinto si Gwen, pagkatapos ay napalingon siya. Ang taong pumunta para magligtas sa kanya ay walang iba kundi si Luke! Ang buong mukha ni Gwen ay lumiwanag, at namuo ang luha sa kanyang mga mata habang kinagat niya ang kanyang mga labi. “Ikaw…” “Ayos ka lang ba?” Lumingon ang lalaki para ngumiti sa kanya. Bumagsak ang mukha ni Gwen nang mapagtanto niya na ito ay si Steven. Kinagat niya ang labi niya at hind niya maitago ang dismaya sa kanyang mukha. “Ayos lang ako, Steven.” Lumubog ang puso ni Steven. Ang rason kung bakit masaya si Gwen na makita siya… ay dahil napagkamalan siya nito na siya si Luke. Pagkatapos mapagtanto na hindi siya si Luke kundi si Steven, halatang nadismaya si Gwen. Kahit na inililigtas ni Steven si Gwen, umaasa pa rin si Gwen na ibang
Kahit si Steven ay nagulat sa bilis at lakas niya. Pakiramdam niya ay wala siya sa sarili niya. Hindi niya gusto maging bayolente dati, pero sa hindi malamang rason, hindi niya mapigilan na matuwa habang nakikipaglaban. Natutuwa siya sa pakiramdam na ito. Habang iniisip na kaya niyang protektahan si Gwen, at iniisip na inapi ng mga taong ito si Gwen… Ang bawat suntok ay sakto ang tama, at madali niyang napatumba ang bawat tao na humarang sa daan niya. Pagkatapos patumbahin ang mga maskuladong mga lalaki sa harap niya, wala nang kahit sinong tao na lumapit sa kanya ng kahit isang hakbang. Kahit ang leader ng grupo ay nagulat dito. Sino ang mag aakala na ang maamo at mukhang matalino na lalaking ito ay magaling pala sa pakikipag laban? “Steven.” Lumapit si Gwen para hawakan ang braso ni Steven. “Ayos ka lang ba?” “Ayos lang ako.” Lumingon si Steven at marahan niyang piningot ang ilong ni Gwen. Lumamig ang dugo sa katawan ni Gwen, at humigpit agad ang mga muscles niya.
Huminto si Steven nang marinig niya ito. “Baka ito ang rason kung bakit biglang namatay si Senior Howard.” Napahinto sina Lucas, Luna, at Gwen nang marinig nila ito. Makalipas ang ilang sandali, kumunot ang noo ni Luna. “Sinasabi mo ba na….” “Hindi ba’t parang sinadyang nagkataon lang ito?” Kumunot ang noo ni Steven. “Nang magtatagumpay na sina Thomas at Joshua, biglang namatay si Senior Howard. Kung nagtagumpay si Thomas sa misyon niya, ang mga tao na mawawalan ng malaki ay hindi si Senior Howard, kundi sina Tina at ang anak niyang si Dan.” “Bukod pa dito, sila lang ang mga taong malapit kay Senior Howard kagabi. Kung namatay si Senior Howard, hindi lang sa masasayang ang paghihirap nila Thomas at Joshua, aakusahan pa si Thomas bilang isang mamamatay-tao na binaril ang kanyang tatay…” “Tama ka,” Sumingit ang isang malinaw na boses. Lumabas ng elevator si Joshua, tumitig siya ng may paghanga kay Steven. “Ang mga taong may mapapala sa pagkamatay ni Senior Howard ay sina Tina
Tumigas ang buong katawan ni Steven nang marinig niya ito. Alam niya na ang tinutukoy ni Joshua ay si Luke. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya ng mapait. “Nalilito ka lang, Mr. Lynch. Ako si Steven, hindi si Luke.” “Alam ko.” Sumingkit ang mga mata ni Joshua, tumitig siya sa mukha ni Steven. “Pero alam ko rin na tutulungan mo ako.” Tumahimik ng ilang sandali si Steven, pagkatapos ay suminghot siya at tumawa. “Tama ka; tutulungan kita, pero wala itong kinalaman kay Luke. Ako lang ay…” Tumingin siya kay Gwen at kay Luna, pagkatapos ay tumingin siya kay Joshua. “Gusto ko lang tulungan ang mga taong may kailangan nito.” Pagkatapos, tumingin siya kay Joshua at tinanong niya, “Ano ang kailangan mong gawin ko?” Inaasahan ito ni Joshua. Ngumiti siya at sinabi niya, “Sumunod ka sa akin.” Pagkatapos, lumingon siya at dinala niya si Steven sa elevator. Sumunod si Gwen. Gayunpaman, umabot si Luna at sa oras na sumara na ang pinto ng elevator, hinila niya sa tabi si Gwen
Nag aalala si Luna na may mangyayari kung iniwan niya sina Gwen at Steven ng magkasama. Pipigilan niya na sana sila nang lumingon si Gwen para tumitig sa mukha ni Steven. “Sige.” “Gwen.” Kumunot ang noo ni Luna at hinawakan niya ang braso ni Gwen. “Ikaw…” “Alam ko ang ginagawa ko.” Alam ni Gwen kung ano ang pinag aalala ni Luna. Gayunpaman, ito ay para bang napalapit siya kay Steven na para bang napalapit ang isang bubuyog sa isang bulaklak. Gusto niyang malaman kung anong klase ng tao si Steven, at gusto niyang malaman kung guni guni niya lang ito o kung si Steven ay unti-unting nagiging si Luke na. Hindi siya titigil hanggang sa makuha niya ang sagot. Nang makita niya ang determinasyon sa mga mata ni Gwen, tumahimik si Luna at hinayaan niya na ito. Pagkatapos umalis nila Gwen at Steven, dinala ni Lucas si Luna sa opisina ni Joshua. Ito ang unang beses na binisita ni Luna ang opisina ni Joshua sa Saigen City. Ang opisina na ito ay mas maliit kaysa sa mga opisina ni J
Hindi naapektuhan si Joshua sa mga sinabi ni Dan. Sa halip, ngumiti lang siya ng natural. “Tingnan mo nga naman. Hindi ko alam kung si Mr. Dan Howard ang tamang tao para magkomento ng ganito. Kumpara sayo, hindi ako kasing walang hiya mo.” Hindi na mapigilan ni Dan ang sarili niya dahil sa sagot na ito. “Ano ang sinabi mo?!” “Nakipagsabwatan ka sa nanay mo para patayin ang sarili mong ama. Paanong hindi mo naiintindihan ang sinabi ko?” Mas naging malamig ang tono ni Joshua habang nilagay niya ang phone niya sa tainga, ang boses niya ay kasing lamig ng temperatura sa labas. “Sa tingin mo ba talaga ay walang may alam ng ginawa niyo ng nanay mo? Hindi magtatagal, lalabas din ang katotohanan na pinatay niyo ng nanay mo si Senior Howard at sinisi niyo ito kay Thomas. Kapag nangyari ‘yun, ang lahat ng mga tao sa bayang ito ay malalaman na walang hiya at malupit kayong dalawa!” Walang sagot mula kay Dan, at tumahimik ang pag uusap nila. Pagkatapos ng ilang sandali, sumigaw siya na par
Ngumiti si Joshua nang makita niya ang pagiging excited ni Luna. “Anong klaseng mga tao kaya sa tingin mo ang mga magulang ni Shelly?” Hindi inaasahan ni Luna na tanungin ito ni Joshua sa kanya. Huminto siya at nag isip siya bago siya tumawa. “Hiling ko lang na ordinaryong magkasintahan lang ang mga magulang niya. Mas mabuti kung masaya ang pamilya nila.” Ang pangunugsap na ito ay sinundan ng buntong hininga. “Sana ay si Shelly ay maging kasing swerte ni Riley; ang makasama ang mga magulang niya na mahal siya tulad ni Thomas at Yannie.” Ngumiti si Joshua dahil sa mga sinabi ni Luna. “Oo. Babalik tayo sa loob ng isang linggo, at dadalhin kita sa mga magulang ni Shelly.” Kumunot ang noo ni Luna. “Babalik tayo sa loob ng isang linggo?” Kahit na namimiss niya ang mga bata, matatapos ba talaga nila ang problema ni Thomas at Steven sa loob ng isang linggo? “Oo.” Habang yakap si Luna, lumingon si Joshua at tumingin siya sa harap na para bang nakatingin siya sa malayo at lagpas sa