Nang marinig ito ni Luna, tumingin siya kay Gwen, kumunot ang noo niya, pagkatapos ay lumingon siya para tumingin kay Denise. “Ms. Hughes, noong sinabi mo na magpakita ng awa sa kapatid mo, ibig mo bang sabihin…” Pumikit si Denise at nagbuntong hininga siya. Sa huli, dumilat siya at tumingin siya kay Gwen. “Umaasa lang ako na matutulungan kita na ipaghiganti ang pagkamatay ng boyfriend mo at parusahan ang mga nanloko at bumastos sa kanya, Ms. Larson… patawarin mo ang kapatid ko para sa mga maling ginawa niya.” “Lagi kong iniisip noon na isang biktima lang dito ang kapatid ko. Wala siyang ideya kung ano ang nangyari at wala siyang ginawang masama, pero tutal, ginagamit niya pa rin ang katawan ng boyfriend mo, kaya sana ay kapag natulungan ko kayong makuha ang gusto niyo, hahayaan niyo na lang ang kapatid ko. Hindi ko kailangan humingi ng tulong niyo para humingi ng tawad kela Thomas at Yannie ang gusto ko lang ay maging ligtas ang kapatid ko. Siya ay…” Naiipit ang paghinga ni Deni
Kumunot ang noo ni Luna habang tumingin siya kay Denise, pagkatapos ay hinawakan niya ang phone niya at naglakad siya palabas ng kwarto. Sina Gwen at Denise na lang ang naiwan sa kwarto. Tila tumahimik ang buong kwarto. “Pwede mo ba akong tulungan sa isang bagay?” Si Denise ang unang sumira sa katahimikan. Agad na nawala ang pagkatulala ni Gwen. Tinaas ni Denise ang mga kamay niya, nakatali pa rin ito, at ngumiti siya kay Gwen. “Namamanhid na ang mga kamay ko dahil sa tali.” Pagkatapos mag isip ng ilang sandali, nagbuntong hininga si Gwen at tinanggal niya ang tali ni Denise. “Salamat.” Pinagdikit ni Denise ang mga kamay niya, may mga paso ito mula sa tali, at nagbuntong hininga siya. “Malapit ba… kayo dati ni Steven?” Ang tanong ni Gwen habang pinapanood niya ang pagbalik ng kulay sa mukha ni Denise. Tahimik ng ilang sandali si Denise bago siya tumango. “Lagi kaming… magkasama dati.” Tumingin siya sa labas ng bintana habang malayo ang kanyang iniisip. “Parang prin
Tinikom ni Gwen ang mga labi niya nang marinig niya ito, ngunit hindi siya sumagot. Pagkatapos ng mahabang sandali, naintindihan niya na ito at sinabi niya, “Sige. Pangako.” Dati, nabigo siya na isipin na si Steven ay isang tao din na may pamilya at mga taong minamahal. Dahil sina Steven at Denise ay pumayag na magbayad para sa mga nangyari… hindi niya na kailangan magpatuloy na pigilan si Steven na magkaroon ng karapatan na mabuhay ng malaya, at wala nang obligasyon si Steven na gumawa ng kahit ano para kay Luke. Ito ang pinakamagandang bagay na pwedeng mangyari. “Salamat.” Nagbuntong hininga si Denise at bumaba siya ng kama, pagkatapos ay umupo siya sa upuan ni Luna. Tumitig siya sa audio files sa screen ng laptop at tinanong niya, “Ito ang lahat ng recording ng pag uusap sa pagitan ni Steven at nila Mr. at Mrs. Hughes, hindi ba?” Tumahimik ng ilang sandali si Gwen, medyo nairita siya dahil umupo si Denise sa upuan ni Luna at tumingin sa laptop ni Luna ng walang permiso.
Hindi na narinig ni Gwen ang kahit anong sinabi ni Steven pagkatapos nito. Kinagat niya ang labi niya, at kahit na nakatingin pa rin siya sa screen ng laptop, malayo na ang kanyang iniisip. Bumalik sa isip niya ang lahat ng pakikipag usap niya kay Steven. Pagkatapos, ang alaala ni Luke. Nakahiga silang dalawa sa bubong sa hatinggabi, tumitingin sa mga bituin habang ang mga braso ni Luke ay nakayakap sa kanya. Ngumiti si Luke at sinabi, “Gwen, minsan hinihiling ko talaga na pwede nating ibalik ang oras.” “Kung hindi sana ako napunta sa ganitong trabaho, at kung nakilala lang kita bago ako maging isang gangster.” “Minsan, iniisip ko kung mas mabuti kung ako ay naging isang mabait at gwapo na ginoo na may magandang family background at edukasyon.” “Kung isang taong ganoon ako, walang kahit sino ang magbabanggit ng nakaraan mo, at ang lahat ay magbibigay ng basbas nila sa atin.” “Gwen, sana talaga ay kapag nagkita tayo sa susunod na buhay natin, hindi na natin kailangan h
Sa balkonahe. Huminga ng malalim si Luna at naging kalmado siya bago siya nagdial sa number ni Yannie. Gustong malaman ni Denise kung ano ang nangyari kay Thomas, at sa opinyon ni Luna, walang may ibang mas alam nito kumpara kay Yannie. Agad na sinagot ni Yannie ang phone niya. “Hello, Luna.” Tinikom ni Luna ang mga labi niya. “Yannie, kamusta… ang sitwasyon dyan?” Huminto ng ilang sandali si Yannie, pagkatapos ay lumingon siya at tumingin siya sa kwarto. Sa tulong ng mga doctor at nurse, mabagal na nagbibihis ng damit si Thomas. “Hindi ako… sigurado.” Sa hindi malamang rason, nagkaroon ng amnesia si Thomas tungkol sa mga pangyayari. Hindi niya maalala ang kahit anong nangyari sa Howard Mansion, hindi niya maalala ang kahit anong nangyari pagkatapos mabaril si Senior Howard. Tila nawala ang lahat ng alaala niya pagkatapos nito. Ngunit, malabo niyang naaalala na may naglagay ng gamot sa pagkain niya, at naalala niya na sumiping siya sa isang babae, ngunit hindi niya mala
Tumigas ang buong katawan ni Yannie nang marinig niya ito. Mabilis niyang ibinaba ang phone at tumalikod siya. Nakatayo si Thomas sa likod niya at nakakunot ang noo. Dahil sa epekto ng gamot, mas mahina ang itsura ni Thomas, at ang mukha niya ay kasing putla ng isang piraso ng papel. Gayunpaman, ang mga mata niya ay puno ng pag aalala. “Sino ang kausap mo? Sino ang hindi rumerespeto sayo? Si Luna ba o si Joshua?” Napatalon ang puso ni Yannie dahil dito. Kinagat niya ang labi niya at lumingon siya. “Wala.” Pagkatapos, hinawakan niya ang kamay ni Thomas. “Tara na. Kailangan natin… bisitahin agad ang tatay mo.” Kumunot ang noo ni Thomas. Tumalikod siya para yakapin si Yannie. “Yannie, ikaw ang mahal ng buhay ko, at hindi ko hahayaan na saktan ka ng kahit sino.” “Wala kang kailangan itago mula sa akin. Kung hindi patas sina Luna at Joshua sayo o sinubukan ka nilang saktan, dapat mo itong sabihin sa akin, at lagi akong nandito sa tabi mo.” Pagkatapos, yumuko siya at mahinay
Hindi kilala ni Yannie kung sino ang lalaking ito, ngunit nang makita niya na naglalakad ito ng galit patungo kay Thomas, napatalon siya sa harap ni Thomas para protektahan ito. Pak! Ang sampal ng lalaki ay tumama ng malakas sa mukha ni Yannie. Tumahimik ang buong hallway dahil dito. Ang lahat, pati ang matangkad na lalaki at si Thomas, na siyang kakalabas lang ng elevator, ay nabigla at hindi makapagsalita. Makalipas ang ilang sandali, niyakap ni Thomas si Yannie at tumingin siya ng masama sa lalaki. “Dan, kung may problema ka sa akin, ako ang harapin mo sa halip na saktan mo ang isang inosenteng babae!” Napagtanto ni Yannie na ang matangkad na lalaking ito ay walang iba kundi si Dan Howard, ang kapatid sa tatay ni Thomas. Agad na bumalik sa sarili si Dan nang marinig niya ito. Tumingin siya ng malamig sa kapatid niya at galit niyang sinabi, “Kung hindi sumulpot bigla ang babaeng ito, ikaw sana ang sasalo nito!” Pagkatapos, muli siyang lumapit kay Thomas, sumigaw siya, “
Lumingon sina Thomas at Yannie nang marinig nila ito. Sa mga sandaling ito, nakatayo si Joshua sa pinto sa harap ng kwarto ni Senior Howard, kalmado siyang nakatingin sa kanila. Klaro na nasa loob siya ng kwarto kanina pa at lumabas lang siya nang marinig niya ang kaguluhan. Ito ang rason kung bakit naghihintay sina Tina at Dan sa labas ng kwarto sa halip na kasama nila si Senior Howard. Habang iniisip ito, tumingin si Thomas kay Yannie, pagkatapos ay tumingin siya kay Joshua. Nagdalawang isip siya bago siya pumunta sa hallway, nilagpasan niya si Joshua, at pumasok siya sa kwarto. Sumara ang pinto sa likod niya. Mabilis na naglakad si Yannie sa tabi ni Joshua at bumulong siya, “Mr. Lynch, ang tatay ni Thomas…” “Ayos lang siya,” Ang kalmadong sagot ni Joshua. “Mabuti na lang, walang kritikal na tinamaan ang bala ni Thomas, kaya maayos ang kondisyon niya ngayon. Pero…” Lumingon siya para tumingin sa saradong pinto at nagbuntong hininga siya. “Ang hindi pagkakaunawaan sa pag