Natahimik sina Luna at Gwen sa narinig. Tahimik ang buong kwarto maliban sa ingay ng mabagal na paghinga ni Denise.Medyo natigilan si Luna dito.Ang audio clip ay nagpatuloy sa paglalaro ng pagtatalo sa pagitan ni Steven at ng kanyang mga magulang."Paano mo nasabi ito, Tatay? Kapatid ko siya!""Steven, alam na alam mo na inampon namin ng nanay mo si Denise. Kung hindi dahil sa atin, mas masahol pa ang lugar na napuntahan niya kaysa ngayon. Ang tanging dahilan kung bakit namin siya kinupkop—na nagbigay sa kanya ng isang komportableng buhay at inalagaan siya na parang sarili namin—na gusto naming mag-ambag siya sa pamilyang ito."Ang tanging hiniling namin sa kanya bilang kapalit ay ang pakasalan si Thomas upang ang aming pamilya ay maging mas makapangyarihan at matulungan ang iyong karera sa hinaharap."Gayunpaman, pagkatapos ng maraming taon, hindi lamang siya nabigo dito, ngunit pinahintulutan pa niya si Thomas na mag-uwi ng isa pang babae at pati na isang sanggol …”"Nawala
Sumulyap si Luna kay Gwen nang matapos ang recording.Si Gwen naman ay napalingon sa kanya.Parehong bakas sa mukha nila ang hindi pagkapaniwala.Paano ito nangyari?Hindi ba pinakamahal ng pamilya Hughes si Denise nang higit sa iba? Hindi ba sinabi ni Steven na halos tratuhin ni Mr. at Mrs. Hughes si Denise na parang sa kanila?Paano nila napiling sumuko kay Denise nang ganoon kadali matapos malaman na nasaktan niya si Thomas?"Kahit na dapat kong sabihin, ito ay tila medyo pare-pareho sa kanilang estilo." Si Gwen ang unang nakawala sa kanyang pagkatulala. Ngumisi siya at idinagdag, "Mahigit dalawang dekada na ang nakalipas, iniwan nila ang isang taong gulang na sanggol dahil lang sa kanilang mga paniniwala sa pamahiin, kaya hindi na tayo dapat magtaka na pipiliin nilang sukuan ang kanilang anak na babae para lang mapunta sa magandang panig nina Thomas at Joshua. Anuman…"Ngumisi si Gwen at lumingon kay Denise. "Hindi ko maiwasang makaramdam ng sama ng loob para sa kanya. Ayon
Naluluha ang mga mata ni Denise habang nakatitig sa kanila.Saglit na natigilan si Gwen, saka agad sinulyapan si Luna. "Siya…"Napakunot naman ng noo si Luna sa sobrang inis. "Akala ko natutulog siya, kaya tinanggal ko ang tuwalya sa bibig niya para hindi siya mabulunan."Wala sa kanilang dalawa ang inaasahan na magigising si Denise sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap."Narinig ko ang lahat." Napabuntong-hininga si Denise nang mapansin ang pagkalito ni Luna at taimtim na sinabi, "Hindi ko kailanman...naisip na ang mga bagay ay magiging ganito."Si Denise ay palaging isang mahusay na artista.Mula pa noong bata pa siya, kailangan niyang matuto ng mga paraan ng pagpapanggap na pagsunod upang ilayo ang atensyon sa kanyang kapatid, kaya kinuha niya ang kasanayang magpanggap na natutulog sa tuwing gusto siya ng mga matatanda. Hindi lang iyon, nagawa pa niyang gumising kapag kinakailangan para pakalmahin ang mga matatanda.Kahit na unti-unti siyang nakikita ng mga matatanda sa kanyan
Nang marinig ito ni Luna, tumingin siya kay Gwen, kumunot ang noo niya, pagkatapos ay lumingon siya para tumingin kay Denise. “Ms. Hughes, noong sinabi mo na magpakita ng awa sa kapatid mo, ibig mo bang sabihin…” Pumikit si Denise at nagbuntong hininga siya. Sa huli, dumilat siya at tumingin siya kay Gwen. “Umaasa lang ako na matutulungan kita na ipaghiganti ang pagkamatay ng boyfriend mo at parusahan ang mga nanloko at bumastos sa kanya, Ms. Larson… patawarin mo ang kapatid ko para sa mga maling ginawa niya.” “Lagi kong iniisip noon na isang biktima lang dito ang kapatid ko. Wala siyang ideya kung ano ang nangyari at wala siyang ginawang masama, pero tutal, ginagamit niya pa rin ang katawan ng boyfriend mo, kaya sana ay kapag natulungan ko kayong makuha ang gusto niyo, hahayaan niyo na lang ang kapatid ko. Hindi ko kailangan humingi ng tulong niyo para humingi ng tawad kela Thomas at Yannie ang gusto ko lang ay maging ligtas ang kapatid ko. Siya ay…” Naiipit ang paghinga ni Deni
Kumunot ang noo ni Luna habang tumingin siya kay Denise, pagkatapos ay hinawakan niya ang phone niya at naglakad siya palabas ng kwarto. Sina Gwen at Denise na lang ang naiwan sa kwarto. Tila tumahimik ang buong kwarto. “Pwede mo ba akong tulungan sa isang bagay?” Si Denise ang unang sumira sa katahimikan. Agad na nawala ang pagkatulala ni Gwen. Tinaas ni Denise ang mga kamay niya, nakatali pa rin ito, at ngumiti siya kay Gwen. “Namamanhid na ang mga kamay ko dahil sa tali.” Pagkatapos mag isip ng ilang sandali, nagbuntong hininga si Gwen at tinanggal niya ang tali ni Denise. “Salamat.” Pinagdikit ni Denise ang mga kamay niya, may mga paso ito mula sa tali, at nagbuntong hininga siya. “Malapit ba… kayo dati ni Steven?” Ang tanong ni Gwen habang pinapanood niya ang pagbalik ng kulay sa mukha ni Denise. Tahimik ng ilang sandali si Denise bago siya tumango. “Lagi kaming… magkasama dati.” Tumingin siya sa labas ng bintana habang malayo ang kanyang iniisip. “Parang prin
Tinikom ni Gwen ang mga labi niya nang marinig niya ito, ngunit hindi siya sumagot. Pagkatapos ng mahabang sandali, naintindihan niya na ito at sinabi niya, “Sige. Pangako.” Dati, nabigo siya na isipin na si Steven ay isang tao din na may pamilya at mga taong minamahal. Dahil sina Steven at Denise ay pumayag na magbayad para sa mga nangyari… hindi niya na kailangan magpatuloy na pigilan si Steven na magkaroon ng karapatan na mabuhay ng malaya, at wala nang obligasyon si Steven na gumawa ng kahit ano para kay Luke. Ito ang pinakamagandang bagay na pwedeng mangyari. “Salamat.” Nagbuntong hininga si Denise at bumaba siya ng kama, pagkatapos ay umupo siya sa upuan ni Luna. Tumitig siya sa audio files sa screen ng laptop at tinanong niya, “Ito ang lahat ng recording ng pag uusap sa pagitan ni Steven at nila Mr. at Mrs. Hughes, hindi ba?” Tumahimik ng ilang sandali si Gwen, medyo nairita siya dahil umupo si Denise sa upuan ni Luna at tumingin sa laptop ni Luna ng walang permiso.
Hindi na narinig ni Gwen ang kahit anong sinabi ni Steven pagkatapos nito. Kinagat niya ang labi niya, at kahit na nakatingin pa rin siya sa screen ng laptop, malayo na ang kanyang iniisip. Bumalik sa isip niya ang lahat ng pakikipag usap niya kay Steven. Pagkatapos, ang alaala ni Luke. Nakahiga silang dalawa sa bubong sa hatinggabi, tumitingin sa mga bituin habang ang mga braso ni Luke ay nakayakap sa kanya. Ngumiti si Luke at sinabi, “Gwen, minsan hinihiling ko talaga na pwede nating ibalik ang oras.” “Kung hindi sana ako napunta sa ganitong trabaho, at kung nakilala lang kita bago ako maging isang gangster.” “Minsan, iniisip ko kung mas mabuti kung ako ay naging isang mabait at gwapo na ginoo na may magandang family background at edukasyon.” “Kung isang taong ganoon ako, walang kahit sino ang magbabanggit ng nakaraan mo, at ang lahat ay magbibigay ng basbas nila sa atin.” “Gwen, sana talaga ay kapag nagkita tayo sa susunod na buhay natin, hindi na natin kailangan h
Sa balkonahe. Huminga ng malalim si Luna at naging kalmado siya bago siya nagdial sa number ni Yannie. Gustong malaman ni Denise kung ano ang nangyari kay Thomas, at sa opinyon ni Luna, walang may ibang mas alam nito kumpara kay Yannie. Agad na sinagot ni Yannie ang phone niya. “Hello, Luna.” Tinikom ni Luna ang mga labi niya. “Yannie, kamusta… ang sitwasyon dyan?” Huminto ng ilang sandali si Yannie, pagkatapos ay lumingon siya at tumingin siya sa kwarto. Sa tulong ng mga doctor at nurse, mabagal na nagbibihis ng damit si Thomas. “Hindi ako… sigurado.” Sa hindi malamang rason, nagkaroon ng amnesia si Thomas tungkol sa mga pangyayari. Hindi niya maalala ang kahit anong nangyari sa Howard Mansion, hindi niya maalala ang kahit anong nangyari pagkatapos mabaril si Senior Howard. Tila nawala ang lahat ng alaala niya pagkatapos nito. Ngunit, malabo niyang naaalala na may naglagay ng gamot sa pagkain niya, at naalala niya na sumiping siya sa isang babae, ngunit hindi niya mala